Share

Kabanata 2884

Author: Simple Silence
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56
Kinahapunan, tumawag si Harry kay Elliot para ipaalam na handa na ang script ni Ivy, at agad na pinadala ni Elliot ang driver sa television station para kunin ang script.

Pagkabigay ng driver ng script, bumalik si Ivy sa kanyang kwarto para basahin ang kanyang script.

Hinila ni Avery si Layla sa tabi at sinabi, "Halos tapos na ang paghahanda para sa kasal niyo. Kailan niyo ba balak?"

"Hmm kahit anong araw po pagkatapos ng Bagong Taon!" Sagot ni Layla.

"Kailangan mo ng pumili ng petsa para makagpadala na tayo ng mga invitation sa mga magiging bisita niyo." Binuksan ni Avery ang kalendaryo sa kanyang phone at ipinakita ito kay Layla. "Wala naman kaming preferred date ng Daddy mo kaya siguro mas maganda na yung mga magulang nalang ni Eric ang tanungin mo.”

"Siguro okay lang din po sa kanila kahit ano ang mapili natin!" Kinuha ni Layla ang phone ni Avery at namili ng petsa. "Maganda po siguro ang March 1! Hindi pwede sa Valentine's dahil baka magahol tayo sa oras lalo na at magpapada
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • Nang Namulat Ang Kanyang Mata   Kabanata 2885

    Bandang 9:30 ng gabi, nagsimula na ang fireworks.Napuno ng iba’t-ibang kulay ang madilim na kalangitan kaya nagsilabasan ang lahat para magpapicture. Sa sobrang ganda ng mga fireworks, hindi napigilan ni Ivy na maiyak.Hindi niya maiwasang alalahanin ang mga pinagdaanan niya noon. Naalala niya yung taon na dinala siya ng lola niya sa city para manood ng malaking fireworks display. Sa kalagitnaan ng show, nawala yung wallet ng lola niya kaya wala silang pambayad sa bus pauwi.Sobrang lamig noong gabngi yun, tapos tatlong oras silang naglakad pauwi.Madaming alaala si Ivy ng kahirapan at malamig na panahon. Kahit na sinusubukan niya ng mag move on, minsan hindi talaga maiwasang bumalik balik pa rin siya sa mga alaalang iyon.Pagsapit ng hatinggabi, simula na ng bagong taon.Natapos na nila ang pagpapaputok ng fireworks pero doon palang nagsimula ang mga kapitbahay nila.Sunud-sunod ang maiingay na tunog ng fireworks, na ayon sa mga paniniwala ay nagpapahiwatig ng pag-asa ng mg

  • Nang Namulat Ang Kanyang Mata   Kabanata 2886

    Nagulat si Ivy dahil hindi siya sinabihan ni Harry."Kailan nangyari 'yun?" tanong ni Ivy."Kahapon, pero kanina ko lang nalaman. Kinausap ng manager sina Anthony at Andrea. Ano sa tingin mo ang nangyari?" Naguguluhang tanong ng staff kay Ivy."Magkasama ba silang umalis?"Umiling ang staff. "Masyado mong nirerespeto si Anthony. Sinumbong niya si Andrea, kaya natanggal si Andrea at naiwan siya."Sobrang nagulat si Ivy dahil sobrang close nina Anthony at Andrea noong huling beses niyang nakita ang mga ito. Hindi niya in-expect na magagawnag tirahin patalikod ni Anthony si Andrea."Masyado rin naman kasing nagpakampante tong Andrea na to. Sa tagal ko dito, hindi pa ako nakakita ng ganun kababang tao. Kahit na mapahiya ka niya sa camera, akala ba niya makakalusot siya? May problema rin siguro kay Anthony kung ganyan ang taong dinadate niya. Buti na lang at nagising siya kaagad, kung hindi sayang ang career niya."Nalilito si Ivy at hindi alam ang isasagot. "Sino ngayon ang host ng

