"Ivy, ganito ba talaga kabait ang mga tao dito?" tanong ni Kiara."Medyo... halos lahat." Hindi na lang binanggit ni Ivy ang mga nangyari sa kanya dahil ayaw niyang mag-alala sila.Kumuha sila ng ilang picture sa hallway, at pagkatapos, dinala ni Ivy ang mga ito sa backstage."Dito ako nagbabasa ng script ko at nagme-make up," bulong ni Ivy dahil may ibang tao sa paligid.Nakita ni Rose ang ibang tao na nagbabasa ng kanilang script at hinila si Ivy palabas."Ivy, salamat sa pagpayag mo sa aming request. Umuwi na kami. Hindi pa naman oras ng shift mo, uuwi ka ba muna para magpahinga?" tanong ni Rose.Tumingin si Ivy sa oras at umiling. "Babalik rin naman ako mamaya, kaya dito na lang ako at babasahin ko ang script ko. Ihahatid ko kayo sa baba. Itext niyo ako kapag nakauwi na kayo.""Sige.""Rose, sabihan mo ako sa susunod na magdedesign ka ng alahas. Excited na akong makita na nagtatrabaho ka na rin!" Curious din si Ivy sa ibang career paths."Syempre! Sige, sabihan kita."Hin
Hindi naman normal na uminom ang dalawang tao na may magkaibang kasarian ang uminom sa iisang straw, kaya malamang may relasyon talaga ang dalawa. Hindi rin kailangan ni Anthony na dumating sa station nang sobrang aga dahil ang show nito ay magsisimula pa lang matapos ang show nina Andrea at Ivy, kaya malamang sa malamang ay sinasamahan lang talaga nito si Andrea. Hindi na umupo si Ivy at dumiretso na siya pabalik sa station. Hindi napansin ng dalawa si Ivy dahil masyadong nakatutok sina Andrea at Anthony sa isa't isa, at kahit napansin man nila, wala naman silang dapat ikabahala.Parehong nakakakuha ng maraming positive feedback sina Andrea at Anthony sa popularity survey, at hindi sila mangulelat sa survey, malaki ang posibilidad na magpatuloy sila sa pagtatrabaho sa station. Pagkalipas ng kalahating oras, nakarating sina Anthony at Andrea sa station at nagulat sila nang makita nila si Ivy sa backstage."Ivy, bakit ang aga mo dito? Mas maaga ka pa sa akin." Malapit ang upua
Hindi alam ni Andrea kung saan nakuha ng isang first year student na katulad ni Ivy ang ganung lakas ng loob."Anthony, tama ba ako?" tanong ni Ivy.Naiilang na inayos ni Anthony ang kanyang salamin "Nakaraan na yun. Siguro dapat na mas maging maingat nalang tayo sa susunod.”"Tama! Lalo na at hindi naman ikaw yung napalitan ng script kaya madali lang talaga para sayo na sabihin yan." Pang asar na sagot ni Ivy kay Anthony. "Anthony, parang ang saya mo ngayon. Inlove ka ba o ano?"Nang marinig yun ni Anthony, lalo pa itong nailang kaya mga ilang sandali rin bago ito nakasagot,"Bakit bigla mo naman yang natanong, Ivy? Bakit kaya hindi ko nalang ilibre kayong dalawa ng kape?""Sige lang." Ipinakita ni Ivy ang kanyang baso. “Nakabili na ako ng kape ako." Huminto siya sandali, bago nagpatuloy "Kani-kanina lang actually."Sinadya yun ni Ivy. At doon napagtanto nina Andrea at Anthony na baka nakita sila ni Ivy kanina, dahil kung hindi, saan naman manggagaling yung tanong na yun ni Ivy
