~Braylon's POV~Binalabal niya kay Maya ang malaking blanket dahil sa lamig ng lugar. Sa terasa ang paborito nitong tambayan dahil kita ang mga punong mayayabong; ang mga pine tree sa kanilang harapan. Kabundukan ang pumapalibot sa kanila dahil secluded ang lugar na ito na sinadya niyang bilhin para malayo sa iba pang kabahayan. Malaking tulong sa kalusugan ng asawa ang bagong kapaligiran at sa kabila ng hirap na pinagdadaanan nito, nagpapasalamat siyang may latest improvement ulit ito ayon na rin sa doktor ng babae."Hon." Nakangiting humawak ang asawa sa braso niya habang nakatutok ang mga mata nito sa mga bagong dating sa baba. "I think that's Brander and her wife. Looks like Renvie brought her whole family here." Sinundan ito ng tawa ng babae nang lingunin siya.Tumigas ang anyo niya nang makitang sinalubong ng kanilang ama ang mga bagong dating. Nasa pangalawang palapag sila ni Maya kung saan nakakonekta ang kwarto nilang mag-asawa sa terasa. May isang puno ng pine tree na nakata
~Braylon's POV~Halos madaling araw na pero napakailap pa rin ng antok sa kanya; napakaraming bagay ang samut-saring pumapasok sa utak niya lalo na ang engkwentro niya kay Renvie kanina. Wala na ang mga bisita nila maliban sa kapatid niyang si Brander kasama ang asawa nito na piniling mag-stay sa bahay niya ng isang gabi. Ayon sa kapatid, may naupahan ang mga ito na hindi kalayuan sa bahay niya pero gusto nitong makasama muna sila. Tulog na si Maya sa tabi niya kaya lumabas siya para magpahangin sa terasa ng kwarto nila.Sinadya niyang magpalagay ng elevator sa bahay nila para mas convenient sa daddy niya lalo na kay Maya at may limang kwarto rin ang bahay-bakasyunan na ito para sa buong pamilya. Madilim ang paligid at kahit isang bituin, wala siyang makita kaya napatingin na lang siya sa mapusyaw na ilaw sa garden pero nangunot ang noo niya nang mahagip ng paningin ang isang bulto ng tao. Babae. Nagtagis ang bagang niya dahil tatlong babae lang ang narito sa bahay niya ngayon; sina M
~Brander's POV~Matapos ngang hindi makita sa loob ng bahay ng kapatid ang asawa, nag-ikot din sila sa labas pero wala ito. Mabilis niyang hinagilap ang cellphone para i-text ang babae. Walang kahit ano'ng message mula sa asawa kaya tinawagan na niya ito pero napamura lang siya nang mahina dahil out of reach ito."Ito talaga ang kinaiinisan ko sa kanya, padalos-dalos lagi, eh," reklamo niya habang inii-scroll ang screen ng cellphone para hanapin naman ang numero ni Evhan."Bro," tawag ni Braylon na palapit na sa gawi niya matapos itong mag-ikot sa labas. "Malapit nang lumabas ang araw, let's wait for that para 'di tayo mahirapan sa paghahanap. Mas maige nang maliwanag."Hindi kaya naglayas ang babae? Inabot na sila ng bukang-liwayway pero hindi pa rin niya malaman kung sa'n ito at balak niyang i-report ito sakali mang hindi niya matagpuan ang asawa sa buong araw na 'to; oras na hindi rin nito kasama ang pamilya. Kahit naman baliktarin niya ang mundo, legal na asawa niya pa rin ang bab
