Naging extravagante at romantic ang kasal naming dalawa noong araw na iyon.Hindi pinayagan sina Nathan o Charles na humakbang papasok sa seremonya. Pero hindi pa rin nagawa ng dalawang ito na umalis.Hindi na natapos ni Charles ang kasal. Inatake siya sa puso habang nasa gitna ng seremonya kaya agad siyang isinugod sa ospital. Kahit na nailigtas ang buhay nito, nanatili pa rin siyang nasa coma.Pero nanatili naman si Nathan hanggang sa huli.Sa mga dahilang hindi niya maintindihan, hindi siya nagawang iblock ni Cassie sa social media. Nakita niya mula sa mga post nito ang buong kasal—ang bawat photo naming dalawa ni Eustace at ang bawat video ng aming kasal.Alam na ni Nathan bago pa ang aming kasal na si Eustace ang groom ni Roxanne, ang senior nito sa college na may malayong narating sa buhay.Noong unang mga araw ng kanilang relasyon, noong inaalam pa lang nila ang mga bagay bagay, madalas na purihin ni Roxanne si Eustace.Nakakaramdam si Nathan ng selos sa bawat sandaling m
Pagkatapos ng tatlong taon naming pagamaate ni Nathan Foster, inakala kong alam ko na kung saan kami tutungo. Pero hindi siya kailanman nagpropose sa akin. At sa halip ay nagawa pa niyang malove at first sight sa aking stepsister.Naging direkta at walang tigil ang ginawa niyang panliligaw dito na hindi nagiwan ng pagamaalawang isip sa aking isipan. Pero sa pagkakataong ito, hindi na ako nagbreakdown o naghintay pa sa mga mangyayari habang umaasa na babalik pa siya gaya noon. Napagdesisyunan ko nang makipaghiwalay.Itinapon ko ang lahat ng regalo niya sa akin, pinagpunit punit ko rin ang wedding dress na lihim kong binili at noong kaniyang kaarawan, iniwan ko sa aking nakaraan ang Riverdale.Nang sasakay na ako sa aking flight, nagmessage si Nathan sa akin:“Nasaan ka na? Hinihintay ka ng lahat.”Ngumiti ako, pero na ako nagreply sa kaniya habang binoblock ko siya sa bawat platform. Wala siyang ideya na dalawang linggo na ang nakalilipas mula noong tanggapin ko ang proposal ng aki
Nagpakita ng tuwa sa kaniyang mukha ang aking ama nang makita niya kung gaano ako kaconsiderate sa aking stepsister habang nagpapakita naman ng natutuwang ngiti ang aking stepmom.Nang makaalis ang mga ito, nagpaiwan si Sophia sa kwarto.“Roxanne, hayaan mong tulungan kitang magempake,” Sweet nitong sinabi habang nakatayo sa harapan ko na parang isang masunuring bata. Pero nagpakita ng direktang pagtatagumpay ang kaniyang mga mata nang umikot ang kaniyang paningin sa aking kuwarto.“Hindi ko inasahan na papayag si Dad sa pagpapalitan natin ng mga kwarto,” Dagdag nito. “Galit ka ba sa akin, Roxanne?”Tumigil siya sa pagsasalita para magkaroon ng bigat ang kaniyang mga sinasabi, “Sabagay, kakakuha ko lang kay Nathan, at ngayon ay nakuha ko naman ang kuwartong tinulugan mo ng sampung taon.”Hindi ako sumagot sa kaniya. Tuamlikod ako para kunin ang aking suitcase.Nang biglang gumawa si Sophia ng isang nagdadramang ingay. “Ouch!” bago ito bumagsak sa sahig habang hawak ang kaniyang b