  • Nang Namulat Ang Kanyang Mata   Kabanata 2887

    "Eh paano ba si Harrod?""Marami na tayo masyado para sa laro kaya hindi na natin siya kailangan! Haha! Tsaka ang bata bata pa nun kaya maglaro nalangsiya mag-isa!" Walang awang sinabi ni Tiffany.Kumain sila ng sandali at nagkayayaan na ring matulog.Habang naglalakad papunta sakanyang kwarto, sumilip muna si Ivy sa poker room. Nakita siya ni Lilith at sinabi, "Welcome home, Ivy. Kumusta ang trabaho mo ngayon?""Okay naman po, Auntie Lilith. Gutom po ba kayo? Nagdala po ako ng pagkain para sa inyo." Iniwan ni Ivy sa isnag tabi ang dala niyang pagkain."Sige na, matulog ka na, Ivy! Matutulog na rin kami." Nakangiting sabi ni Avery.."Sige. Matutulog na po ako." Bumalik na si Ivy sa kanyang kwarto.Kahit maaga siyang gumising at hindi siya nag siesta kanina, hindi pa rin siya inantok.Hindi niya rin alam kung bakit hindi siya inaantok kaya naisipan niyang kunin muna ang kanyang phone. Matagal na rin noong huling beses siyang nagmessage kay Lucas. [Mr. Lucas, Bagong Taon n

  • Nang Namulat Ang Kanyang Mata   Kabanata 2888

    "Grabe, sobrang pasabog ng kasal nila! Ngayon lang natin nalaman!""Totoo! Nabalitaan ko na hindi nila inimbitahan ang press! Kung makakuha tayo ng kahit ano, kahit picture lang ng kasal, aisikat na tayo!""Aba, pangarap pa! Kung hindi sila nag invite ng mga reporter, sigurado na walang makakapasok sa venue ng kasal na hindi invited!"“Hindi naman mahirap makapasok... Pwede mong gawin bago mag umpisa ang kasal, kunwari kasama ka ng hotel staff.""Malabong magpapadala ng baguhan ang hotel sa venue para mag-serve ng mga ganun ka VIP! Ang bobo mo naman! Kahit makapasok ka, hindi ka papayagan na magdala ng camera! Siguradong may mga security check.""Pero sabi ng manager, kung sino man ang makakuha ng impormasyon o larawan ng kasal may cash reward na 15,600 dollars! 15,600 dollars! Pwede na akong magretire kung manalo ako ng reward na 'yun.""Hindi naman yun ganoon kalaki, Baka nga mas malaki pa ang matanggap mo kapag binenta mo ang mga makukuha mong picture sa mga fans ni Eric eh! A

  • Nang Namulat Ang Kanyang Mata   Kabanata 2889

    "Tama! Sobrngang yaman niya pero kagaya ng tatay niya, gusto niyang low profile lang siya palagi.” sabi ng isa pang bisita habang kinukuha ang gold bar mula sa gift bag.Nanlaki ang mga mata ni Shelly nang makita ang gold bar at naisip, "Grabe! ganito ba talaga ang mga give away ng mga mayaman?! Kotse at gold bars talaga?!"Bigla niyang naisip kung gaano kahirap ang buhay nila lalo na noong nagkasakit ang nanay niya, kaya bigla siyang nalungkot."Ano kayang klase ng babae ang gusto niya! Tinanong ko na sa mga magulang niya kasi gusto ko sanang i-match siya sa mga kakilala kong dalaga pero ayaw niya talaga. Eh ayaw namang mangielam ng mga magulang niya!""Oo nga, hindi nila kayang kontrolin si Hayden. Grabe, sobrang taas ng narrating ni Hayden, hindi siya yung tipong lalaking umaasa lang sa nanay.""Nag-asawa na si Layla, dapat mag-asawa na rin si Hayden. Sobrang crush ng anak ko si Hayden. Sayang nga lang, hindi siya type ni Hayden.""Haha! Lahat ng tao crush si Hayden! Ang bata

