"Kamukha ka naman po ni Layla." Sabi ni Hayden."Hayden, siya talaga ang papa niyong dalawa. Pero, hindi niya gusto ng mgabata kaya mas mabuting huwag niyo na siyang hanapin pareho. Kapag nalamanniya na pareho kayong anak niya, hindi ko na alam kung anong gagawin niya."Ani Avery.Sagot ni Hayden, "Hindi po namin gusto ang papa na katulad niya!""Hayden, pakiramdam ko na pagkatapos mong makauwi sa bahay, magbabago ka atmas bubuti pa," sabi ni Avery."Ma, wala po akong sakit, para po kasing mga isip bata at nakakatamad angmga taong iyon," sinabi ni Hayden.Tumango si Avery, "Alam ko. Gusto mo ng mga matatalinong tao tulad ni TitoMike. Pero, kapag mas tumatanda ka na, mas mapagtatanto mo na ang mga taona hindi katalinuhan ay espesyal din. Kailangan nating matutong ituon angatensyon natin sa kabutihan ng iba, tulad ng kabutihan at pagiginginosente."Hindi sumang ayon si Hayden doon pero hindi na niya pinabulaanan ito.Maliban na lang kapag tumanda siya, baka mas maintindiha
Halos mabuga ni Avery ang green tea sa kanyang bibig. Kumuha siya ng tissueat dinampi sa kanyang bibig."Miss Sandford, ako mismo ang nakipaghiwalay kay Elliot. Para sayo na angpagkuha ni Elliot sa akin, ang kinakaayawan ko lang ay hindi pa kayo kasal!Bagay kayong dalawa! Gwapo siya at maganda ka, ginawa kayo para sa isa'tisa! Kailan ba kayo magpapakasal? Magpapadala ako ng malaking regalo!"May nahihiyang ngiti si Zoe sa kanyang mukha, "Ngayon alam ko nang ito anginiisip mo. Pero, pasensya ka na kung nabigo kita, dahil hindi pa kaminagpa-planong magpakasal.""Bakit hindi? Ayaw mo ba? O ayaw niya? Kung ayaw niya, bakit hindi kayakita tulungang makipag-usap sa kanya?" Sumimsim si Avery sa kanyang greentea.Sabi ni Zoe, "Hindi na kailangan. Hahayaan naming mangyari ang mga bagay satamang panahon. Tama, Miss Tate. tinawag mo akong hindi marunong makiramdamkanina, hindi ko maintindihan kung bakit. Ito lang ang unang pag-uusapnatin, bakit mo ako iniinsulto?"Naamoy na agad n
Kahit ang porselana ay hindi nabasag!Tumingin si Avery sa kanyang pangit na inarte sa gulat!Sa ulo niya, nakita na niya ang mga madramang senarto mula romantikongpalabas kung saan nagkipagtalo ang bidang babae sa isa pang babae.Agad na dumalo ang staff at tinulungan si Zoe na gamutin ang kanyang sunog.Umupo si Avery sa kanyang upuan na parang nakaramdam siya ng papalapit napanganib.Ngayon na nasaktan si Zoe, nasa kanya ang simpatya ng lahat.Masasabi niya na aksidente ito. Masasabi rin niya na sinadya ni Avery namapaso siya at maseseryoso ang kayang mga sasabihin.Tinanong ni Avery ang babayaran.Maya maya, ang balita na nasunog ni Avery ang kamay ni Zoe ay umabot sa mgatenga ni Elliot. Sa lahat pa ng parte ng katawan ni Zoe, ang mga kamay niyaang mahalaga para kay Elliot.Iyon ay dahil si Zoe ang magsasagawa ng operasyon kay Shea.At ngayon, pinaso ni Avery ang mga kamay niya..."Imposibleng gawin ito ni Avery!" Bulalas ni Elliot.Pinakita ng gwardiya ang video n
Nang marinig ni Avery ang mga katanungan niya, nagkaroon siya ng alon ngmga emosyon."Anong sinabi ng girlfriend mo sa'yo?" Tanong niya.Napatigil si Elliot. Hindi niya pa binibisita si Zoe.Pagkatapos mapakinggan ang recording, naalarma siya at kaya tinawagan niyamuna si Avery."Avery, tinatanong kita! Huwag mong baguhin ang usapan!" Naging mas seryosopa ang tono niya sa oras na ito.Nang narinig ni Avery ang pagsigaw niya, nagsimula siyang magalit, "Hindiba halata? Napaso ko ang kamay ng girlfriend mo ng kumukulong tubig!Sabihan mo siyang lumayo sa akin, kung hindi, susunugin ko ang mukha niya!"Hindi nakapagsalita si Elliot.Si Avery, "Bakit hindi ka nagsasalita? Hindi mo pa ba sinusubukang kausapinang girlfriend mo?"Lumunok si Elliot at nangngalaiti ang kanyang mga ngipin."Kung napano na ang mga kamay ni Miss Sandford, paano na niya masasagawaang operasyon kay Shea? Nag-aalala ako bigla, Elliot Foster, maghihigantika ba sa akin?" Patuloy ni Avery."Avery Tate, k
