Share

Kabanata 108

Nasa kalagitnaan ng bundok ng villa ng mga Tierney.

Mayroong sementado ngunit makitid na daan sa ilalim ng bundok na konektado sa villa.

Pero sa may bandang itaas, sobrang lubak na ng daan at kahit sinong aakyat ay mahihirapan, paano pa kaya si Elliot, na medyo nahihirapan pa ring maglakad sa patag hanggang ngayon?

Madilim na noong nagumpisa siyang umakyat at tanging flashlight lang ang dala niya.

Pinilit niyang bilisan ang bawat pagkilos niya dahil nag aalala siya sa kaligtaasan ni Avery.

Alam niya na may masamang intensyon si Charlie kay Avery kaya desidido siyang iligtas ito bago pa mahuli ang lahat.

Kung alam niya lang na may planong ganito si Charlie, hinding hindi niya hahayaan si Avery na sumama.

Makalipas ang halos kalahating oras, hingal na hingal na si Elliot pero tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad na para bang balewala sakanya ang hirap at pagod.

Nilinaw sakanya ng doktor niya na hindi pa siya pwedeng gumawa ng kahit anong ikabibinat niya sa loob ng a
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status