Nagmamadaling hinawakan ng katulong ang babae para kaadkarin ito palabas. Ngayon niya lang nakita na galit na galit si Robert dahil kadalasan ay sobrang gentleman at galang nito sa kahit kanino. “Robert, wag ka ng magalit. Mapanlinlang talaga ang mundo kaya hindi natin alam kung sino ang totoo at kung sino ang hindi.”Pampalubag loob ni Ivy kay Robert. “Huwg kang mag alala, hindi ko ‘to sasaihin kina Mommy at Daddy, pati na rin kina Hayden at Layla.”Tumingin si Robert kay Ivy, “Ivy, sa tingin mo ba totoo yung sinabi mong mga nagbibilang ng puting buhok?”“Siguro! Kasi sinearch ko yung account nila at may mga video talaga sila na nagbibilang sila ng mga puting buhok!” Sagot ni Ivy. "Oh... Baka nga tanga lang ako."Habang nag uusap ang dalawa, hindi nila namalayan na may isa pa sa mga katulong nila ay nakatayo sa isang gilid at may hawak na phone. “Robert, Ivy, hindi raw kayo sumasahot kaya sa akin na tumawga ang Mommy niyo.” Kasalukuyang nasa kabilang linya si Avery at nasaksik
"Robert, mas conservative ka pa pala kaysa sa iniisip ko." Tuwang-tuwa si Ivy sa nangyari pero hindi niya kayang tumawa dahil sa kahihiyan na nakikita sa mukha ni Robert.Napakamot nalang si Robert ng kanyang ulo sa sobrang ilang. “Ibig sabihin, lahat ng mga kaibigan mo ay ganyan ka conservative?” Konklusyon ni Ivy. “Edi maganda! Ibig sabihin, mabubuti silang impluwensya sayo.”Mas nahihiya si Robert kaysa napipikon sa pang aasar sakanya ni Ivy. “Ano ka ba! SI Daddy mismo ang naghanap ng mga kaibigan ko at hahayaan niya ba naman akong makipag kaibigan sa mga bad influence?” Paliwanag ni Robert. “Sobra kayang mag protekta ang mga magulang natin!”“Pero masyadong maraming tao sa university!” BInigyan ni Ivy ng tubig si Robert at nagpatuloy, “Sa palagay ko, kapag masama ang isnag tao, lalabas at lalabas yun kahit pa palibutan siya ng mga mababait na tao!” “Ahhh… ANg sinasabi mo ba ay lalabas din ang tunay kong kulay?” Tanong ni Robert bago siya uminom ng tubig. "Syempre hindi
Binasa niya ng malakas ang ilang mga articles at sinabi naman sakanya ni Harry ang mga punto na pwede niya pang pagbutihin pero sinabi nito na magaling siya. Lumipas ang dalawang oras.Lumapit ang katulong na may dalang meryenda para senyasan ang dalawa na oras na para magpahinga."Ang laki na ng improvement mo, Ivy. Mas magaling ka na ngayon," puri ni Harry."Sinasabi ko rin sakanya 'yan kanina, Mr. Gardner, pero ayaw naman maniwala ni Ivy," nakangiting sabat ng katulong. "Talagang malaki na ang improvement mo.” Muling sumabat ang katulong, "Sinabi ko nga sakanya na pwede na siyang maging broadcaster ngayon. Ano sa palagay mo Mr. Gadner?"Tumingin si Harry kay Ivy.Natatarantang umiling si Ivy. "Nagbibiro lang po siya! Kailangan ko pa po ng mas maraming practice.""Gusto mo bang subukang mag intern, Ivy?" tanong ni Harry. "Malapit na ang winter holiday mo, at ang TV station namin ay kumukuha ng ilang mga estudyante mula sa inyong university para sa aming internship progra
