Binuhat ni Avery si Layla at tinuro naman nito si Hayden. “Sinama niya ako.”“Oh…Hayden, paano mo nalaman na nandito si mommy?” Nakangiting tanong ni Avery. Wala siyang balak pagalitan ang anak niya. “Siguro tinanong mo si Uncle Mike na tignan ang location ko no?” Tumungo si Hayden. Si Uncle Mike ang nagturo sakanya kung paano mang hack…Walang kaalam-alam si Avery sa skill na mayroon si Hayden. “Okay, tara na! Inaantok na si mommy… Uwi na tayo.” Hindi na gumagana ang utak ni Avery sa sobrang pagod.Pagkalabas nilang mag’iina ng ospital, nakasakay agad sila ng taxi at hindi pa man din sila nagtatagal sa byahe ay nakatulog na si Avery.Bandang 11:20 ng umaga, may biglang tumawag kay Zoe para sabihan siya na pumunta sa Elizabeth Hospital. Pagkarating niya sa ospital, nakita niya kaagad si Shea. Nakabandage ang ulo nito at kasalukuyang natutulog. Sobrang putla nito!Pagkalipas ng dalawang oras, tinawagan niya si Elliot. “Mr. Foster, nakita ko na po si Sh
Makalipas ang twenty minutes, nakatanggap kaagad si Elliot ng tawag. “Mr. Foster, tinawagan ko po ang Elizabeth Hospital, at ang sabi po nila sa akin ay kasalukuyan daw pong under maintenance ang mga surveillance camera nila kaya wala pong kahit anong footage na nakuha.” Nang marinig ito ni Elliot, biglang kumunot ang kanyang noo. ‘Ano? Coincidence lang ba ang lahat ng ito?’‘Wala ba talagang surveillance footage o baka naman ayaw lang talagang magpakilala ng taong yun?“Okay, Alisin niyo ang lahat ng picture at balita tungkol dito sa internet.” Utos ni Elliot.“Okay, Mr. Foster, gagawin ko na po ngayon mismo.”Wala pang isang oras, lahat ng impormasyon tungkol sa paghahanap ni Elliot kay Shea, maging ang ransom na one hundred fifty-five million dollar ay tuluyan ng nawala sa internet. …Sobrang himbing ng tulog ni Avery pero bigla siyang naalimpungatan nang mag ring ang kanyang phone.Ilang beses na siyang tinawagan ni Tammy pero ngayon lang siya sumag
“Anong sinsabi mo jan? Date nga natin ‘to diba! Bakit ko naman sila isasama?” Nilagyan ni Tammy ng wine ang isang wine glass at iniabot ito kay Avery. “Ano ba kasing ginawa mo kagabi? Ang laki laki ng eyebags mo oh.” Nakipag cheers si Avery at uminom. “ Wala, nanuod lang ako ng series!”“Akal mo ba maniniwala ako sayo?! Ha! Ang plastik plastik ng ngiti mo oh! Siguro iniisip mo pa rin si Elliot no kaya hindi ka makatulog?” Nabilaukan si Avery at naiinis na sumagot, “Tammy, sa tingin mo ba ganon ako katanga?” Tumango ng paulit-ulit si Tammy, “Oo! Oo! Oo! Oo! Yumaman ka lang pero tanga ka pa rin!” Ang hindi nila alam… Nasa parehong restaurant rin sina Elliot at Ben noong gabing yun.. Yun lang ang pinaka high class na restaurant na malapit sa ospital. “Elliot, hindi kita niyaya para mangusisa tungkol sa relasyon niyo ni Shea ha! Gusto ko lang talagang makipag inuman sayo! Oo nga pala, kamusta pala si Dr. Stanford? Magaling ba siya?” Kinuha ni Elliot ang wine gl
Puno pa ang wine glass at halatang hindi pa rin nagagalaw ang plato nito. Kung hindi siguro siya dumating, malamang hindi ito aalis. “Sige na, kumain na kayo. Aalis nalang kami.” Pagkatapos magsalita, tumalikod si Elliot at naglakad palayo. Si Ben naman, na pasimuno ng lahat, ay nagmamadaling tumakbo habang hawak-hawak pa ang kanyang wine glass, “Elliot! Hintayin mo ‘ko!” Nagthumbs up si Tammy kay Avery at naka ngiting sinabi, “Avery, the best ka talaga!” “Bakit? Siya naman may gustong umalis..” Inosenteng sagot ni Avery. “Hahaha! Ang lakas ng kutob ko na may gusto pa rin siya sayo!” Muling kinuha ni Tammy ang wine glass niya at chineers sa wine glass ni Avery. “Kitang kita ko sa mga mata niya. Ramdam na ramdam ko..”“Alam mo Tammy, sa tingin ko kailangan mo ng bawas-bawasan yang kanunuod mo ng mga drama. Kung ano-anong pumapasok sa isip mo.”“Bakit ako? Diba ikaw yung nagpuyat jan para manuod ng drama?” “May sinabi ba akong drama ang pinanuod ko?!” Uminom si