"Ano ba ang gusto mong ipahiwatig? Hindi ba pwedeng yun ang maging wish ko?" sagot ni Layla. "Magaganda ang genes ng bayaw mo, na asawa ko kaya sayang naman kung hindi kami magkakaanak!"Hindi alam ni Robert kung paano siya mag rereact."Ang wish ay tinatawag na wish kapag hindi pa natutupad," ani Layla.Naiintindihan ng lahat ng mga magulang na nadoon kung ano ang nararamdaman ni Layla."Layla, sigurado akong matutupad ang wish mo. Kapag gumaling na si Eric, pwede na kayong magkaanak. May kilala akong babae na nagpa-heart transplant. Nagkaanak siya ng malusog na bata kahit na-operahan siya," pampalakas loob ni Lilith.Bigkang nabuhayan si Layla. "Talaga po? Haha! Mukhang malaki ang tsansa na matupad ang wish ko!""Layla, talaga bang yun ang wish mo?" tanong ni Robert. "Hula lang yun ah!""Robert, Bagong Taon ngayon at ayaw ko ng awayin ka." Tinignan ni Layla ng masama si Robert. "Ano ba ang wish mo?""Wala akong... Maaga pa para bumuo ako ng pamilya, at okay naman ako sa ang p
"Harrod, ano ang wish mo?" Hinimas ni Lilith ang balikat ng anak.Mula noong mag-middle school si Harrod, nag-iba na ang ugali nito. Napansin ni Lilith na parang nagiging rebelde na ito."Gusto kong makakuha ng perfect score sa final exam at mapa-saya si Mommy," sagot ni Harrod.Hindi nakapag-aral si Lilith noong bata pa siya, kaya pinagtitiyagaan niyang maabot ng kanyang anak ang tagumpay sa akademya. Sobrang saya niya sa narinig."Pero Harrod, napakahirap maka-perfect score sa lahat, at hindi ko rin naman kinakailangan na gawin mo 'yon," sabi ni Lilith. Ayaw niya kasing maramdaman ng anak ang sobrang pressure."Harrod, ang Mommy mo lang ba talaga ang gusto mong mapasaya? Eh ako?" "Alam ko naman po na kung masaya si Mommy, masaya rin po kayo," sagot ni Harrod.Hindi na nakasagot si Ben, habang si Lilith naman ay sobrang saya. Pagkatapos kumain, nag-usap-usap ang mga babae tungkol sa mga bagay-bagay tulad ng tsismis, fashion tips, at kagandahan, habang naglalaro naman ng vide
"Tapos na ba ang paghahanda para sa kasal ni Layla?" tanong ni Lilith. "Kelan ba 'to?""Halos tapos na. Buti nalang at ang daming tumulong sa amin,” sagot ni Avery. "Pwede na silang ikasal anytime, pero siyempre, New Year's celebration muna.""Kailangan n'yo ng magset na ng date at magpadala ng mga invitation!""Pag-uusapan pa namin nina Layla at Eric 'yan," sagot ni Avery."Parang bata pa rin minsan si Layla kahit magpapakasal na!" Natawa si Lilith habang tinitignan si Layla na umaakyat ng hagdan kasama ang ibang mga nakababatang babae."Ganun din tayo noong mga twenties pa tayo, 'di ba?" naalala ni Avery ang mga araw noong siya'y bata pa; parang kahapon lang. Fresh pa rin ang memories pero parang ang layo na rin.Maya-maya, dumating si Kiara na may hawak na regalo."Mommy, eto yung binigay ni Layla at Ivy para sa New Year's." Ipinakita ni Kiara kay Shea ang isang sosyal na pitaka. "Tignan mo, Mommy, hugis slot machine. Ang ganda! Gusto ko 'to! Bumili rin daw si Layla para kay
"Sige!" Malungkot na sagot ni Lilith. "Lahat ng mga anak ni Avery ay sobrang talino, tuwing naiisip ko ang kaibahan ni Harrod sa kanila, nagtataka ako kung talaga bang magkadugo kami ni Elliot. Pero ngayon, hindi ko na masyadong iniisip yun. Iba-iba naman kasi talaga ang bawat bata, baka late bloomer lang din ang Harrod ko.”"Kahit hindi siya maging katulad ng gusto mo, hindi ka dapat maging malungkot. Lahat naman tayo gusto maging successful ang ating mga anak, pero tao pa rin tayo. Matagumpay ka na bilang magulang basta mabait at malusog ang anak mo," sabi ni Avery.Tumango si Shea bilang pagsang-ayon."Okay. Hahayaan ko muna siya sa ngayon." Ayaw na ni Lilith na mag isip masyado."Pero hindi mo rin naman pwede siyang hayaan lang basta-basta. Kailangan mo paring mag-set ng rules. Hindi mo siya pwedeng sobrang pilitin, o sobrang bigyan ng kalayaan... May tamang diskarte sa mga bagay na ganyan..." sabi ni Avery.Nag umpisa ng sumakit ang ulo ni Lilith sa dami ng impormasyon."Kun
