~Brander's POV~"Bakit ganyan ka na lang kaapektado kapag involve ang pamilya ni Enya?" Takang tanong niya kay Renvie.Nadatnan niya ang babae sa loob ng kwarto niya na nagmumokmok lamang. Nakadapa lang ito sa kama at kahit ano'ng pagpapapansin niya, dinededma lang siya nito. Simula pa kanina, hindi na siya nito kinibo at hinayaan niya lang itong umiyak sa sasakyan. Mas lalo siyang naging curious sa inaakto ng babae. Nang hindi siya sinagot nito, lumabas siya para samahan si Hyanct na nanunood ng TV sa sala."How are you, big boy?" Inakbayan niya ang bata nang makaupo na sa tabi nito. "You remind me of someone, Hyanct. Do you want to meet him?"Napatingin ang bata sa nilabasan niyang kwarto. Dalawang kwarto ang unit niya at madalas gamitin ng daddy niya ang kabila kapag wala ito sa bahay ng kuya niya."How about Renvie? She's coming with us?" Taka nitong tanong."Well—" Napatingin din siya sa kwarto niya bago muling binalingan ang bata. "I'm not sure, Hyanct, she's not well.""Let me
~Renvie's POV~Hindi niya napigil ang ina nang tuluyan nang umalis ang mga ito sa nabili niyang bahay. Sa bahay siya ng ama pansamantalang tumira nang wala siyang madatnan na pamilya sa bahay na iyon sa sumunod na araw ng pagbisita niya. Kahit si Brander, nilayasan niya rin dahil sa sobrang sama ng loob niya. Dalawang araw na ang lumipas pero nang balikan niya ang nanay at kapatid niya sa dating tirahan ng mga ito sa slum area, wala nang kabahay-bahay doon. Ngayon niya naramdaman kung gaano kalaki ang galit nito sa pamilya ni Braylon. Nasa loob siya ng isang public cemetery ng lugar na kinalakihan niya kaya maingay at magulo dahil may iilang tao na naninirahan mismo sa loob ng sementeryo."Tabi, ano ba!"Napalingon siya sa likod niya nang may sumigaw, isang babae na may bitbit na sako ang nakasunod sa likod niya. Akma siya nitong hahampasin ng sako nang isang lalaki ang biglang lumapit sa kanila."Umalis ka riyan, nanggugulo ka na naman, Ponciay!" sigaw ng isang lalaki nang hilahin ni
~Brander's POV~Napangisi siya nang maalala ang pagsusuplada ng asawa kanina. Binawi nito ang truce pero pumalag siya at ang gusto ng babae, sasama ito sa kanya para lang mapagbigyan siya pero kasama ang pamilya ni Enya sa hotel. Huminga siya nang malalim nang makapwesto sa terrace ng hotel. Nasa kabilang room ang asawa niya kasama sina Aling Berta at Lucio. Wala siyang nagawa nang i-book rin ni Renvie ang mga ito ng hotel kung sa'n sila mag-ii-stay. Sinamahan ng babae ang dalawa para masigurong okay ang mga ito. Masyado talagang mapagmahal ang asawa niya sa pamilya ni Enya. Hawak-hawak na niya ang cellphone habang hinihintay ang pagsagot ng isang kasamahan niya sa trabaho."What's up, dude?" bungad niya nang sagutin ito sa kabilang linya. "Yeah I saw that and thanks for that. I know, dude, na bawal pero kailangan ko ng sample sa remains ni Enya for DNA test. Mabuti at nagpabayad ang sepulturero sa pagbukas ng nitso. I know, dude!" Nagpalakad-lakad na siya kasabay ng pagsuklay ng kama