Nang biglang bumuhos ang luha ni Sophia.“Nathan, pakiusap, huwag kang makipagtalo sa aking kapatid nang dahil lang sa akin,” mahina nitong sinabi habang nanginginig ang tila inapi nitong boses. “Okay lang ako… mayroong karapatan si Roxanne na mainis sa akin.”Naging tahimik at kaawa awa ang kaniyang mga iyak na para bang inapi siya sa buo niyang buhay.Mabilis namang nagpakita ng inis ang mukha ni Nathan.“Nagseselos ka kang dahil nagcacare ako kay Sophia,” sabi nito gamit ang kasing lamig ng yelo niyang boses. “Nagseselos ka dahil mas maganda ang naging trato ko sa kaniya. Nagseselos ka dahil mahal siya ng lahat.”Isang sandaling tumigil si Nathan bago niya ibigay ang huli niyang atake. “Roxanne, hindi na ikaw ang taong kilala ko. Nagbago ka na—naging bitter at wala ka na sa lugar, hindi ba?”Dito na siya tumalikod para maglakad palayo habang bitbit niyang dinadala si Sophia palabas ng kwarto.Habang pinapanood ko ang pagkawala ng imahe ng dalawa sa malayo, bigla kong napagtan
Nang umalis ako sa group chat, agad akong nakatanggap ng tawag mula kay Nathan.“Roxanne, magpunta ka rito ngayundin.”“Saan?”“Alam mo na kung saan. Sa dati.”“Mayroon bang problema?”“Kailangan mong humingi ng tawad kay Sophia.”“Bakit naman ako hihingi ng tawad?”“Dahil bigla kang umalis sa group chat. Mayroon ka bang ideya kung ano ang iisipin sa kaniya ng mga kaibigan natin ngayon?” Nanlamig at naguutos ang tono ng boses ni Nathan sa kabilang linya.“Ayaw kong masabihan ng hindi maganda ng kahit na sino si Sophia. Kasalanan ko ito. Ako ang nagmahal sa kaniya at ako rin ang may gustong bigyan siya ng tamang estado sa aking buhay. Inosente siya kaya hindi siya karapat dapat na masabihang homewrecker nang dahil sa pagiging impulsive mo.”Inakala kong magiging immune na ako sa kaniyang mga salita at ginagawa pero agad pa rin akong nakaramdam ng nakakasuffocate na sakit sa aking dibdib.Bahagyang nanginig ang aking mga daliri habang hinahawakan ko ang phone, nanginig ang akin
Lumipat si Sophia papasok sa aking kuwarto pero hindi ko na inabala ang aking sarili na matulog sa kaniyang kuwarto kaya namili na lang ako ng isa sa aming mga guest room na maaari kong magamit pansamantala.Malamig at basa pa ang bedding na hinanda ng kasambahay sa akin kaya wala na akong nagawa kundi humiga rito nang nakadamit. Sabagay, ilang araw na lang ang ilalagi ko sa bahay na ito. Titiisin ko na lang ang lahat ng ito hanggang sa tuluyan na akong makaalis dito.Pero kinabukasan, habang naglalakad ako pababa ng hagdanan, nakakita ako ng isang eksenang nagpalamig sa aking katawan.Nakita ko na nagkabasag basag ang nakaframe na picture ng aking ina sa sala kung saan ito dati nakadisplay kasama ng paborito niyang mga bulaklak at mga gamit.Ibinato sa sahig ang kaniyang picture na siyang sumira sa frame nito habang nababalot ng maputik na marka ng paa ang nakangiti niyang imahe sa picture.Nakakalat din ang mga paborito niyang mga bulaklak at gamit sa sahig habang tuwang tuwa na
Sa gitna ng gabi, bigla akong nagising ng tunog mula sa pagiyak at pagsigaw. Habang bumabangon ako sa aking pagkakahiga, biglang sinipa mula sa labas ang pinto papasok sa aking kwarto.Dito na sumugod ang aking stepmom na naghyhysterical sa pagiyak. At bago pa man ako makapagreact, tumama ang kaniyang palad sa aking mukha nang paulit ulit habang unti unting lumalakas ang bawat sampal na tumatama sa aking mga pisngi.“Paano mo nagawa ang bagay na iyon?” Sigaw nito. “Hindi na sapat ang pananakit mo kaninang umaga. Pero nagawa mo pa ring subukan na patayin ang anak ko?”At pagkatapos ay bumagsak ito sa mga bisig ng aking ama habang patili nitong sinasabi na, “Alam niyang allergic si Sophia sa mga peach, pero nagawa pa rin niyang maglagay ng katas nito sa kama at mga unan ni Sophia! Sinusubukan niya talagang patayin ang anak natin!”“Tama na, huwag ka nang umiyak.” Mahinang sinabi ng aking ama para icomfort ang aking stepmom habang naiinis niya akong tinitingnan. “Mabuti na lang at