“Ayoko… ayoko sakanya… Hindi ko siya kilala… ayoko saknaya..”“Dinala ka sa ospital noong nahimatay ka kaya ngayon mo lang siya nakita.” Paliwanag ni Elliot. “Nahimatay?” “Hindi! Hindi yan totoo!” Umiiyak na sagot ni Shea. Tandang tanda niya ang mukha ni Avery. Noong inaapoy siya ng lagnat, si Avery yung nagbabantay at kumakausap sakanya. Hindi niya na maalala kung anong sinabi nito, pero sigurado siya! Sobrang lambing ng boses nito kaya hindi siya natakot. Dahil dun, biglang humagulgol si Shea at dahil nabigla ang katawan niya, pakiramdam niya ay mabibiyak ang ulo niya. “Shea, saan ang masakit? Pumikit ka muna at wag kang mag’isip ng kung ano-ano. Matulog ka muna, pagkagising mo, hindi na yan masakit.” Pinunasan ni Elliot ang luha sa pisngi ni Shea at hinimas ang likod nito hanggang sa makatulog ito. Kakatapos lang ng brain surgery nito, at kailangan nitong magpahinga para makabawi kaagad ito ng lakas. Nang masigurong nakatulog na si Shea, lumabas si E
Hinila ni Ben ang braso ni Elliot at kinaladkad niya ito papunta sa emergency exit. “Elliot, halatang halata naman na mahal mo pa rin si Avery. Bakit ba kasi ayaw mong aminin? Yang Shea na yan, oo sabihin natin na maganda siya, pero pare walang wala naman siya kay Avery!” Gusto lang naman sana ni Ben na magising si Elliot sa realidad. “Walang ibang mas mahala sakin bukod kay Shea!” Galit na galit na sigaw ni Elliot. “Ito ba ang dahilan ng pagdidivorce niyo ni Avery?”“Oo!” “Ah! Tama lang pala ang desisyon ni Avery! Anong inaarte arte mo ngayon? Wala kang karapatang maging malungkot kasi ikaw ang may kasalanan!” Ngayon lang ‘to ginawa ni Ben sa tanang pagkakaibigan nila ni Elliot. “Bilang kaibigan mo, wala naman talaga akong pakielam kung sinong magustuhan mo. Pero gusto ko lang sanang–”“Edi gayahin mo si Avery! Umalis ka! Hindi ko kailangan ng ibang tao na mahilig mangielam sa personal kong buhay!” ‘Ibang tao…’Huminga ng malalim si Ben. ‘Bahala ka!‘Ku
May buhat-buhat ito na dalawang bata sa magkabila nitong braso - isang babae, isang lalaki..Hindi siya makapaniwala sa nakikita niya. Medyo malabo ang kopya… Bigla siyang nag’alangan kung si Avery ba talaga ang nakikita niya!‘Bakit may dalawang bata siyang karga?!‘Wala namang anak si Avery, diba?!’’Inulit-inulit niya ang parte ng surveillance video kung saan niya nakita ang babae. At dahil dun, biglang nawala ang antok niya!Iniscreen record niya ang parte ng surveillance video na yun at tinupi ang kanyang notebook. ‘Kailangan kong malaman kung sino ‘tong babaeng ‘to at ang mga batang kasama niya!’‘Pagsikat ng araw, tatawagan ko kaagad si Avery!’Bandang alas sais, nagising si Shea. Pagkadilat niya, bumangon siya kaagad. Naglakad siya papunta sa maliit na kama, kung saan natutulog si Elliot, at biglang hinawakan ang kamay nito.“Kuya…kuya..”Biglang naalimpungatan si Elliot.“Kuya, uwi na tayo!” Natatakot si Shea sa ospital, ayaw niya na doon! G
Hindi inaasahan ni Avery ang naging tanong ni Elliot. Pakiramdam niya ay para bang may naka bara sa lalamunan niya. Hindi naman kasi niya alam na pupuntahan siya ng kambal sa ospital… At higit sa lahat, hindi niya rin naisip na ilalabas ng Elizabeth Hospital ang security footage dahil yun ang pangako ng mga ito sakanya!Alam niya kung gaano kagaling mag suspetya si Elliot kaya naisip niyang hindi ito matatahimik hanggat hindi nito nalalaman kung sino ang nagdala kay Shea sa ospital. Pero may isang detalye itong hindi alam…Kulang ang footage na nakuha nito. Hindi kahapon, kundi noong isang araw niya dinala si Shea sa Elizabeth Hospital kaya imposibleng malaman ni Elliot na siya nga ang nagdala kay Shea. “Elliot, divorced na tayo kaya wala kang pakielam kung nasa Elizabeth Hospital ako kahapon o wala. Isa pa, alam mo namang mahilig ako sa mga bata diba? Kaya kung sino-sino talaga ang mga binubuhat ko,” Sa kabila ng kaba, pinilit pa rin ni Avery na maging kalmado.“Wag kang mag’a