  • Nang Namulat Ang Kanyang Mata   Kabanata 2890

    Pagkatapos niyang magpalit, bumalik siya kaagad sa event hall. Wala na doon si Hayden at ang karamihan sa mga bisita.Pinilit ni Shelly na kumalma para walang makahalata sakanya."Eric, hindi ka ba talaga pagod?" tanong ni Layla kay Eric.Gusto niyang magpahinga ito dahil maaga silang nagising ng umagang iyon. Dahil pinalipat na nina Elliot at Hayden ang karamihan sa mga bisita sa ibang hall, sa wakas ay nakapag pahinga rin ang bagong kasal.Umiling si Eric. "Hindi ako pagod. Pwede ka magpahinga kung pagod ka na.""Hindi rin ako pagod! Excited lang talaga ako na kasal na tayo." Nakangiting sagot ni Layla "Ngayon lang nag sink in talaga sa akin na mag asawa na tayo. Iba pala talaga ang pakiramdam na nakasuot ako ng wedding gown at yung lahat ng mga ginawa natin kumpara noong kumuha lang tayo ng marriage certificate.""Gusto mo bang magpalit muna ng sapatos, kahit yun nalang muna?” Tanong ni Eric."Sige."Pinagmasdan ni Shelly sina Eric at Layla habang naglalakad palabas ng hall.

  • Nang Namulat Ang Kanyang Mata   Kabanata 2891

    "Ay naakakalungkot naman kasi wala palang internet dito. Hindi mo tuloy yan masesend sa akin!" Napabuntong-hininga si Shelly."May internet dito o! Di mo ba alam yung private internet network?" Hinila ng batang babae si Shelly sa isang lugar at sinabi, "I-scan mo lang itong code na ‘to at makakakonek ka sa private network."Na-impress si Shelly pero nagtaka siya kung bakit pinipigilan ng venue ang internet, tapos mag-seset up din pala ng sariling network para sa mga bisita."May special ba sa private network na 'to?" Iniisip niya pero hindi niya na tinanong sa batang babae.Baka hindi rin naman alam ng batang babae ang sagot at baka mas mahalata lang siyakung magtatanong siya.Para mas ligtas, hindi nagconnect Shelly sa private network at tinanong niya, "May Bluetooth ba yang smartwatch mo? Alam mo ba yun?""Oo naman! Parang yung sa parents ko na may Bluetooth AirPods!"Napahiya si Shelly sa tuwing naiisip niya na mas maraming alam ang batang babae kesa sa kanya at inulit niya a

  • Nang Namulat Ang Kanyang Mata   Kabanata 2892

    Kahit pa makalapit si Shelly kay Hayden, baka hindi siya paniwalaan na may narinig siyang nag uusap sa CR.Baka nga mga kamag-anak din nito mismo ang nagplano laban dito, kaya natural lang na mas maniwala si Hayden sa pamilya nito kesa sa isang estranghero.Isa pa, kapag nalaman ni Hayden na isnag reporter si Shelly, sigurado siya na baka kaladkarin siya ng mga bodyguard palabas. Inisip ni Shelly ng maigi kung ano ba talagang gagawin niya, "Ayokong mabuking at magalit sa akin si Hayden Tate. Pero…Hindi rin kakayanin ng konsensya ko sa oras na mabalitaan kong may nangyaring masama sakanya…”Pagkatapos niyang mag isip ng masinsinan, muli siyang nagbihis ng kagaya ng uniform ng mga hotel staff. "Poppy, nakikipag laro ka raw sa isang babae. Nasan na siya?" Bumalik ang nanay ng bata sa hall at tinanong ang anak."Sabi niya po may gagawin lang daw siya tapos umalis na. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta." In-unlock ng bata ang kanyang smartwatch para ipakita sa nanay ang mga litra