~Brander's POV~Sina Aling Berta at Lucio, binook ito ng babae sa kabilang kwarto. Doon nanggaling ang asawa kanina para i-check ang dalawa kung okay lang ang mga ito. Napaka-concern naman ng asawa sa pamilya ni Enya na labis niyang ikipinagtaka. Hinayaan niya lang ito kung ito ang nais ng babae at ang pagtuklas niya sa mga bagay na mag-uugnay ng kanyang mga katanungan, nasasagot na ito nang paunti-unti nang makita niya kung ano ang nakalagay sa likod ng babae. Matapos siyang itulak nito, dumeretso ito ng shower. Naka-roba lang itong lumabas. Nakaupo na ito sa kama kaya agad niya itong tinabihan habang busy ito sa pagtipa sa cellphone. Napatingin ang babae sa kanya pero umirap pa ito nang magtama ang tingin nilang dalawa. Inis siya nitong tinulak nang tangka niyang halikan ito sa labi."Vie," anas niya sa tenga nito nang bumaba ang mukha niya para amuyin ito. "You smell good." Ganito ba ang amoy na gusto ng kapatid niya? Dahan-dahan niyang binaba ang suot nitong roba sa bandang balik
~Brander's POV~Palakad-lakad siya habang panay ang sulyap sa natutulog na asawa. Sa terrace siya pumwesto nang magising siya nang maaga para tawagan ang taong inatasan niya. Mag-aalas otso pa lang ng umaga pero kailangan niyang kuhain ang report ng pinapaimbestigahan. Napangisi siya nang maalala ang pangyayari kanina; masyadong napagod ang babae dahil hindi na niya matandaan kung ilang ulit silang nagniig. Halos mag-uumaga na nang matapos sila at labis ang saya niya kahit papa'no na nababaling na ang atensyon nito sa kanya. Ramdam din niya ang pagod pero importante ang araw na'to sa imbestigasyong hawak din ng isang kasama niya kahit pa on leave siya sa trabaho."Dude," agad na bungad niya nang marinig ang boses ng kasamahan sa kabilang linya. "Yeah, yeah, I know that dahil do'n kami nanggaling ng asawa ko kahapon and—" Napatingin siya kay Renvie na himbing nang natutulog bago dahan-dahang humakbang palapit sa glass door para isara ito. "I appreciate you for the job well done, pare,
~Renvie's POV~"Eww, who's this proud dick texting you like this, Vie?" Napalakas ang boses ni Pixie nang sabihin ito kasabay ng pagtampal nito sa kanya. "Is that the same guy we met before?" tukoy nito kay Brander na saglit ipinakilala ang sarili nang ihatid siya kanina.Mabilis ding nakisilip si Brittany sa cellphone niya kaya pinandilatan niya ang mga ito at mabilis na tinago ang cellphone sa loob ng bag. Di na niya inabala pang reply-an ang lalaki. Hindi niya napansin ang dalawang kaibigan na nasa gilid na niya. May mga pagkain ding nakalatag sa mesa nila pero patikim-tikim lang ang ginawa niya dahil busog pa siya."Where did you meet that Brander, Vie?" takang tanong ni Brittany nang bumalik ito sa upuan. "Maybe he's the reason why you don't have much time to wander outside," sinundan ito ng malakas na tawa ng babae. "Di ba, but he's cute, I like him. Ang sarap niya sigurong... hmm." Sinipsip nito ang inumin gamit ang straw nang tingnan siya.Inis niyang tiningnan si Brittany; it
~Braylon's POV~Binalabal niya kay Maya ang malaking blanket dahil sa lamig ng lugar. Sa terasa ang paborito nitong tambayan dahil kita ang mga punong mayayabong; ang mga pine tree sa kanilang harapan. Kabundukan ang pumapalibot sa kanila dahil secluded ang lugar na ito na sinadya niyang bilhin para malayo sa iba pang kabahayan. Malaking tulong sa kalusugan ng asawa ang bagong kapaligiran at sa kabila ng hirap na pinagdadaanan nito, nagpapasalamat siyang may latest improvement ulit ito ayon na rin sa doktor ng babae."Hon." Nakangiting humawak ang asawa sa braso niya habang nakatutok ang mga mata nito sa mga bagong dating sa baba. "I think that's Brander and her wife. Looks like Renvie brought her whole family here." Sinundan ito ng tawa ng babae nang lingunin siya.Tumigas ang anyo niya nang makitang sinalubong ng kanilang ama ang mga bagong dating. Nasa pangalawang palapag sila ni Maya kung saan nakakonekta ang kwarto nilang mag-asawa sa terasa. May isang puno ng pine tree na nakata
