"Kung gayon patayin mo muna ako!" Pinigilan siya ni Ruby na umalis. "Paul, ako ang may gawa nito! Nakita mong pinakain ko ang aking ama ng lason...""Ang tanga mong babae! Hindi ka na maililigtas pa!" sigaw ni Paul.Napaiyak si Ruby. "Paul... Kuya... I'm sorry... Dapat kinausap muna kita tungkol dito...""Wag mo akong tawaging kuya! Nasisiraan ka na talaga ng bait ngayon! Paano napunta si Ama sa isang traydor na babaeng anak?!" Mapang-asar na sabi ni Paul.Iyon ang unang pagkakataon na nagtaas ng boses si Paul laban sa kanya. Ang lahat ng kanyang lakas ay nawala sa kanyang mga binti, at siya ay nahulog."Ako ang may gawa nito... Isisi mo na lang sa akin kung gusto mo... Wag mong sisihin si Elliot...""Nagsasalita ka pa rin para sa kanya?! Anong gayuma ba ang inilagay niya sayo? Ruby, hindi mo ba alam na babalik agad siya sa Aryadelle? Ganyan ka ba talaga katanga, o umiiwas ka lang sa realidad? Kung hindi lang siya pinigilan ni Ama, matagal na siyang wala! Sa tingin mo ba ay mana
"Paul! Tumigil ka!" angal ni Ruby.Tumakbo siya papunta kay Elliot at tumayo sa harapan nito.Tumigil si Paul, pero halatang galit pa rin siya."Kung papatayin mo siya, hindi kita hahayaang mabuhay!" Tinitigan ng masama ni Ruby si Paul. "Ikaw ay isang tagalabas! Wala kang karapatang isangkot ang iyong sarili sa mga bagay na may kinalaman sa mga Goulds!"Ang salitang 'tagalabas' ay tumagos sa puso ni Paul sa sakit. Tinitigan niya ang pamilyar na mukha ni Ruby at naramdaman niyang nakatingin siya sa isang estranghero.Mula nang ikasal siya kay Elliot, nagbago na siya ng tuluyan bilang isang ganap na kakaibang tao. Si Elliot lang ang inaalala niya. Minahal niya ito hanggang sa puntong ibibigay niya sa kanya ang lahat ng pag-aari ng mga Goulds kung hihilingin niya ito.Bilang isang tagalabas, maaari lamang tumayo si Paul at panoorin siyang gumawa ng katangahan sa kanyang sarili, ng paulit-ulit.Aalis na sana siya ng kwarto, humikbi si Ruby, "Paul, huwag kang umalis!" habang nakatiti
Nag pout si Layla. "Dapat itanong mo yan sa mama ko!""Ayokong subukan," sabi ng manager habang tumatawa. "Natatakot akong maging malungkot siya kapag tinanong ko iyan.""Ngunit nalulungkot din ako, ngayong tinanong mo ako ng tanong na ito!" Malungkot na sabi ni Layla."Miss mo na ba ang tatay mo?" tanong ng manager. "Madalas niyang sabihin sa akin kung gaano ka niya kamahal. Sinabi pa niya na ang tanging dahilan lang kaya kumikita siya ng maraming pera ay para magastos mo ang lahat.""Talaga?" Kinusot ni Layla ang malaki at matingkad niyang mga mata at nagtanong, "Ano pa ang sinabi niya?""Hindi gaanong sinasabi ng tatay mo, pero tuwing nagkwekwento siya tungkol sayo, talagang nasasabik siya. Lagi niyang sinasabi na pinakamamahal niya ang anak niya."Nakaramdam si Layla ng bukol sa kanyang lalamunan."Gusto mo bang tawagan ang tatay mo? Sigurado akong matutuwa talaga siya kung tatawagan mo siya," sabi ng manager. "Kailangang alagaan ng nanay mo ang kapatid mo, pero sigurado ako
