Umuwi ng hapon sina avery at Elliot para magpahinga dahil magpupuyat sila upang salubungin ang bagong taon.Nang makatulog si Elliot, nagmulat naman nang mata si Avery at tinitigan ang mukha nito.Pakiramdam niya kahit gaano man katagal ang oras ay hindi pa rin sapat upang matignan lamang siya.Sayang nga lang at hindi niya kayang pahintuin ang oras.Maganda sana kung kaya niyang pahintuin lahat ngayon mismo.Wala si Avery sa tabi ni Elliot nang siya ay magising bandang alas kwatro ng hapon.Umalis siya sa kama at bumaba para hanapin ito."Gising ka na!"Nasa kalagitnaan si Avery ng paghahanda ng kanilang hapunan."Parang gusto ko ng steak. Ano sa tingin mo?"Tumayo si Elliot sa entrada ng kusina at pinanood siya sa pag aasikaso."Paano kung ako ang maghanda ng hapunan?" tanong niya."Nagluluto ka?" bulalas ni Avery habang bakas ang gulat sa kanyang mukha saka hinubad ang kaniyang apron at sinabing, "Gawin mo! Hindi ko pa natitikman ang luto mo!""Hindi ako na
"Maligayang bagong taon, Avery," pagbati ni Elliot at pinahid ang mga luha sa mukha ni Avery.Humakbang palayo si Avery sa kanya."Aalis na ako, Elliot," malamig niyang sinabi.Bago pa man makatugon si Elliot ay tinanggal na ni Avery ang singsing sa kamay."Hindi ko matatanggap ito," sabi ni Avery at inilagay ang singsing sa bulsa ng jacket ni Elliot."Mahal kita pero hindi ko na kayang ipagpatuloy ito."Tumingala si Avery habang tumutulo ang mga luha sa kanyang mga pisngi."May mga litrato ka ng babaeng ‘yon sa computer at phone mo. Sigurado akong nasa puso mo rin siya. Aaminin kong naging mabuti ka sa akin pero mas mahal mo siya. Hindi kita pipilitin na ipaliwanag ang sarili mo o bitawan mo siya! Dahil alam kong aksaya lamang ‘yon sa oras," sabi ni Avery"Tapos na tayo!"Hindi na ito kailangan pang pag-usapan.Ipinaaalam lamang ni Avery kay Elliot ang desisyon niya.Hindi nakakilos si Elliot mula sa kanyang kinatatayuan at bakas sa kanyang mga mata na hindi siya makapaniwala.Maayos
Matapos ang isang linggo, maingat na binubusisi ni Avery ang mga property models sa sales department ng Starry River Villas.Napansin ng salesperson ang mukha niya saka nagtanong, "Anong klaseng property ka interested Miss? Meron kaming detached villas, townhouses, at semi-detached na properties.""Mayroon pa kayong detached villas?" Tanong ni Avery.Nagliwanag ang mga mata ng salesperson sa kanyang tanong at saka sinabing, "Meron! May isa pang natitira, malaki rin ang sukat. Mahigit three thousand square feet.Mas malaki rin ang presyo kesa sa mga townhouse at semi-detached, kaya...""Pwede na ba kaming lumipat agad kung magbabayad ako ng buo ngayon?"Tumango naman nang masigasig ang salesperson at sumagot, "Oo naman! Lahat ng villa namin ay inayos nang todo at kumpleto na lahat. Mga sarili at gamit niyo na lang ang kailangan niyong dalhin.""Sige. Magkano ang babayaran?""Apat at kalahating milyong dolyar. Medyo mataas pero ito nalang kasi ‘yung detached villa na natitira. Pero kung s
"Avery, mag grocery muna ako. Magpahinga ka kung pagod ka," sabi ni Laura.Binuksan ni Avery ang kanilang mga maleta at isa-isang nilabas ang mga gamit."Mag ingat ka ma. Hindi ako pagod, kaya isasalansan ko na ang mga gamit natin.""Sige, aalis na ako."Nang wala na si Laura, biglang tumahimik ang bahay.Natapos si Avery sa pagsasalansan, saka siya umakyat upang tingnan ang mga anak.Natutulog pa rin si Layla habang si Hayden ay nakahiga sa tabi nito at nakapikit.Nang umalis si Avery sa kwarto, bumuntong hininga siya pahiwatig sa lungkot na nababakas sa kanyang mukha.Malusog si Hayden ngunit iba siya sa ibang bata.Tahimik siyang bata na hindi kumakausap sa hindi kilala.Apat na taong gulang na siya, pero hindi pa rin nag aaral.Maraming beses na siyang dinala ni Avery sa physical examinations para ipacheck up.Normal naman lahat ng resulta, maliban nalang sa cerebral cortex nito na mas developed pa kesa sa karaniwang tao.Psychological ang problema ni Hayden.Ngunit, maski ang mga
