Matapos ang isang linggo, maingat na binubusisi ni Avery ang mga property models sa sales department ng Starry River Villas.Napansin ng salesperson ang mukha niya saka nagtanong, "Anong klaseng property ka interested Miss? Meron kaming detached villas, townhouses, at semi-detached na properties.""Mayroon pa kayong detached villas?" Tanong ni Avery.Nagliwanag ang mga mata ng salesperson sa kanyang tanong at saka sinabing, "Meron! May isa pang natitira, malaki rin ang sukat. Mahigit three thousand square feet.Mas malaki rin ang presyo kesa sa mga townhouse at semi-detached, kaya...""Pwede na ba kaming lumipat agad kung magbabayad ako ng buo ngayon?"Tumango naman nang masigasig ang salesperson at sumagot, "Oo naman! Lahat ng villa namin ay inayos nang todo at kumpleto na lahat. Mga sarili at gamit niyo na lang ang kailangan niyong dalhin.""Sige. Magkano ang babayaran?""Apat at kalahating milyong dolyar. Medyo mataas pero ito nalang kasi ‘yung detached villa na natitira. Pero kung s
"Avery, mag grocery muna ako. Magpahinga ka kung pagod ka," sabi ni Laura.Binuksan ni Avery ang kanilang mga maleta at isa-isang nilabas ang mga gamit."Mag ingat ka ma. Hindi ako pagod, kaya isasalansan ko na ang mga gamit natin.""Sige, aalis na ako."Nang wala na si Laura, biglang tumahimik ang bahay.Natapos si Avery sa pagsasalansan, saka siya umakyat upang tingnan ang mga anak.Natutulog pa rin si Layla habang si Hayden ay nakahiga sa tabi nito at nakapikit.Nang umalis si Avery sa kwarto, bumuntong hininga siya pahiwatig sa lungkot na nababakas sa kanyang mukha.Malusog si Hayden ngunit iba siya sa ibang bata.Tahimik siyang bata na hindi kumakausap sa hindi kilala.Apat na taong gulang na siya, pero hindi pa rin nag aaral.Maraming beses na siyang dinala ni Avery sa physical examinations para ipacheck up.Normal naman lahat ng resulta, maliban nalang sa cerebral cortex nito na mas developed pa kesa sa karaniwang tao.Psychological ang problema ni Hayden.Ngunit, maski ang mga
Nanlaki ang mata ni Layla nang titigan niya ang litrato ni Cole sa laptop."Wow! Ang gwapo ng papa natin!"Pinatay ni Hayden ang laptop, at sinabi sa sarili, "Ano naman kung gwapo? Hindi naman karapat-dapat kay mommy!""Kailan natin kikitain si Daddy? Sa tingin mo ba magiging masaya siya kapag nalaman niya ang tungkol sa atin?"Maganda ang tingin ni Layla sa ama nila dahil hindi siya siniraan ni Avery sa harap nila.Sa tuwing magtatanong si Layla kung sino ang ama nila, mahaba ang pasensya ni Avery na sumagot, "Wala kang ama."Bumalik sa higaan si Hayden at tumitig sa kisame."Hindi," prangkang sagot niya.Sumama ang loob ni Layla."Bakit hindi? Hindi naman sa gusto ko natin ang pera niya. Gusto ko lang siya makasama!""Matulog ka na.""Hindi ako makatulog," pagtatampo ni Layla. "Gusto ko si Dad."Dismayado si Hayden sa sinasabing ama nila na nagpawala sa kanya sa magandang mood."Manahimik ka," nauubos na pasensya niyang sabi.Agad namang nanahimik si Layla.Nararamdaman niyang nainis
