Sa mansyon ni Elliot, buong magdamag siyang gising. Sa lagay ngayon ni Shea, di hamak na mas kaya na nito ang sarili nito. Kabisado na nga nito ang number niya. ‘Bakit ba kasi siya nagtatago?’Kagabi, nagpakalat si Elliot ng mga tao sa paligid ng Starry River pero wala siyang nakuhang kahit isang balita.Hindi na ganun kalamig ang panahon kumpara noon pero kung buong magdamag itong nasa labas, siguradong magkakasakit pa rin ito dahil sa hamog. ‘Saan ba kasi nagtatago si Shea?’‘May nagpatuloy kaya sakanya?’Walang ibang sinisisi si Elliot kundi ang sarili niya.Tumakas na ito bago ang una nitong surgery.Dahil nakita niyang mas tumalino na ito ngayon, ang buong akala niya ay mas lumawak na rin ang pag’intindi nito.Ilang beses niyang pinaliwanag ni Shea kung bakit kailangan nitong sumailalim sa pangalawang operasyon… ang buong akala niya ay naintindihan talaga nito ang mga sinabi niya. Oo… siguro nga naintindihan naman nito, pero bakit hindi niya man lang kasi tinanon
Biglang napatayo si Elliot mula sa kinauupuan niya.‘Nasa ospital si Shea?!‘Sinong nagdala sakanya doon?‘Bakit walang nagsabi sakanya na ooperahan na siya?’“Sinong nagdala kay Shea sa ospital? At nasaang ospital siya ngayon?!” Biglang napahawak ng mahigpit si Elliot sakanyang phone at nagmamadali siyang lumabas ng surveillance center. “Sorry kung hindi ko nasabi kaagad pero nandito kamu sa Elizabeth Hospital.” Sbai ng babae, sabay baba ng phone.Elizabeth Hospital!Sa Elizabeth Hospital nanaman!‘Akala ko ba sa Central Hospital ni Zoe gustong operahan si Shea?’Ibig sabihin… kagaya ng nangyari noon… tinawagan lang ulit si Zoe ng naghatid kay Shea..Sino namang naghatid kay Shea sa Elizabeth Hospital sa pagkakataong ito?Si Avery ba ulit?Pero…nasa bahay siya nito kagabi at wala naman doon si Shea..Alam niyang matigas ang ulo ni Shea pero pagdating sakanya, sobrang bait at masunurin nito.Imposibleng hindi ito lalabas kapag tinawag niya ito. Pakiramdam ni Elliot a
Sinubukan niya ulit na tawagan ang number ni Avery, pero bot pa rin ang sumalubong sakanya.Hindi siya makapaniwala sa naririnig niya!‘Bakit binababaan ako ni Avery?!’‘Naka’off ba ang phone niya?!’Hinanap ni Elliot ang number ni Mike at sinubukan niya itong tawagan.Alam niya na nakatira ito sa bahay ni Avery at sa iisang kumpanya rin ito nagtatrabaho kaya walang dahilan para hindi maging magkasama ang dalawa.Naguguluhan si Mike sa kung bakit siya tinatawagan ni Elliot. ‘Bakit niya ako tinatawagan?’‘Close ba kami?!’Tinignan ni Mike si Avery na nakahiga na sa kama nito, at doon niya narealize kung bakit tumatawag sakanya si Elliot.Sinagot niya ang tawag, pero bago pa man siya makapagsalita ay sumalubong na ang boses ni Elliot, na wala man lang maayos na pagbati. “Nasaan si Avery!”Nagulat si Mike.‘Anong kailangan niya kay Avery?!’“Natutulog siya, bakit? Anong kailangan mo sakanya?”Nakatitig si Mike kay Avery habang kinakausap si Elliot. Mga tatlong oras pala
“Ano gising ka na?” Pang’asar na tanong ni Elliot. Sumandal si Avery at minasahe ang ulo niya. “Oo kasi ginising mo ako. Bakit ka ba tumawag?”“Nakita ko na umalis ka ng alas diyes imedya kagabi, Avery. Saan ka pumunta?” Walang paligoy-ligoy na tanong ni Elliot.Sinipa ni Avery si Mike, na nakaupo sa tabi niya at tinignan niya ito para senyasan bago niya sagutin ang tanong ni Elliot. “Nag’inom si Mike kagabi. Tinawagan ako ng bar para sunduin siya. Lasing na lasing siya kagabi at natatakot ako na baka magising niya ang mga bata kaya sa hotel kami nagstay kagabi. Bakit? Wag mong sabihin na gusto mo ring mag bar hoping? Sabihan ko ba siya na yayain ka sa susunod?”Kumunot ang noo ni Elliot. ‘Bakit iba ang sagot ni Avery sa iniisip ko?’“May iba ka pa bang tanong?” Tanong ni Avery habang humihikab. “Kung wala na, matutulog na ako ulit. Pagod na pagod ako kagabi dahil nagpaalaga sa akin si Mike..”Noong akala ni Elliot na ibababa na ni Avery ang tawag, bigla itong nagpahabol ng
