Share

Kabanata 2789

Author: Simple Silence
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56
Kahit anong gustuhin ni Layla, handa siyang ibigay. Ganun na rin naman ang ginagawa niya mula palang noong pagkabata nito.

“Alam mo naman ang kundisyon ko diba?” Walang emosyong sagot ni Eric. “Sigurado naman ako na hindi ka rin sang ayon na mabiyuda siya ng maaga. Mas magiging masakit yun para sakanya kaya kung ako sayo, kumbinsihin mo nalang siya na maghanap ng ibang lalaki na mas matagal niyang makakasama. Makakalimutan niya rin ako balang araw.”

Sang ayon si Elliot sa sinabi ni Eric na sa tingin niya rin ay mas masasaktan lang si Layla sa oras na mawala si Eric kaya mas maganda na hanggat maaga ay tapusin na ng dalawa ang lahat.

Pero may iba pa bang mas mahalaga sakanya bukod sa kaligayahan ni Layla?

“Nasabi na sayo ng asawa ko ang lahat ng dapat mong marinig.” Tinignan ni Elliot si Eric ng diretso sa mga mata. “Wag ka ng umasa na tutulungan ka naming kumbinsihin si Layla na umatras. Kung gusto mo, ikaw ang gumawa nun. Twenty-five na siya, hindi two o five, at nagtitiwala ako
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

  • Nang Namulat Ang Kanyang Mata   Kabanata 2790

    Alam namna ni Ivy na ginagawa ni Robert ang lahat para maging isang responsableng kuya dahil nasanay siya rito na palagi itong nagpaparty at maaga na ang alas diyes na uwi nito. “Kailan ba uuwi sila Daddy?” Tanong no Ivy. Sa oras na makauwi ang mga magulang nila, magiging malaya na ulit si Robert. "Kailangan nilang maghintay hanggang ma-discharge si Uncle Eric," sagot ni Robert, sabay takip ng kanyang bibig. "Hindi na pala natin siya tatawaging gano'n kasi magiging bayaw na natin siya!."“Nagdedate na ba sila ulit?” Masayang tanong ni Ivy. Lumapit ang isa sa mga katulong at inilapag ang isang mangkok ng soup sa harap ni Robert. "Bagong luto po ito. Subukan niyo."Agad na kumuha ng kutsara si Robert at humigop. "Hmmm. Ang thick nito ah"Sumagot ang katulong, “Opo. Niluto ko yung sibuyas at kabute hanggang sa tuluyan silang malusaw. Ito po yung favorite ng Mommy niyo.”“HIndi masyadong kilala ang mushroom soup da Bridgedale kaya sigurado ako na matagal na siyang hindi nakakat

  • Nang Namulat Ang Kanyang Mata   Kabanata 2791

    ”...” Alam ni Ivy na sobrang nabobored na si Robert sa bahay kaya hindi na siya tumutol dito sa paghihire ng isang escort. “Okay, Sige! Ikaw na muna ang bahala jan. Tatapusin ko muna ang homework ko tapos sabihan mo nalang ako kapag dumating na ang escoert.” Gusto ni Ivy na matapos kaagad ang kanyang homework para makapag laro sila n Robert ng poker.Pagkapasok ni Ivy sakanyang kwarto, naghanap na si Robert ng escort sa iba’t-ibang social media platform. Paglapit ng katulong para iligpit ang mga pinagkainan nila, pinagsabihan nito si Robert, “Robert, siguraduhin mo na yang kukunin mong escort na yan ay hindi pipicturan tong bahay niyo ah.”“Mhm. Sasabihin ko yun sakanila. Naiisip ko lang…”"Nabobore ka no ?""Medyo. Huwag mong sasabihin kina Mommy ang tungkol dito ah.”“Oo, hindi ko sasabihin. Magpopoker ba kayo? Gusto mo bang hanapin ko na yung mga baraha?”"Baka. Baka hindi. Depende sa gusto ni Ivy! Nandoon siya ngayon sa kwarto niya para mag practice siya ng pagbibigkas