At ang natitira ay mga regalong ibinigay sa akin ni Nathan nitong nakalipas na tatlong taon.Ang ilan ay mga malalarong mga maliliit na laruan habang ang ilan naman ay mga alahas at mga accessories na binili niya para sa akin. Maingat kong hiniwalay ang mamahaling mga item nang mapagdesisyunan kong iwanan ang mga ito ipansamantala sa aking best friend. Ibabalik niya ito kay Nathan sa sandaling umalis ako ng Riverdale. Sa pamamagitan lang nito maaayos ang lahat dahil wala na akong magiging utang sa kaniya.Para naman sa mga mumurahin, at walang kabuluhang mga bagay na binigay niya sa akin para matuwa ako, hindi ako nagdalawang isip na kunin ilagay ang mga ito sa isang trash bag para itapon.Dumating pa nga ang sandali na kung saan pinahalagahan ko maging ang pinakamaliit na keychain na ibinigay niya sa akin. Pero ngayon, hindi ako nakaramdam ng kahit anong emosyon nang itapon ko ang mga ito.Nang matapos ako rito, maingat ko namang ibinalot ang photo ng aking ina, inayos ko ito sa
Naging extravagante at romantic ang kasal naming dalawa noong araw na iyon.Hindi pinayagan sina Nathan o Charles na humakbang papasok sa seremonya. Pero hindi pa rin nagawa ng dalawang ito na umalis.Hindi na natapos ni Charles ang kasal. Inatake siya sa puso habang nasa gitna ng seremonya kaya agad siyang isinugod sa ospital. Kahit na nailigtas ang buhay nito, nanatili pa rin siyang nasa coma.Pero nanatili naman si Nathan hanggang sa huli.Sa mga dahilang hindi niya maintindihan, hindi siya nagawang iblock ni Cassie sa social media. Nakita niya mula sa mga post nito ang buong kasal—ang bawat photo naming dalawa ni Eustace at ang bawat video ng aming kasal.Alam na ni Nathan bago pa ang aming kasal na si Eustace ang groom ni Roxanne, ang senior nito sa college na may malayong narating sa buhay.Noong unang mga araw ng kanilang relasyon, noong inaalam pa lang nila ang mga bagay bagay, madalas na purihin ni Roxanne si Eustace.Nakakaramdam si Nathan ng selos sa bawat sandaling m
Isinagawa namin ni Eustace ang aming kasal pagsapit ng tagsibol noong kasunod na taon.Hindi ko rin binali ang pangako na ibinigay ko sa aking bestfriend dahil tumayo si Cassie sa aking tabi bilang natatangi kong bridesmaid sa kasal.Hindi ko sinabihan ang kahit na sino sa aking pamilya o kaibigan sa Riverdale pero agad pa ring nakarating doon ang balita. Noong araw ng aking kasal, parehong nagpakita ang aking ama at si Nathan.Lumapit sa akin si Eustace para hingin ang aking opinyon.Kasalukuyan pa akong inaayusan ng makeup artist nang mapatingin ako sa salamin, dito ko nakita ang imahe ng lalaki na mapapangasawa ko.Mas naging kumplikado ang bridal makeup ko kaysa sa pangkaraniwan kong itsura, pero naramdaman ko pa rin na hindi pamilyar at attractive ang tao na nakatingin pabalik sa akin.Naramdaman ko na para akong isang namumukadkad na hydrangeang tinanim ni Eustace sa bago naming hardin—masyado itong nagliliwanag at puno ng buhay.Masyado namang guwapo ang nagpakita ng c