~Brander's POV~Hindi pa niya kayang mapagtagni-tagni ang lahat ng mga pasabog ng matandang Montefalcon dahil matapos ang tatlong oras nila sa ospital, dineklara na itong patay. Natulos siya sa kinatatayuan habang pinagmamasdan ang asawang yakap na ang katawan ng ama nitong wala nang buhay. Bakit napakabilis? Dinamdam niya nang labis ang pagkawala nito. Napahakbang siya palapit sa asawa at animo'y napakabigat ng katawan niya nang maglakad. Masakit! Sa kaunting panahon na nakilala niya ang lalaki, isa lang ang alam niya; mapagmahal ito sobra sa pamilya."Vie... love, I'm so sorry for your loss." Yakap-yakap na niya sa likod ang asawang nagwawala. "I'm so sorry." Namasa ang mga mata niya kaalinsabay ang sobrang sakit na nanunuot sa kanyang dibdib.Nanginginig ang katawan niya nang gumanti ng yakap ang asawa at sinubsob nito ang mukha sa dibdib niya. Maraming sinabi ang doktor na naka-trigger sa katawan ng pasyente, nagkaro'n ng complications nang ibigay ang ilang treatment dito. Hindi i
~Renvie's POV~She'd been crying for several days. Wari'y naubos na ang luha niya sa sobrang pagdadalamhati dahil hindi mawala-wala ang sakit na nasa dibdib niya. She felt so empty, and the thought of not being able to see her loving father's face for the rest of her life filled her heart with a thousand pains. Nakadapa lamang siya sa kama habang tahimik na umiiyak. Nagpapasalamat siya na nandiyan lang si Evhan para asikasuhin ang lahat ng mga pangangailangan nila. Hindi pa niya kayang humarap sa mga tao."Anak."Kahit hindi niya ito tingnan, alam niyang nanay niya ito. Pinasundo ng Kuya niya ang mga ito sa Batangas at limitado ang taong pumapasok sa bahay nila dahil mas pinili nilang mga kamag-anak lang at malalapit na mga kaibigan ang pwedeng makadalaw sa labi ng ama. Walang media na involve para sa ikakatahimik ng buhay nila pero hindi rin ito maiwasan dahil sa labas ng village nila, may mga nakaantabay pa rin sa kahit anong impormasyong nasasagap ng mga ito mula sa mga bisitang lu
~Renvie's POV~Dalawang buwan. Dalawang buwan na ang lumipas nang mailibing ang daddy niya. Pilit niyang tinutulungan ang sarili para hindi siya masadlak sa labis na depression dahil sa pagkawala ng ama. Kabilaan ang mga balita tungkol sa pamilya niya pero ni isa sa kanila ni Evhan, walang ibinigay na pahayag sa media o kahit magpaunlak ng interview sa mga reporter, kusa na nilang nire-reject.Si Braylon—napasandig siya sa upuan ng kanyang ama. Sa loob siya ng library ngayon nang maalala ang lalaki. Walang hinto na ang ginagawa nitong pag-text sa kanya para lang sa isang bagay; to file an annulment or divorce. Mas pinili niyang manatili muna sa bahay dahil nawalan siya ng ganang lumabas. Binawalan siya ni Evhan na manood ng balita o kahit na ang magbasa ng dyaryo dahil sila lang naman ang topic ng media. Sanay na siya. Ang pagiging tanyag ay may kaakibat na tsismis sa kanyang pamilya. Kakalkalin nito ang lahat ng baho mo may maibalita lang sila. Napatingin siya sa cellphone nang tumun
~Braylon's POV~"Shit, Vie, sinusubukan kong 'wag kang patulan pero dinudoldol mo lagi ang sarili mo," hinihingal na saad ni Braylon habang hinahalikan ang leeg niya. " Did you m-miss me?"Naging mapaghanap ang mga kamay nito nang padaanan ang bawat bahagi ng katawan niya. Napangisi siya dahil tagumpay na naman siya."H-how it feels, bitch?" nakangising anas ni Braylon sa kanya."Are you still taking your pills, Vie? I don't want you to get pregnant so stop provoking me," yamot na saad nito pero malawak ang ngiti nito dahil puno na ng pagnanasa ang mga titig nito sa kanya.Ang music, katamtaman lamang ang lakas nito nang patugtugin niya. Malamyos ito na lalong nakapagbigay ng magandang ambiance ng lugar kung nasaan sila ng kalaguyo. Napapikit siya nang mariin pero mukha ng asawa ang biglang nagkahugis sa imahinasyon niya.Brander—gusto niyang isigaw nang maalala ito. Napakaliit ng mundo natin, hindi ako nararapat sa'yo. This is a goodbye, love. Sana hindi ka kapatid ni Braylon; sana h
