Si Eliam ay isang matalinong tao.Matapos marinig ang sinabi ni Hayden, agad niyang naintindihan na iba ang pagtingin ni Hayden kay Shelly. Gayunpaman, mula sa kanyang pananaw, tiyak na hindi bagay si Shelly kay Hayden.Malamang, ganoon din ang nararamdaman ni Hayden at balak subukan si Shelly; hintayin na lang kung makakaya ni Shelly ang pagsubok na ito.Alas-sais y media na ng gabi, at naghahanda na si Shelly na umuwi mula sa trabaho.Dahil sa pagdagdag ng ilang empleyado sa shop, hindi na siya kailangang magtrabaho ng gabing huli.Nang lumabas siya sa shop agad siyang hinadlangan ng isang lalaki. Bagaman may bahagyang asal-barako ito, ang kanyang mukha ay may maamong at kaibig-ibig na ngiti."Shelly, naaalala mo ba ako? Pumunta ako sa iyong shop noong huli para bumili ng mga cake, at nag-usap tayo sandali," ang lalaking nagsalita ay si Fergus Bailey, isang empleyado mula sa Kagawaran ng Administrasyon ng Dream Maker.Agad na ngumiti si Shelly at sumagot, "Siyempre, naaalala k
Sa kabilang dulo,, tawang-tawa ang nanay ni Shelly. "Nakapag laro na kami ng poker ng nanay mo noon! Hindi ko inaasahan na magkikita kayo ni Shelly! Nakakatuwa naman.Nang marinig ang mga salita ng kanyang nanay, biglang naramdaman ni Shelly na mas malapit siya kay Fergus.Tumuloy sila sa restaurant na nabanggit niya.Agad na kumuha si Fergus ng menu at umorder ng ilang signature dishes bago ipasa ito kay Shelly. "Kahit ano'ng gusto mo, i-order mo. Ok naman ang sweldo ko, kaya wag kang mag-alala sa pagtitipid para sa akin."Napansin ni Shelly na sapat na ang mga inorder ni Fergus para sa kanilang dalawa, kaya hindi na siya umorder ng iba. "Kahit maganda ang kita mo, mahalaga pa rin ang matalinong paggasta, maliban na lang kung balak mong bumalik sa ating bayan." Umaasa si Shelly na patuloy siyang magtatagumpay sa buhay. "Ako, hindi ko balak bumalik. Ang layunin ko ngayon ay kumita at mag-settle down dito.""Nakakabilib 'yan! Ang bata mo pa at may sarili ka nang tindahan. Napabili
Hindi inasahan ni Shelly na tatanggapin ito ni Fergus. Nagulat siya, pero hindi siya agad magpapasya na maging kasintahan niya dahil dito.Kahit pareho silang taga-roon sa kanilang bayan, pangalawang beses pa lang silang nagkita kaya masyadong biglaan ang mag-date agad."Fergus, salamat sa sinabi mo. Kakakilala lang natin, eh. Hindi pa natin masyadong kilala ang isa't isa," sabi ni Shelly. "Tsaka, mukha kang bata sa 'kin!""Bente-siyete na 'ko ngayong taon, hindi mo ba nakikita?" Naramdaman ni Fergus na maingat si Shelly. Hindi niya alam ang nangyari sa dating anak nito, pero nadama niyang puwedeng maging partner sa buhay si Shelly."Hindi ko talaga nahalata. Akala ko, bente-singko ka lang!" sigaw ni Shelly. "At bente-siyete, bata pa 'yan sa malaking city.""Totoo 'yan! Sa totoo lang, hindi naman ako nagmamadali mag-asawa. 'Yung mga magulang, lolo, at lola ko ang nagmamadali. Alam mo na, sa atin, marami ang nagpapakasal pag bente na, 'yung iba kong ka-age may anak na. Nagmamadali