Pinakabagong kabanata

  • Nang Namulat Ang Kanyang Mata   Kabanata 3177

    Pagkalipas ng tatlong taon…Habang nakatayo si Ivy at Robert sa airport ng Aryadelle, kinakabahan silang nagghihintay,"Tapos na ang tatlong taon! Sa wakas, nandito na yung boyfriend mo para bisitahin ka!" Masayang sabi ni Robert bago baguhin ang topic. "Hindi naman siya nagbakasyon dito para hiwalayan ka, 'di ba? Naisip ko lang naman yun kasi tatalong taon din kayong hindi nagkita, alam mo na…. maraming pwedeng nagbago."Nagbuntong hininga si Ivy, "Robert, pwede bang wag mong imanifest? Kahit hindi kami nagkikita sa loob ng tatlong taon, araw-araw kaming nag-uusap sa phone at video call!"Sumagot si Robert, “Ohhh Digital Romance.”“Ipinangako niya sa akin na darating ang araw at magmimigrate na siya dito sa Aryadelle at hindi na kami magkakalayo ulit.” Sagot ni Ivy. Pang asar na ngumiti si Robert. “Aba, parang ang yabang ng boyfriend mo na yan ha! Tignan lang natin kapag nagkakilala sila ni Dad, baka mapabalik siya kaagad sa pinanggalingan niya!”Hindi na sumagot si Ivy. HI

  • Nang Namulat Ang Kanyang Mata   Kabanata 3176

    Hindi inaasahan ni Mr. Woods na magiging ganun ka-direkto si Hayden, at nadama niyang na-off balance pansamantala.Pumunta siya upang humingi ng pera kay Hayden, ngunit hindi niya pinag-isipan ang eksaktong halaga na gusto niya. Sa wakas, sobrang yaman ng pamilya ni Hayden, at ayaw niyang humingi ng kaunti at maramdaman na kulang, o ayaw niyang sumubok humingi ng sobra at tanggihan siya ni Hayden. Mahirap itong desisyunan.Matapos ang maikling pakikipaglaban sa kanyang sarili, tumingin si Mr. Woods kay Hayden at sinabi, "Alam ko na ang pamilya mo ay isa sa pinakamayaman sa Aryadelle, kaya't bakit hindi mo tukuyin ang presyo? Tiwala ako na hindi mo aabusuhin ang aking anak at ang aming pamilya."Bahagyang kunot-noo si Hayden.Napansin ito ni Shelly at agad siyang nagsalita, "Tito, bakit hindi ka na lang magbigay ng alok? Hindi kami gaanong pamilyar sa prosesong ito. Kung ipipilit mo sa amin na magtukoy ng presyo, baka kailanganin naming konsultahin ang aking biyenan.""Si Elliot Fo

  • Nang Namulat Ang Kanyang Mata   Kabanata 3175

    "Sige. Hanap tayo ng malapit na lugar para umupo at mag-usap."Huminga ng malalim si Mr. Woods sa ginhawa. "Mabuti! Malapit lang ang aming bahay. Gusto mo bang bumisita? Si Ivy ay kasama namin sa loob ng maraming taon, at malapit ang relasyon ng aming mga staff sa kanya."Tumingin si Hayden kay Shelly at tinanong, "Pupunta ba tayo?""Sige!" sabi ni Shelly.Agad na inimbita ni Mr. Woods sina Hayden at Shelly sa kanyang kotse at dinala sila sa mansyon ng mga Woods.Pagdating, inutos ni Mr. Woods sa mga alila na maghanda ng tsaa at mga pampalamig.Itinuro niya ang kanilang butler at sinabi kay Hayden, "Ito ang aming butler. Siya ang nag-hire sa lola ni Ivy."Tumango si Hayden.Pagkatapos ay ipinakilala ni Mr. Woods si Hayden: "Ito si kuya ni Irene, ang kilalang negosyante na si Mr. Hayden Tate.""Magandang araw, Mr. Tate. Si Irene ay isang magandang binibini," sabi ng butler. "Lahat kami dito ay sobrang gusto siya. Nang malaman namin ang kanyang pagkamatay, kami ay tunay na nalun