  • Nang Namulat Ang Kanyang Mata   Kabanata 2792

    Okay ka lang ba?” Nagmamadaling lumapit ang katulong para alalayan si Robert na tumayo. Umiling si Robert at tinignan ang babaeng, nakasalampak sa sahig at umiiyak. "Okay ka lang ba? Gusto mo bang dalhin kita sa ospital?" Lumapit siya upang tulungan itong tumayo.Narinig din ni Ivy ang ingay sa labas ng mansyon. "Robert, anong nangyayari? Ano'ng nangyari?" Lumabas si Ivy ng naka house slippers pa sa sobrang pagmamadali na malaman kung ano ang nangyari.Nahihiyang tinakpan nI Robert ang kanyang mukha at hindi siya halos makapag salita. Sa totoo lang, hindi na kailangan ng paliwanag dahil sa suot palang ng babae ay mahuhulaan na ang posibleng nangyari. Gusto niya lang namang magkaroon ng kalaro ang kapatid niya pero iba pala ang gustong mangyari ng babae!"Uh..." Lumapit si Ivy kay Robert at napakamot nalang ng ulo nito "Robert, siya ba ang escort na nireport mo?"Napakagat labi si Robert at tumango. “Bakit mo ako sinuntok? ANo bang ginawa ko para ganituhin mo ako? Dahil

  • Nang Namulat Ang Kanyang Mata   Kabanata 2793

    Nagmamadaling hinawakan ng katulong ang babae para kaadkarin ito palabas. Ngayon niya lang nakita na galit na galit si Robert dahil kadalasan ay sobrang gentleman at galang nito sa kahit kanino. “Robert, wag ka ng magalit. Mapanlinlang talaga ang mundo kaya hindi natin alam kung sino ang totoo at kung sino ang hindi.”Pampalubag loob ni Ivy kay Robert. “Huwg kang mag alala, hindi ko ‘to sasaihin kina Mommy at Daddy, pati na rin kina Hayden at Layla.”Tumingin si Robert kay Ivy, “Ivy, sa tingin mo ba totoo yung sinabi mong mga nagbibilang ng puting buhok?”“Siguro! Kasi sinearch ko yung account nila at may mga video talaga sila na nagbibilang sila ng mga puting buhok!” Sagot ni Ivy. "Oh... Baka nga tanga lang ako."Habang nag uusap ang dalawa, hindi nila namalayan na may isa pa sa mga katulong nila ay nakatayo sa isang gilid at may hawak na phone. “Robert, Ivy, hindi raw kayo sumasahot kaya sa akin na tumawga ang Mommy niyo.” Kasalukuyang nasa kabilang linya si Avery at nasaksik

  • Nang Namulat Ang Kanyang Mata   Kabanata 2794

    "Robert, mas conservative ka pa pala kaysa sa iniisip ko." Tuwang-tuwa si Ivy sa nangyari pero hindi niya kayang tumawa dahil sa kahihiyan na nakikita sa mukha ni Robert.Napakamot nalang si Robert ng kanyang ulo sa sobrang ilang. “Ibig sabihin, lahat ng mga kaibigan mo ay ganyan ka conservative?” Konklusyon ni Ivy. “Edi maganda! Ibig sabihin, mabubuti silang impluwensya sayo.”Mas nahihiya si Robert kaysa napipikon sa pang aasar sakanya ni Ivy. “Ano ka ba! SI Daddy mismo ang naghanap ng mga kaibigan ko at hahayaan niya ba naman akong makipag kaibigan sa mga bad influence?” Paliwanag ni Robert. “Sobra kayang mag protekta ang mga magulang natin!”“Pero masyadong maraming tao sa university!” BInigyan ni Ivy ng tubig si Robert at nagpatuloy, “Sa palagay ko, kapag masama ang isnag tao, lalabas at lalabas yun kahit pa palibutan siya ng mga mababait na tao!” “Ahhh… ANg sinasabi mo ba ay lalabas din ang tunay kong kulay?” Tanong ni Robert bago siya uminom ng tubig. "Syempre hindi

