Ito ay hindi inaasahan na si Dean ay nakalabas mula sa ospital sa lalong madaling panahon pagkatapos si Dean ay dayain ng 2.1 bilyon.Logically speaking, dapat ay naasar siya kaya nahihilo siya at tumaas ang presyon ng dugo.Nadama ni Avery na ang pag-unlad ng bagay na ito ay hindi masyadong tamaPagkatapos niyang silipin ang balita, binuksan niya ang messaging app at nakitang nagpadala si Elliot ng ilang larawan sa kanya.May mga larawan na kinuha ni Elliot kasama ang kanilang dalawang anak.Ang kanilang mga ngiti ay nagniningning at kahanga-hanga. Unconsciously napalitan ng ngiti ang sulok ng labi ni Avery nang tingnan niya ang mga litrato.Gaano niya dinarasal nabumalik sa kanilang tabi kaagad at igugol ang kanyang buhay kasama sila."Ma, ano tinitignan mo?" Lumapit si Hayden para mag-almusal at nakita niyang nakangiti ang nanay niya kaya nagtanong na lang siya.Agad na ipinakita ni Avery kay Hayden ang mga larawan sa kanyang telepono. "Nakauwi na ang iyong ama. Ito ang mga
Ginamit ni Dean ang libing ni Angela upang magpadala ng mga imbitasyon sa mga tao sa kanyang koponan sa pamamagitan ng media sa pag-asang pupunta sila at magpaalam ng huling paalam kay Angela.Actually, emosyonal na blinablackmail niya sila .Gayunpaman, ayos lang sa kanya hangga't ang kanyang huling layunin ay nakamit."Mr. Jennings, pasensya na at nahuli ako," sabi ng lalaki sa kotse."Liam, tama? Malapit nang matapos ang libing. Nandito ka na, na nagpapakita ng iyong sinnseridad, at sapat na yon. Mag-usap na lang tayo ng pribado!" masayang sabi ni Dean kay Liam."Mr. Jennings, hindi ako nandito ng mag-isa." Inilabas ni Liam ang isang malaking flower basket sa gilid. "Ito ang flower basket na hiniling sa akin ng lahat ng iba pang miyembro ng aming research team na bilhin.""Mabuti, mabuti, mabuti! Sasabihin ko sa bodyguard na ipasok iyan," sabi ni Dean. Tinanggap niya ang flower basket mula kay Liam at iniabot sa bodyguard niya. "Liam, humanap tayo ng tahimik na lugar para maka
"Kinakwento ko lang 'to kay Sebastian kanina! Akala ko ba plano mong magpakasaya ng mag-isa at hindi mo ako isasama. Mukhang ang kitid ng pag-iisip ko! Tatlong inumin ang itataob ko mamaya bilang parusa ko!"…Habang pinagmamasdan ni Sebastian ang kanyang ama na maayos na nakaupo sa isang mesa sa tabi ni Stanley, mabilis siyang nag-isip.Mukhang tuwang-tuwa ang tatay niya.Ano ba talaga ang ginawa niya ngayon?Ano ang nangyari? Hindi kaya nakakuha siya ng panibagong bargaining chip?Mabilis na lumapit si Sebastian at umupo sa tabi ng kanyang ama.Dahil napakaraming tao sa paligid nila sa handaan, hindi sila nag-uusap sa tindahan.Nang matapos ang handaan, pumasok ang kanyang ama at si Stanley sa isang pribadong silid upang mag-usap. Hindi makasunod si Sebastian sa kanila, kaya wala siyang nagawa kundi ang hanapin ang bodyguard ng kanyang ama para tanungin ang sitwasyon."Anong ginawa niyo ng tatay ko kanina lang? May nakilala ba kayo?"Kung ang kanyang ama ay hindi pumasok sa