~Braylon's POV~ Nakayuko lang siya habang nakaupo; hinihintay ang paggising ng asawa. Dinala niya agad ito ng ospital matapos sumama ang pakiramdam nito. Stress ayon sa doktor ang dahilan isama na ang totoong sakit nito. Hindi pa clear sa sakit nito si Maya kaya dadaan na naman ito sa 'di mabilang na laboratories bago isalang sa IV drip treatment. Nakaramdam ito ng paninikip ng dibdib kanina matapos ang insidenteng iyon; ang kataksilan niya na mismong na-witness nito. "I-I'm so sorry, honey," tigmak siya ng luha nang tingnan ang asawang nakahiga. Hindi niya alam kung ba't nanlalamig ang katawan ng asawa kagaya lang ng panlalamig nito sa kanya kanina pa. "I am such a fucking useless rotten cunt with no heart... No s-shame! No words can adequately show my weakness and lack of dignity. What a bad husband I am." Kahit hindi siya naririnig ng asawa dahil tulog ito, nagbabakasakali pa rin siyang naririnig ito ni Maya. Binigyan lang ito ng pampakalma ng doctor nang sumama ang pakiramdam n
~Renvie's POV~"You're still lucky somehow..." Parinig ni Brander sa kanya. "Hindi ka na makakahanap ng kagaya ko." Madilim ang mukha nito nang balingan siya. "Thank you, sir, I'll go ahead." Pasalamat nito sa pulis bago tumalikod.Napaawang ang labi niya nang tumalikod na si Brander sa kanila. Nagkatinginan lamang sila ng pulis at siya, gusto niyang lumubog sa kahihiyan dahil hindi man lang nito na-appreciate ang pag-o-open up niya. Sabagay, ano ba ang inaasahan niya sa asawa matapos niya itong akusahan as rapist at nananakit pa? Ang sama niya."Iyang pasa mo sa kamay, siya ba ang may gawa niyan?" may pagdududang tanong ng pulis. "Isa pang katanungan, Mrs. Smith, totoo ba ang akusasyon mo sa asawa mo? Baka naman, natatakot ka lang..."Kandahaba ang leeg niya nang sundan ang likod ng asawa pero nagulat siya sa pagtapik ng pulis sa kanya. "Aah, hindi po. Sigurado ho ako na dahil sa galit lang kaya ko 'yon nagawa sa kanya. Pinagsusuntok ko ang pader kanina dahil sa inis ko." Namasa ang
Renvie's POV~"Totoo bang ipapakulong mo ang asawa mo? Hindi na matapos-tapos ang issue sa'yo, what can you say about this, Ms. Renvie Montefalcon?"Renvie Montefalcon? Napangiti siya nang mapait dahil mukhang bumabalik na naman ang kasikatan ng pangalang iyon. Napatingin lang siya sa reporter na nagtanong nito pero wala siyang binitawan na mga salita. Nakakasilaw ang sunod-sunod na kislapan ng mga camera sa mukha niya. Kanino ng mga ito nalaman ang issue? Hindi pa man siya nakakapasok sa police station pero present na ang nakakairitang mga reporter nang makalabas siya ng sasakyan.Maraming mic ang nakaumang sa kanya kasama ang ilan pang reporters na nagkakagulo na sa sunod-sunod na katanungan ng mga ito. Bigla na lang nagsulputan ang press."Can you provide more information about the controversial Renvie Montefalcon case?" tanong ng isa.May mga pulis na humarang sa mga ito nang pumasok siya sa station. Nakita niya ang nakayukong si Brander nang i-assist siya ng isang police kung nas
