Nasorpresa sina Wang Yuqian at Lu Zhener nang marinig nila ito.Tumawa nalang bigla si Wang Yuqian, “Akala ko naman importante kang tao, pero mukhang mamamatay tao ka pala. Alam ba ni Yi Jinli na ikaw ang pumatay kay Hao Meiyu?”Hindi makapaghintay si Wang Yuqian makita ang ekspresyon ni Ling Yiran kapag nalaman ni Yi JInli na siya ang may kasalanan sa aksidente.Sa opinyon niya, siguro ay hindi okay ito para kay Jinli. Kung hindi, paano niya hinayaang makita si Ling Yiran sa piyesta bilang ka-date niya?Pinagdikit ni Lu Zhener ang kanyang labi para ngumiti, “Oo nga pala, narito rin si Xiao Ziqi ngayon. Nakita ko sila ni Hao Yimeng ngayon lang. Bakit hindi kayo magkita?”Natuwa si Wang Yuqian sa mangyayari. Agad siyang tumingin sa paligid. Nakita niya sa hindi kalayuan sina Xiao Ziqi at Hao Yimeng.Sumigaw si Wang Yuqian sa direksyon nila, “Nandito ex mo, Xiao Ziqi. Bakit hindi mo siya puntahan?”Hindi mahinahon ang boses ni Wang Yuqian. Hindi lang si Xiao Ziqi ang nakarinig ku
“Oo.” Sagot ni Zhao Yingyi. “Ang babaeng ito ay walang hiya. Hindi ko alam kung anong ginawa niya para lokohin si Yi Jinli. Hindi siguro alam ni Yi Jinli na nakulong ‘tong babaeng ‘to.”Nang marinig ni Hao Yimeng at Xiao Ziqi ang mga ito, nagulat sila. Sinubukang magsalita ni Ziqi pero pinigilan siya ni Yimeng.Naramdaman ni Ling Yiran na maraming tao ang nakatingin sakanya at marami ang nakarinig kung ano ang sinabi ni Wang Yuqian kanina. Ang itsura nila ay gulat, pagpalibhasa at naaasar. Para bang nanonood sila ng palabas sa telebisyon.Huminga nang malaim si Ling Yiran. Pagkatapos nang lahat, hindi niya kayang ibahin ang nangyari sakanya.Ayaw na niyang tawanan nang ibang tao, tumalikod si Ling Yiran at ginusto ulit umalis.Pero, matapos ang dalawang hakbang, nakarinig siya na nang tunog na parang may napunit.Tumalikod si Ling Yiran at nakita na ang tela ng kanyang bistida ay tinatapakan ng pa ani Wang Yuqian. Ang kabilang bahagi ng bistida ay napunit na. kung hindi siya tumi
“Pinuna nila ako nang kaunti at sinira ang damit ko.” Sabi ni Ling Yiran, ayaw niyang sabihin ang mga hinanakit niya roon. “Pasensya na, dinala mo ako rito ngayon. Natatakot ako na…”“Anong dapat mong ihingi nang paumanhin? Ako ang nagpilit at naging dahilan ‘yon kung bakit nangyari ‘to sa’yo ngayon.” Sabi ni Jinli.Habang nagsasalita siya, yumuko siya at tinali ang napunit na damit ni Ling Yiran para hindi siya madulas.Nang yumuko si Yi Jinli, lahat ng tao sa paligid ay nagulat. Hindi nila inaasahan na ang sikat na Young Master Yi ng Shen City ay luluhod sa harap ng isang babae nang ganun lang.Matapos tulungan si Ling Yiran sa napunit niyang damit, inangat niya ang ulo niya at tumingin kay Ling Yiran, “Nasaktan ka ba?”Ngayon, nakayuko si Jinli. Sa kabilang dulo, nakatayo si Ling Yiran nang nakatungo. Nakatingin sila sa isa’t isa at sa sandaling ‘yon, naramdaman ni Ling Yiran na nasupil si Yi Jinli sakanyang paa.Oh my gosh! Anong iniisip niya? Agad na sinabi ni Ling Yiran sa
Si Ling Yiran ang nagmamaneho sa aksidente na nangyari kay Hao Meiyu at nagda-date sila ni Yi Jinli ngayon. Sila ang hindi inaasahan na magiging magkarelasyon. Sinong mag-aakala?Bang!Isang malakas na tunog ang tumama sa sahig ang narinig ni Ye Chongwei sa likuran niya. Tumalikod siya at nakita na sobrang hina ng mga binti ni Wang Yuqian na naging dahilan kung bakit natumba siya ulit.Tiningnan ni Ye Chongwei si Wang Yuqian na para bang sinusumpa niya ang pamilya nito. Malapit nang matanggal si Wang Yuqian sa mayayaman sa lipunan.Pagkatapos nang lahat, hindi kailanman naging mabait na tao si Yi Jinli.Sa sandaling ‘yon, sina Lu Zhener at Zhao Yingyi ay natatakot. Ito ay totoo. Kahit na ayaw nila, halata sa mga mata nilang natatakot sila.Ang pinakitang ugali ni Yi Jinli kanina ay alam na niya nakulong na si Ling Yiran dati. Kaya naman, ang ginawa ni Wang Yuqian ang magiging dahilan sa kanyang pagkamatay.Hindi na dapat banggitin, lumuhod pa si Yi Jinli sa harapan ni Ling Yiran
