Share

Kabanata 982

Kinagabihan, naabutan ni Avery si Elliot at ang designer pagkauwi niya.

Sinadya siya ng designer para sukatan siya.

“Mommy, gusto ko din ng magandang damit.” Naiinggit na sabi ni Layla.

“Baby, ang dami mo pang damit na hindi nasusuot. Ang gaganda nun ah!”

“Iba naman yun eh.”

“Paanong iba?”

“Pinakita sa akin ni Daddy yung sketch ng gown na isusuot mo. Ang ganda ganda!” Pagkatapos, biglang ngumiti si Layla at masayang nagpatuloy, “Ang sabi ni Daddy, pagagawan niya rin daw ako ng kagaya ng isusuot mo.”

Gulat na gulat na tumingin si Avery kay Elliot, “Sigurado ka pasusuotin mo ng weding gown ang anak mo?”

“He he, basta masaya siya.”

Hindi nagustuhan ni Avery ang ideya.

Una sa lahat, masyadong mahaba ang magiging gown niya kaya mahihirapan si Layla na gumalaw ng maayos.

Pangalawa, bakit ba hindi humihinsi si Elliot sa mga bata!

“Bakit ba masyado mo siyang iniispoiled? Tatanggapin mo nalang din ba kaagad-agad kapag may pinakilala siya sa atin balang araw na gusto niyan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status