Tulala si Avery, at sumikip ang kanyang dibdib. "Anong paraan?""Hulaan mo sa sarili mo." Pinanatiling pahulaan ni Sebastian. "Avery, hindi ko na sasabihin sa iyo ang lahat tungkol sa pamilya Jennings. Dapat mong maunawaan na ang kapalaran ko ay konektado sa pamilya ko.""Hmm. Kung tutuusin, ikaw ang pangalawang anak ng pamilya Jenning. Naiintindihan ko naman na nasa panig ka ng iyong ama.""Pakiramdam ko niloloko mo ako.""Sebastian, huwag mo masyadong isipin ito. Hindi ko iniisip yan. Kahit sabihin mong wala kang pakialam sa tatay mo, mas makapal pa sa tubig ang dugo. Ikaw din ang nag-iisang tagapagmana ng pamilya mo. Gawin mo ang parehong desisyon mo," sabi ni Avery ng napakatahimik, habang lihim na iniisip kung ano ang nakuhang bargaining chip ni Dean ngayon."Gusto ko ring umasa sa sarili ko na mamuhay tulad ng sa inyo ni Elliot, pero ang katotohanan ay masyadong madilim. Kung iiwan ko ang pamilya Jennings, hindi ko alam kung paano ako mabubuhay.""Hmm... Sebastian, hindi ka
Pagkababa ni Sebastian, sinagot ni Avery ang tawag ni Eric."Avery, nasa Bridgedale ka ngayon ha? Kumain ka na ba? Bibilhan kita ng pagkain." Kasalukuyang nakatayo si Eric na nakayapak sa isang malambot na alpombra sa tabi ng bintanang mula sahig hanggang kisame, nakikipag-usap sa kanya.Ilang sandali pa ay nakarating na siya sa Bridgedale. Sa sandaling may libreng oras siya, naisipan niyang yayain siya."Kumain na ako. Nandito ka ba para sa trabaho o sa holiday?" tanong ni Avery."Holiday. Pwede ako gumamit ng hanggang dalawang taong' katumbas ng holidays. Maaari akong magkaroon ng kahit dalawang buwan na off." Masayang tumawa si Eric. "Noong una ay ayaw kong sumama, ngunit, dahil nandito ka, ginawa ko na.""Pero abala ako," totoo na sabi ni Avery. "Sigurado akong narinig mo ang tungkol sa insidente ni Elliot?""Hmm... narinig ko ang tungkol doon. Nagtanong pa nga ako sa mga malapit sa akin na doktor tungkol don. Sinabi nila na ang insidente ni Elliot ay absurd. Sobrang absurd,
"Pero malakas ang kutob ko na lalaki siya." Sinabi ni Eric kay Avery ang kanyang nararamdaman. Wala siyang matalik na kaibigan na makakausap niya, kaya sa buong oras na ito, iniingatan niya ang kanyang mga alalahanin."Bakit?" Naramdaman ni Avery na hindi sana magsisinungaling sa kanya ang kanyang mga magulang."Nakuha ko ang impression na iyon sa pakikipag-chat sa kanya.""Kung nagcha-chat kayong dalawa, edi tanungin mo na lang siya ng direkta sa susunod. Napakaimportanteng isyu non, kaya dapat ay mapunta ka sa ilalim nito," suhestyon ni Avery. Pagkatapos, tinanong niya, "Alam ba niya ang iyong pagkakakilanlan?"Saglit na nag-alinlangan si Eric bago sumagot, "sa tingin ko ay hindi. Pinakilala ako ng mga magulang ko bilang hindi kilalang broadcaster.""Siguradong maingat ang mga magulang mo!" Tumawa si Avery at sinabing, "Ikaw lang ang anak nila. Sigurado akong hindi sila magpapakilala ng lalaki sa iyo.""Ang mga magulang ko ay maaaring maging sensible in times, pero minsan illog
Nakatayo ang dalaga sa sikat ng araw, may suot na matingkad na ngiti. Nakasuot siya ng salamin, ngunit ang kanyang mga katangian ay kaaya-ayang tingnan. Ang kanyang ngiti ay napaka-palakaibigan. Nagbigay siya ng isang napaka masunurin na pakiramdam.Tiningnan ni Avery ang larawan at nagustuhan din siya ng marami.Pagkatapos, ipinadala sa kanya ni Eric ang profile picture mula sa social media ng dalaga. Ang profile picture ng babae ay larawan ng isang buff man na kinunan sa isang gym. Magkatabi, ang dalawang larawan ay mahigpit na pinagtagpo ang isa't isa.Hindi mapigilan ni Avery ang mapangiti. Hindi nakakagulat na si Eric ay nagsimulang magduda sa lahat ng bagay sa buhay. Kung siya siya, nagdududa rin siya sa buhay niya.…Alas tres ng hapon, natapos ang pakikipag-usap ni Dean kay Stanley at lumabas ng kwarto.Agad namang pumunta si Sebastian at humawak sa braso ng ama."Sebastian, huwag mong isapuso ang mga sinabi ko sa iyo kanina. Nag-aalala lang ako na wala kang pakialam at