"Avery Tate?" Isang boses ng babae ang bumungad sa speakers.Natigilan si Layla ng hindi niya inaasahan na may babaeng sasagot sa telepono."Bagong asawa kaya ito ni Daddy?" naisip ni Layla."Sino ka?" Galit na galit na tanong ni Layla .Natigilan si Ruby. Akala niya ay galing kay Avery ang tawag, at hindi niya inaasahan na marinig ang boses ng isang batang babae."Baka ito ang anak nina Avery at Elliot, Layla Tate?" naisip ni Ruby.Mabilis na inayos ni Ruby ang sarili at sinabing, "Ikaw si Layla, di ba? Asawa ako ng papa mo. Ruby Gould ang pangalan ko. Hindi ako sigurado kung nabanggit na ako sa iyo ng mama mo."Nang mapatunayang tama ang kanyang hula, nagsalubong ang mga kilay ni Layla at nagdilim ang kanyang ekspresyon. "Ang tinatawagan ko ay ang dad ko, hindi ikaw! Bakit mo sinasagot ang tawag?!" sigaw ni Layla habang nawawalan ng kontrol sa sarili.Narinig ni Avery ang sigaw ni Layla at nagmamadaling lumapit habang si Robert ay nasa kanyang mga bisig.Napansin ni Ruby na
Walang maglalakas-loob na hawakan ang kanyang telepono nang walang pahintulot niya. Ang isa pang paliwanag ay pinilit siyang ibigay ang kanyang telepono."Avery, ang tanging dahilan kung bakit ipinagpilitan ni Elliot na bumalik ka sa Aryadelle ay dahil ayaw niyang maapektuhan mo ang buhay namin. Hindi siya nag-aalala sa kaligtasan mo. Pagkaalis mo, nangako siya sa akin na mananatili siya sa akin at sa anak namin. . Sinabi niya sa akin na hinding hindi niya kami iiwan. Pakiusap wag mo nang guluhin ang buhay namin simula ngayon. Kung sustento ang gusto mo, makukuha mo sa akin. Kaya kong bayaran ka kahit magkano ang gusto mo, kaya huwag mo nang pakialaman si Elliot. Wala na! Ayaw ka niyang kausapin." Nagsimulang maging tunog na naiinip si Ruby."Ibigay mo sa kanya ang telepono! Kung siya mismo ang magsasabi niyan sa akin, ipinapangako ko na hinding-hindi ko na kayo guguluhing dalawa kahit kailan!" bulalas ni Avery."Pasensya na, pero hindi na siya pwede makipag-usap sayo. Inutusan ko s
Pagkatanong pa lang ni Mike ay mas lalo pang umiyak si Layla."Hindi mo ba kayang kontrolin yang bibig mo?" sabi ni Avery.Agad namang tumahimik si Mike."Sige, Layla, huminto ka na sa pag-iyak. Hindi naman iyon big deal," sabi ni Avery na pinapakalma siya. "Sinabi sa akin ng tatay mo na may dalang test-tube baby si Ruby, at hindi niya dinadala ang baby niya. Magtiwala tayo sa dad mo, okay?"Ibinaon ni Layla ang kanyang mukha sa leeg ni Mike at sinabi sa mahinang boses, "Wala akong tiwala sa kanya! Simula ngayon, magtitiwala ako sa lahat bukod sa kanya!""Darling, okay lang kung hindi ka maniniwala sa kanya, pero 'wag mong hayaang mapunta ito sa'yo. Masaya ka naman kahit walang tatay diba?""Iyon ay dahil mayroon akong Hayden...""Babalik ang iyong kapatid sa katapusan ng taong ito," sabi ni Avery. "Babalik siya agad. Kahit wala ang kuya mo, may Robert ka!""Napakaliit ni Robert!" dismayadong sabi ni Layla."Pero mahal ka niya gaya ng pagmamahal ni Hayden! Hindi mo ba nakitang
Si Layla ay hindi isang clueless na bata. Noon pa man ay alam na alam niya ang kanyang pampublikong imahe. Napatunayang nagalit siya ng sobra sa tawag na natanggap. Sa lahat ng ito, ang tingin ni Layla ay pag-aari niya si Elliot, at nang sabihin sa kanya ni Ruby na sila ni Elliot ay magkaka-anak na, napagtanto ni Layla na si Elliot ay hindi na sa kanya lang. Pakiramdam niya ay inaagaw sa kanya ang paborito niyang laruan. Walang bata ang hindi magtatampo kapag nangyari ang ganoong bagay.Pagkatapos maligo ay lumabas ng children’s room sina Avery at Layla.Natapos na rin maligo si Robert at umiinom na din ng gatas."Avery, mag-shower ka! Makikipaglaro ako kay Robert saglit pagkatapos niyang maubos ang gatas niya bago ko siya patulugin," sabi ni Mrs. Cooper."Oo naman."Tinapik ni Avery si Robert sa ulo at bumalik sa kwarto niya. Pagkasara ng pinto sa likod niya, kinuha niya ang kanyang telepono at hinanap ang numero ni Elliot.Gusto niya itong tawagan, ngunit naisip niya na medy