  • Nang Namulat Ang Kanyang Mata   Kabanata 2795

    Binasa niya ng malakas ang ilang mga articles at sinabi naman sakanya ni Harry ang mga punto na pwede niya pang pagbutihin pero sinabi nito na magaling siya. Lumipas ang dalawang oras.Lumapit ang katulong na may dalang meryenda para senyasan ang dalawa na oras na para magpahinga."Ang laki na ng improvement mo, Ivy. Mas magaling ka na ngayon," puri ni Harry."Sinasabi ko rin sakanya 'yan kanina, Mr. Gardner, pero ayaw naman maniwala ni Ivy," nakangiting sabat ng katulong. "Talagang malaki na ang improvement mo.” Muling sumabat ang katulong, "Sinabi ko nga sakanya na pwede na siyang maging broadcaster ngayon. Ano sa palagay mo Mr. Gadner?"Tumingin si Harry kay Ivy.Natatarantang umiling si Ivy. "Nagbibiro lang po siya! Kailangan ko pa po ng mas maraming practice.""Gusto mo bang subukang mag intern, Ivy?" tanong ni Harry. "Malapit na ang winter holiday mo, at ang TV station namin ay kumukuha ng ilang mga estudyante mula sa inyong university para sa aming internship progra

  • Nang Namulat Ang Kanyang Mata   Kabanata 2796

    Para kay Robert, mas mahirap magtrabaho sa gabi kumpara sa umaga. Siguro dahil mahilig nga siyang matulog ng late kaya alam niya kung gaano kahirap gumising kinabukasan. Hindi niya nakitang nagpuyat si Ivy at kilala niya ito na sanay matulog nang maaga, kaya siguradong maapektuhan ang kalusugan nito sa oras na magumpisa na maging night shift. Hindi naman sila naghihirap kaya nasasaktan si Robert kapag iniisip niya na baka mahirapan lang si Ivy sa magiging sistema ng trabaho nito. Sigurado siya na ganito rin ang iisipin ng mga magulang nila. "Hindi pa! Madaling-araw na ngayon sa Bridgedale. Sigurado ako na natutulog na sila," sabi ni Ivy na ayaw ng abalahin ang kanyang mga magulang. "Magmemessage nalang ako sakanila at kapag nabasa nila yun bukas, sigurado naman akong tatawagan nila ako.""Okay. So pumayag ka na tanggapin ang internship?" tanong ni Robert.Tumango si Ivy. “Napaka bihirang opportunity lang nito kaya sino naman ako para tumanggi diba? Nahihiya ako noon kasi inii

  • Nang Namulat Ang Kanyang Mata   Kabanata 2797

    ”Opo, Daddy! Nasabi ko na rin po ito kay Robert. Alam kong nag-aalala ka tungkol sa night shift, pero hindi ko naman po ito nakikita na problema, kaya hindi dapat itonmaging hadlang sa pangarap ko.. Pwede naman po akong matulog sa araw at magtrabaho sa gabi."Nagpasya na si Ivy na tanggapin ang internship at naramdaman naman ni Elliot ang determinasyon sa boses nito, kaya alam niyang wala na siyang magagawa. Kapag sinabi niya kay Ivy na hindi siya sang ayon sa internship, alam niya na susundin siya ng bunso niya, pero alam niya rin na sobrang malulungkot ito. "Magrerequest ako kay Harry na bigyan ka ng medyp mas slot." Medyo alanganin pa rin si Elliot sa night shift. "Daddy, huwag mo na siyang kausapin," pagtanggi ni Ivy. “Patakaran po ito ng TV station mismo. Isa pa, hindi naman talaga ako qualified! Swinerte lang kaya kung kikilos ka, sa tingin ko ay sobrang mappressure ako at baka hindi ko maibigay ang best ko.” Hindi nakasagot si Elliot, at alam niya rin naman na may desisyo