Matagal na nagring ang telepono bago may sumagot."Hi, Tito Fred. Si Avery Tate ito. Naaalala mo pa?""Avery Tate? Oo naman, naaalala kita! Hindi babagsak ang kumpanya natin kung hindi dahil sa’yo! Ang lakas ng loob mong tawagan ako? Naubos mo na ba lahat ng pera mo sa abroad at gusto mong manghiram sa akin? Sasabihin ko na sa’yo ngayon palang na hindi ka makakatanggap ng kahit magkano sa akin!"Nanatiling kalmado si Avery kahit na nararamdaman niyang galit ang kausap niya sa kabilang linya."Hindi ‘yan ang dahilan kung bakit ako tumawag. Napaisip lang ako kung may plano kang lumipat ng kumpanya.""Lumipat ng kumpanya? Headhunter ka na ba ngayon?""Balak kong itayo muli ang Tate Industries. Kung posible, gusto kong pabalikin ‘yung mga empleyado dati. Kung lahat kayo ay papayag na bumalik, kaya kong doblehin ang kasalukuyan niyong sweldo."Nalaglag ang panga ni Fred Dover!"Interesado ka ba?" tanong ni Avery.Huminga nang malalim si Fred at sinabing, "Naka-jackpot ka ba? Alam mo ba kung
Bumagal ang andar ng itim na Rolls-Roice nang makalapit ito sa bakal na gate ng paaralan at hinintay itong bumukas.Kusang kumilos si Avery sa pagbuhat kay Hayden at sa salungat na daan ito dumaan.Matapos no’n, mabilis na umalis ang Rolls-Roice.Pinanood ni Hayden na lumayo ang mamahaling sasakyan, at tinignan nito ang kinakabahang itsura ng kanyang ina.Pakiramdam niya ay alam nito kung sino ang tao na nasa loob ng sasakyan.Hindi pa niya nakikita ang ina na natakot sa kahit sino, at ang takot nito ngayon ang pumukaw sa interes niya.Nang makapasok si Avery at Hayden sa loob ng paaralan, isang kinatawan mula sa eskwelahan ang naglibot sa kanila sa loob.Maganda ang reputasyon ng Angela Special Needs Academy bilang top special needs school ng Avonsville.Hindi lang ang mismong kampus ang nakamamangha, mula sa instructors hanggang sa facilities ay pang world-class.Kahit na malaki ang bayarin, nasiyahan naman si Avery sa lugar.Isinama niya ang anak sa tabi at sinabing, "Gusto mo bang
Ayaw makita ni Avery si Elliot.Ang Rolls-Roice na nakita niya sa eskwelahan ng umagang iyon ay hindi katulad ng sa sasakyan noong nakaraang apat na taon.Hindi naman niya imamaneho ang iisang sasakyan sa loob ng apat na taon.Pero, ‘yung driver niya ay ‘yun pa rin.Anong ginagawa ni Elliot sa special needs school?Maaari bang investor siya roon?Pero, parang imposible namang mag aabala pa ito para lang tignan ang operasyon ng paaralan.Dahil ang Sterling Group ay sapat na para maging abala siya.Napansin ni Chad ang malungkot na itsura ni Elliot ng lunch, kaya sinubukan niyang pasayahin ito."Sir, maaaring may mahabang listahan ng estudyante si Professor Hough, pero sigurado akong makikita rin natin ang hinahanap natin.""Bumalik na si Avery," saad ni Elliot.Malamlam ang boses niya.Nagtunog walang emosyon ang boses niya, pero meron din itong malalim na pakiramdam.Natulala si Chad, saka bumalik sa reyalidad at nagtanong, "Tinawagan ka ba?""Hindi, pero gagawin niya rin ‘yan," sabi n
Nakatanggap ng tawag si Avery kay Fred ng alas dos ng hapon."Gusto nilang makipagkita sa atin para pag usapan ang pagbili ng property, Avery. Anong oras ka pwede? Meron ka na bang nakahandang proof of assets? Nagkakahalaga ng walong milyong dolyar ang building sa kasalukuyan."Nabigla si Avery sa mga sinabi ni Fred."Hindi ba’t sa kalahating halaga lang niyon ibinenta ang Tate Tower noon?""Oo nga, pero maganda ang lokasyon ng property. Dahil sa pagtaas ng presyo ng mga property sa mga nakaraang taon, malamang, tataas din ang presyo niyon.""Sige. Abala ako ngayong araw. Bukas natin sila kitain!""Sige, aayusin ko ngayon."Nangako si Avery na makikipagkita siya kay Tammy sa hapon.Ang dalawang magkaibigan ay nanatiling may ugnayan sa loob ng mga lumipas na taon.Hindi sila gaano nag uusap, pero nanatiling matibay ang pagkakaibigan nila.Pumasok si Tammy sa restaurant kung saan nila napag usapan ni Avery habang may dalang palumpon ng pulang rosas.Nang makita nila ang isa’t isa, niyaka