"Talaga bang ganoon kalala?" tanong ni Hayden."Bumigat na ang anak mo, at gustung-gusto siyang buhatin ng daddy mo. Paano hindi masasaktan ang mga braso niya?" sabi ni Avery."Pahinga muna siya sandali, at huwag muna siyang pagbuhatin ng bata.""Hindi niya matitiis. Kasalanan niya kung bakit gusto ng anak mo ang yakapin ng mga tao at pagbuhatin. Umiyak siya agad pagkatapos mong ibaba, at minsan, umiiyak siya kahit na hindi mo siya ginagalaw habang hawak. Marami na akong anak, at wala sa kanila ang ganito. Kasalanan lahat ng daddy mo," reklamo ni Avery.Nakaupo si Elliot doon at nagsisipsip ng kanyang tsaa, hindi makapagsalita, dahil hindi niya inaasahan na lalaking spoiled si Aiden.Tumulong siya sa pag-aalaga kay Robert noon, at hindi ganito si Robert."Wah!" Umiiyak si Aiden dahil nakaupo lang si Hayden sa sopa habang hawak siya.Agad na inilagay ni Hayden ang kanyang telepono at tumayo kasama ang munting makulit na bata sa kanyang mga braso.Pagkakatayo niya, tumigil sa pag
Dahil sa background ng kanyang pamilya, kuntento na si Shelly na maayos na ang kanyang buhay at sobrang nagpapasalamat siya sa mga biyayang natanggap niya, kaya't hindi siya naglakas-loob na pangarapin na makasal kay Hayden.Kung masyadong makakamit, mauuwi rin sa wala, kaya nais niya lamang hawakan ang abot-kamay."Shelly, sabihin mo sa akin ang totoo: Ano'ng palagay mo dito?" Gusto ng nanay ni Shelly na makahanap siya ng mapagkakatiwalaang lalaki na pwedeng maging kasama ni Audrey.Sa huli, tatanda rin siya at hindi pwedeng lagi sa tabi ni Shelly, kaya gusto niya ng lalaki na mag-aalaga kay Shelly."Ma, hindi ko pa masyadong naiisip. Nakilala ko lang si Fergus ng dalawang beses!" Nakitang natulog na si Audrey, bumalik si Shelly sa sala. "Pero mukhang nagmamadali si Fergus. Minamadali siya ng pamilya niyang magpakasal.""Malapit na siyang mag-trenta, kaya natural lang na nagmamadali ang pamilya niya. Dapat nagmamadali rin ako pag abot mo sa edad na 'yun," sabi ng nanay ni Shelly
"Nakita ko yang mga bulaklak na yan habang nagl;alakad ako at nakita kong naka-sale," paliwanag ni Fergus. "Hindi naman ito mga rosas. Tanggapin mo na lang!"Inilagay ni Shelly ang bouquet sa counter. "Kumain ka na ba, Fergus? Kung hindi pa, manlibre naman ako ng tanghalian."Dahil si Fergus ang nagbayad para sa hapunan kagabi, nararamdaman ni Shelly na may utang siya rito."Maaabala ba kita sa trabaho mo?" tanong ni Fergus."Hindi. Kakain din naman ako," sabi niya bago sila lumabas ng cafe.Sa kanilang paglabas, nakasalubong nila si Hayden, at nagulat ito nang makita silang magkasama."Nagde-date na ba sila?" iniisip niya.Napatigil si Fergus nang makita niya si Hayden dahil hindi niya inaasahang makikita ito roon. Nagulat din si Shelly.Hindi nag-assume na nandito ito para sa kanya, tinanong niya, "Hayden, bibili ka ba ng cakes?"Walang ekspresyon si Hayden at sinabi, "Dito ako para sa 'yo."Wala pang panahon si Shelly na tanungin siya kung bakit ito naghahanap sa kanya. Bi
Sobrang nahiya si Shelly sa sinabi ni Fergus at palihim niyang sinilip si Hayden para makita ang mukha nito na biglang naging seryoso."Ano ba 'tong nangyayari? Para akong binabangungot!" iniisip niya."Nakarating na ba kayo sa puntong pinag-uusapan na ang kasal?" Hindi inaasahan ni Hayden na magiging ganito kabilis ang takbo ng relasyon nila o na ganito ka-desperado si Shelly na magpakasal."Hindi, nagloloko lang si Fergus!" sabi ni Shelly."Haha! Oo nga. Nililigawan ko si Shelly, pero hindi pa siya pumapayag." Dahil parang interesado si Hayden sa paksa, tuloy pa rin si Fergus, "Pareho kaming taga-rito ni Shelly. Isang liblib na bayan 'yun. Siya yung unang tao na nakilala ko mula roon simula nang lumipat ako sa Avonsville. Parang tadhana. Tsaka, magka-edad kami, at ang pinakamahalaga, magkakilala ang mga nanay namin."May ekspresyon si Hayden na mahirap basahin, na pwedeng interpretahin bilang pagkadismaya, pero pakiramdam ni Shelly ay ganito siya kadalasan."Shelly, ano ang mas