Pero hindi manlang siya tiningnan ng lalaki na dating nagaalaga sa kaniya, ang “ama” na dati niyang inaasahan.Walang pakialam na ikinaway ni Charles ang kaniyang kamay na para bang tinataboy lang nito ang isang langaw. Dito na niya inutusan ang kaniyang mga tauhan na itapon ang magina sa labas.Hindi pa rin sumuko si Sophia sa front gate ng tahanan ng pamilya Evans.Habang desperado nitong hinahawakan ang gate, namamaos itong sumigaw ng, “Nathan… hindi mo ito puwedeng gawin sa akin! Hindi—dahil buntis ako! Ikaw ang ama ng dinadala ko! Kailangan mo akong panagutan!”Biglang nawala ang kaniyang boses sa huli na para bang nawawala na siya sa kaniyang sarili.“Nathan?” Kwestiyonable namang tiningnan ni Charles si Nathan.Nakaramdam naman si Nathan ng pandidiri sa buo niyang katawan. Gusto niyang tumawa pero hindi niya ito nagawa sa tindi ng pait sa kaniynag dibdib.Paano niya magagawang maattract sa isang tao na kagaya nito?“Mr. Evans.” Sagot ni Nathan, umabante siya para harapin
Hindi nagtagal, tinawagan na ng mga naistorbong kapitbahay ni Roxanne ang building management.Dito lang nalaman ni Nathan ang katotohanan mula sa property office: Matagal nang umalis dito si Roxanne. Nagawa pa nitong humingi ng tulong sa kanila na ibenta ang apartment para sa kaniya.“Saan siya nagpunta? Nasa Riverdale pa ba siya? Babalik pa ba siya? Kung oo, kailan?” Hindi naman nakatanggap ng sagot si Nathan.Ito ang bagay na kumonsumo sa kaniya na nagbigay dito ng napakatinding panic na parang may halimaw sa dilim na nakahandang lumamon sa kaniya nang buo.Nawala na sa kaniya si Roxanne.At sa pagkakataong ito, maaaring hindi na ito bumalik sa kaniya kahit na kailan.Samantala, ang bawat plano at kasinungalingan na ginawa ni Sophia at ng kaniyang ina para masiraan si Roxanne ay agad na nalaman ng lahat.Maging ang mga staff sa tahanan ng pamilya Evans ay lumaban para depensahan ang dati nilang amo habang ibinabahagi ang mga pangaapi na tahimik nilang dinanas sa kamay ni So
“Allergic ako sa mga peach! Alam ito kahit ni Dad,” Iyak ni Sophia habang hawak ang kaniyang mukha, nabalot ng pagkaapi ang tono ng kaniyang boses. “Inutusan ni Roxanne ang isa sa mga kasambahay na magsaboy ng katas ng peach sa aking kama. Nagawa itong imbestigahan at kumpirmahin ni Dad.”“Sinungaling ka!” Biglang abante ni Nathan para hawakan nang mahigpit ang kwelo ni Sophia.Matangkad at malakas ang kaniyang katawan kaya sapat na ang isang beses na paggalaw para maiangat nito si Sophia mula sa lupa.“Nathan… tama na! Hindi ako makahinga!” Sabi ng naghahabol sa kaniyang hininga na si Sophia habang hinahawakan nito ang kamay ni Nathan.Tumitig naman pababa sa kaniya si Nathan habang nagdidilim sa galit ang kaniyang mukha, nagpakita ang galit sa guwapo nitong mukha na bumagsik sa bawat segundong lumilipas.“Sophia,” Sabi nito, gamit ang mababa at nanlalamig niyang boses, “nakalimutan mo ba na ang gamit mong perfume ngayon ay ang paboritong perfume ni Roxanne? Ito ang perfume na pa
Nabalot ang isipan ni Nathan ng mga huling imahe ng pagtingin ni Roxanne sa kaniya.Isa itong kalmado at walang emosyong pagtingin na para bang hindi na ito maaapektuhan nang kahit na kaunti sa kaniya.Noong mga sandaling iyon, naramdaman niya na para bang hindi siya nito kilala—isang hindi importanteng tao na dumaan sa buhay nito.Biglang tumayo si Nathan para umalis, pero bago pa man siya makahakbang paalis, itinulak ni Sophia pabukas ang pinto bago ito naglakad papasok sa pinto.“Nathan,” Mahina nitong sinabi, nabalot ng pangkaraniwang takot na ipinapakita nito ang kaniyang boses.Nagliwanag ang mga mata nito na para bang iiyak ito anumang oras na nagpakita sa parang inaapi nitong itsura.“Napaparami ka nanaman ng inom.” Maingat nitong sinabi habang nilalagay nito ang kaniyang braso sa braso ni Nathan. “Sigurado ako na magrereklamo ka nang dahil sa sakit ng ulo na mararanasan mo bukas.”Naging sweet at caring ang tono ng kaniyang boses, pero nang ibukas ni Nathan ang kaniyang