Tumitig si Tammy ng may paghanga kay Avery."Magkano ba ang naipundar mo?!""Nais ko lang itayo muli ang Tate Industries. Hiling lang ‘yon. Hindi ko alam kung magtatagumpay ako o hindi."Gumaan ang loob ni Tammy, at sinabing, "Mukha kaming talunan ni Jun sa’yo. Mananatili ako sa tabi mo. Paano kung ipakilala kita sa iba? May pinsan akong gwapo. Labing pitong taon lang siya, pero mabait na bata.""Huwag mo nga akong anuhin, Tammy," sabi ni Avery at inilagay ang kamay sa ulo."Ayaw mo ng bata? Gusto mo ba ng matatanda? Meron din! Meron akong personal trainer, apatnapung taon na ngayong taon, pero naglalaway talaga ako kapag nakikita ko muscles niya. Patusin mo na, tapos gawin mong stay-at-home husband."Nagpakawala ng mabigat na buntong hininga si Avery.Matapos ng paghihiwalay nila ni elliot, nawala lahat ng interes niya sa lalaki, bata man o matanda.Matapos mag tsaa, pumunta na sa car dealership sina Avery at Tammy.Yung Bonz sedan ang iminungkahi ni Tammy, pero ‘yung Rower SUV ang na
Pagkalipas ng tatlong taon…Habang nakatayo si Ivy at Robert sa airport ng Aryadelle, kinakabahan silang nagghihintay,"Tapos na ang tatlong taon! Sa wakas, nandito na yung boyfriend mo para bisitahin ka!" Masayang sabi ni Robert bago baguhin ang topic. "Hindi naman siya nagbakasyon dito para hiwalayan ka, 'di ba? Naisip ko lang naman yun kasi tatalong taon din kayong hindi nagkita, alam mo na…. maraming pwedeng nagbago."Nagbuntong hininga si Ivy, "Robert, pwede bang wag mong imanifest? Kahit hindi kami nagkikita sa loob ng tatlong taon, araw-araw kaming nag-uusap sa phone at video call!"Sumagot si Robert, “Ohhh Digital Romance.”“Ipinangako niya sa akin na darating ang araw at magmimigrate na siya dito sa Aryadelle at hindi na kami magkakalayo ulit.” Sagot ni Ivy. Pang asar na ngumiti si Robert. “Aba, parang ang yabang ng boyfriend mo na yan ha! Tignan lang natin kapag nagkakilala sila ni Dad, baka mapabalik siya kaagad sa pinanggalingan niya!”Hindi na sumagot si Ivy. HI
Hindi inaasahan ni Mr. Woods na magiging ganun ka-direkto si Hayden, at nadama niyang na-off balance pansamantala.Pumunta siya upang humingi ng pera kay Hayden, ngunit hindi niya pinag-isipan ang eksaktong halaga na gusto niya. Sa wakas, sobrang yaman ng pamilya ni Hayden, at ayaw niyang humingi ng kaunti at maramdaman na kulang, o ayaw niyang sumubok humingi ng sobra at tanggihan siya ni Hayden. Mahirap itong desisyunan.Matapos ang maikling pakikipaglaban sa kanyang sarili, tumingin si Mr. Woods kay Hayden at sinabi, "Alam ko na ang pamilya mo ay isa sa pinakamayaman sa Aryadelle, kaya't bakit hindi mo tukuyin ang presyo? Tiwala ako na hindi mo aabusuhin ang aking anak at ang aming pamilya."Bahagyang kunot-noo si Hayden.Napansin ito ni Shelly at agad siyang nagsalita, "Tito, bakit hindi ka na lang magbigay ng alok? Hindi kami gaanong pamilyar sa prosesong ito. Kung ipipilit mo sa amin na magtukoy ng presyo, baka kailanganin naming konsultahin ang aking biyenan.""Si Elliot Fo