Nang makita ni Mike na nainis si Avery, bigla niyang tinakpan ang kanyang bibig. “Grabe, wala ka ng ibang bukambibig kundi Chad.” Nagbuntong hininga si Avery.“Hoy! HIndi ah! Isa pa hindi na siya nagtatanong.” Umirap si Mike. “Mas magaling pa rin akong uminom kaysa sakanya at sa tuwing umiinom kami, tumba siya kaya wala siyang pagkakataon na gisahin ako no!” Hindi naman nagdududa si Avery kay Mike. Ang kinatatakot niya lang ay baka may tinatago sakanya si Mike o baka bandang huli ay madulas ito kay Chad sa sobrang pagka inlove nito kay Chad. “Ikaw… pag nafall ka talaga kay Chad..”Biglang nabakas ang lungkot sa mukha ni Mike. Ayaw na niyang pag’usapan pa si Chad kaya bigla niyang binago ang topic, “Ano bang plano mo? Desidido ka na bang gamutin si Shea palagi ng palihim? Aba! Mukhang nakakatipid naman si Elliot ng sobra niyan!”Umiling si Avery. “Wala ng susunod diot. Hindi ko naman sa ayaw ko siyang tulungan pero medyo malala kasi ang kundisyon niya at siyempre may limita
Parang biglang umikot ang paligid para kay Elliot at halos mahimatay siya. ‘Nagsinungaling ba sa akin si Avery o si Shea ang nagiimagine ng kung anu-ano?’Hindi mapakaling tinawagan ni Elliot si Zoe para pabalikin ito sa ospital.Pati si Zoe ay kinabahan rin nang marinig ang tono ng boses ni Elliot. “Kumalma ka, Elliot. May nangyari ba kay Shea? Kakagising niya lang. Kailangan niya pang mag recover.”Biglang nahimasmasan si Elliot. ‘Pero… hindi naman ‘to nangyari kay Shea noong una nitong surgery…’Pagkatapos ng tawag, binalikan ni Elliot si Shea. “Katatapos lang ng surgery mo, Shea. Wag ka munang mag’isip masyado. Sige ka.. Sasakit ang ulo mo niyan.” Mahinahong sabi ni Elliot habang nakangiti kay Shea. “Nararamdaman ko na parang mas naging okay ka ah.”“Medyo masakit ang ulo ko,” Sagot ni Shea sabay hinga ng malalim. “Papunta na si Doctor Sanford. Tignan natin kung pwede ka niyang bigyan ng painkiller.”“Ayokong makita si Doctor Sanford.” Nakayukong sagot ni Shea na h
Sobrang kapani-paniwala ng drama ni Zoe pero hindi kumbinsido si Shea. Alam niya ang pinagkaiba ng taong nagsasabi ng totoo o ng nagsisinungaling o kapag tinitigan niya ang ito sa mga mata. Kaya alam niyang nagbabait-baitan lang sakanya si Zoe dahil sa kuya niya pero sa totoo lang ay alam niya namang wala talaga itong pakielam sakanya.“Sabi sa akin ng kuya ko, mag’thank you daw ako sayo. Ayoko.” Galit na sabi ni Shea. Nakangiting tinignan ni Zoe si Mrs. Scarlet, “Okay lang ba na iwanan mo muna kami ni Shea? Mag’uusap lang kami sandali.”Medyo nag’aalangan si Mrs. Scarlet dahil sobrang linaw ng bilin sakanya ni Elliot pero malaki rin ang respeto niya kay Zoe. Pagkalabas ni Mrs. Scarlet, naiinis na sinabi ni Zoe kay Shea, “Alam mo Shea, hindi ko maintindihan bakit ang sama sama ng ugali mo sa akin! May ginawa ba akong masama sayo? Mula noong umuwi ako dito, ikaw nalang ang inasikaso ko tapos ngauon kahit simpleng thank you, hindi mo pa maibigay?”Walang paligoy-ligoy na sumag
Nagkaroon ng masamang panaginip so Elliot. Sa panaginip niya, blinock daw ni Avery ang number niya sa phone nito.Hindi na nga niya ito pwedeng makita habang buhay, ngayon hindi niya na rin ito pwedeng tawagan… Para bang habambuhay na talaga silang magkakahiwalay…Parang sinaksak ang puso ni Elliot ng sobrang diin.Takot na takot siyang nagising, basang basa siya ng pawis at mangiyak-ngiyak ang kanyang mga mata. Huminga siya ng malalim at kinuha ang kanyang phone para tawagan si Avery.Alas siyete palang ng gabi. Base sa tantsa niya, kung natulog ito buong araw, malamang nakauwi at gising na ito ngayon!"Sorry, the number you have dialed is unavailable. Please try later."Kagaya kanina, bot nanaman ang sumalubong sakanya. Biglang humigpit ang hawak niya sakanyang phone. Mukhang totoo nga ang masama niyang panaginip!Talagang blinock ni Avery ang number niya!Kung ganun, kahit pa ilang beses niya itong tawagan wala ring mangyayari… Para masigurado ang hinala niya,