"Sebastian, minsan ang konsepto lang ng isang bagay ay sapat na para kumita ka ng malaki. Hindi ko naman talaga kailangan na gayahin nila ang abot ni Angela nang lubusan. Hangga't nagagawa nilang muling likhain ang isang malapit na shell ng kung ano talaga ito, magagawa natin ibenta ito." Ngumiti ng tagumpay si Dean."Kamusta naman ang pinatunguhan ng pagpupulong sa team ni Angela, kung gayon? Anong sabi nila?" Nadurog ang puso ni Sebastian. Kung lubos na naunawaan ng pangkat ang pananaliksik ni Angela, magkakaroon ng kapangyarihan si Dean na i-blackmail sina Avery at Elliot; ngunit kung hindi sila ganap na pamilyar sa kung paano gumagana ang aparato, hindi makokontrol ni Dean ang dalawa."Isa lang sa kanila ang dumating ngayon at kakakausap ko lang sa kanya." Sumandal si Dean sa upuan at pumikit. "Sinabi niya na inilantad lamang ni Angela ang bawat isa sa kanila sa iba't ibang bahagi ng buong pananaliksik kaya hindi kami magtatagumpay maliban kung isasama namin ang lahat sa pangkat
Pagkalipas ng tatlong taon…Habang nakatayo si Ivy at Robert sa airport ng Aryadelle, kinakabahan silang nagghihintay,"Tapos na ang tatlong taon! Sa wakas, nandito na yung boyfriend mo para bisitahin ka!" Masayang sabi ni Robert bago baguhin ang topic. "Hindi naman siya nagbakasyon dito para hiwalayan ka, 'di ba? Naisip ko lang naman yun kasi tatalong taon din kayong hindi nagkita, alam mo na…. maraming pwedeng nagbago."Nagbuntong hininga si Ivy, "Robert, pwede bang wag mong imanifest? Kahit hindi kami nagkikita sa loob ng tatlong taon, araw-araw kaming nag-uusap sa phone at video call!"Sumagot si Robert, “Ohhh Digital Romance.”“Ipinangako niya sa akin na darating ang araw at magmimigrate na siya dito sa Aryadelle at hindi na kami magkakalayo ulit.” Sagot ni Ivy. Pang asar na ngumiti si Robert. “Aba, parang ang yabang ng boyfriend mo na yan ha! Tignan lang natin kapag nagkakilala sila ni Dad, baka mapabalik siya kaagad sa pinanggalingan niya!”Hindi na sumagot si Ivy. HI
Hindi inaasahan ni Mr. Woods na magiging ganun ka-direkto si Hayden, at nadama niyang na-off balance pansamantala.Pumunta siya upang humingi ng pera kay Hayden, ngunit hindi niya pinag-isipan ang eksaktong halaga na gusto niya. Sa wakas, sobrang yaman ng pamilya ni Hayden, at ayaw niyang humingi ng kaunti at maramdaman na kulang, o ayaw niyang sumubok humingi ng sobra at tanggihan siya ni Hayden. Mahirap itong desisyunan.Matapos ang maikling pakikipaglaban sa kanyang sarili, tumingin si Mr. Woods kay Hayden at sinabi, "Alam ko na ang pamilya mo ay isa sa pinakamayaman sa Aryadelle, kaya't bakit hindi mo tukuyin ang presyo? Tiwala ako na hindi mo aabusuhin ang aking anak at ang aming pamilya."Bahagyang kunot-noo si Hayden.Napansin ito ni Shelly at agad siyang nagsalita, "Tito, bakit hindi ka na lang magbigay ng alok? Hindi kami gaanong pamilyar sa prosesong ito. Kung ipipilit mo sa amin na magtukoy ng presyo, baka kailanganin naming konsultahin ang aking biyenan.""Si Elliot Fo