Para kay Robert, mas mahirap magtrabaho sa gabi kumpara sa umaga. Siguro dahil mahilig nga siyang matulog ng late kaya alam niya kung gaano kahirap gumising kinabukasan. Hindi niya nakitang nagpuyat si Ivy at kilala niya ito na sanay matulog nang maaga, kaya siguradong maapektuhan ang kalusugan nito sa oras na magumpisa na maging night shift. Hindi naman sila naghihirap kaya nasasaktan si Robert kapag iniisip niya na baka mahirapan lang si Ivy sa magiging sistema ng trabaho nito. Sigurado siya na ganito rin ang iisipin ng mga magulang nila. "Hindi pa! Madaling-araw na ngayon sa Bridgedale. Sigurado ako na natutulog na sila," sabi ni Ivy na ayaw ng abalahin ang kanyang mga magulang. "Magmemessage nalang ako sakanila at kapag nabasa nila yun bukas, sigurado naman akong tatawagan nila ako.""Okay. So pumayag ka na tanggapin ang internship?" tanong ni Robert.Tumango si Ivy. “Napaka bihirang opportunity lang nito kaya sino naman ako para tumanggi diba? Nahihiya ako noon kasi inii
”Opo, Daddy! Nasabi ko na rin po ito kay Robert. Alam kong nag-aalala ka tungkol sa night shift, pero hindi ko naman po ito nakikita na problema, kaya hindi dapat itonmaging hadlang sa pangarap ko.. Pwede naman po akong matulog sa araw at magtrabaho sa gabi."Nagpasya na si Ivy na tanggapin ang internship at naramdaman naman ni Elliot ang determinasyon sa boses nito, kaya alam niyang wala na siyang magagawa. Kapag sinabi niya kay Ivy na hindi siya sang ayon sa internship, alam niya na susundin siya ng bunso niya, pero alam niya rin na sobrang malulungkot ito. "Magrerequest ako kay Harry na bigyan ka ng medyp mas slot." Medyo alanganin pa rin si Elliot sa night shift. "Daddy, huwag mo na siyang kausapin," pagtanggi ni Ivy. “Patakaran po ito ng TV station mismo. Isa pa, hindi naman talaga ako qualified! Swinerte lang kaya kung kikilos ka, sa tingin ko ay sobrang mappressure ako at baka hindi ko maibigay ang best ko.” Hindi nakasagot si Elliot, at alam niya rin naman na may desisyo
"Gusto mo ba siyang pasalamatan?" Hindi naisip ni Elliot na kailangan iyon dahil malaki ang binabayaran niya kay Harry.Dahil inilagay ni Harry si Ivy sa night shift, wala silang dapat ipagpasalamat. "Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Hindiko pa siya nakikita sa personal kaya gusto ko siyang makita. Mahilig ang anak natin sa mga host sa TV, 'di ba? May karanasan si Harry, at natural na masaya siya na magkaroon ng mentor na tulad niya," sabi ni Avery."Sige. Ayusin ko iyon pagdating natin," sabi ni Elliot."Ah... may sinabi ka pa bang iba kay Ivy?" Medyo inaantok pa si Avery kaya pumikit siya. "Nag-shopping sila ni Kiara at Rose ngayon. Sinabi niya na matagal na silang hindi lumalabas at masaya siya," sabi ni Elliot na malalim ang boses. "Isang midnight show... Kailangang magpuyat tayo kung gusto nating mapanood ang palabas niya..."Dahil ito ang unang pagkakataon ni Ivy sa telebisyon, determinado si Elliot na panoorin ito."May mga replay naman ang mga palabas sa telebisyon, '
Pagkalipas ng labing apat na araw, sa wakas ay nadischarge na rin si Eric. Wala na silang sinayang na panahon at agad silang lumipad pabalik ng Aryadelle. Pagkalapag nila, inutusan ni Elliot ang driver niya na ihatid si Eric at ang mga magulang nito sakanila. Habang umaalis ang sasakyan, inakbayan ni Elliot sa balikat ni Layla. "Tara na! Umuwi na rin tayo. Miss ka na ng mga kapatid mo."Malungkot na sumagot si Layla, "Daddy, hindi pa rin siya pumapayag na pakasalan ako."“Hindi rin naman natin siya pwedeng pwersahin. Maghintay nalang muna tayong gumling siya!”Nagtaas siya ng kilay at murmur na, "Ang kulit talaga niya!""Kung hindi siya ganoon, hindi mo siya ganito kamahal," komento ni Elliot.Tama si Elliot.Minahal ni Layla si Eric hindi lamang sa kanyang talento kundi pati na rin sa kanyang pagkatao.Mahalagang magkaroon ng mutuwal na pag-unawa sa pagkatao ng bawat isa kung nais nilang magkaroon ng matagalang relasyon.Sumakay ang dalawa sa sasakyan, at nagsimula nang ma
