Allyson's Point of View
Pinatagal ko pa ang pagyakap ni Travis sa akin bago ako humugot ng lakas at nakangiti siyang hinarap. Bahala na kung hindi siya pumayag, gusto ko lang namang ipaalam sa kaniya.
"Gusto kong makausap si Austin." seryosong saad ko dito at tulad ng inaasahan ay awtomatikong kumunot ang kaniyang noo.
"Hindi pwede! Baka---" Tinakpan ko ang bibig nito at tinaasan siya ng kilay. Hindi ko naman kailangan ng opinyon niya.
"Alam ko kung ano ang gusto mong sabihin sa akin, pero hindi mo ako pwedeng pagbawalan at hindi ka rin pwedeng magselos ngayon sa kaniya. Hindi rin naman ako magtatagal." paliwanag ko at ngumiti naman siya.
"Okay, sasama na lang ako sa 'yo upang makapante ako sa kalagayan mo. Hindi na ako papayag na mawala ka pa sa paningin ko." saad nito at tumango ak
Chad's Point of View"Bakit nandito si Mr. Tan? Hindi ba family time nila ngayon?" naguguluhang tanong ni Shiloah kaya nagmamadali akong pumunta sa opisina nito.Hindi naman siguro sila nag-away ni Allyson kaya nakakapagtataka lang na bigla siyang pumunta dito. Ang saya pa nga niya kahapon habang nagpapaalam na hindi siya papasok ngayon.Mabuti na lang at may dala akong ipad kaya hindi siya magtataka kung bakit ako nandito."Hindi ko inaasahan na makikita kita dito ngayon." saad ko at tuluyang pumasok sa kaniyang opisina. Seryoso ang mukha nito habang nakasunod ng tingin sa akin. Hindi pa nga ako nakakaupo ay nananakot na naman siya."Ano ang ginagawa mo dito?" bungad na tanong niya sa akin at ngumiti naman ako. Binuhay ko ang ipad at kunwari nagulat sa stocks."Masaya la
Allyson's Point of ViewPagpasok ko sa aking unit ay kaagad akong nagulat. Lahat ng arrangements ng mga gamit ay maayos at makikita talaga sa mga gamit na maayos ang pag-aalalaga ng mga ito. Hindi ito ang inaasahan kong makita. Bukod pa sa maayos na arrangements, ay nakabukas pa ang ilaw pagpasok ko at may mga nakakakalat na balloons sa buong lugar.Dahan-dahan pa akong pumasok at nang matapat ako sa pinto ng aking kwarto ay awtomatikong bumukas ang tv. Litrato namin ni Travis ang nandun at may mga christmas lights na kaagad umilaw. Hindi ko mapigilan ang sariling hindi mapaiyak. Alam ko na si Travis ang may gawa ng lahat ng 'to. Ang buong akala ko ay maglilinis lang talaga ako ngayon.Iba't ibang memorya ang kaagad na bumalik sa aking ala-ala. Mula sa unang beses na tumira si Travis dito hanggang sa umalis ako sa unit. Lahat ay bigla kong naalala. Hindi ko inaasahang masyadong mabilis ang t
Chad's Point of ViewSinadya ko talaga na sabihin kay Travis ang ideya ko ng kasal. Nagbabakasakali lamang ako na baka ay pwede na ilibre niya na lang kami ni Zia. Kaya ko namang bigyan ng magandang kasal si Zia, pero mas maganda pa rin ang libre at para na rin makatipid kami."Ang panget siguro ng naiisip mo kaya sinabi mo na hindi modern ang naiisip ko." reklamo ko umirap siya."Walang babae ang sasaya kapag nalaman nila ang plano mo sa isang kasal. Mastadong baduy." reklamo niya kaya humarang ako sa kaniyang harapan. Kunot noo naman siyang napatingin sa akin."Anong hindi modern? Nagustuhan kaya ni Zia ang ideya ko. Ang sabi pa nga niya ay maganda raw ang exotic na may halong European style dahil doon siya galing." buong tapang kong sagot at pinitik niya ang noo ko. Pasalamat talaga siya at hindi pwedeng galawin ang u