  • Nang Namulat Ang Kanyang Mata   Kabanata 3174

    Ang mga mata ni Ivy ay pula habang sinasabi niya, "Hayden, namatay ang ina ni Lucas, kaya hindi ko kayo masasamahan ng ilang araw.""Okay lang. Sa nangyari, kami rin ay hindi sa mood para mag-saya. Matapos namin dumalo sa libing ng kanyang ina, babalik kami ni Shelly," sabi ni Hayden.Tumango si Ivy."Paano ba ang mga libing dito?" tanong ni Hayden. Dahil sa relasyon ni Lucas kay Ivy, ang kanyang nakababatang kapatid, nararamdaman niya ang responsibilidad na tulungan si Lucas sa mga paghahanda para sa libing."Katulad lang sa ginagawa sa atin. Ang mayayaman ay maaaring magkaroon ng bonggang libing, at yung mga may kaunting pera ay pwede pumili ng mas simpleng seremonya. Yung mga hindi makaka-afford ng marami ay pwede mag-opt out sa seremonya at pumili ng simpleng paglibing," sabi ni Ivy."Eh paano kung may gusto ng mas bonggang libing?""Hayden, gusto mo bang tumulong sa libing ng ina niya? Wala siyang malalapit na kamag-anak dito, kaya walang kailangan ng bonggang seremonya," pa

  • Nang Namulat Ang Kanyang Mata   Kabanata 3173

    Binaba ni Lucas ang tawag, at lumuha ang kanyang mga mata.Nakatayo si Ivy sa kanyang tabi at tanong, "Ano'ng nangyari, Lucas?""Pumanaw na ang aking ina. Samahan mo muna ang iyong kapatid! Kailangan kong bumalik sa ospital.""Sasama ako! Mukhang maayos naman si Tita kanina, bakit bigla siyang pumanaw?"Mabilis na tumakbo papunta sa kotse ang dalawa, nakalimutang si Hayden at Shelly ay naiwan.Nanood si Hayden at Shelly habang umaalis ang dalawa ng medyo nakakatawa, at sabi ni Shelly, "Honey, tara na sa ospital. Mukhang pumanaw na ang ina ni Lucas.""Sige."Sumakay ang dalawa sa isang taksi at minadaling sumunod kay Lucas.Samantala, sa ospital, unang nakatagpo ni Lucas ang doktor at pagkatapos ay ang kanyang ama.Sinubukang sumipsip si Mr. Woods sa kanyang anak, sabi, "Lucas, pumunta ako sa ospital para bisitahin ang iyong ina, pero noong dumating ako, pumanaw na siya. Nakakalungkot!""Sigurado ka bang pumanaw na siya bago ka dumating? Nandito ako kanina, at noong nakita ko

  • Nang Namulat Ang Kanyang Mata   Kabanata 3172

    Naiinis na sabini Mr. Woods, "Ano ang ibig mong sabihin? Iniinsulto mo ba ako? Bagamat naghirap na ang pamilya Woods, kami pa rin ay kilala sa Taronia! Baka tanga si Lucas, pero mas matalino ka ba? Kung hindi dahil sa akin na sumusuporta kay Lucas, papansinin pa kaya siya ng mga Foster?""Tumahimik ka! Hindi kasing-kitid ng utak ng pamilya Foster ang pamilya mo! Hindi kinamumuhian ng pamilya ni Ivy si Lucas, kaya huwag kang maghanap ng gulo! Ayaw ka nilang makita!" Sagot ng ina ni Lucas.Umismid si Mr. Woods. "Ganun ba? Sa tingin mo ba talaga, hindi siya minamaliit? Bakit hindi? Plano ba nilang pasalihin si Lucas sa pamilya nila imbes na kabaligtaran?""Wala kang pakialam! Hindi mo naman inintindi si Lucas, at ngayon na siya'y independiyente, hindi na niya kailangan pa ang tulong mo! Hindi ka ba paulit-ulit na lumapit sa akin kung hindi lang anak ni Elliot Foster si Ivy at kung hindi siya interesado kay Lucas. Sa tingin mo ba hindi ko alam ang balak mo?"Sagot ni Mr. Woods, "Anong