Medyo nadismaya si Fergus. "Sige na nga! Nirerespeto ko ang desisyon mo. Magkaibigan na lang tayo. Kung dumating ang araw na gusto mong magpamilya sa'kin, sabihin mo lang.""Teka lang. Payo ko, makipagkilala ka sa ibang babae. Siguradong makakahanap ka ng mas magandang kapareha diyan," sabi ni Shelly. "May anak ako, kaya mas tutok ako sa anak ko. Mas mabuti pang pakasalan mo ang babae na hindi pa nanganak.""Sa ganyang pag-iisip, hahanap ka ba specifically ng lalaking hiwalay na at may anak na?" tanong ni Fergus. "Hindi na ito ang lumang panahon, at maraming magkasintahan na magkasama na kahit hindi pa kasal, at walang kaibahan sa mag-asawa. Maraming babae ang nagpa-abort pagkatapos makitira sa kanilang mga nobyo, at kung ako ang tatanungin mo, mas mabuting pagpilian ang panganganak kaysa sa abortion."Si Shelly ay agreeably nabigla, dahil hindi niya inaasahan na ganoon ka-open-minded si Fergus."Fergus, wag na muna nating pag-usapan ito, hayaan nating mangyari ang dapat mangyari!"
Pagkalipas ng tatlong taon…Habang nakatayo si Ivy at Robert sa airport ng Aryadelle, kinakabahan silang nagghihintay,"Tapos na ang tatlong taon! Sa wakas, nandito na yung boyfriend mo para bisitahin ka!" Masayang sabi ni Robert bago baguhin ang topic. "Hindi naman siya nagbakasyon dito para hiwalayan ka, 'di ba? Naisip ko lang naman yun kasi tatalong taon din kayong hindi nagkita, alam mo na…. maraming pwedeng nagbago."Nagbuntong hininga si Ivy, "Robert, pwede bang wag mong imanifest? Kahit hindi kami nagkikita sa loob ng tatlong taon, araw-araw kaming nag-uusap sa phone at video call!"Sumagot si Robert, “Ohhh Digital Romance.”“Ipinangako niya sa akin na darating ang araw at magmimigrate na siya dito sa Aryadelle at hindi na kami magkakalayo ulit.” Sagot ni Ivy. Pang asar na ngumiti si Robert. “Aba, parang ang yabang ng boyfriend mo na yan ha! Tignan lang natin kapag nagkakilala sila ni Dad, baka mapabalik siya kaagad sa pinanggalingan niya!”Hindi na sumagot si Ivy. HI
Hindi inaasahan ni Mr. Woods na magiging ganun ka-direkto si Hayden, at nadama niyang na-off balance pansamantala.Pumunta siya upang humingi ng pera kay Hayden, ngunit hindi niya pinag-isipan ang eksaktong halaga na gusto niya. Sa wakas, sobrang yaman ng pamilya ni Hayden, at ayaw niyang humingi ng kaunti at maramdaman na kulang, o ayaw niyang sumubok humingi ng sobra at tanggihan siya ni Hayden. Mahirap itong desisyunan.Matapos ang maikling pakikipaglaban sa kanyang sarili, tumingin si Mr. Woods kay Hayden at sinabi, "Alam ko na ang pamilya mo ay isa sa pinakamayaman sa Aryadelle, kaya't bakit hindi mo tukuyin ang presyo? Tiwala ako na hindi mo aabusuhin ang aking anak at ang aming pamilya."Bahagyang kunot-noo si Hayden.Napansin ito ni Shelly at agad siyang nagsalita, "Tito, bakit hindi ka na lang magbigay ng alok? Hindi kami gaanong pamilyar sa prosesong ito. Kung ipipilit mo sa amin na magtukoy ng presyo, baka kailanganin naming konsultahin ang aking biyenan.""Si Elliot Fo