Gusto niyang magtungo kaagad sa airport at sumakay sa unang flight na aalis papuntang Ylore, ngunit pinigilan niya ang sarili niya na kumilos sa ganoong pag-iisip.Kailangan muna niyang kausapin ang kanyang anak, kung hindi ay masasaktan si Layla.Bibitawan na sana ng dating Avery ang lahat at tatakbo sa Ylore, ngunit hindi na niya iyon magagawa.Lahat ng mga pinagdaanan niya nitong mga nakaraang buwan ay nagparamdam sa kanya na hindi siya pwedeng kumilos ayon sa kanyang nararamdaman. Hindi niya pwedeng pabayaan ang iba at ganoon din ang kanyang mga anak at si Elliot.Kinaumagahan, maagang nagising si Avery at ginising si Layla."Layla, nasaktan ang papa mo kaya kailangan ko siyang makita," sabi nito sabay upo sa tabi ng kama. "Ngayon, ibabalik ko na siya."Napakurap-kurap si Layla, hindi maka-react. "Oh...""Mamaya aalis ang eroplano ko, kaya aalis na ako papuntang airport kapag naihatid na kita sa school," ani Avery. "Dito titira si tito Mike pag-alis ko. Maaari mong sabihin s
Pagkalipas ng tatlong taon…Habang nakatayo si Ivy at Robert sa airport ng Aryadelle, kinakabahan silang nagghihintay,"Tapos na ang tatlong taon! Sa wakas, nandito na yung boyfriend mo para bisitahin ka!" Masayang sabi ni Robert bago baguhin ang topic. "Hindi naman siya nagbakasyon dito para hiwalayan ka, 'di ba? Naisip ko lang naman yun kasi tatalong taon din kayong hindi nagkita, alam mo na…. maraming pwedeng nagbago."Nagbuntong hininga si Ivy, "Robert, pwede bang wag mong imanifest? Kahit hindi kami nagkikita sa loob ng tatlong taon, araw-araw kaming nag-uusap sa phone at video call!"Sumagot si Robert, “Ohhh Digital Romance.”“Ipinangako niya sa akin na darating ang araw at magmimigrate na siya dito sa Aryadelle at hindi na kami magkakalayo ulit.” Sagot ni Ivy. Pang asar na ngumiti si Robert. “Aba, parang ang yabang ng boyfriend mo na yan ha! Tignan lang natin kapag nagkakilala sila ni Dad, baka mapabalik siya kaagad sa pinanggalingan niya!”Hindi na sumagot si Ivy. HI
Hindi inaasahan ni Mr. Woods na magiging ganun ka-direkto si Hayden, at nadama niyang na-off balance pansamantala.Pumunta siya upang humingi ng pera kay Hayden, ngunit hindi niya pinag-isipan ang eksaktong halaga na gusto niya. Sa wakas, sobrang yaman ng pamilya ni Hayden, at ayaw niyang humingi ng kaunti at maramdaman na kulang, o ayaw niyang sumubok humingi ng sobra at tanggihan siya ni Hayden. Mahirap itong desisyunan.Matapos ang maikling pakikipaglaban sa kanyang sarili, tumingin si Mr. Woods kay Hayden at sinabi, "Alam ko na ang pamilya mo ay isa sa pinakamayaman sa Aryadelle, kaya't bakit hindi mo tukuyin ang presyo? Tiwala ako na hindi mo aabusuhin ang aking anak at ang aming pamilya."Bahagyang kunot-noo si Hayden.Napansin ito ni Shelly at agad siyang nagsalita, "Tito, bakit hindi ka na lang magbigay ng alok? Hindi kami gaanong pamilyar sa prosesong ito. Kung ipipilit mo sa amin na magtukoy ng presyo, baka kailanganin naming konsultahin ang aking biyenan.""Si Elliot Fo