~Braylon's POV~Halos madaling araw na pero napakailap pa rin ng antok sa kanya; napakaraming bagay ang samut-saring pumapasok sa utak niya lalo na ang engkwentro niya kay Renvie kanina. Wala na ang mga bisita nila maliban sa kapatid niyang si Brander kasama ang asawa nito na piniling mag-stay sa bahay niya ng isang gabi. Ayon sa kapatid, may naupahan ang mga ito na hindi kalayuan sa bahay niya pero gusto nitong makasama muna sila. Tulog na si Maya sa tabi niya kaya lumabas siya para magpahangin sa terasa ng kwarto nila.Sinadya niyang magpalagay ng elevator sa bahay nila para mas convenient sa daddy niya lalo na kay Maya at may limang kwarto rin ang bahay-bakasyunan na ito para sa buong pamilya. Madilim ang paligid at kahit isang bituin, wala siyang makita kaya napatingin na lang siya sa mapusyaw na ilaw sa garden pero nangunot ang noo niya nang mahagip ng paningin ang isang bulto ng tao. Babae. Nagtagis ang bagang niya dahil tatlong babae lang ang narito sa bahay niya ngayon; sina M
~Renvie's POV~"You're still lucky somehow..." Parinig ni Brander sa kanya. "Hindi ka na makakahanap ng kagaya ko." Madilim ang mukha nito nang balingan siya. "Thank you, sir, I'll go ahead." Pasalamat nito sa pulis bago tumalikod.Napaawang ang labi niya nang tumalikod na si Brander sa kanila. Nagkatinginan lamang sila ng pulis at siya, gusto niyang lumubog sa kahihiyan dahil hindi man lang nito na-appreciate ang pag-o-open up niya. Sabagay, ano ba ang inaasahan niya sa asawa matapos niya itong akusahan as rapist at nananakit pa? Ang sama niya."Iyang pasa mo sa kamay, siya ba ang may gawa niyan?" may pagdududang tanong ng pulis. "Isa pang katanungan, Mrs. Smith, totoo ba ang akusasyon mo sa asawa mo? Baka naman, natatakot ka lang..."Kandahaba ang leeg niya nang sundan ang likod ng asawa pero nagulat siya sa pagtapik ng pulis sa kanya. "Aah, hindi po. Sigurado ho ako na dahil sa galit lang kaya ko 'yon nagawa sa kanya. Pinagsusuntok ko ang pader kanina dahil sa inis ko." Namasa ang
Renvie's POV~"Totoo bang ipapakulong mo ang asawa mo? Hindi na matapos-tapos ang issue sa'yo, what can you say about this, Ms. Renvie Montefalcon?"Renvie Montefalcon? Napangiti siya nang mapait dahil mukhang bumabalik na naman ang kasikatan ng pangalang iyon. Napatingin lang siya sa reporter na nagtanong nito pero wala siyang binitawan na mga salita. Nakakasilaw ang sunod-sunod na kislapan ng mga camera sa mukha niya. Kanino ng mga ito nalaman ang issue? Hindi pa man siya nakakapasok sa police station pero present na ang nakakairitang mga reporter nang makalabas siya ng sasakyan.Maraming mic ang nakaumang sa kanya kasama ang ilan pang reporters na nagkakagulo na sa sunod-sunod na katanungan ng mga ito. Bigla na lang nagsulputan ang press."Can you provide more information about the controversial Renvie Montefalcon case?" tanong ng isa.May mga pulis na humarang sa mga ito nang pumasok siya sa station. Nakita niya ang nakayukong si Brander nang i-assist siya ng isang police kung nas
