Share

Kabanata 930

Pagkauwi ni Elliot, gusto niya na sanang dumiretso sa kwarto niya, pero bigla siyang tinawag ni Mrs. Scarlet.

“Master Elliot, nabalitaan mo na ba?”

Tumingin si Elliot kay Mrs. Scarlet. “Ang alin?”

“Yung tungkol sa mansyon ng Mommy mo.” Sobrang lungkot ng itsura ni Mrs. Scarlet habang nagsasalita. “Plano raw ibenta ng kapatid mo.”

Kumunot ang noo ni Elliot. “Kanino mo yan nabalitaan?”

“Tinawagan ako kanina ng pamangkin ko na sa real estate nag tatrabaho.” Mangiyak-ngiyak ang mga mata ni Mrs. Scarlet na nagpatuloy. “Master Foster, siguro wala na talagang pera ang kapatid mo kaya binibenta na nila ang mansyon.”

“Gusto mo bang bigyan ko sila ng pera?”

Umiling si Mrs. Scarlet. “Siyempre hindi! Wala silang utang na loob. Ang bait bait sakanila ni Madam Rosalie pero anong ginawa nila? Pinatay nila si Madam! Ang ibig kong sabihin ay bakit kaya hindi mo nalang bilhin ang mansyon? Para sa akin, mas maganda pa rin yun kaysa iba ang makabili. Isa pa… sa oras na mangyari yun, ano nalang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status