“Nathan, sinusubukan mo bang patayin ang sarili mo sa pagpapakalasing? Alam mo ba kung gaano nagalala ang lahat sa ginagawa mo?”Kinuha ng isa sa kaniyang mga kaibigan ang hawak niyang bote para subukan na kausapin siya nang maayos. “Tinawagan na namin si Sophia. Papunta na siya rito para iuwi ka. Huwag ka nang uminom, okay?”Agad na nabalot ng pandidiri si Nathan nang bigla niyang marinig ang pangalan ni Sophia.Mabilis niyang itinulak ang kaniyang kaibigan papunta sa tabi hanggang sa mabitawan nito ang bote na siya namang nabasag sa sahig.“Sino ang nagsabi sa iyo na tawagan mo siya? Hinahanap ko ba siya?”“Girlfriend mo siya. Kung hindi siya, sino pa ang dapat naming tawagan?”“Ang girlfriend ko?” Singhal ni Nathan. “Kilala mo ba kung sino ang girlfriend ko?”Nagpalitan naman ng hindi makapaniwalang tingin ang aking mga kaibigan.“Nakalimot ka na ba, Nathan? Nagbreak na kayong dalawa ni Roxy…”“Oo nga, at sinabi mo rin sa amin sa group chat na tawagin si Sophia bilang iyong
“Eustace…”“Hindi naman ako nananaginip, hindi ba? Ikaw si Roxy… si Roxanne Evans, tama?”Biglang hinawakan ni Eustace ang aking mukha gamit ang magkabila niyang mga kamay.Masyadong naging malapit ang mukha naming dalawa kaya agad na naghalo ang maiinit naming mga hininga.Nagpakita ng iba’t ibang emosyon ang kaniyang mga matang nanlalabo sa kalasingan—pagtataka, hindi pagkapaniwala at ang bittersweet na sakit na hindi niya magagawang ipaliwanag gamit ang mga salita.Naramdaman ko na para bang may pumiga sa aking puso sa kaniyang kamay na nagpalambot at nagpamaga rito.“Eustace,” bulong ko gamit ang nanginginig kong boses, “Hindi ka nananaginip. Ako ito. Si Roxanne Evans—"Pero bago pa man ako matapos sa pagsasaita, tumama ang kaniyang labi sa akin—naging magaan at mahinahon ang halik na iyon na para bang mababasag ito anumang oras.Hindi ko pa tuluyang napoprocess ang nangyayari nang biglang umatras si Eustace.Maaaring nakita nito ang pagkasurpresa at hindi mapakali kong na
Nang matapos ang gathering, hinintay ko si Eustace sa lobb sa ibaba.Dito ko na natanggap ang isang tawag mula sa isa kong kaibigan sa Riverdale.“Roxy, ano ang ginagawa mo nitong mga nakalipas na araw? Hindi na kita nakikita.”“May mga personal na bagay lang akong inaayos.”“Magkita tayo mamaya, okay lang ba sa iyo?”Bahagya naman akong ngumiti sa kaniya, “Hindi ako makakasama, magenjoy kayo.”“Sandali, huwag mo munang ibaba ang tawag,” Nagdadalawang isip na sinabi ng boses sa kabilang linya. “Sa totoo lang… tumawag ako dahil kay Nathan. Hindi maganda ang naging mood niya ngayong gabi, naglasing siya at hindi siya nakinig sa kahit na sino. Puwede mo ba siyang icheck kapag nagkaroon ka ng bakanteng oras? Nagalala kami na baka muli siyang magkaroon ng gastrointestinal bleeding kapag nagpatuloy siya sa paginom.”“Si Sophia na lang ang tawagan mo,” Walang emosyon kong isinagot. “Roxy, pinalayas na ni Nathan si Sophia.”Mahinang nagsalita ang boses sa kabilang linya. “Masasabi n