"Sige. Hanap tayo ng malapit na lugar para umupo at mag-usap."Huminga ng malalim si Mr. Woods sa ginhawa. "Mabuti! Malapit lang ang aming bahay. Gusto mo bang bumisita? Si Ivy ay kasama namin sa loob ng maraming taon, at malapit ang relasyon ng aming mga staff sa kanya."Tumingin si Hayden kay Shelly at tinanong, "Pupunta ba tayo?""Sige!" sabi ni Shelly.Agad na inimbita ni Mr. Woods sina Hayden at Shelly sa kanyang kotse at dinala sila sa mansyon ng mga Woods.Pagdating, inutos ni Mr. Woods sa mga alila na maghanda ng tsaa at mga pampalamig.Itinuro niya ang kanilang butler at sinabi kay Hayden, "Ito ang aming butler. Siya ang nag-hire sa lola ni Ivy."Tumango si Hayden.Pagkatapos ay ipinakilala ni Mr. Woods si Hayden: "Ito si kuya ni Irene, ang kilalang negosyante na si Mr. Hayden Tate.""Magandang araw, Mr. Tate. Si Irene ay isang magandang binibini," sabi ng butler. "Lahat kami dito ay sobrang gusto siya. Nang malaman namin ang kanyang pagkamatay, kami ay tunay na nalun
Ang mga mata ni Ivy ay pula habang sinasabi niya, "Hayden, namatay ang ina ni Lucas, kaya hindi ko kayo masasamahan ng ilang araw.""Okay lang. Sa nangyari, kami rin ay hindi sa mood para mag-saya. Matapos namin dumalo sa libing ng kanyang ina, babalik kami ni Shelly," sabi ni Hayden.Tumango si Ivy."Paano ba ang mga libing dito?" tanong ni Hayden. Dahil sa relasyon ni Lucas kay Ivy, ang kanyang nakababatang kapatid, nararamdaman niya ang responsibilidad na tulungan si Lucas sa mga paghahanda para sa libing."Katulad lang sa ginagawa sa atin. Ang mayayaman ay maaaring magkaroon ng bonggang libing, at yung mga may kaunting pera ay pwede pumili ng mas simpleng seremonya. Yung mga hindi makaka-afford ng marami ay pwede mag-opt out sa seremonya at pumili ng simpleng paglibing," sabi ni Ivy."Eh paano kung may gusto ng mas bonggang libing?""Hayden, gusto mo bang tumulong sa libing ng ina niya? Wala siyang malalapit na kamag-anak dito, kaya walang kailangan ng bonggang seremonya," pa
Binaba ni Lucas ang tawag, at lumuha ang kanyang mga mata.Nakatayo si Ivy sa kanyang tabi at tanong, "Ano'ng nangyari, Lucas?""Pumanaw na ang aking ina. Samahan mo muna ang iyong kapatid! Kailangan kong bumalik sa ospital.""Sasama ako! Mukhang maayos naman si Tita kanina, bakit bigla siyang pumanaw?"Mabilis na tumakbo papunta sa kotse ang dalawa, nakalimutang si Hayden at Shelly ay naiwan.Nanood si Hayden at Shelly habang umaalis ang dalawa ng medyo nakakatawa, at sabi ni Shelly, "Honey, tara na sa ospital. Mukhang pumanaw na ang ina ni Lucas.""Sige."Sumakay ang dalawa sa isang taksi at minadaling sumunod kay Lucas.Samantala, sa ospital, unang nakatagpo ni Lucas ang doktor at pagkatapos ay ang kanyang ama.Sinubukang sumipsip si Mr. Woods sa kanyang anak, sabi, "Lucas, pumunta ako sa ospital para bisitahin ang iyong ina, pero noong dumating ako, pumanaw na siya. Nakakalungkot!""Sigurado ka bang pumanaw na siya bago ka dumating? Nandito ako kanina, at noong nakita ko
Naiinis na sabini Mr. Woods, "Ano ang ibig mong sabihin? Iniinsulto mo ba ako? Bagamat naghirap na ang pamilya Woods, kami pa rin ay kilala sa Taronia! Baka tanga si Lucas, pero mas matalino ka ba? Kung hindi dahil sa akin na sumusuporta kay Lucas, papansinin pa kaya siya ng mga Foster?""Tumahimik ka! Hindi kasing-kitid ng utak ng pamilya Foster ang pamilya mo! Hindi kinamumuhian ng pamilya ni Ivy si Lucas, kaya huwag kang maghanap ng gulo! Ayaw ka nilang makita!" Sagot ng ina ni Lucas.Umismid si Mr. Woods. "Ganun ba? Sa tingin mo ba talaga, hindi siya minamaliit? Bakit hindi? Plano ba nilang pasalihin si Lucas sa pamilya nila imbes na kabaligtaran?""Wala kang pakialam! Hindi mo naman inintindi si Lucas, at ngayon na siya'y independiyente, hindi na niya kailangan pa ang tulong mo! Hindi ka ba paulit-ulit na lumapit sa akin kung hindi lang anak ni Elliot Foster si Ivy at kung hindi siya interesado kay Lucas. Sa tingin mo ba hindi ko alam ang balak mo?"Sagot ni Mr. Woods, "Anong