Allyson's Point of View"Yuri Tan!" malakas na sigaw ni Travis ang maririnig sa buong lugar.Sabay kaming napatingin ni Yuri sa aking likuran. Galit na galit si Travis habang naglalakad palapit sa akin. Nakakatakot talaga siya kapag nagagalit. Parang hindi siya si Travis kapag galit."Kuya!" masiglang tawag ni Yuri na parang wala siyang binabalak na masama. Ang bait niya kapag nakikita niya si Travis. Hindi mo talaga aakalaing plano niya na akong patayin."Huwag mo akong tatawaging kuya, dahil hindi kita kapatid. Itigil mo na ang kahibangan na 'to. Ibaba mo na ang dinadala mo." mahinahong saad ni Travis kay Yuri."Bakit naman ako makikinig sa 'yo?Hindi ka naman kasali dito kaya umalis ka na lang. Get out!" bulyaw ni Yuri pabalik kay Travis pero hindi nakinig si Travis."Itigil mo na ito habang maaga pa, Yuri. Ipinapahamak mo lang naman ang sarili mo." saad ni Travis dito at mas lalo pa akong itinago sa kaniyang likod.Siguro ay nahalata ni Yuri ang ginawa ni Travis, kaya humakbang din
Chad's Point of ViewSa nakikita ko ngayon kay Travis ay may masama sa kaniyang katawan. Hindi naman kasi nito bastang pinapaalis si Allyson lalo na ngayon at kagigising niya lang.Pagkaalis ni Allyson ay kaagad kong nilapitan si Travis. Napapakamot siya sa kaniyang mga mata habang nakakunot noo."Anong problema? Sigurado ako na hindi maayos ang kalagayan mo." nag-aalalang tanong ko dito at tumango siya. Tumigil siya sa kaniyang ginagawa at tumingin sa kawalan."Hindi ako makakita ng maayos, Chad." nag-aalalang sagot niya at inaamin ko na parang nablangko ang isipan ko. Ito na nga ba ang sinasabi ko noon pa man."Sinabihan na kita dati na pumayag ka na sa operasyon para naman maging maayos na ang paningin mo, pero hindi ka man lang nakinig sa akin. Masyadong matigas ang ulo mo kaya ayan tuloy ang nangyari sa 'yo." pangaral ko sa kaniya at nanatili lamang siyang tahimik habang pilit na tumatayo mula sa pagkakahiga."Saan ka naman pupunta aber? Hindi ka na nga makakita tapos aalis ka pa
Travis Point of ViewInaamin ko na hindi ko talaga alam ang gagawin ko matapos kong marinig ang boses ni Allyson. Pakiramdam ko ay mas malaki ang problema na 'to keysa sa problema sa kompanya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kaniya tungkol sa tanong niya. Hindi pa naman kasi ito ang tamang oras upang malaman niya ang lahat."Uulitin ko ang tanong ko, Travis. Ano ang hindi ko pwedeng malaman?" seryosong tanong nito mula sa aking likuran kaya hindi ko magawang lingunin siya.Pasimple kong tiningnan si Chad, pero nakaiwas ang tingin niya sa akin na tila wala siyang planong sumali sa usapan namin ni Allyson. Ngayon pa talaga siya natakot kung kailan kailangan ko ng karamay."Ibalik mo muna ako sa kwarto ko, Chad. Medyo nahihilo pa ako." palusot ko at dali-dali namang itinulak ni Chad ang wheelchair palayo."Akala ko ba handa kang ibuhis ang buhay mo? Bakit natahimik ka kanina kay Allyson?" reklamo ko habang pabalik kami sa kwarto."Baliw ka ba? Asawa mo 'yun at alam mo naman ku
Mr. Chan's Point of ViewNaninibago ako sa pakikitungo ni Austin sa akin, para kasi itong may masamang balak at ako ang naisipan niyang gamitin. Medyo kinabahan ako nang makipag-laro siya sa akin ng golf ngayon na kung tutuusin ay hindi niya hilig ang golf.Tahimik lang akong nakikipaglaro sa kaniya at kahit naiinis ako na palagi akong natatalo ay hinayaan ko na lang siya. Wala naman akong planong sumali sa kung ano ang nais niyang mangyari."Masyado mo naman yata akong binibigyan ng pabor, Mr. Chan." saad nito kaya nagtaas ako ng tingin sa kaniya.Nakangiti ito na tila hindi natutuwa sa nangyayari. Masyado pa siyang bata, pero hinahamon niya na ang isang matandang kagaya ko. Ang taas ng tingin niya sa kaniyang sarili.Pinili kong hi