~Renvie's POV~Nanginig ang kamay niya matapos ang tawag na iyon; sana nga'y hindi niya pagsisihan ito pero may bahagi sa ginawa niyang tutol ang puso niya. Nakabalik na siya sa taas at saglit na lumabas si Brander para instructionan ang chef para ipagluto siya ng gusto niya. Iyon ang paraan niya para panandalian itong mawala sa paningin niya nang humingi siya ng pagkain. Nangako itong babalik kasama sina Akira at Hyanct. Naging kainip-inip ang paghihintay niya hanggang marinig niya ang mga boses na nagmumula sa labas."M-Mommy!" hiyaw ni Hyanct nang tumakbo ito palapit sa kanya matapos bumukas ang pinto.Yakap ang sinalubong niya sa anak. "I'm sorry my Hyanct. Are you still mad at Mommy, baby?"Umiling lang ang bata nang ilang ulit kasabay ng pagngiti nito, "Maybe yes, Mom, but Daddy Brander already explained it."Nawala ang pangamba niya na baka magkimkim ito ng galit sa kanya kanina pero may bumabangong pag-aalala sa kanya nang may maalala. Napatingin siya sa bukana ng pinto nang m
~Renvie's POV~ Sa pangalawang pagkakataon, muli niyang naramdaman ang paglapat ng likod sa malambot na kinahihigaan. "B-Brander! Ilabas mo'ko ritooo, hayoop!" Nanlaki ang mata niya nang maramdaman ang mahigpit nitong pagkakahawak sa palapulsuhan niya. Pilit niyang hinila ang kamay pero may kung anong malamig na bagay ang biglang nilagay nito sa kamay niya. Humantong ang mainit nitong palad sa paa niya at ganun din, may naramdaman siyang lamig nang may ilagay ito na kung ano. Posas! Pinoposasan siya ng asawa. "I hate you!" muli niyang sigaw. Sa paghila niya ng isang kamay, may nakakabit nang posas pero hindi niya ito makita dahil madilim sa loob. Mukhang alam na alam ng lalaki ang ginagawa kahit madilim pa. "I'll sue you for this, idiot! Pagsisisihan mo itong g-ginagawa mo sa'kin ngayon! Ano'ng binabalak mo?" Nasagot ang katanungan niya nang bumaha ang liwanag sa kinaroroonan niya. Mapusyaw lamang ang ilaw sa area nila pero kitang-kita niya ang lalaking nakahubo na sa harap niya. N
~Renvie's POV~ Tanaw niya sa malayo ang mga ito. Full of appreciation ang mga matang iyon but her mind, maraming idinidikta sa kanya para kamuhian ang lalaki. Even though their faces lit up with joy when they saw her, she couldn't smile back. Nang ihakbang niya ang mga paa palabas ng sinakyan, umiyak agad siya dahil nakita na niya si Akira na hawak ni Brander. Kahit kaaya-aya ang nakikita niya sa paligid dahil sa ganda nito, hindi naman maganda ang epekto ng mga taong natatanaw niya sa dalampasigan. Nasa Seacliff Island na siya sa tulong ni Braylon nang tawagan nito ang ilang tauhan para sunduin siya. Welcome to China? Isang malaking banner ang may nakalagay na "WELCOME TO CHINA" ang nakita niya nang tuluyan siyang makababa. Pinagkakaisahan siya kaya heto siya, umiiyak dahil wala siyang kakampi. Napuno siya ng galit nang takbuhin ang kinaroroonan ni Brander. Nang makalapit nang tuluyan, ubod tamis ang ngiti nito sa kanya pero isang malakas na sampal ang agad niyang pinadapo sa mukha
~Renvie's POV~ She could not sleep for three nights. Her stress makes it extremely difficult for her to sleep, and her anxiety worsens every night when she doesn't get to see her child. Hindi siya makatulog nang maayos dahil hindi niya mahagilap ang hinahanap. Labis ang pag-aalala niya kung kumusta na ang anak. Nanginginig ang kamay niya nang muling tunghayan ang iniwang sulat ng lalaki. Puwede naman siyang gisingin at sabihin sa kanya ang problema nito pero ginawa pa ito ni Brander sa kanya. Naiiyak niyang binasa ito nang hindi makuntento. Sa pagod niya at kakulangan ng tulog, hindi na niya namalayang umalis ang mga ito sa kwarto nila. I KIDNAPPED AKIRA AND I WON'T GIVE HER BACK UNTIL YOU SAY YOU LOVE ME—ito ang nakasulat sa papel na iniwan ni Brander. "I hate you, Brander!" Hiyaw niya nang tuluyan nang lamukusin ang hawak. "Alam mo namang maliit pa si Akira at nakadepende sa'kin pero nilayo mo pa." Paano kung maghanap ito ng gatas niya? Paano kung bigla itong magkasakit? Kaya b