Latest chapter

  • Nang Namulat Ang Kanyang Mata   Kabanata 3177

    Pagkalipas ng tatlong taon…Habang nakatayo si Ivy at Robert sa airport ng Aryadelle, kinakabahan silang nagghihintay,"Tapos na ang tatlong taon! Sa wakas, nandito na yung boyfriend mo para bisitahin ka!" Masayang sabi ni Robert bago baguhin ang topic. "Hindi naman siya nagbakasyon dito para hiwalayan ka, 'di ba? Naisip ko lang naman yun kasi tatalong taon din kayong hindi nagkita, alam mo na…. maraming pwedeng nagbago."Nagbuntong hininga si Ivy, "Robert, pwede bang wag mong imanifest? Kahit hindi kami nagkikita sa loob ng tatlong taon, araw-araw kaming nag-uusap sa phone at video call!"Sumagot si Robert, “Ohhh Digital Romance.”“Ipinangako niya sa akin na darating ang araw at magmimigrate na siya dito sa Aryadelle at hindi na kami magkakalayo ulit.” Sagot ni Ivy. Pang asar na ngumiti si Robert. “Aba, parang ang yabang ng boyfriend mo na yan ha! Tignan lang natin kapag nagkakilala sila ni Dad, baka mapabalik siya kaagad sa pinanggalingan niya!”Hindi na sumagot si Ivy. HI

  • Nang Namulat Ang Kanyang Mata   Kabanata 3176

    Hindi inaasahan ni Mr. Woods na magiging ganun ka-direkto si Hayden, at nadama niyang na-off balance pansamantala.Pumunta siya upang humingi ng pera kay Hayden, ngunit hindi niya pinag-isipan ang eksaktong halaga na gusto niya. Sa wakas, sobrang yaman ng pamilya ni Hayden, at ayaw niyang humingi ng kaunti at maramdaman na kulang, o ayaw niyang sumubok humingi ng sobra at tanggihan siya ni Hayden. Mahirap itong desisyunan.Matapos ang maikling pakikipaglaban sa kanyang sarili, tumingin si Mr. Woods kay Hayden at sinabi, "Alam ko na ang pamilya mo ay isa sa pinakamayaman sa Aryadelle, kaya't bakit hindi mo tukuyin ang presyo? Tiwala ako na hindi mo aabusuhin ang aking anak at ang aming pamilya."Bahagyang kunot-noo si Hayden.Napansin ito ni Shelly at agad siyang nagsalita, "Tito, bakit hindi ka na lang magbigay ng alok? Hindi kami gaanong pamilyar sa prosesong ito. Kung ipipilit mo sa amin na magtukoy ng presyo, baka kailanganin naming konsultahin ang aking biyenan.""Si Elliot Fo

  • Nang Namulat Ang Kanyang Mata   Kabanata 3175

    "Sige. Hanap tayo ng malapit na lugar para umupo at mag-usap."Huminga ng malalim si Mr. Woods sa ginhawa. "Mabuti! Malapit lang ang aming bahay. Gusto mo bang bumisita? Si Ivy ay kasama namin sa loob ng maraming taon, at malapit ang relasyon ng aming mga staff sa kanya."Tumingin si Hayden kay Shelly at tinanong, "Pupunta ba tayo?""Sige!" sabi ni Shelly.Agad na inimbita ni Mr. Woods sina Hayden at Shelly sa kanyang kotse at dinala sila sa mansyon ng mga Woods.Pagdating, inutos ni Mr. Woods sa mga alila na maghanda ng tsaa at mga pampalamig.Itinuro niya ang kanilang butler at sinabi kay Hayden, "Ito ang aming butler. Siya ang nag-hire sa lola ni Ivy."Tumango si Hayden.Pagkatapos ay ipinakilala ni Mr. Woods si Hayden: "Ito si kuya ni Irene, ang kilalang negosyante na si Mr. Hayden Tate.""Magandang araw, Mr. Tate. Si Irene ay isang magandang binibini," sabi ng butler. "Lahat kami dito ay sobrang gusto siya. Nang malaman namin ang kanyang pagkamatay, kami ay tunay na nalun