Kinahapunan, tumawag si Harry kay Elliot para ipaalam na handa na ang script ni Ivy, at agad na pinadala ni Elliot ang driver sa television station para kunin ang script.Pagkabigay ng driver ng script, bumalik si Ivy sa kanyang kwarto para basahin ang kanyang script.Hinila ni Avery si Layla sa tabi at sinabi, "Halos tapos na ang paghahanda para sa kasal niyo. Kailan niyo ba balak?""Hmm kahit anong araw po pagkatapos ng Bagong Taon!" Sagot ni Layla."Kailangan mo ng pumili ng petsa para makagpadala na tayo ng mga invitation sa mga magiging bisita niyo." Binuksan ni Avery ang kalendaryo sa kanyang phone at ipinakita ito kay Layla. "Wala naman kaming preferred date ng Daddy mo kaya siguro mas maganda na yung mga magulang nalang ni Eric ang tanungin mo.”"Siguro okay lang din po sa kanila kahit ano ang mapili natin!" Kinuha ni Layla ang phone ni Avery at namili ng petsa. "Maganda po siguro ang March 1! Hindi pwede sa Valentine's dahil baka magahol tayo sa oras lalo na at magpapada
Pagkalipas ng tatlong taon…Habang nakatayo si Ivy at Robert sa airport ng Aryadelle, kinakabahan silang nagghihintay,"Tapos na ang tatlong taon! Sa wakas, nandito na yung boyfriend mo para bisitahin ka!" Masayang sabi ni Robert bago baguhin ang topic. "Hindi naman siya nagbakasyon dito para hiwalayan ka, 'di ba? Naisip ko lang naman yun kasi tatalong taon din kayong hindi nagkita, alam mo na…. maraming pwedeng nagbago."Nagbuntong hininga si Ivy, "Robert, pwede bang wag mong imanifest? Kahit hindi kami nagkikita sa loob ng tatlong taon, araw-araw kaming nag-uusap sa phone at video call!"Sumagot si Robert, “Ohhh Digital Romance.”“Ipinangako niya sa akin na darating ang araw at magmimigrate na siya dito sa Aryadelle at hindi na kami magkakalayo ulit.” Sagot ni Ivy. Pang asar na ngumiti si Robert. “Aba, parang ang yabang ng boyfriend mo na yan ha! Tignan lang natin kapag nagkakilala sila ni Dad, baka mapabalik siya kaagad sa pinanggalingan niya!”Hindi na sumagot si Ivy. HI
Hindi inaasahan ni Mr. Woods na magiging ganun ka-direkto si Hayden, at nadama niyang na-off balance pansamantala.Pumunta siya upang humingi ng pera kay Hayden, ngunit hindi niya pinag-isipan ang eksaktong halaga na gusto niya. Sa wakas, sobrang yaman ng pamilya ni Hayden, at ayaw niyang humingi ng kaunti at maramdaman na kulang, o ayaw niyang sumubok humingi ng sobra at tanggihan siya ni Hayden. Mahirap itong desisyunan.Matapos ang maikling pakikipaglaban sa kanyang sarili, tumingin si Mr. Woods kay Hayden at sinabi, "Alam ko na ang pamilya mo ay isa sa pinakamayaman sa Aryadelle, kaya't bakit hindi mo tukuyin ang presyo? Tiwala ako na hindi mo aabusuhin ang aking anak at ang aming pamilya."Bahagyang kunot-noo si Hayden.Napansin ito ni Shelly at agad siyang nagsalita, "Tito, bakit hindi ka na lang magbigay ng alok? Hindi kami gaanong pamilyar sa prosesong ito. Kung ipipilit mo sa amin na magtukoy ng presyo, baka kailanganin naming konsultahin ang aking biyenan.""Si Elliot Fo
