“Mr. Foster, kaya niyo na po bang tumayo? Hindi niyo na po ba kailangan ng wheelchair miyo?” Magalang na tanong ni Chad. Alam niya kung bakit hindi ginamit ni Elliot ang wheelchair nito ngayon at yun ay dahil ayaw nito ng anumang sagabal sa date nito kay Avery. At kahit siya rin naman siguro…hindi niya gugustuhing makipagdate habang nakaupo sa wheelchair. Kaya nakakainis talaga na binalewala lang nung Avery na yun ang lahat ng ginawa ng boss niya!Hinawi ni Elliot sina Ben at Chad. At kagaya ng nakasanayan, mukha itong galit. “Ayos lang ako.”“Gusto mong uminom? Tara!” Yaya ni ben sabay hawak sa braso ni Elliot. “Oh nandito rin pala sa malapit si Charlie Tierney, isama na natin siya.”Base sa itsura ni elliot, alam ni Ben na sobrang init ng ulo nito.Si Charlie ang nakatatandang kapatid ni Chelsea.Si Ben ang tumawag kay Charlie nang minsang galitin ni Chelsea si Elliot. Naka’base ang business ng Pamilyang Toierney sa Rosacus City. Bilang tagapagmana ng Tierney empir
Biglang pinagpawisan ng malamig si Avery. Sa sobrang kaba, dali-dali niyang pinatay ang kanyang laptop.At syempre, hindi niya naman gagawin yun kung thesis niya ang kanyang ginagawa. Dahil sa mga bagay na bumabagabag sakanya simula kanina pa, naisipan niyang gumawa ng plano. At yung planong ‘yun ay ang makipag divorce sa loob ng susunod na tatlong buwan. Iniisip ni Avery na kailangan nilang madivorce ni Elliot bago siya mag seven months. Yun lang ang naiisip niya para umabot siya sa huli niyang trimester at maipanganak niya ng walang inaalala ang kambal.Kung sakali namang hindi sumang’ayon sakanya ang tadhana at hindi sila makapag divorce, ang huli niyang naiisip ay bigla nalang siyang maglalaho na parang isang bula.Pero yun na siguro ang worst case scenario.Ang Avonsville na ang kanyang tahanan at kung siya ang masusunod, ayaw niyang umalis dito at dito niya gustong palakihin ang kambal. Kaya nang biglang pumasok si Elliot, gulat na gulat siya at nagmamadalin
Halos hindi makahinga si Avery sa nakakasunog pero kalmadong titig ni Elliot. "Sinasabi mo ba ang tungkol sa pag-alis ko ng maaga sa recital ngayon?" nagsimulng magpaliwanag si Avery pagkatapos ng ilang pag-aalinlangan. "Tinext ako ng kaibigan ko at sinabi niya na gusto niyang magpakuha ng litrato kasama ka pagkatapos ng palabas. Nalaman kong hindi mo gustong magpakuha ng litrato sa hindi mo kilala, at ayokong ipaliwanag sa kanya kung bakit tayo magkasama.""Bakit hindi?" tanong ni Elliot, kasing lamig ng yelo ang boses niya. "Hindi magiging mabilis ang usapan, hindi ba? Tsaka, ikaw at ako ay sobrang iba sa isa't-isa. Hindi lamang sa katayuan sa buhay pero sa... edad din. Gusto mo pa bang sumama sa mga kaibigan ko? Maaring isip bata kami minsan... Hindi ba nakakainis kung guguluhin ka nila dahil sa relasyon natin? Hindi ba mas maayos na magkaroon ka ng kaunting bagay na dapat alalahanin?"Sa katotohanan, ang tunay na rason kung bakit hindi niya gustong kitain ni Elliot ang mga ka
Ang mga nilalaman sa ibaba ng pamagat ay maikli at simple, para kay Avery na hindi malaman kung paano eksaktong makakaalis sa kanyang sitwasyon kahit na anong isip niya tungkol dito. Mayroon lang itong isang pangungusap: [Ang diborsyo kay Elliot Foster sa pagtatapos ng taon kahit na anong mangyari.]Ang halo ng galit at pait ay bumalot sa mukha ni Elliot. Binabago niya ang kanyang sarili para sa ikabubuti, pero halos lumuhod pa siya sa impyerno para iwanan si Elliot.Ginawa niya ang dokumento sa gabi bago... Pinaglaruan niya si Elliot na parang tanga!Habang pinupuno niya ng pagpapanggap si Elliot ng mga regalo at mga salita, nagpa-plano niya siyang tumakas sa kanyang kwarto!Akala ni Elliot na iba si Avery, pero ang tanging bagay na iba sa kanya ay mayroon siyang mala-ahas na mukha!Ang mga tao sa punong pagpupulong sa Sterling Group ay pansin ay kakaibang kalagayan ni Elliot. Sa pagkakataon na tumapak siya sa silid ng pagpupulong, nakakunot na ang kanyang noo at malamig an