"Bakit ayaw niya pumayag? Sumang-ayon naman sina Mom at Dad, 'di ba?"Iniisip ni Ivy na matatapos na lahat kapag pumayag na ang kanilang mga magulang sa relasyon."Iniisip niya na hindi na niya masyadong matagal na mabubuhay at ayaw niyang dalhin ako kasama niya," sabi ni Layla."Ah... Ganun ba? Hindi ba't successful naman ang surgery?" Gulat na tanong ni Ivy. "Kung successful naman, bakit hindi na siya masyadong matagal mabuhay?""Matagumpay ang pagsasalin ng puso, pero tatanggihan ng kanyang katawan ang bago niyang puso. Kailangan niyang uminom ng gamot habang buhay para maiwasan ito. Walang sinuman ang makapagsabi kung gaano katagal siya mabubuhay. Maaaring mabuhay siya ng buo, o maaaring hindi."Nagliwanag sa isip ni Ivy, at agad niyang naintindihan kung gaano kahirap ang sitwasyon.Natural na nais ni Ivy na maging kasama ni Layla ang lalaking mahal niya, ngunit laging may pangamba tungkol sa kalagayan ng katawan ni Eric."Layla, gusto mo pa ring maging kasama siya kahit na
Pagkalipas ng tatlong taon…Habang nakatayo si Ivy at Robert sa airport ng Aryadelle, kinakabahan silang nagghihintay,"Tapos na ang tatlong taon! Sa wakas, nandito na yung boyfriend mo para bisitahin ka!" Masayang sabi ni Robert bago baguhin ang topic. "Hindi naman siya nagbakasyon dito para hiwalayan ka, 'di ba? Naisip ko lang naman yun kasi tatalong taon din kayong hindi nagkita, alam mo na…. maraming pwedeng nagbago."Nagbuntong hininga si Ivy, "Robert, pwede bang wag mong imanifest? Kahit hindi kami nagkikita sa loob ng tatlong taon, araw-araw kaming nag-uusap sa phone at video call!"Sumagot si Robert, “Ohhh Digital Romance.”“Ipinangako niya sa akin na darating ang araw at magmimigrate na siya dito sa Aryadelle at hindi na kami magkakalayo ulit.” Sagot ni Ivy. Pang asar na ngumiti si Robert. “Aba, parang ang yabang ng boyfriend mo na yan ha! Tignan lang natin kapag nagkakilala sila ni Dad, baka mapabalik siya kaagad sa pinanggalingan niya!”Hindi na sumagot si Ivy. HI
Hindi inaasahan ni Mr. Woods na magiging ganun ka-direkto si Hayden, at nadama niyang na-off balance pansamantala.Pumunta siya upang humingi ng pera kay Hayden, ngunit hindi niya pinag-isipan ang eksaktong halaga na gusto niya. Sa wakas, sobrang yaman ng pamilya ni Hayden, at ayaw niyang humingi ng kaunti at maramdaman na kulang, o ayaw niyang sumubok humingi ng sobra at tanggihan siya ni Hayden. Mahirap itong desisyunan.Matapos ang maikling pakikipaglaban sa kanyang sarili, tumingin si Mr. Woods kay Hayden at sinabi, "Alam ko na ang pamilya mo ay isa sa pinakamayaman sa Aryadelle, kaya't bakit hindi mo tukuyin ang presyo? Tiwala ako na hindi mo aabusuhin ang aking anak at ang aming pamilya."Bahagyang kunot-noo si Hayden.Napansin ito ni Shelly at agad siyang nagsalita, "Tito, bakit hindi ka na lang magbigay ng alok? Hindi kami gaanong pamilyar sa prosesong ito. Kung ipipilit mo sa amin na magtukoy ng presyo, baka kailanganin naming konsultahin ang aking biyenan.""Si Elliot Fo
