Share

Kabanata 288

Nagpatuloy si Avery sa pagbabasa ng magazine, na para bang wala siyang naririnig, hanggang sa may biglang umagaw nito sakanya.

“Okay ka lang ba dito?” Hinila ni Tammy si Avery at naiinis na nagpatuloy, “Haay… pag minamalas nga naman! Dito pa tayo nakakita ng pangit.”

Sinadya ni Tammy na lakasan ang boses niya para marinig ni Zoe.

“Ano ka ba, mall ‘to kaya kahit sino pwedeng pumasok.” Sgaot ni Avery.

“Kaya nga hindi na tayo babalik dito kahit kailan! Tara, umalis na nga tayo.” Hinila ni Tammy si Avery pero hindi pa man din sila nakakalayo ay pumiglas ito. “Bakit ba ang duwag mo?”

Nagulat si Tammy sa sinabi ni Avery. ‘Kung hindi ka duwag, bakit tayo umalis? Natatakot ka kay Zoe? Eh di dapat siya ang umalis.’ Isip ni Avery.

Kumuha si Tammy ng kahit anong damit na madampot niya at nagbayad sa cashier. Pagkatapos, muli niyang hinila si Avery.

“Nakakaganda ba yung pagsswipe ng card ng ibang tao? Eew… para sa akin kasi sobrang nakakahiya yung wala ka naman palang pambili tapos asa ka
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status