“Masyado nang magulo rito, Ziqi. Samahan mo ako pabalik sa hardin para makalanghap nang sariwang hangin.” Sabi ni Haao Yimeng.“Sige.” Isang komplikadong ekspresyon ang makikita sa mukha ni Ziqi sakanyang mapapangasawa. “Pinigilan mo akong magsalita kasi gusto mong gawin ‘yon?” tanong niya.“Oo. Wala namang saysay kung babalaan mo ang isang tao na hinihiling mamatay.” Nakangiting sinabi ni Hao Yimeng, “Atsaka bukod satin, marami pang ibang tao ang pwedeng manakit kay Jinli.”Nakita ni Ziqi ang ngiti sa mga labi nang kanyang mapapangasawa at agad siyang nakaramdam nang pagkatalo. Para bang may nawala sakanya na hindi na niya kayang ibalik.Ngayon, ang kaya nalang niyang gawin ay idikit ang sarili niya sa babaeng nasa harapan niya para sakanilang pamilya!Hindi nalalayo, may isang tao na parang nanglalamig matapos ang sitwasyon.Nanonood si Gu Lichen habang ang tatlong babae ay nagtatalo. Lumingon lamang siya at inubos ang wine na iniinom niya.Lumipas ang ilang sandali, sinubukan
Naramdaman ni Yi Jinli na parang tinutusok ang puso niya.“Isang kahihiyan yung damit ko. Isang beses ko palang ito nasusuot pero sira na siya.” Sabi ni Ling Yiran na may pagsisisi. Kahit na pwede pa itong maayos, matrabaho ang pagtahi nito dahil magandang klase ang tela nito.“Bibilhan nalang kita ng bago basta okay ka lang.” sabi ni Jinli.Umiling si Yiran at nakangiting sinabi, “Okay lang ako, hindi naman ako mahina tulad nang iniisip mo.”Pero, ang mga ngiti ni Ling Yiran ay mas naparamdam kay Jinli na hindi siya maayos. Oo, kahit na mapayat siya at mahina, matagal na siyang masigasig.Sa tagal niya itong nakasama, naintindihan ni Yi Jinli ang ugali niya higit pa sa kahit na sino. Ngunit, dahil ‘don, lalo pa niyang naramdaman na may kasalanan siya.Kinailangan niyang maging malakas dahil sa mga pinagdaanan niya.“Pasensya na…” biglang sinabi ni Jinli.Nalito si Yiran, “Bakit ka humihingi nang pasensya?”“dapat binilisan ko ang pagtulong para malaman ang katotohanan tungkol
“Sige, hayaan mong hawakan muna kita sandali. Maya-maya ay dadating na rito ang driver.” Bulong ni Jinli. Pinagmasdan niya ang babae na nasa braso niya at lumingon para tingnan si Gu Lichen na nanonood malapit sakanila.Nagkasalubong muli ang mga mata nila.Matapos ang ilang sandali, isang itim na kotse ang dumating sa harapan ni Jinli at inalis niya ang kanyang tingin. Pagkatapos ang ilang segundo, sumakay na si Jinli at Yiran sa loob ng kotse. Nakatalikod si Yiran sa dalawa kaya naman hindi na niya ito nakita.Pinagdikit ni Luoyin ang kanyang mga labi hanggang sa mawala ang itim na sasakyan. Tumingala siya, “Li…”Binuksan niya lang ang kanyang bibig at ang mga sasabihin niya ay hindi na lumabas. Ang gwapong lalaki na nasa tabi niya ay madalas malamig at walang emosyon pero ngayon ay mukhang nasupil at inapi. Para bang pinipigilan niya ang sarili niya. Isa siyang lalaki… desperadong pinipigilan ang kanyang pagseselos!…Nang makabalik na si Ling Yiran sa Yi Residence, tiningna
Bago sa pandinig ni Ling Yiran na may tinatawagan na kaibigan si Yi Jinli, siguro ay malapit sakanya si Ye Chongwei. “Hello, ako nga pala si Ling Yiran.”Pinakilala ni Ling Yiran ang kanyang sarili.“Hello, gustong gusto kita makilala matagal na, pero hindi lang ako nagkakaroon nang pagkakataon.” Sabi ni Ye Chongwei nang nakangiti. Pagkatapos nang lahat, matagal na siyang nauusisa sa babaeng nagpapatibok ng puso ng best friend niya.Sa gabi ng Lunar New Year, nagulat si Ye Chongwei at naintriga sa katotohanan na ang best friend niya ay nagdala ng isang grupo ng mga pulis sa bayan malapit sa Shen City para sakanya. Iniwanan niya si Old Master Yi para sakanya.Ngayon, pagkatapos niyang makilala si Ling Yiran, akala niya na kahit hindi masyadong maganda si Ling Yiran, ang mga mata naman niya ay nagpapakalma nang pakiramdam. Ito ay nakakarelax.Sa tabi ni Ling Yiran, mas relax pa si Yi Jinli kaysa sa natural niyang pagkatao.Naintindihan agad ni Ye Chongwei kung bakit nahulog ang loo