Share

Kabanata 383

“Kung totoo mang may next life, sana hindi mo na kami makita ni Shea kaya dahil sa amin, nagdusa ka.”

Muli, walang Rosalie na sumagot.

Kasabay ng kamatayan, lahat ng galit, pangarap, tampo at mga tanong ay nawawala.

Mula ngayon, wala ng mamimilit sakanya na magpakasal ulit at magkaroon ng anak. Wala ng makaka miss sakanya o mag alala kung nakakain na ba siya o kung sapat ba ang tulog niya o kung masyado na siyang napapagod sa trabaho…

Hindi nagtagal, nagpapanic na bumalik si Cole sa ospital.

Noong nalaman niyang namatay ang kanyang lola, sobrang naging emosyonal siya.

“Paano namatay si lola ng ganun ganun nalang! Kahapon, pinapagalitan niya pa ako na maghanap na raw ako ng girlfriend.” Humahagulgol na sabi ni Cole. Nilabas niya ang phone ni Rosalie.

“Naka usap ko yung yaya ni lola. Sabi niya, bago daw mahulog si lola, may kausap siya sa phone kaya dinala ko rito yung phone niya.”

KInuha ni Elliot ang phone na may mangiyak-ngiyak na mga mata at tinignan ang call history nito
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status