~Brander's POV~ "So what, will you accept me again?" yamot niyang tanong nang talikuran siya ng babae. "Renvie... Enya?!" pukaw niya rito. Napatitig na lang siya sa mga dinikit na letters sa pader. Kahit ito, hindi man lang na-appreciate ng babae? Hindi pa ito tapos kung tutuusin dahil may balak pa siyang ayusin ang sinet-up; oras na hindi ito pumayag makipagbalikan sa kanya. "3 days, Brander," tinatamad na sagot nito. "Hindi ko alam pero gusto ko munang wala ka sa tabi ko para mahanap ko pa ang sarili ko. Mahirap ba iyong gawin sa tatlong araw lang na hinihingi ko?" Napabuntong-hininga nang marahas ang babae, "Huwag mo akong kausapin kahit sa 3 araw man lang. After three days, I've made my decision, and it's final. You have to respect it no matter what." "No!" inis niyang pakli. "Don't go anywhere, dito ka lang sa tabi ko, Vie." Nang hindi sumagot ang babae, niyakap niya ito kahit tinalikuran siya nito. He wanted to show her how much he cared. Totoo ang nararamdaman niya sa baba
~Brander's POV~ "Why did you do that?" umiiyak na tanong nito sa kanya. Luhaan ang mukha ng asawa dahil napahiya ito umano. Hawak na rin nito si Akira matapos nilang makabalik sa kwarto pero hindi naging maganda ang resulta ng pagsasalita niya kanina para sa babae. Hiyawan at kantiyawan ang nangyari at pagsabi sa kanila ng congratulations nang ianunsiyo niyang susundan na niya ang bunso nila. Napangisi siya nang titigan ang asawa, "What do you mean?" na-a-amuse niyang tanong. "Kapag malaki na si Akira, saka na lang natin sundan. Huwag mo naman akong gawing tagahabol, napa-absent tuloy ako sa trabaho." "S-sino ba ang nagsabi sa'yo na sundan mo ako rito, Brander?" singhal nito. "Love," inis niyang anas sa tainga nito. Akma niyang yayakapin ang babae pero umiwas ito sa kanya. "I'm your husband, tama na ang dalawang taon na binigyan kita ng oras para maayos mo ang sarili mo at makalimutan mo ang lahat. Oras ko naman para sundin ang puso ko." "Can you stop, Brander?" Napaupo na ito s
~Brander's POV~Galit siyang tumayo nang wala nang makuhang impormasyon, "How come na wala kang alam kung sa'n nagpunta si Renvie? Come on, dude. Maybe you're just hiding them somewhere. My little Akira, I need to see my baby."Parang gumuho ang mundo niya nang mapag-alamang umalis ang babae sa isla ng Seacliff matapos niyang balikan ito sa kwarto nang hindi ito sumulpot sa gathering hall. Dalawang taon. Halos dalawang taon niyang pinaghandaan ang surpresang ito para sa babae pero hindi siya nagtagumpay na muling makuha ang puso nito. Wala siyang ginawang masama para layasan siya nito. He told the woman everything at ang magandang resulta sana ang gusto niyang makita pero bigo siya. Pangarap niya ang buong pamilya; natiis niyang mawalay sa mga ito kaya gagawin niya ang lahat para maayos ang sigalot nila. Hindi siya makapaniwala na kahit si Evhan, hindi rin alam kung nasaan ang mag-ina niya."Brander! Please do not stare at me like that. I had no idea what Renvie had planned." Inabot n