"Sige. Hanap tayo ng malapit na lugar para umupo at mag-usap."Huminga ng malalim si Mr. Woods sa ginhawa. "Mabuti! Malapit lang ang aming bahay. Gusto mo bang bumisita? Si Ivy ay kasama namin sa loob ng maraming taon, at malapit ang relasyon ng aming mga staff sa kanya."Tumingin si Hayden kay Shelly at tinanong, "Pupunta ba tayo?""Sige!" sabi ni Shelly.Agad na inimbita ni Mr. Woods sina Hayden at Shelly sa kanyang kotse at dinala sila sa mansyon ng mga Woods.Pagdating, inutos ni Mr. Woods sa mga alila na maghanda ng tsaa at mga pampalamig.Itinuro niya ang kanilang butler at sinabi kay Hayden, "Ito ang aming butler. Siya ang nag-hire sa lola ni Ivy."Tumango si Hayden.Pagkatapos ay ipinakilala ni Mr. Woods si Hayden: "Ito si kuya ni Irene, ang kilalang negosyante na si Mr. Hayden Tate.""Magandang araw, Mr. Tate. Si Irene ay isang magandang binibini," sabi ng butler. "Lahat kami dito ay sobrang gusto siya. Nang malaman namin ang kanyang pagkamatay, kami ay tunay na nalun
Ang mga mata ni Ivy ay pula habang sinasabi niya, "Hayden, namatay ang ina ni Lucas, kaya hindi ko kayo masasamahan ng ilang araw.""Okay lang. Sa nangyari, kami rin ay hindi sa mood para mag-saya. Matapos namin dumalo sa libing ng kanyang ina, babalik kami ni Shelly," sabi ni Hayden.Tumango si Ivy."Paano ba ang mga libing dito?" tanong ni Hayden. Dahil sa relasyon ni Lucas kay Ivy, ang kanyang nakababatang kapatid, nararamdaman niya ang responsibilidad na tulungan si Lucas sa mga paghahanda para sa libing."Katulad lang sa ginagawa sa atin. Ang mayayaman ay maaaring magkaroon ng bonggang libing, at yung mga may kaunting pera ay pwede pumili ng mas simpleng seremonya. Yung mga hindi makaka-afford ng marami ay pwede mag-opt out sa seremonya at pumili ng simpleng paglibing," sabi ni Ivy."Eh paano kung may gusto ng mas bonggang libing?""Hayden, gusto mo bang tumulong sa libing ng ina niya? Wala siyang malalapit na kamag-anak dito, kaya walang kailangan ng bonggang seremonya," pa
Binaba ni Lucas ang tawag, at lumuha ang kanyang mga mata.Nakatayo si Ivy sa kanyang tabi at tanong, "Ano'ng nangyari, Lucas?""Pumanaw na ang aking ina. Samahan mo muna ang iyong kapatid! Kailangan kong bumalik sa ospital.""Sasama ako! Mukhang maayos naman si Tita kanina, bakit bigla siyang pumanaw?"Mabilis na tumakbo papunta sa kotse ang dalawa, nakalimutang si Hayden at Shelly ay naiwan.Nanood si Hayden at Shelly habang umaalis ang dalawa ng medyo nakakatawa, at sabi ni Shelly, "Honey, tara na sa ospital. Mukhang pumanaw na ang ina ni Lucas.""Sige."Sumakay ang dalawa sa isang taksi at minadaling sumunod kay Lucas.Samantala, sa ospital, unang nakatagpo ni Lucas ang doktor at pagkatapos ay ang kanyang ama.Sinubukang sumipsip si Mr. Woods sa kanyang anak, sabi, "Lucas, pumunta ako sa ospital para bisitahin ang iyong ina, pero noong dumating ako, pumanaw na siya. Nakakalungkot!""Sigurado ka bang pumanaw na siya bago ka dumating? Nandito ako kanina, at noong nakita ko
Naiinis na sabini Mr. Woods, "Ano ang ibig mong sabihin? Iniinsulto mo ba ako? Bagamat naghirap na ang pamilya Woods, kami pa rin ay kilala sa Taronia! Baka tanga si Lucas, pero mas matalino ka ba? Kung hindi dahil sa akin na sumusuporta kay Lucas, papansinin pa kaya siya ng mga Foster?""Tumahimik ka! Hindi kasing-kitid ng utak ng pamilya Foster ang pamilya mo! Hindi kinamumuhian ng pamilya ni Ivy si Lucas, kaya huwag kang maghanap ng gulo! Ayaw ka nilang makita!" Sagot ng ina ni Lucas.Umismid si Mr. Woods. "Ganun ba? Sa tingin mo ba talaga, hindi siya minamaliit? Bakit hindi? Plano ba nilang pasalihin si Lucas sa pamilya nila imbes na kabaligtaran?""Wala kang pakialam! Hindi mo naman inintindi si Lucas, at ngayon na siya'y independiyente, hindi na niya kailangan pa ang tulong mo! Hindi ka ba paulit-ulit na lumapit sa akin kung hindi lang anak ni Elliot Foster si Ivy at kung hindi siya interesado kay Lucas. Sa tingin mo ba hindi ko alam ang balak mo?"Sagot ni Mr. Woods, "Anong