Hindi nag-atubiling umiling si Ivy. "Hindi ako aalis. Huwag mo akong alalahanin; mag-concentrate ka lang sa sarili mo.""Sayang lang ang oras dito.""Matagal na akong nag-aaral at nag-iintern. Ano bang masama kung magpapahinga ako ngayon?" sagot ni Ivy.Bago magtagal, natapos na mag-shopping sina Hayden at Shelly, at agad silang sinalihan ni Ivy at Lucas papunta sa ospital.Wala sa kaalaman ni Ina ni Lucas na pupunta sina Kuya at Hipag ni Ivy para bisitahin siya, kaya medyo naiilang siya nang dumating sila.Tinangka niyang umupo, ngunit hindi makayang gawin ng kanyang katawan.Itinaas ni Ivy ang ulunan ng hospital bed. "Tita, dinalaw ka ng aking kuya at hipag. Gusto ka nilang makita pati na rin si Lucas.""Naku, nakakahiya naman. Swerte na nga ng anak ko kay Ivy..." bulong ni Ina ni Lucas ng may kahihiyan.Pina-kalma siya ni Shelly, "Tita, wag po kayong magsalita ng ganyan. Napakagaling po ni Lucas. Kung hindi, hindi po siya magugustuhan ni Ivy."Patuloy si Ina ni Lucas, "Nari
Sa buong kainan, nahirapan si Ivy na masiyahan sa kanyang pagkain.Pinagusapan ni Lucas at Hayden ang mga bagay-bagay, at hindi kagaya ng inaasahan ng marami, naging maayos sng takbo ng usapan ng dalawa. Hindi nagalit si Hayden, gayundin si Lucas.Mas maganda ito kumpara sa inaasahan ni Ivy, ngunit pakiramdam pa rin niya ay malungkot siya."Lucas, nais ng aking asawa at ako na bisitahin ang iyong ina. Ayos lang ba?" tanong ni Shelly matapos kumain."Sige," sagot ni Lucas."Kailangan ba nating itanong muna sa iyong ina?" tanong ni Ivy."Ayos lang. Pwedeng diretso na tayong pumunta doon at ipakilala sila pagdating natin."Araw-araw, hina ng hina si Ina ni Lucas at itinigil na niya ang paggamit ng kanyang telepono, kaya ang kanyang nurse, na na-hire ni Lucas, ang nag-uulat ng kalagayan ng kanyang ina araw-araw."Muling binuksan mo ang iyong negosyo at kailangan mong alagaan ang iyong ina sabay; napakalakas mo. Baka bumigay na ang karamihan sa presyon," komento ni Shelly."Mas m
Matapos sabihin iyon ni Ivy, dagdag pa ni Lucas, "Gusto kong mag-focus muna sa aking career. Pangalawa lang ang kasal hanggang sa mas maging matagumpay ako."Inirapan siya ni Hayden. "Hindi ganoon kasimple ang pagpapatakbo ng isang negosyo. Paano kung mabigo ka o hindi makamit ang kahit na ano na kakaiba?""Kung mangyayari iyon, hindi ko hahatak pababa si Ivy," sagot ni Lucas."Kahit papaano, alam mo ang iyong lugar."Ramdam ni Ivy na para bang nag-aapoy ang kanyang mga pisngi. "Hayden, kahit mabigo si Lucas, hindi ko siya susukuan. Hindi ko siya bibitawan dahil lamang sa kanyang kalagayang pinansyal."Muli na namang hinawakan ni Shelly ang kamay ni Hayden, isinasenyas na kontrolin ang kanyang galit; pwede siyang maging masungit sa iba, pero hindi niya pwedeng hingan ng sobra si Ivy.Naramdaman ni Ivy na medyo lumabis siya, at lumambot ang tono niya. "Hayden, hindi natin dapat husgahan ang mga tao batay sa kanilang kayamanan. Mayaman na tayo, at talagang wala masyadong tao diyan