"Siguro ay tadhana ito," ani Chad. "Kawawa naman ang nakakabata kong kapatid," sagot ni Charlie."Patawarin mo ako sa pagiging prangka ko, Mr. Tierny," sabi ni Tierny. "Pambihirang babae si Chelsea, pero sa kabila ng buong taon na ginugol niya sa tabi ni Mr. Foster, hindi pa rin siya nahulog dito. Kahit na gumugol siya sa susunod na dalawampu, tatlongpung taon sa tabi ni Elliot... Hindi pa rin siya mahuhulog dito."Ang bakas ng malisya ay dumaan sa mga mata ni Charlie at sinabi niya, "Salamat sa paalala."Sa gabing iyon, dinala ni Elliot ang tagapamahala ng kompanya para sa hapunan. Pagkatapos 'non, dinala siya ni Ben para sa inuman. Ang lahat ay alam ang hindi magandang kalagayan ni Elliot, pero walang nakakaalam kung ano ang rason 'non. Nang nagsimula na ang kalasingan sa mga mata ni Elliot, kinuha ni Ben ang baso ng alak palayo sa kanya. "Wala ka pang sinabi ngayon. Hindi ba na nakakalugmok na itipon mo na lang 'yan sa sarili mo?" Sinabi ni Ben habang pinapalit ang baso
Naamoy ni Avery ang alak kay Elliot kasama ang kaunting amoy ng tabacco. Maya maya, napansin niya ang grupo ng kalalakihan sa likod ni Ben na kinukuha ang kanilang mga telepono at ina-anggulo ang kanilang mga kamera sa kanya. Malamang ay mga kasama ito nila Ben. Binigyan ng isang malakas na tulak ni Avery si Elliot, iyon ay dahil nag-aalala siyang matumba si Elliot, inabot niya ito at hinawakan ang kanyang braso. Nang makita ito, nagmadali ang driver sa pagtulong, at ang dalawa ay pinwesto si Elliot sa likuran ng kotse.Nang maikulong ni Avery si Elliot, pinasa sa kanya ng driver ang isang bote ng tubig."Para po iyan kay Mr. Foster, Madam," sabi ng driver. Namula agad ng sobra ang pisngi ni Avery. Agad niyang kinuha ang bote sa tabi ng braso ni Elliot at tinanong, "Gusto mo ng tubig?"Pikit ang ang kanyang mga mata at mahigpit na nakakunot ang mga kilay na parang wala siya sa kumportableng mundo. Hindi siya sumagot sa tanong niya. Hindi sigurado si Avery kung hindi
Ang malamig at simoy ng hangin ng gabi ay pumasok sa sasakyan, dinadala ang buhok ni Avery at kinakalma ang kanyang mga ugat. Sinabi ni Elliot na hindi lang siya ang para sa kanya. Doon pa lang, nakita niya na kapag mas naging masigasig pa siya sa kanilang paghihiwalay, may posibilidad na papayag din siya kalaunan. Ang pagkabalisa na naramdaman niya ay napawi sa ginhawa sa nakakaaliw na pag-iisip. Nang makarating sila sa mansyon, si Mrs. Cooper at ang driver ay tinulungan si Elliot na makalabas sa sasakyan. Nakita ni Avery na inaasikaso naman siya ng maayos kaya tahimik siyang bumalik sa kanyang silid. Hindi ganoon katagal bago magpakita si Mrs. Cooper sa kanyang silid at sinabi, "Hindi pinapayan ni Master Elliot na hawakan siya kahit nino, Madam. Siguro ay subukan niyo po! Kailangan niyo lang po punasan ang kanyang mukha at tulungan siyang palitan ang mga damit niya."Punasan ang mukha niya at palitan ang mga damit?Walang pagtatanggi si Avery kung nasa hindi aktibong ka
"Pwede bang itigil mo na yang pagpapanggap na parang beybi," sabi ni Avery sa mahina at malumanay na boses habang pinupunasan ang mukha ni Elliot. "Sa tingin mo ba gusto kitang alagaan ng ganito? Ang baho mo. Amoy alak ka.. Hindi ba’t sobrang linis mo? Pakitang tao lang ba lahat nang iyon? Hindi ako magsasayang ng oras na tulungan ka kung hindi pa rin gumagaling ang mga paa mo." Ang tunog ng kanyang boses ay nagpakalma sa paghinga ni Elliot, at siya ay dinaig ng isang biglaang bangsakang antok. Parang hypnotic lullaby ang boses niya. Nang matapos na punasan ni Avery si Elliot, hinila niya ang mga saplot sa kanya at isinilid siya. Nang maglinis siya sa banyo at bumalik sa kwarto, mahimbing na ang tulog nito. Sa wakas ay nagpakawala siya ng malaking buntong- hininga. Umupo siya sa gilid ng kama at inilibot ang tingin sa buong kwarto. Ang memorya ng kung paano ang kanyang bawat kilos ay sinusubaybayan at naitala ng mga surveillance camera sa unang tatlong buwan na siya ay