  • Nang Namulat Ang Kanyang Mata   Kabanata 3174

    Ang mga mata ni Ivy ay pula habang sinasabi niya, "Hayden, namatay ang ina ni Lucas, kaya hindi ko kayo masasamahan ng ilang araw.""Okay lang. Sa nangyari, kami rin ay hindi sa mood para mag-saya. Matapos namin dumalo sa libing ng kanyang ina, babalik kami ni Shelly," sabi ni Hayden.Tumango si Ivy."Paano ba ang mga libing dito?" tanong ni Hayden. Dahil sa relasyon ni Lucas kay Ivy, ang kanyang nakababatang kapatid, nararamdaman niya ang responsibilidad na tulungan si Lucas sa mga paghahanda para sa libing."Katulad lang sa ginagawa sa atin. Ang mayayaman ay maaaring magkaroon ng bonggang libing, at yung mga may kaunting pera ay pwede pumili ng mas simpleng seremonya. Yung mga hindi makaka-afford ng marami ay pwede mag-opt out sa seremonya at pumili ng simpleng paglibing," sabi ni Ivy."Eh paano kung may gusto ng mas bonggang libing?""Hayden, gusto mo bang tumulong sa libing ng ina niya? Wala siyang malalapit na kamag-anak dito, kaya walang kailangan ng bonggang seremonya," pa

  • Nang Namulat Ang Kanyang Mata   Kabanata 3173

    Binaba ni Lucas ang tawag, at lumuha ang kanyang mga mata.Nakatayo si Ivy sa kanyang tabi at tanong, "Ano'ng nangyari, Lucas?""Pumanaw na ang aking ina. Samahan mo muna ang iyong kapatid! Kailangan kong bumalik sa ospital.""Sasama ako! Mukhang maayos naman si Tita kanina, bakit bigla siyang pumanaw?"Mabilis na tumakbo papunta sa kotse ang dalawa, nakalimutang si Hayden at Shelly ay naiwan.Nanood si Hayden at Shelly habang umaalis ang dalawa ng medyo nakakatawa, at sabi ni Shelly, "Honey, tara na sa ospital. Mukhang pumanaw na ang ina ni Lucas.""Sige."Sumakay ang dalawa sa isang taksi at minadaling sumunod kay Lucas.Samantala, sa ospital, unang nakatagpo ni Lucas ang doktor at pagkatapos ay ang kanyang ama.Sinubukang sumipsip si Mr. Woods sa kanyang anak, sabi, "Lucas, pumunta ako sa ospital para bisitahin ang iyong ina, pero noong dumating ako, pumanaw na siya. Nakakalungkot!""Sigurado ka bang pumanaw na siya bago ka dumating? Nandito ako kanina, at noong nakita ko

  • Nang Namulat Ang Kanyang Mata   Kabanata 3172

    Naiinis na sabini Mr. Woods, "Ano ang ibig mong sabihin? Iniinsulto mo ba ako? Bagamat naghirap na ang pamilya Woods, kami pa rin ay kilala sa Taronia! Baka tanga si Lucas, pero mas matalino ka ba? Kung hindi dahil sa akin na sumusuporta kay Lucas, papansinin pa kaya siya ng mga Foster?""Tumahimik ka! Hindi kasing-kitid ng utak ng pamilya Foster ang pamilya mo! Hindi kinamumuhian ng pamilya ni Ivy si Lucas, kaya huwag kang maghanap ng gulo! Ayaw ka nilang makita!" Sagot ng ina ni Lucas.Umismid si Mr. Woods. "Ganun ba? Sa tingin mo ba talaga, hindi siya minamaliit? Bakit hindi? Plano ba nilang pasalihin si Lucas sa pamilya nila imbes na kabaligtaran?""Wala kang pakialam! Hindi mo naman inintindi si Lucas, at ngayon na siya'y independiyente, hindi na niya kailangan pa ang tulong mo! Hindi ka ba paulit-ulit na lumapit sa akin kung hindi lang anak ni Elliot Foster si Ivy at kung hindi siya interesado kay Lucas. Sa tingin mo ba hindi ko alam ang balak mo?"Sagot ni Mr. Woods, "Anong