~Renvie's POV~Nanginig ang kamay niya matapos ang tawag na iyon; sana nga'y hindi niya pagsisihan ito pero may bahagi sa ginawa niyang tutol ang puso niya. Nakabalik na siya sa taas at saglit na lumabas si Brander para instructionan ang chef para ipagluto siya ng gusto niya. Iyon ang paraan niya para panandalian itong mawala sa paningin niya nang humingi siya ng pagkain. Nangako itong babalik kasama sina Akira at Hyanct. Naging kainip-inip ang paghihintay niya hanggang marinig niya ang mga boses na nagmumula sa labas."M-Mommy!" hiyaw ni Hyanct nang tumakbo ito palapit sa kanya matapos bumukas ang pinto.Yakap ang sinalubong niya sa anak. "I'm sorry my Hyanct. Are you still mad at Mommy, baby?"Umiling lang ang bata nang ilang ulit kasabay ng pagngiti nito, "Maybe yes, Mom, but Daddy Brander already explained it."Nawala ang pangamba niya na baka magkimkim ito ng galit sa kanya kanina pero may bumabangong pag-aalala sa kanya nang may maalala. Napatingin siya sa bukana ng pinto nang m
~Renvie's POV~ Sa pangalawang pagkakataon, muli niyang naramdaman ang paglapat ng likod sa malambot na kinahihigaan. "B-Brander! Ilabas mo'ko ritooo, hayoop!" Nanlaki ang mata niya nang maramdaman ang mahigpit nitong pagkakahawak sa palapulsuhan niya. Pilit niyang hinila ang kamay pero may kung anong malamig na bagay ang biglang nilagay nito sa kamay niya. Humantong ang mainit nitong palad sa paa niya at ganun din, may naramdaman siyang lamig nang may ilagay ito na kung ano. Posas! Pinoposasan siya ng asawa. "I hate you!" muli niyang sigaw. Sa paghila niya ng isang kamay, may nakakabit nang posas pero hindi niya ito makita dahil madilim sa loob. Mukhang alam na alam ng lalaki ang ginagawa kahit madilim pa. "I'll sue you for this, idiot! Pagsisisihan mo itong g-ginagawa mo sa'kin ngayon! Ano'ng binabalak mo?" Nasagot ang katanungan niya nang bumaha ang liwanag sa kinaroroonan niya. Mapusyaw lamang ang ilaw sa area nila pero kitang-kita niya ang lalaking nakahubo na sa harap niya. N
~Renvie's POV~ Tanaw niya sa malayo ang mga ito. Full of appreciation ang mga matang iyon but her mind, maraming idinidikta sa kanya para kamuhian ang lalaki. Even though their faces lit up with joy when they saw her, she couldn't smile back. Nang ihakbang niya ang mga paa palabas ng sinakyan, umiyak agad siya dahil nakita na niya si Akira na hawak ni Brander. Kahit kaaya-aya ang nakikita niya sa paligid dahil sa ganda nito, hindi naman maganda ang epekto ng mga taong natatanaw niya sa dalampasigan. Nasa Seacliff Island na siya sa tulong ni Braylon nang tawagan nito ang ilang tauhan para sunduin siya. Welcome to China? Isang malaking banner ang may nakalagay na "WELCOME TO CHINA" ang nakita niya nang tuluyan siyang makababa. Pinagkakaisahan siya kaya heto siya, umiiyak dahil wala siyang kakampi. Napuno siya ng galit nang takbuhin ang kinaroroonan ni Brander. Nang makalapit nang tuluyan, ubod tamis ang ngiti nito sa kanya pero isang malakas na sampal ang agad niyang pinadapo sa mukha
~Renvie's POV~ She could not sleep for three nights. Her stress makes it extremely difficult for her to sleep, and her anxiety worsens every night when she doesn't get to see her child. Hindi siya makatulog nang maayos dahil hindi niya mahagilap ang hinahanap. Labis ang pag-aalala niya kung kumusta na ang anak. Nanginginig ang kamay niya nang muling tunghayan ang iniwang sulat ng lalaki. Puwede naman siyang gisingin at sabihin sa kanya ang problema nito pero ginawa pa ito ni Brander sa kanya. Naiiyak niyang binasa ito nang hindi makuntento. Sa pagod niya at kakulangan ng tulog, hindi na niya namalayang umalis ang mga ito sa kwarto nila. I KIDNAPPED AKIRA AND I WON'T GIVE HER BACK UNTIL YOU SAY YOU LOVE ME—ito ang nakasulat sa papel na iniwan ni Brander. "I hate you, Brander!" Hiyaw niya nang tuluyan nang lamukusin ang hawak. "Alam mo namang maliit pa si Akira at nakadepende sa'kin pero nilayo mo pa." Paano kung maghanap ito ng gatas niya? Paano kung bigla itong magkasakit? Kaya b