Hindi nag-atubiling umiling si Ivy. "Hindi ako aalis. Huwag mo akong alalahanin; mag-concentrate ka lang sa sarili mo.""Sayang lang ang oras dito.""Matagal na akong nag-aaral at nag-iintern. Ano bang masama kung magpapahinga ako ngayon?" sagot ni Ivy.Bago magtagal, natapos na mag-shopping sina Hayden at Shelly, at agad silang sinalihan ni Ivy at Lucas papunta sa ospital.Wala sa kaalaman ni Ina ni Lucas na pupunta sina Kuya at Hipag ni Ivy para bisitahin siya, kaya medyo naiilang siya nang dumating sila.Tinangka niyang umupo, ngunit hindi makayang gawin ng kanyang katawan.Itinaas ni Ivy ang ulunan ng hospital bed. "Tita, dinalaw ka ng aking kuya at hipag. Gusto ka nilang makita pati na rin si Lucas.""Naku, nakakahiya naman. Swerte na nga ng anak ko kay Ivy..." bulong ni Ina ni Lucas ng may kahihiyan.Pina-kalma siya ni Shelly, "Tita, wag po kayong magsalita ng ganyan. Napakagaling po ni Lucas. Kung hindi, hindi po siya magugustuhan ni Ivy."Patuloy si Ina ni Lucas, "Nari
Sa buong kainan, nahirapan si Ivy na masiyahan sa kanyang pagkain.Pinagusapan ni Lucas at Hayden ang mga bagay-bagay, at hindi kagaya ng inaasahan ng marami, naging maayos sng takbo ng usapan ng dalawa. Hindi nagalit si Hayden, gayundin si Lucas.Mas maganda ito kumpara sa inaasahan ni Ivy, ngunit pakiramdam pa rin niya ay malungkot siya."Lucas, nais ng aking asawa at ako na bisitahin ang iyong ina. Ayos lang ba?" tanong ni Shelly matapos kumain."Sige," sagot ni Lucas."Kailangan ba nating itanong muna sa iyong ina?" tanong ni Ivy."Ayos lang. Pwedeng diretso na tayong pumunta doon at ipakilala sila pagdating natin."Araw-araw, hina ng hina si Ina ni Lucas at itinigil na niya ang paggamit ng kanyang telepono, kaya ang kanyang nurse, na na-hire ni Lucas, ang nag-uulat ng kalagayan ng kanyang ina araw-araw."Muling binuksan mo ang iyong negosyo at kailangan mong alagaan ang iyong ina sabay; napakalakas mo. Baka bumigay na ang karamihan sa presyon," komento ni Shelly."Mas m
Matapos sabihin iyon ni Ivy, dagdag pa ni Lucas, "Gusto kong mag-focus muna sa aking career. Pangalawa lang ang kasal hanggang sa mas maging matagumpay ako."Inirapan siya ni Hayden. "Hindi ganoon kasimple ang pagpapatakbo ng isang negosyo. Paano kung mabigo ka o hindi makamit ang kahit na ano na kakaiba?""Kung mangyayari iyon, hindi ko hahatak pababa si Ivy," sagot ni Lucas."Kahit papaano, alam mo ang iyong lugar."Ramdam ni Ivy na para bang nag-aapoy ang kanyang mga pisngi. "Hayden, kahit mabigo si Lucas, hindi ko siya susukuan. Hindi ko siya bibitawan dahil lamang sa kanyang kalagayang pinansyal."Muli na namang hinawakan ni Shelly ang kamay ni Hayden, isinasenyas na kontrolin ang kanyang galit; pwede siyang maging masungit sa iba, pero hindi niya pwedeng hingan ng sobra si Ivy.Naramdaman ni Ivy na medyo lumabis siya, at lumambot ang tono niya. "Hayden, hindi natin dapat husgahan ang mga tao batay sa kanilang kayamanan. Mayaman na tayo, at talagang wala masyadong tao diyan