"Sige. Hanap tayo ng malapit na lugar para umupo at mag-usap."Huminga ng malalim si Mr. Woods sa ginhawa. "Mabuti! Malapit lang ang aming bahay. Gusto mo bang bumisita? Si Ivy ay kasama namin sa loob ng maraming taon, at malapit ang relasyon ng aming mga staff sa kanya."Tumingin si Hayden kay Shelly at tinanong, "Pupunta ba tayo?""Sige!" sabi ni Shelly.Agad na inimbita ni Mr. Woods sina Hayden at Shelly sa kanyang kotse at dinala sila sa mansyon ng mga Woods.Pagdating, inutos ni Mr. Woods sa mga alila na maghanda ng tsaa at mga pampalamig.Itinuro niya ang kanilang butler at sinabi kay Hayden, "Ito ang aming butler. Siya ang nag-hire sa lola ni Ivy."Tumango si Hayden.Pagkatapos ay ipinakilala ni Mr. Woods si Hayden: "Ito si kuya ni Irene, ang kilalang negosyante na si Mr. Hayden Tate.""Magandang araw, Mr. Tate. Si Irene ay isang magandang binibini," sabi ng butler. "Lahat kami dito ay sobrang gusto siya. Nang malaman namin ang kanyang pagkamatay, kami ay tunay na nalun
Ang mga mata ni Ivy ay pula habang sinasabi niya, "Hayden, namatay ang ina ni Lucas, kaya hindi ko kayo masasamahan ng ilang araw.""Okay lang. Sa nangyari, kami rin ay hindi sa mood para mag-saya. Matapos namin dumalo sa libing ng kanyang ina, babalik kami ni Shelly," sabi ni Hayden.Tumango si Ivy."Paano ba ang mga libing dito?" tanong ni Hayden. Dahil sa relasyon ni Lucas kay Ivy, ang kanyang nakababatang kapatid, nararamdaman niya ang responsibilidad na tulungan si Lucas sa mga paghahanda para sa libing."Katulad lang sa ginagawa sa atin. Ang mayayaman ay maaaring magkaroon ng bonggang libing, at yung mga may kaunting pera ay pwede pumili ng mas simpleng seremonya. Yung mga hindi makaka-afford ng marami ay pwede mag-opt out sa seremonya at pumili ng simpleng paglibing," sabi ni Ivy."Eh paano kung may gusto ng mas bonggang libing?""Hayden, gusto mo bang tumulong sa libing ng ina niya? Wala siyang malalapit na kamag-anak dito, kaya walang kailangan ng bonggang seremonya," pa
Binaba ni Lucas ang tawag, at lumuha ang kanyang mga mata.Nakatayo si Ivy sa kanyang tabi at tanong, "Ano'ng nangyari, Lucas?""Pumanaw na ang aking ina. Samahan mo muna ang iyong kapatid! Kailangan kong bumalik sa ospital.""Sasama ako! Mukhang maayos naman si Tita kanina, bakit bigla siyang pumanaw?"Mabilis na tumakbo papunta sa kotse ang dalawa, nakalimutang si Hayden at Shelly ay naiwan.Nanood si Hayden at Shelly habang umaalis ang dalawa ng medyo nakakatawa, at sabi ni Shelly, "Honey, tara na sa ospital. Mukhang pumanaw na ang ina ni Lucas.""Sige."Sumakay ang dalawa sa isang taksi at minadaling sumunod kay Lucas.Samantala, sa ospital, unang nakatagpo ni Lucas ang doktor at pagkatapos ay ang kanyang ama.Sinubukang sumipsip si Mr. Woods sa kanyang anak, sabi, "Lucas, pumunta ako sa ospital para bisitahin ang iyong ina, pero noong dumating ako, pumanaw na siya. Nakakalungkot!""Sigurado ka bang pumanaw na siya bago ka dumating? Nandito ako kanina, at noong nakita ko
Naiinis na sabini Mr. Woods, "Ano ang ibig mong sabihin? Iniinsulto mo ba ako? Bagamat naghirap na ang pamilya Woods, kami pa rin ay kilala sa Taronia! Baka tanga si Lucas, pero mas matalino ka ba? Kung hindi dahil sa akin na sumusuporta kay Lucas, papansinin pa kaya siya ng mga Foster?""Tumahimik ka! Hindi kasing-kitid ng utak ng pamilya Foster ang pamilya mo! Hindi kinamumuhian ng pamilya ni Ivy si Lucas, kaya huwag kang maghanap ng gulo! Ayaw ka nilang makita!" Sagot ng ina ni Lucas.Umismid si Mr. Woods. "Ganun ba? Sa tingin mo ba talaga, hindi siya minamaliit? Bakit hindi? Plano ba nilang pasalihin si Lucas sa pamilya nila imbes na kabaligtaran?""Wala kang pakialam! Hindi mo naman inintindi si Lucas, at ngayon na siya'y independiyente, hindi na niya kailangan pa ang tulong mo! Hindi ka ba paulit-ulit na lumapit sa akin kung hindi lang anak ni Elliot Foster si Ivy at kung hindi siya interesado kay Lucas. Sa tingin mo ba hindi ko alam ang balak mo?"Sagot ni Mr. Woods, "Anong