"Sige. Hanap tayo ng malapit na lugar para umupo at mag-usap."Huminga ng malalim si Mr. Woods sa ginhawa. "Mabuti! Malapit lang ang aming bahay. Gusto mo bang bumisita? Si Ivy ay kasama namin sa loob ng maraming taon, at malapit ang relasyon ng aming mga staff sa kanya."Tumingin si Hayden kay Shelly at tinanong, "Pupunta ba tayo?""Sige!" sabi ni Shelly.Agad na inimbita ni Mr. Woods sina Hayden at Shelly sa kanyang kotse at dinala sila sa mansyon ng mga Woods.Pagdating, inutos ni Mr. Woods sa mga alila na maghanda ng tsaa at mga pampalamig.Itinuro niya ang kanilang butler at sinabi kay Hayden, "Ito ang aming butler. Siya ang nag-hire sa lola ni Ivy."Tumango si Hayden.Pagkatapos ay ipinakilala ni Mr. Woods si Hayden: "Ito si kuya ni Irene, ang kilalang negosyante na si Mr. Hayden Tate.""Magandang araw, Mr. Tate. Si Irene ay isang magandang binibini," sabi ng butler. "Lahat kami dito ay sobrang gusto siya. Nang malaman namin ang kanyang pagkamatay, kami ay tunay na nalun
Ang mga mata ni Ivy ay pula habang sinasabi niya, "Hayden, namatay ang ina ni Lucas, kaya hindi ko kayo masasamahan ng ilang araw.""Okay lang. Sa nangyari, kami rin ay hindi sa mood para mag-saya. Matapos namin dumalo sa libing ng kanyang ina, babalik kami ni Shelly," sabi ni Hayden.Tumango si Ivy."Paano ba ang mga libing dito?" tanong ni Hayden. Dahil sa relasyon ni Lucas kay Ivy, ang kanyang nakababatang kapatid, nararamdaman niya ang responsibilidad na tulungan si Lucas sa mga paghahanda para sa libing."Katulad lang sa ginagawa sa atin. Ang mayayaman ay maaaring magkaroon ng bonggang libing, at yung mga may kaunting pera ay pwede pumili ng mas simpleng seremonya. Yung mga hindi makaka-afford ng marami ay pwede mag-opt out sa seremonya at pumili ng simpleng paglibing," sabi ni Ivy."Eh paano kung may gusto ng mas bonggang libing?""Hayden, gusto mo bang tumulong sa libing ng ina niya? Wala siyang malalapit na kamag-anak dito, kaya walang kailangan ng bonggang seremonya," pa
Binaba ni Lucas ang tawag, at lumuha ang kanyang mga mata.Nakatayo si Ivy sa kanyang tabi at tanong, "Ano'ng nangyari, Lucas?""Pumanaw na ang aking ina. Samahan mo muna ang iyong kapatid! Kailangan kong bumalik sa ospital.""Sasama ako! Mukhang maayos naman si Tita kanina, bakit bigla siyang pumanaw?"Mabilis na tumakbo papunta sa kotse ang dalawa, nakalimutang si Hayden at Shelly ay naiwan.Nanood si Hayden at Shelly habang umaalis ang dalawa ng medyo nakakatawa, at sabi ni Shelly, "Honey, tara na sa ospital. Mukhang pumanaw na ang ina ni Lucas.""Sige."Sumakay ang dalawa sa isang taksi at minadaling sumunod kay Lucas.Samantala, sa ospital, unang nakatagpo ni Lucas ang doktor at pagkatapos ay ang kanyang ama.Sinubukang sumipsip si Mr. Woods sa kanyang anak, sabi, "Lucas, pumunta ako sa ospital para bisitahin ang iyong ina, pero noong dumating ako, pumanaw na siya. Nakakalungkot!""Sigurado ka bang pumanaw na siya bago ka dumating? Nandito ako kanina, at noong nakita ko
Naiinis na sabini Mr. Woods, "Ano ang ibig mong sabihin? Iniinsulto mo ba ako? Bagamat naghirap na ang pamilya Woods, kami pa rin ay kilala sa Taronia! Baka tanga si Lucas, pero mas matalino ka ba? Kung hindi dahil sa akin na sumusuporta kay Lucas, papansinin pa kaya siya ng mga Foster?""Tumahimik ka! Hindi kasing-kitid ng utak ng pamilya Foster ang pamilya mo! Hindi kinamumuhian ng pamilya ni Ivy si Lucas, kaya huwag kang maghanap ng gulo! Ayaw ka nilang makita!" Sagot ng ina ni Lucas.Umismid si Mr. Woods. "Ganun ba? Sa tingin mo ba talaga, hindi siya minamaliit? Bakit hindi? Plano ba nilang pasalihin si Lucas sa pamilya nila imbes na kabaligtaran?""Wala kang pakialam! Hindi mo naman inintindi si Lucas, at ngayon na siya'y independiyente, hindi na niya kailangan pa ang tulong mo! Hindi ka ba paulit-ulit na lumapit sa akin kung hindi lang anak ni Elliot Foster si Ivy at kung hindi siya interesado kay Lucas. Sa tingin mo ba hindi ko alam ang balak mo?"Sagot ni Mr. Woods, "Anong