Allyson's Point of ViewPagkauwi ko sa bahay ay hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at kaagad naghanap ng maaaring lunas sa sakit ni Travis. May ideya na ako sa kung ano ang sakit niya at kailangan ko lang ng confirmation upang mapatingnan ko siya sa magaling na doktor."May nakita ka na ba?"Napaangat ako ng tingin dahil sa biglaang pagsasalita ni Zia. Nauna kasi akong umuwi sa kaniya."Naghahanap pa ako ng tamang tawag sa sakit niya. Wala kasi akong masyadong alam sa nararamdaman niya ngayon." sagot ko dito at ipinagpatuloy ang paghahanap."Masyado bang seryoso ang kondisyon niya?" muling tanong nito at ngayon ay naglapag na siya ng wine.Tumango ako sa kaniya bago ibinaba ang c
Allyson's Point of ViewMasyadong marami ang nangyari sa buhay ko. Sa loob ng limang buwan ay hindi ako makapaniwalang mapapaibig ako ni Travis. Sa ugali palang nito ay malabo ko na itong magustuhan, pero binago niya ang ugali niya na kinaiinisan ko. Lahat ng gusto ko sa isang lalaki ay sinubukan niyang sundin. Noong una nga ay hindi ako makapaniwala na magkakaroon ng panahon na magkakasundo kami ni Travis. Katatapos nga lang ngayong araw ang conmpetition at sa hindi ko inaasahang pangyayari ay si Zia pa ang kinuha kong mode. Hindi nga sana ako papayag na siya ang magiging model ko dahil nalaman ko na galing pala siya sa isang mayaman na pamilya, pero nagpumilit siya dahil gusto niya raw itayo ang sarili niyang pangalan. "Mauuna na muna ako sayo Ally at baka hanapin ako ng kapatid ko." paalam ni Zia sa akin nang pabalik na kami sa room namin. Tumango lang ako sa kaniya at pagkatapos na sa aming kwarto. Uuwi rin naman ako ngayon dahil tapos na ang kompetisyon. Bago ako dumiretso sa k
Allyson's Point of ViewTulad ng napag-usapan namin kahapon ni Travis ay nagsama kami upang bisitahin ang Lola niya. Namili pa ako ng formal na damit upang magmukha akong tao sa harapan niya. Isang buwang sahod rin ang nagamit ko para sa damit na suot ko."Hindi ka ba marunong ngumiti?" biglang tanong ni Travis kaya tiningnan ko ito. Kasalukuyan kaming nakatayo sa labas ng bahay ng Lola niya. Inaaasahan ko na sobrang laki nito upang hindi ako magulat."Hindi naman kasali sa agreement natin na kailangan kong ngumiti ng walang dahilan." sagot ko dito. Agad namang kumunot ang noo nito."Ang akin lang naman ay baka isipin ng mga tao sa loob ng bahay na pinilit lang kita dito. " Nag-iwas ako ng tingin at muling tumingin sa bahay."Hindi ba't iyon naman talaga ang totoo." sagot ko dito. Talagang napilitan lang naman ako dito."Mag-asawa tayo ngayon, kaya dapat lang mag-asawa rin ang kilos natin. Sa posisyon natin ngayon para lang tayong nasa isang blind date." saad nito, pero hindi ko siy