Hindi nag-atubiling umiling si Ivy. "Hindi ako aalis. Huwag mo akong alalahanin; mag-concentrate ka lang sa sarili mo.""Sayang lang ang oras dito.""Matagal na akong nag-aaral at nag-iintern. Ano bang masama kung magpapahinga ako ngayon?" sagot ni Ivy.Bago magtagal, natapos na mag-shopping sina Hayden at Shelly, at agad silang sinalihan ni Ivy at Lucas papunta sa ospital.Wala sa kaalaman ni Ina ni Lucas na pupunta sina Kuya at Hipag ni Ivy para bisitahin siya, kaya medyo naiilang siya nang dumating sila.Tinangka niyang umupo, ngunit hindi makayang gawin ng kanyang katawan.Itinaas ni Ivy ang ulunan ng hospital bed. "Tita, dinalaw ka ng aking kuya at hipag. Gusto ka nilang makita pati na rin si Lucas.""Naku, nakakahiya naman. Swerte na nga ng anak ko kay Ivy..." bulong ni Ina ni Lucas ng may kahihiyan.Pina-kalma siya ni Shelly, "Tita, wag po kayong magsalita ng ganyan. Napakagaling po ni Lucas. Kung hindi, hindi po siya magugustuhan ni Ivy."Patuloy si Ina ni Lucas, "Nari
Sa buong kainan, nahirapan si Ivy na masiyahan sa kanyang pagkain.Pinagusapan ni Lucas at Hayden ang mga bagay-bagay, at hindi kagaya ng inaasahan ng marami, naging maayos sng takbo ng usapan ng dalawa. Hindi nagalit si Hayden, gayundin si Lucas.Mas maganda ito kumpara sa inaasahan ni Ivy, ngunit pakiramdam pa rin niya ay malungkot siya."Lucas, nais ng aking asawa at ako na bisitahin ang iyong ina. Ayos lang ba?" tanong ni Shelly matapos kumain."Sige," sagot ni Lucas."Kailangan ba nating itanong muna sa iyong ina?" tanong ni Ivy."Ayos lang. Pwedeng diretso na tayong pumunta doon at ipakilala sila pagdating natin."Araw-araw, hina ng hina si Ina ni Lucas at itinigil na niya ang paggamit ng kanyang telepono, kaya ang kanyang nurse, na na-hire ni Lucas, ang nag-uulat ng kalagayan ng kanyang ina araw-araw."Muling binuksan mo ang iyong negosyo at kailangan mong alagaan ang iyong ina sabay; napakalakas mo. Baka bumigay na ang karamihan sa presyon," komento ni Shelly."Mas m
Matapos sabihin iyon ni Ivy, dagdag pa ni Lucas, "Gusto kong mag-focus muna sa aking career. Pangalawa lang ang kasal hanggang sa mas maging matagumpay ako."Inirapan siya ni Hayden. "Hindi ganoon kasimple ang pagpapatakbo ng isang negosyo. Paano kung mabigo ka o hindi makamit ang kahit na ano na kakaiba?""Kung mangyayari iyon, hindi ko hahatak pababa si Ivy," sagot ni Lucas."Kahit papaano, alam mo ang iyong lugar."Ramdam ni Ivy na para bang nag-aapoy ang kanyang mga pisngi. "Hayden, kahit mabigo si Lucas, hindi ko siya susukuan. Hindi ko siya bibitawan dahil lamang sa kanyang kalagayang pinansyal."Muli na namang hinawakan ni Shelly ang kamay ni Hayden, isinasenyas na kontrolin ang kanyang galit; pwede siyang maging masungit sa iba, pero hindi niya pwedeng hingan ng sobra si Ivy.Naramdaman ni Ivy na medyo lumabis siya, at lumambot ang tono niya. "Hayden, hindi natin dapat husgahan ang mga tao batay sa kanilang kayamanan. Mayaman na tayo, at talagang wala masyadong tao diyan