Hindi nag-atubiling umiling si Ivy. "Hindi ako aalis. Huwag mo akong alalahanin; mag-concentrate ka lang sa sarili mo.""Sayang lang ang oras dito.""Matagal na akong nag-aaral at nag-iintern. Ano bang masama kung magpapahinga ako ngayon?" sagot ni Ivy.Bago magtagal, natapos na mag-shopping sina Hayden at Shelly, at agad silang sinalihan ni Ivy at Lucas papunta sa ospital.Wala sa kaalaman ni Ina ni Lucas na pupunta sina Kuya at Hipag ni Ivy para bisitahin siya, kaya medyo naiilang siya nang dumating sila.Tinangka niyang umupo, ngunit hindi makayang gawin ng kanyang katawan.Itinaas ni Ivy ang ulunan ng hospital bed. "Tita, dinalaw ka ng aking kuya at hipag. Gusto ka nilang makita pati na rin si Lucas.""Naku, nakakahiya naman. Swerte na nga ng anak ko kay Ivy..." bulong ni Ina ni Lucas ng may kahihiyan.Pina-kalma siya ni Shelly, "Tita, wag po kayong magsalita ng ganyan. Napakagaling po ni Lucas. Kung hindi, hindi po siya magugustuhan ni Ivy."Patuloy si Ina ni Lucas, "Nari
Sa buong kainan, nahirapan si Ivy na masiyahan sa kanyang pagkain.Pinagusapan ni Lucas at Hayden ang mga bagay-bagay, at hindi kagaya ng inaasahan ng marami, naging maayos sng takbo ng usapan ng dalawa. Hindi nagalit si Hayden, gayundin si Lucas.Mas maganda ito kumpara sa inaasahan ni Ivy, ngunit pakiramdam pa rin niya ay malungkot siya."Lucas, nais ng aking asawa at ako na bisitahin ang iyong ina. Ayos lang ba?" tanong ni Shelly matapos kumain."Sige," sagot ni Lucas."Kailangan ba nating itanong muna sa iyong ina?" tanong ni Ivy."Ayos lang. Pwedeng diretso na tayong pumunta doon at ipakilala sila pagdating natin."Araw-araw, hina ng hina si Ina ni Lucas at itinigil na niya ang paggamit ng kanyang telepono, kaya ang kanyang nurse, na na-hire ni Lucas, ang nag-uulat ng kalagayan ng kanyang ina araw-araw."Muling binuksan mo ang iyong negosyo at kailangan mong alagaan ang iyong ina sabay; napakalakas mo. Baka bumigay na ang karamihan sa presyon," komento ni Shelly."Mas m
Matapos sabihin iyon ni Ivy, dagdag pa ni Lucas, "Gusto kong mag-focus muna sa aking career. Pangalawa lang ang kasal hanggang sa mas maging matagumpay ako."Inirapan siya ni Hayden. "Hindi ganoon kasimple ang pagpapatakbo ng isang negosyo. Paano kung mabigo ka o hindi makamit ang kahit na ano na kakaiba?""Kung mangyayari iyon, hindi ko hahatak pababa si Ivy," sagot ni Lucas."Kahit papaano, alam mo ang iyong lugar."Ramdam ni Ivy na para bang nag-aapoy ang kanyang mga pisngi. "Hayden, kahit mabigo si Lucas, hindi ko siya susukuan. Hindi ko siya bibitawan dahil lamang sa kanyang kalagayang pinansyal."Muli na namang hinawakan ni Shelly ang kamay ni Hayden, isinasenyas na kontrolin ang kanyang galit; pwede siyang maging masungit sa iba, pero hindi niya pwedeng hingan ng sobra si Ivy.Naramdaman ni Ivy na medyo lumabis siya, at lumambot ang tono niya. "Hayden, hindi natin dapat husgahan ang mga tao batay sa kanilang kayamanan. Mayaman na tayo, at talagang wala masyadong tao diyan