Allyson's Point of ViewMas napili kong pumasok ng maaga upang mas madali kong matapos ang gagawin ngayon. Kailangan kong matapos ang trabaho ko sa Soul Empire bago pa malaman ni papa na nagkita na kami ni Mr. Tan. Baka mas lalo niya lang akong piliting magpakasal sa lalaki. "Ally, anak" Gulat akong napatingin sa lalaking sumalubong sa akin.Hindi ko inaasahan na pati sa trabaho ko ay aabot siya para lang kulitin ako sa gusto niyang mangyari."Ano sa tingin niyo ang ginagawa mo dito?" taas kilay jong tanong.Wala pa namang ibang empleyado dahil masyado pang maaga at isa pa ay alam na ni Auntie na hindi maganda ang samahan namin ni papa."Sinubukan kitang tawagan kagabi, pero hindi ka naman sumasagot. Kinakabahan tuloy ako kaya pumunta na ako dito upang kumustahin ka." kunwari nag-aalalang saad nito, pero kung titingnang mabuti ang sitwasyon ay nandito siya para makuha ang sagot ko."Huwag na po tayong maglokohan dito at masasayang lang ang oras ko. Ano po ba talaga ang pakay niyo sa
Allyson's Point of View Maaga akong bumisita sa puntod ni mama. Gusto kong sabihin sa kaniya ang plano ko para sa nalalapit na kompetisyon. Ito kasi ang pangarap namin noong nabubuhay pa siya. Alam kong wala siya sa tabi ko, pero sigurado naman ako na nakatingin siya sa akin mula sa itaas. "Ma, pasensya kung ngayon lang ulit ako nakadalaw sa inyo. Masyado kasing marami ang naganap sa buhay ko. Kailangan kong ihanda ng maayos ang sarili ko para sa competition. Pangako ko sa inyo na ako ang mananalo kagaya ng nangyari sa inyo. I'll bring the trophy to you." nakangiting saad ko sa puntod nito. "Paniguradong masaya ang mama mo ngayon dahil nandito ka." Awtomakitong nawala ang ngiti sa aking labi. Sa boses pa lang nito ay may ideya na ako kung sino ang dumating. Siya lang naman ang taong kinaiinisan ko dahil mas pinili niya ang pangalawa niyang pamilya keysa sa akin. Tanda ko pa kung paano niya madaling napalitan ang nanay ko habang ako ay nagluluksa. "I'm here Christine" saad nito s
Allyson's Point of ViewMas lalo akong naging tamad nitong mga nagdaang araw. Palagi ko ring inaalala ang hitsura ko at pakiramdam ko ay mas tumaas ang confidence ko ngayon. Naninibago ako sa nangyayari ngayon sa buhay ko kahit hindi naman ito ang unang pagkakataon na nangyari ito.Kasalukuyang nakaupo si Tyrell sa gitna namin ni Travis. Kanina pa sila naglalaro kaya natulog lang ako dito sa sala. Nagulat na lang ako dahil pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin kaya nagising ako. Palagi akong natatawa kapag nakikita ko si Travis na problemado kay Tyrell. Minsan na lang kasi magkasama pagkatapos niyang gumaling. Laking pasalamat ko dahil nagawa pang maagapan ang buhay ni Travis kasi masyadong maliit sa 50% ang chance na mabubuhay pa siya matapos siyang mahulog mula sa pag-uusap nila ni Austin. "Ang sabi sa akin ni great grandma ay may baby sister po ako sa tummy mo!" Kahit hindi ito ang first time na may dala akong bata sa sinapupunan ko ay pakiramdam ko ay naninibago ako. Mas kai
A lot of things may changed, but my feelings for her won't fade. Siya lang ang babaeng gusto kong makasama sa bawat pagdilat ng mga mata ko.Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang nagawa naming lampasan ni Allyson ang lahat ng problema na magkasama.Buong buhay ko ay iginugol ko sa kompanya dahil ang gusto ko lang naman nuon ay ang palaguin ang mga bagay na ibinigay ng magulang ko at para na rin masuklian ang paghihirap nila para sa akin. Hindi ko inaasahang pagdating pala ni Allyson sa buhay ko ay mababago ang lahat ng pananaw ko sa buhay.Bukad sa pamilya ko ay siya ang unang babaeng nagbigay kulay sa buhay ko. Binigyan niya ako ng pag-asang maging mabait sa lahat na hindi ko inaasahang makakaya ko.My wife gave me strength to continue all the bottles I have right now and I can't imagine a life without her. Kahit na minsan ay nagagalit siya sa akin na walang rason ay hindi pa rin siya pumapalya sa pagpaparamdam sa akin na ako lang ang lalaki sa buhay niya.Dahan-dahan ak