"Sige. Hanap tayo ng malapit na lugar para umupo at mag-usap."Huminga ng malalim si Mr. Woods sa ginhawa. "Mabuti! Malapit lang ang aming bahay. Gusto mo bang bumisita? Si Ivy ay kasama namin sa loob ng maraming taon, at malapit ang relasyon ng aming mga staff sa kanya."Tumingin si Hayden kay Shelly at tinanong, "Pupunta ba tayo?""Sige!" sabi ni Shelly.Agad na inimbita ni Mr. Woods sina Hayden at Shelly sa kanyang kotse at dinala sila sa mansyon ng mga Woods.Pagdating, inutos ni Mr. Woods sa mga alila na maghanda ng tsaa at mga pampalamig.Itinuro niya ang kanilang butler at sinabi kay Hayden, "Ito ang aming butler. Siya ang nag-hire sa lola ni Ivy."Tumango si Hayden.Pagkatapos ay ipinakilala ni Mr. Woods si Hayden: "Ito si kuya ni Irene, ang kilalang negosyante na si Mr. Hayden Tate.""Magandang araw, Mr. Tate. Si Irene ay isang magandang binibini," sabi ng butler. "Lahat kami dito ay sobrang gusto siya. Nang malaman namin ang kanyang pagkamatay, kami ay tunay na nalun
Ang mga mata ni Ivy ay pula habang sinasabi niya, "Hayden, namatay ang ina ni Lucas, kaya hindi ko kayo masasamahan ng ilang araw.""Okay lang. Sa nangyari, kami rin ay hindi sa mood para mag-saya. Matapos namin dumalo sa libing ng kanyang ina, babalik kami ni Shelly," sabi ni Hayden.Tumango si Ivy."Paano ba ang mga libing dito?" tanong ni Hayden. Dahil sa relasyon ni Lucas kay Ivy, ang kanyang nakababatang kapatid, nararamdaman niya ang responsibilidad na tulungan si Lucas sa mga paghahanda para sa libing."Katulad lang sa ginagawa sa atin. Ang mayayaman ay maaaring magkaroon ng bonggang libing, at yung mga may kaunting pera ay pwede pumili ng mas simpleng seremonya. Yung mga hindi makaka-afford ng marami ay pwede mag-opt out sa seremonya at pumili ng simpleng paglibing," sabi ni Ivy."Eh paano kung may gusto ng mas bonggang libing?""Hayden, gusto mo bang tumulong sa libing ng ina niya? Wala siyang malalapit na kamag-anak dito, kaya walang kailangan ng bonggang seremonya," pa
Binaba ni Lucas ang tawag, at lumuha ang kanyang mga mata.Nakatayo si Ivy sa kanyang tabi at tanong, "Ano'ng nangyari, Lucas?""Pumanaw na ang aking ina. Samahan mo muna ang iyong kapatid! Kailangan kong bumalik sa ospital.""Sasama ako! Mukhang maayos naman si Tita kanina, bakit bigla siyang pumanaw?"Mabilis na tumakbo papunta sa kotse ang dalawa, nakalimutang si Hayden at Shelly ay naiwan.Nanood si Hayden at Shelly habang umaalis ang dalawa ng medyo nakakatawa, at sabi ni Shelly, "Honey, tara na sa ospital. Mukhang pumanaw na ang ina ni Lucas.""Sige."Sumakay ang dalawa sa isang taksi at minadaling sumunod kay Lucas.Samantala, sa ospital, unang nakatagpo ni Lucas ang doktor at pagkatapos ay ang kanyang ama.Sinubukang sumipsip si Mr. Woods sa kanyang anak, sabi, "Lucas, pumunta ako sa ospital para bisitahin ang iyong ina, pero noong dumating ako, pumanaw na siya. Nakakalungkot!""Sigurado ka bang pumanaw na siya bago ka dumating? Nandito ako kanina, at noong nakita ko
Naiinis na sabini Mr. Woods, "Ano ang ibig mong sabihin? Iniinsulto mo ba ako? Bagamat naghirap na ang pamilya Woods, kami pa rin ay kilala sa Taronia! Baka tanga si Lucas, pero mas matalino ka ba? Kung hindi dahil sa akin na sumusuporta kay Lucas, papansinin pa kaya siya ng mga Foster?""Tumahimik ka! Hindi kasing-kitid ng utak ng pamilya Foster ang pamilya mo! Hindi kinamumuhian ng pamilya ni Ivy si Lucas, kaya huwag kang maghanap ng gulo! Ayaw ka nilang makita!" Sagot ng ina ni Lucas.Umismid si Mr. Woods. "Ganun ba? Sa tingin mo ba talaga, hindi siya minamaliit? Bakit hindi? Plano ba nilang pasalihin si Lucas sa pamilya nila imbes na kabaligtaran?""Wala kang pakialam! Hindi mo naman inintindi si Lucas, at ngayon na siya'y independiyente, hindi na niya kailangan pa ang tulong mo! Hindi ka ba paulit-ulit na lumapit sa akin kung hindi lang anak ni Elliot Foster si Ivy at kung hindi siya interesado kay Lucas. Sa tingin mo ba hindi ko alam ang balak mo?"Sagot ni Mr. Woods, "Anong