Nanlaki ang mata ni Layla nang titigan niya ang litrato ni Cole sa laptop."Wow! Ang gwapo ng papa natin!"Pinatay ni Hayden ang laptop, at sinabi sa sarili, "Ano naman kung gwapo? Hindi naman karapat-dapat kay mommy!""Kailan natin kikitain si Daddy? Sa tingin mo ba magiging masaya siya kapag nalaman niya ang tungkol sa atin?"Maganda ang tingin ni Layla sa ama nila dahil hindi siya siniraan ni Avery sa harap nila.Sa tuwing magtatanong si Layla kung sino ang ama nila, mahaba ang pasensya ni Avery na sumagot, "Wala kang ama."Bumalik sa higaan si Hayden at tumitig sa kisame."Hindi," prangkang sagot niya.Sumama ang loob ni Layla."Bakit hindi? Hindi naman sa gusto ko natin ang pera niya. Gusto ko lang siya makasama!""Matulog ka na.""Hindi ako makatulog," pagtatampo ni Layla. "Gusto ko si Dad."Dismayado si Hayden sa sinasabing ama nila na nagpawala sa kanya sa magandang mood."Manahimik ka," nauubos na pasensya niyang sabi.Agad namang nanahimik si Layla.Nararamdaman niyang nainis
Matagal na nagring ang telepono bago may sumagot."Hi, Tito Fred. Si Avery Tate ito. Naaalala mo pa?""Avery Tate? Oo naman, naaalala kita! Hindi babagsak ang kumpanya natin kung hindi dahil sa’yo! Ang lakas ng loob mong tawagan ako? Naubos mo na ba lahat ng pera mo sa abroad at gusto mong manghiram sa akin? Sasabihin ko na sa’yo ngayon palang na hindi ka makakatanggap ng kahit magkano sa akin!"Nanatiling kalmado si Avery kahit na nararamdaman niyang galit ang kausap niya sa kabilang linya."Hindi ‘yan ang dahilan kung bakit ako tumawag. Napaisip lang ako kung may plano kang lumipat ng kumpanya.""Lumipat ng kumpanya? Headhunter ka na ba ngayon?""Balak kong itayo muli ang Tate Industries. Kung posible, gusto kong pabalikin ‘yung mga empleyado dati. Kung lahat kayo ay papayag na bumalik, kaya kong doblehin ang kasalukuyan niyong sweldo."Nalaglag ang panga ni Fred Dover!"Interesado ka ba?" tanong ni Avery.Huminga nang malalim si Fred at sinabing, "Naka-jackpot ka ba? Alam mo ba kung
Bumagal ang andar ng itim na Rolls-Roice nang makalapit ito sa bakal na gate ng paaralan at hinintay itong bumukas.Kusang kumilos si Avery sa pagbuhat kay Hayden at sa salungat na daan ito dumaan.Matapos no’n, mabilis na umalis ang Rolls-Roice.Pinanood ni Hayden na lumayo ang mamahaling sasakyan, at tinignan nito ang kinakabahang itsura ng kanyang ina.Pakiramdam niya ay alam nito kung sino ang tao na nasa loob ng sasakyan.Hindi pa niya nakikita ang ina na natakot sa kahit sino, at ang takot nito ngayon ang pumukaw sa interes niya.Nang makapasok si Avery at Hayden sa loob ng paaralan, isang kinatawan mula sa eskwelahan ang naglibot sa kanila sa loob.Maganda ang reputasyon ng Angela Special Needs Academy bilang top special needs school ng Avonsville.Hindi lang ang mismong kampus ang nakamamangha, mula sa instructors hanggang sa facilities ay pang world-class.Kahit na malaki ang bayarin, nasiyahan naman si Avery sa lugar.Isinama niya ang anak sa tabi at sinabing, "Gusto mo bang
Ayaw makita ni Avery si Elliot.Ang Rolls-Roice na nakita niya sa eskwelahan ng umagang iyon ay hindi katulad ng sa sasakyan noong nakaraang apat na taon.Hindi naman niya imamaneho ang iisang sasakyan sa loob ng apat na taon.Pero, ‘yung driver niya ay ‘yun pa rin.Anong ginagawa ni Elliot sa special needs school?Maaari bang investor siya roon?Pero, parang imposible namang mag aabala pa ito para lang tignan ang operasyon ng paaralan.Dahil ang Sterling Group ay sapat na para maging abala siya.Napansin ni Chad ang malungkot na itsura ni Elliot ng lunch, kaya sinubukan niyang pasayahin ito."Sir, maaaring may mahabang listahan ng estudyante si Professor Hough, pero sigurado akong makikita rin natin ang hinahanap natin.""Bumalik na si Avery," saad ni Elliot.Malamlam ang boses niya.Nagtunog walang emosyon ang boses niya, pero meron din itong malalim na pakiramdam.Natulala si Chad, saka bumalik sa reyalidad at nagtanong, "Tinawagan ka ba?""Hindi, pero gagawin niya rin ‘yan," sabi n