Travis Point of View"Bumalik ako upang hanapin ka at alam 'yan ng pamilya ko, pero wala ka sa orphanage kaya si Yuri ang napili nila mommy na kunin. Iba ang sinabi nila sa akin sa sinabi mo ngayon. Pinaniwala nila ako na masaya sa tunay mong pamilya. Kung alam ko lang edi sana kinuha ka namin at hindi na sana tayo umabot sa ganito." mahinahong paliwanag ko dahil gusto ko na maintindihan niya ang gusto kong iparating sa kaniya."Sa tingin mo ba ay maniniwala pa ako sa mga kasinungalingan mo?"Hindi ako sumagot dito, pero aminado ako na hindi ako nagsisinungaling sa kaniya. Lahat ng sinabi ko ay totoo.Peke siyang natawa sa sinabi ko."Sinasabi mo ba sa akin ngayon na sa tinagal-tagal ng galit ko sayo ay pawang hindi pagkakaintindihan lamang? Hindi ako bobo Trav! I'm not that simple star na nakilala mo!" sigaw nito sa akin.Gusto ko sanang sumagot sa kaniya, ang kaso lang ay sumasakit ang ulo ko at mas lalong lumalabo ang paningin ko. Alam kong alam na ni Austin ang kalagayan ko, pero
Travis Point of ViewNaging mabilis sa akin ang mga pangyayari. Bigla na lang may tumakip sa mga mata ko kaya wala akong nakita kahit anino."Sino ka? Is that you Austin?" tanong ko dito habang pilit niya akong itinutulak. Kung hindi ako nagkakamali ay papunta kami sa sasakyan niya."Manahimik ka kung gusto mong makita ang anak mo." utos nito kaya hindi na lang ako nagsalita.Tahimik na nagmamaneho si Austin at minsan ay nagtatanong ito sa akin kung nakakakita pa ba ako o pinaglalaruan ko lang ba siya dahil ang tahimik ko. Inaasahan niya raw na magwawala ako ngayon."Huwag mong susubukang lokohin ako. Iba ako magalit." muling paalala nito sa akin."Kinapkapan mo na 'ko at nakuha mo na rin ang cellphone ko at pagkatapos ay tinakpan mo pa ang mga mata ko. Sa tingin mo ba ay may makikita pa 'ko?" naiiritang balik tanong ko sa kaniya.Siya na nga itong may lamang sa sitwasyon ngayon, pero masyado pa rin talagang praning."Ayusin mo lang!" saad nito at muling natahimik.Dahan-dahan kong ti
Austin's Point of ViewTahimik lang akong nakatingin sa direksiyon ni Tyrell at sa teacher nito. Sa hula ko ay hinihintay nila ang sundo ni Tyrell at kung hindi ako nagkakamali ay si Zia.Hindi ko gustong gawin ang bagay na 'to, pero wala na akong ibang paraan upang makausap si Travis. Hindi pwedeng hindi siya managot sa ginawa niya sa akin. Masyado na akong napupuno ng galit dahil sa mga ginawa niya."Tyrell!" tawag ko sa anak ni Allyson habang nakangiti ko itong nilapitan.Ngumiti lang sa akin ang teacher niya, pero nakahawak naman ang kamay nito sa bata."Uncle Austin! Bakit ngayon lang po kayo nagpakita? We are finally going abroad!" masiglang sagot nito sa akin.Mas lalo akong nakaramdam ng inis dahil parang wala lang kay Travis ang pagsira niya sa buhay ko."Kaya pala pinasundo ka sa 'kin ng mommy mo dahil aalis na pala kayo." malungkot kong saad sa bata at mukha namang naniwala ito."Bakit po kayo ang susundo sa akin? Diretso na po kami sa airport sabi ni mommy." inosenteng tan