Tanong ni Cole, "Avery! Kinukumpara mo ba ako sa aso?!"Sagot ni Avery, "Oo! Kilala ko ng sobra si Cassandra para malaman na walasiyang lakas na loob bumili ng mamatay tao! Pero, wala akong interes sainyong dalawa, kaya kung mamatay o mabubuhay kayong dalawa ay wala na 'yonsa akin! Kung patuloy mong guguluhin ako, hindi na ako mag-aatubilingmaghanap ng kung sino para ipa-imbestiga ito!"Nagbago ang mukha ni Cole, "Avery! Hindi ako pumunta rito para sa'yo,nagkataon lang na...napadaan ako. Usap na lang tayo sa susunod!"Hindi sinabi ni Avery ang mga salitang iyon mula sa kanya para ilantadsiya.Hindi gusto ni Cole si Elliot pero hindi ginawang gamitin ang pangalan niyapara bumili ng mamatay tao at isakripisyo si Cassandra.Umilaw ang screen ng kanyang telepono nang may dumating na mensahe.Pinindot ni Avery ang mensahe, mula ito kay Tammy!: [Bakit ang babaw niElliot?! Tinawagan ka niya para sa babaeng iyon! Anong mayroon sa kanya!Mas higit pa riyan ang alam niya!]Nakita
Ala sais ng gabi ngayon.Nagmaneho si Avery pabalik sa Starry River Villa. Bukas ang pintuan ngvilla.Nandoon ang pulang BNW na nakaparada sa labas.Nakilala ni Avery ang sasakyang ito, sasakyan ito ni Tammy.Bakit bigla na lang pumunta si Tammy dito?"Avery!"Nang nakita ni Tammy si Avery umuwi, tumakbo siya, "Nakita ko ang dalawanganak mo! Kung hindi ko pa narinig sa ibang tao ang tungkol sa pag-aamponmo, baka itago mo na ito sa akin habang buhay!"Nang marinig ni Avery ang nagrereklamong boses ni Tammy, muntik na siyanghindi lumabas sa kanyang sasakyan.Napagtanto niya na kapag nalaman ni Elliot ang kahit na anong tungkol sakanya, nalalaman din ng buong mundo!Sinisisi ng isa ang relasyon ni Tammy kay Jun Hertz. Pero, hindi niyapwedeng itaboy si Tammy dahil lang nakikipagkita siya kay Jun."Paano mo nagawa ito sa akin?!" Tumungo si Tammy kay Avery at hinatak siyapalabas ng sasakyan, "Tungkol lang ba ito sa pag-aampon mo ng dalawangbata? Bakit mo ito tinago sa akin?
Tama ang inaakala ni Tammy."Avery, bakit hindi mo sinabi kay Elliot? Kapag nalaman niyang anak palaniya ang mga ito...""Ayaw niya ng anak, Tammy. Kapag sinabi mo ito sa kahit kanino o kayElliot, hindi na tayo magkaibigan." Sinabi ni Avery sa malamig na boses atang mukha niya ay mas malamig pa na parang ganap na ibang tao siya."Kung seryoso ito, syempre ay hindi ko sasabihin. Privacy mo ito at itatagoko ang sikreto mo," nababalisang sinabi ni Tammy, "Hindi ko talagamaintindihan si Elliot. Ano sa tingin mo, may sakit ba siya sa utak?""Wala naman." Umupo si Avery sa kama at pinayag ang bawat salita, "Gusto kolang alagaan ang mga bata hanggang sa lumaki sila.""Avery, huwag kang mag-alala. Pangako na hindi ko sasabihin kahit kaninoang tungkol dito."...Sa mansyon ng mga Foster.Ala siyete ng hapon nang nakauwi si Elliot sa bahay."Elliot, ayos lang ba si Zoe? Bakit ba hindi siya nag-iingat? Ang mga kamayng doktor ang pinakamahalagang parte ng katawan sa lahat na dapat
May dalawang boses sa loob niya. Ang isang boses ay nagsasabi na huwag nasiyang bumalik kay Avery. Ang isang boses naman ay nagsasabi na hanapinniya ang anak ni Avery.Kahit na hindi sa kanya ang bata, gusto niyang makita kung gaano kahawig ngbata si Avery.At dahil doon! Isang tinik sa kanyang puso!...Sa Starry River Villa.Pumunta siya Tammy dala ang bagong biling puzzle.Bilang resulta, si Mike ang nagbukas ng pintuan para sa kanya."Bakit wala ka na namang damit?" Tumingin si Tammy sa hubas na itaas niMike at nagreklamo, "Hindi ka mag-isa sa bahay, nandiyan sila Laura atLayla! Pwede bang magkaroon ka naman ng pake sa itsura mo?"Tumingin si Mike na medyo inaantok, "Bakit hindi ka nagdala ng almusal?Hindi naman ganoon kasama 'yung dinala mong mga tinapay 'nong nakaraan!"Hindi nakapagsalita si Tammy.Binaba niya ang puzzle at naglakad patungo sa master bedroom.Gayunpaman, wala si Avery sa paligid."Nasa trabaho ba si Avery?" Lumabas si Avery mula sa kwarto at na