"Sige. Hanap tayo ng malapit na lugar para umupo at mag-usap."Huminga ng malalim si Mr. Woods sa ginhawa. "Mabuti! Malapit lang ang aming bahay. Gusto mo bang bumisita? Si Ivy ay kasama namin sa loob ng maraming taon, at malapit ang relasyon ng aming mga staff sa kanya."Tumingin si Hayden kay Shelly at tinanong, "Pupunta ba tayo?""Sige!" sabi ni Shelly.Agad na inimbita ni Mr. Woods sina Hayden at Shelly sa kanyang kotse at dinala sila sa mansyon ng mga Woods.Pagdating, inutos ni Mr. Woods sa mga alila na maghanda ng tsaa at mga pampalamig.Itinuro niya ang kanilang butler at sinabi kay Hayden, "Ito ang aming butler. Siya ang nag-hire sa lola ni Ivy."Tumango si Hayden.Pagkatapos ay ipinakilala ni Mr. Woods si Hayden: "Ito si kuya ni Irene, ang kilalang negosyante na si Mr. Hayden Tate.""Magandang araw, Mr. Tate. Si Irene ay isang magandang binibini," sabi ng butler. "Lahat kami dito ay sobrang gusto siya. Nang malaman namin ang kanyang pagkamatay, kami ay tunay na nalun
Ang mga mata ni Ivy ay pula habang sinasabi niya, "Hayden, namatay ang ina ni Lucas, kaya hindi ko kayo masasamahan ng ilang araw.""Okay lang. Sa nangyari, kami rin ay hindi sa mood para mag-saya. Matapos namin dumalo sa libing ng kanyang ina, babalik kami ni Shelly," sabi ni Hayden.Tumango si Ivy."Paano ba ang mga libing dito?" tanong ni Hayden. Dahil sa relasyon ni Lucas kay Ivy, ang kanyang nakababatang kapatid, nararamdaman niya ang responsibilidad na tulungan si Lucas sa mga paghahanda para sa libing."Katulad lang sa ginagawa sa atin. Ang mayayaman ay maaaring magkaroon ng bonggang libing, at yung mga may kaunting pera ay pwede pumili ng mas simpleng seremonya. Yung mga hindi makaka-afford ng marami ay pwede mag-opt out sa seremonya at pumili ng simpleng paglibing," sabi ni Ivy."Eh paano kung may gusto ng mas bonggang libing?""Hayden, gusto mo bang tumulong sa libing ng ina niya? Wala siyang malalapit na kamag-anak dito, kaya walang kailangan ng bonggang seremonya," pa
Binaba ni Lucas ang tawag, at lumuha ang kanyang mga mata.Nakatayo si Ivy sa kanyang tabi at tanong, "Ano'ng nangyari, Lucas?""Pumanaw na ang aking ina. Samahan mo muna ang iyong kapatid! Kailangan kong bumalik sa ospital.""Sasama ako! Mukhang maayos naman si Tita kanina, bakit bigla siyang pumanaw?"Mabilis na tumakbo papunta sa kotse ang dalawa, nakalimutang si Hayden at Shelly ay naiwan.Nanood si Hayden at Shelly habang umaalis ang dalawa ng medyo nakakatawa, at sabi ni Shelly, "Honey, tara na sa ospital. Mukhang pumanaw na ang ina ni Lucas.""Sige."Sumakay ang dalawa sa isang taksi at minadaling sumunod kay Lucas.Samantala, sa ospital, unang nakatagpo ni Lucas ang doktor at pagkatapos ay ang kanyang ama.Sinubukang sumipsip si Mr. Woods sa kanyang anak, sabi, "Lucas, pumunta ako sa ospital para bisitahin ang iyong ina, pero noong dumating ako, pumanaw na siya. Nakakalungkot!""Sigurado ka bang pumanaw na siya bago ka dumating? Nandito ako kanina, at noong nakita ko
Naiinis na sabini Mr. Woods, "Ano ang ibig mong sabihin? Iniinsulto mo ba ako? Bagamat naghirap na ang pamilya Woods, kami pa rin ay kilala sa Taronia! Baka tanga si Lucas, pero mas matalino ka ba? Kung hindi dahil sa akin na sumusuporta kay Lucas, papansinin pa kaya siya ng mga Foster?""Tumahimik ka! Hindi kasing-kitid ng utak ng pamilya Foster ang pamilya mo! Hindi kinamumuhian ng pamilya ni Ivy si Lucas, kaya huwag kang maghanap ng gulo! Ayaw ka nilang makita!" Sagot ng ina ni Lucas.Umismid si Mr. Woods. "Ganun ba? Sa tingin mo ba talaga, hindi siya minamaliit? Bakit hindi? Plano ba nilang pasalihin si Lucas sa pamilya nila imbes na kabaligtaran?""Wala kang pakialam! Hindi mo naman inintindi si Lucas, at ngayon na siya'y independiyente, hindi na niya kailangan pa ang tulong mo! Hindi ka ba paulit-ulit na lumapit sa akin kung hindi lang anak ni Elliot Foster si Ivy at kung hindi siya interesado kay Lucas. Sa tingin mo ba hindi ko alam ang balak mo?"Sagot ni Mr. Woods, "Anong