  • Nang Namulat Ang Kanyang Mata   Kabanata 3171

    Hindi nag-atubiling umiling si Ivy. "Hindi ako aalis. Huwag mo akong alalahanin; mag-concentrate ka lang sa sarili mo.""Sayang lang ang oras dito.""Matagal na akong nag-aaral at nag-iintern. Ano bang masama kung magpapahinga ako ngayon?" sagot ni Ivy.Bago magtagal, natapos na mag-shopping sina Hayden at Shelly, at agad silang sinalihan ni Ivy at Lucas papunta sa ospital.Wala sa kaalaman ni Ina ni Lucas na pupunta sina Kuya at Hipag ni Ivy para bisitahin siya, kaya medyo naiilang siya nang dumating sila.Tinangka niyang umupo, ngunit hindi makayang gawin ng kanyang katawan.Itinaas ni Ivy ang ulunan ng hospital bed. "Tita, dinalaw ka ng aking kuya at hipag. Gusto ka nilang makita pati na rin si Lucas.""Naku, nakakahiya naman. Swerte na nga ng anak ko kay Ivy..." bulong ni Ina ni Lucas ng may kahihiyan.Pina-kalma siya ni Shelly, "Tita, wag po kayong magsalita ng ganyan. Napakagaling po ni Lucas. Kung hindi, hindi po siya magugustuhan ni Ivy."Patuloy si Ina ni Lucas, "Nari

  • Nang Namulat Ang Kanyang Mata   Kabanata 3170

    Sa buong kainan, nahirapan si Ivy na masiyahan sa kanyang pagkain.Pinagusapan ni Lucas at Hayden ang mga bagay-bagay, at hindi kagaya ng inaasahan ng marami, naging maayos sng takbo ng usapan ng dalawa. Hindi nagalit si Hayden, gayundin si Lucas.Mas maganda ito kumpara sa inaasahan ni Ivy, ngunit pakiramdam pa rin niya ay malungkot siya."Lucas, nais ng aking asawa at ako na bisitahin ang iyong ina. Ayos lang ba?" tanong ni Shelly matapos kumain."Sige," sagot ni Lucas."Kailangan ba nating itanong muna sa iyong ina?" tanong ni Ivy."Ayos lang. Pwedeng diretso na tayong pumunta doon at ipakilala sila pagdating natin."Araw-araw, hina ng hina si Ina ni Lucas at itinigil na niya ang paggamit ng kanyang telepono, kaya ang kanyang nurse, na na-hire ni Lucas, ang nag-uulat ng kalagayan ng kanyang ina araw-araw."Muling binuksan mo ang iyong negosyo at kailangan mong alagaan ang iyong ina sabay; napakalakas mo. Baka bumigay na ang karamihan sa presyon," komento ni Shelly."Mas m

  • Nang Namulat Ang Kanyang Mata   Kabanata 3169

    Matapos sabihin iyon ni Ivy, dagdag pa ni Lucas, "Gusto kong mag-focus muna sa aking career. Pangalawa lang ang kasal hanggang sa mas maging matagumpay ako."Inirapan siya ni Hayden. "Hindi ganoon kasimple ang pagpapatakbo ng isang negosyo. Paano kung mabigo ka o hindi makamit ang kahit na ano na kakaiba?""Kung mangyayari iyon, hindi ko hahatak pababa si Ivy," sagot ni Lucas."Kahit papaano, alam mo ang iyong lugar."Ramdam ni Ivy na para bang nag-aapoy ang kanyang mga pisngi. "Hayden, kahit mabigo si Lucas, hindi ko siya susukuan. Hindi ko siya bibitawan dahil lamang sa kanyang kalagayang pinansyal."Muli na namang hinawakan ni Shelly ang kamay ni Hayden, isinasenyas na kontrolin ang kanyang galit; pwede siyang maging masungit sa iba, pero hindi niya pwedeng hingan ng sobra si Ivy.Naramdaman ni Ivy na medyo lumabis siya, at lumambot ang tono niya. "Hayden, hindi natin dapat husgahan ang mga tao batay sa kanilang kayamanan. Mayaman na tayo, at talagang wala masyadong tao diyan

DMCA.com Protection Status