~Brander's POV~ "So what, will you accept me again?" yamot niyang tanong nang talikuran siya ng babae. "Renvie... Enya?!" pukaw niya rito. Napatitig na lang siya sa mga dinikit na letters sa pader. Kahit ito, hindi man lang na-appreciate ng babae? Hindi pa ito tapos kung tutuusin dahil may balak pa siyang ayusin ang sinet-up; oras na hindi ito pumayag makipagbalikan sa kanya. "3 days, Brander," tinatamad na sagot nito. "Hindi ko alam pero gusto ko munang wala ka sa tabi ko para mahanap ko pa ang sarili ko. Mahirap ba iyong gawin sa tatlong araw lang na hinihingi ko?" Napabuntong-hininga nang marahas ang babae, "Huwag mo akong kausapin kahit sa 3 araw man lang. After three days, I've made my decision, and it's final. You have to respect it no matter what." "No!" inis niyang pakli. "Don't go anywhere, dito ka lang sa tabi ko, Vie." Nang hindi sumagot ang babae, niyakap niya ito kahit tinalikuran siya nito. He wanted to show her how much he cared. Totoo ang nararamdaman niya sa baba
~Brander's POV~ "Why did you do that?" umiiyak na tanong nito sa kanya. Luhaan ang mukha ng asawa dahil napahiya ito umano. Hawak na rin nito si Akira matapos nilang makabalik sa kwarto pero hindi naging maganda ang resulta ng pagsasalita niya kanina para sa babae. Hiyawan at kantiyawan ang nangyari at pagsabi sa kanila ng congratulations nang ianunsiyo niyang susundan na niya ang bunso nila. Napangisi siya nang titigan ang asawa, "What do you mean?" na-a-amuse niyang tanong. "Kapag malaki na si Akira, saka na lang natin sundan. Huwag mo naman akong gawing tagahabol, napa-absent tuloy ako sa trabaho." "S-sino ba ang nagsabi sa'yo na sundan mo ako rito, Brander?" singhal nito. "Love," inis niyang anas sa tainga nito. Akma niyang yayakapin ang babae pero umiwas ito sa kanya. "I'm your husband, tama na ang dalawang taon na binigyan kita ng oras para maayos mo ang sarili mo at makalimutan mo ang lahat. Oras ko naman para sundin ang puso ko." "Can you stop, Brander?" Napaupo na ito s
~Brander's POV~Galit siyang tumayo nang wala nang makuhang impormasyon, "How come na wala kang alam kung sa'n nagpunta si Renvie? Come on, dude. Maybe you're just hiding them somewhere. My little Akira, I need to see my baby."Parang gumuho ang mundo niya nang mapag-alamang umalis ang babae sa isla ng Seacliff matapos niyang balikan ito sa kwarto nang hindi ito sumulpot sa gathering hall. Dalawang taon. Halos dalawang taon niyang pinaghandaan ang surpresang ito para sa babae pero hindi siya nagtagumpay na muling makuha ang puso nito. Wala siyang ginawang masama para layasan siya nito. He told the woman everything at ang magandang resulta sana ang gusto niyang makita pero bigo siya. Pangarap niya ang buong pamilya; natiis niyang mawalay sa mga ito kaya gagawin niya ang lahat para maayos ang sigalot nila. Hindi siya makapaniwala na kahit si Evhan, hindi rin alam kung nasaan ang mag-ina niya."Brander! Please do not stare at me like that. I had no idea what Renvie had planned." Inabot n