Hindi nag-atubiling umiling si Ivy. "Hindi ako aalis. Huwag mo akong alalahanin; mag-concentrate ka lang sa sarili mo.""Sayang lang ang oras dito.""Matagal na akong nag-aaral at nag-iintern. Ano bang masama kung magpapahinga ako ngayon?" sagot ni Ivy.Bago magtagal, natapos na mag-shopping sina Hayden at Shelly, at agad silang sinalihan ni Ivy at Lucas papunta sa ospital.Wala sa kaalaman ni Ina ni Lucas na pupunta sina Kuya at Hipag ni Ivy para bisitahin siya, kaya medyo naiilang siya nang dumating sila.Tinangka niyang umupo, ngunit hindi makayang gawin ng kanyang katawan.Itinaas ni Ivy ang ulunan ng hospital bed. "Tita, dinalaw ka ng aking kuya at hipag. Gusto ka nilang makita pati na rin si Lucas.""Naku, nakakahiya naman. Swerte na nga ng anak ko kay Ivy..." bulong ni Ina ni Lucas ng may kahihiyan.Pina-kalma siya ni Shelly, "Tita, wag po kayong magsalita ng ganyan. Napakagaling po ni Lucas. Kung hindi, hindi po siya magugustuhan ni Ivy."Patuloy si Ina ni Lucas, "Nari
Sa buong kainan, nahirapan si Ivy na masiyahan sa kanyang pagkain.Pinagusapan ni Lucas at Hayden ang mga bagay-bagay, at hindi kagaya ng inaasahan ng marami, naging maayos sng takbo ng usapan ng dalawa. Hindi nagalit si Hayden, gayundin si Lucas.Mas maganda ito kumpara sa inaasahan ni Ivy, ngunit pakiramdam pa rin niya ay malungkot siya."Lucas, nais ng aking asawa at ako na bisitahin ang iyong ina. Ayos lang ba?" tanong ni Shelly matapos kumain."Sige," sagot ni Lucas."Kailangan ba nating itanong muna sa iyong ina?" tanong ni Ivy."Ayos lang. Pwedeng diretso na tayong pumunta doon at ipakilala sila pagdating natin."Araw-araw, hina ng hina si Ina ni Lucas at itinigil na niya ang paggamit ng kanyang telepono, kaya ang kanyang nurse, na na-hire ni Lucas, ang nag-uulat ng kalagayan ng kanyang ina araw-araw."Muling binuksan mo ang iyong negosyo at kailangan mong alagaan ang iyong ina sabay; napakalakas mo. Baka bumigay na ang karamihan sa presyon," komento ni Shelly."Mas m
Matapos sabihin iyon ni Ivy, dagdag pa ni Lucas, "Gusto kong mag-focus muna sa aking career. Pangalawa lang ang kasal hanggang sa mas maging matagumpay ako."Inirapan siya ni Hayden. "Hindi ganoon kasimple ang pagpapatakbo ng isang negosyo. Paano kung mabigo ka o hindi makamit ang kahit na ano na kakaiba?""Kung mangyayari iyon, hindi ko hahatak pababa si Ivy," sagot ni Lucas."Kahit papaano, alam mo ang iyong lugar."Ramdam ni Ivy na para bang nag-aapoy ang kanyang mga pisngi. "Hayden, kahit mabigo si Lucas, hindi ko siya susukuan. Hindi ko siya bibitawan dahil lamang sa kanyang kalagayang pinansyal."Muli na namang hinawakan ni Shelly ang kamay ni Hayden, isinasenyas na kontrolin ang kanyang galit; pwede siyang maging masungit sa iba, pero hindi niya pwedeng hingan ng sobra si Ivy.Naramdaman ni Ivy na medyo lumabis siya, at lumambot ang tono niya. "Hayden, hindi natin dapat husgahan ang mga tao batay sa kanilang kayamanan. Mayaman na tayo, at talagang wala masyadong tao diyan