  • Nang Namulat Ang Kanyang Mata   Kabanata 3171

    Hindi nag-atubiling umiling si Ivy. "Hindi ako aalis. Huwag mo akong alalahanin; mag-concentrate ka lang sa sarili mo.""Sayang lang ang oras dito.""Matagal na akong nag-aaral at nag-iintern. Ano bang masama kung magpapahinga ako ngayon?" sagot ni Ivy.Bago magtagal, natapos na mag-shopping sina Hayden at Shelly, at agad silang sinalihan ni Ivy at Lucas papunta sa ospital.Wala sa kaalaman ni Ina ni Lucas na pupunta sina Kuya at Hipag ni Ivy para bisitahin siya, kaya medyo naiilang siya nang dumating sila.Tinangka niyang umupo, ngunit hindi makayang gawin ng kanyang katawan.Itinaas ni Ivy ang ulunan ng hospital bed. "Tita, dinalaw ka ng aking kuya at hipag. Gusto ka nilang makita pati na rin si Lucas.""Naku, nakakahiya naman. Swerte na nga ng anak ko kay Ivy..." bulong ni Ina ni Lucas ng may kahihiyan.Pina-kalma siya ni Shelly, "Tita, wag po kayong magsalita ng ganyan. Napakagaling po ni Lucas. Kung hindi, hindi po siya magugustuhan ni Ivy."Patuloy si Ina ni Lucas, "Nari

  • Nang Namulat Ang Kanyang Mata   Kabanata 3170

    Sa buong kainan, nahirapan si Ivy na masiyahan sa kanyang pagkain.Pinagusapan ni Lucas at Hayden ang mga bagay-bagay, at hindi kagaya ng inaasahan ng marami, naging maayos sng takbo ng usapan ng dalawa. Hindi nagalit si Hayden, gayundin si Lucas.Mas maganda ito kumpara sa inaasahan ni Ivy, ngunit pakiramdam pa rin niya ay malungkot siya."Lucas, nais ng aking asawa at ako na bisitahin ang iyong ina. Ayos lang ba?" tanong ni Shelly matapos kumain."Sige," sagot ni Lucas."Kailangan ba nating itanong muna sa iyong ina?" tanong ni Ivy."Ayos lang. Pwedeng diretso na tayong pumunta doon at ipakilala sila pagdating natin."Araw-araw, hina ng hina si Ina ni Lucas at itinigil na niya ang paggamit ng kanyang telepono, kaya ang kanyang nurse, na na-hire ni Lucas, ang nag-uulat ng kalagayan ng kanyang ina araw-araw."Muling binuksan mo ang iyong negosyo at kailangan mong alagaan ang iyong ina sabay; napakalakas mo. Baka bumigay na ang karamihan sa presyon," komento ni Shelly."Mas m

  • Nang Namulat Ang Kanyang Mata   Kabanata 3169

    Matapos sabihin iyon ni Ivy, dagdag pa ni Lucas, "Gusto kong mag-focus muna sa aking career. Pangalawa lang ang kasal hanggang sa mas maging matagumpay ako."Inirapan siya ni Hayden. "Hindi ganoon kasimple ang pagpapatakbo ng isang negosyo. Paano kung mabigo ka o hindi makamit ang kahit na ano na kakaiba?""Kung mangyayari iyon, hindi ko hahatak pababa si Ivy," sagot ni Lucas."Kahit papaano, alam mo ang iyong lugar."Ramdam ni Ivy na para bang nag-aapoy ang kanyang mga pisngi. "Hayden, kahit mabigo si Lucas, hindi ko siya susukuan. Hindi ko siya bibitawan dahil lamang sa kanyang kalagayang pinansyal."Muli na namang hinawakan ni Shelly ang kamay ni Hayden, isinasenyas na kontrolin ang kanyang galit; pwede siyang maging masungit sa iba, pero hindi niya pwedeng hingan ng sobra si Ivy.Naramdaman ni Ivy na medyo lumabis siya, at lumambot ang tono niya. "Hayden, hindi natin dapat husgahan ang mga tao batay sa kanilang kayamanan. Mayaman na tayo, at talagang wala masyadong tao diyan

DMCA.com Protection Status