Hindi nag-atubiling umiling si Ivy. "Hindi ako aalis. Huwag mo akong alalahanin; mag-concentrate ka lang sa sarili mo.""Sayang lang ang oras dito.""Matagal na akong nag-aaral at nag-iintern. Ano bang masama kung magpapahinga ako ngayon?" sagot ni Ivy.Bago magtagal, natapos na mag-shopping sina Hayden at Shelly, at agad silang sinalihan ni Ivy at Lucas papunta sa ospital.Wala sa kaalaman ni Ina ni Lucas na pupunta sina Kuya at Hipag ni Ivy para bisitahin siya, kaya medyo naiilang siya nang dumating sila.Tinangka niyang umupo, ngunit hindi makayang gawin ng kanyang katawan.Itinaas ni Ivy ang ulunan ng hospital bed. "Tita, dinalaw ka ng aking kuya at hipag. Gusto ka nilang makita pati na rin si Lucas.""Naku, nakakahiya naman. Swerte na nga ng anak ko kay Ivy..." bulong ni Ina ni Lucas ng may kahihiyan.Pina-kalma siya ni Shelly, "Tita, wag po kayong magsalita ng ganyan. Napakagaling po ni Lucas. Kung hindi, hindi po siya magugustuhan ni Ivy."Patuloy si Ina ni Lucas, "Nari
Sa buong kainan, nahirapan si Ivy na masiyahan sa kanyang pagkain.Pinagusapan ni Lucas at Hayden ang mga bagay-bagay, at hindi kagaya ng inaasahan ng marami, naging maayos sng takbo ng usapan ng dalawa. Hindi nagalit si Hayden, gayundin si Lucas.Mas maganda ito kumpara sa inaasahan ni Ivy, ngunit pakiramdam pa rin niya ay malungkot siya."Lucas, nais ng aking asawa at ako na bisitahin ang iyong ina. Ayos lang ba?" tanong ni Shelly matapos kumain."Sige," sagot ni Lucas."Kailangan ba nating itanong muna sa iyong ina?" tanong ni Ivy."Ayos lang. Pwedeng diretso na tayong pumunta doon at ipakilala sila pagdating natin."Araw-araw, hina ng hina si Ina ni Lucas at itinigil na niya ang paggamit ng kanyang telepono, kaya ang kanyang nurse, na na-hire ni Lucas, ang nag-uulat ng kalagayan ng kanyang ina araw-araw."Muling binuksan mo ang iyong negosyo at kailangan mong alagaan ang iyong ina sabay; napakalakas mo. Baka bumigay na ang karamihan sa presyon," komento ni Shelly."Mas m
Matapos sabihin iyon ni Ivy, dagdag pa ni Lucas, "Gusto kong mag-focus muna sa aking career. Pangalawa lang ang kasal hanggang sa mas maging matagumpay ako."Inirapan siya ni Hayden. "Hindi ganoon kasimple ang pagpapatakbo ng isang negosyo. Paano kung mabigo ka o hindi makamit ang kahit na ano na kakaiba?""Kung mangyayari iyon, hindi ko hahatak pababa si Ivy," sagot ni Lucas."Kahit papaano, alam mo ang iyong lugar."Ramdam ni Ivy na para bang nag-aapoy ang kanyang mga pisngi. "Hayden, kahit mabigo si Lucas, hindi ko siya susukuan. Hindi ko siya bibitawan dahil lamang sa kanyang kalagayang pinansyal."Muli na namang hinawakan ni Shelly ang kamay ni Hayden, isinasenyas na kontrolin ang kanyang galit; pwede siyang maging masungit sa iba, pero hindi niya pwedeng hingan ng sobra si Ivy.Naramdaman ni Ivy na medyo lumabis siya, at lumambot ang tono niya. "Hayden, hindi natin dapat husgahan ang mga tao batay sa kanilang kayamanan. Mayaman na tayo, at talagang wala masyadong tao diyan