“Wala.. wala naman. Naalala ko lang na bibisitahin ko si lola bukas, at wala pa kong nabibili para sa kanya. ,” ang sabi ni Ling Yiran. Ngunit mayroon talaga siyang nabili na ngunit itinapon ito ng pamilya ng mga Hao sa basurahan.“Tungkol diyan, may binili ako para sayo at iniwan ko yun sa may coffee table,” ang sabi ni Yi Jinli.Tumingin si Ling Yiran sa may coffee table sa kanyang kwarto at may nakita siyang pamilyar na packaged bag. Kaparehas ng balot nito ang binili niyang pastries sa mall ng araw na iyun. Bumili.. bumili kaya siya ng kapareho nito?“Ikaw ba ang bumili nito?” ang tanong ni Ling Yiran na parang hinahabol ang hininga.“Oo, bumili ako ng extra,” sabi ni Yi Jinli.“Paano mo nalaman kung.. uh, kung ano yung binili ko?” nagtatakang tanong ni Ling Yiran. Kahit pinanuod ni Yi Jinli ang video, ang tanging nakita niya lang ay yung packaging bag.“Chineck ko lang ang transaction statement history nila at nalaman ko kung anong binili mo,” ang sagot ni Yi Jinli.Naunawa
Ngunit, hindi inaasahan ni Ling Yiran na hihiramin ni Yi Jinli ang sariling sasakyan ng kanyang driver na nagkakahalaga lang ng 300 thousand dollars.Nagulat si Ling Yiran“Hindi ba sinabi mo na gusto mong mag mukha tayong normal na tao?” tanong ni Yi Jinli.“Gusto kong maging normal tayo dahil ayokong maging usapan sa aming lugar. Maliit na lugar lamang iyun kaya malamang ay pag uusapan talaga tayo. Natatakot ako na baka mag alala si lola. Pero talaga bang idradrive mo itong ganitong sasakyan?” tanong ni Ling Yiran“Sinabi ko lang ba yun para makipag biruan?” ngumiti si Yi Jinli.. “Okay sige, pumasok ka na sa kotse.”Pagpasok niya ng sasakyan doon niya lamang naisip na hindi kasama ang driver ngayon at si Yi Jinli ang magmamaneho nito.“Ikaw ang magdradrive?” tanong niya.“Oo, hindi naman iyun ganun kalayo. Umiglip ka muna kung inaantok ka. Alam ko naman ang daan papunta doon, “ang sabi ni Yi Jinli habang iniistart ang sasakyan.Hindi namalayan ni Ling Yiran na napakagat na si
Tumingin siya sa kanya na para bang naguguluhan. “Anong problema?”“Napag isipan mo na ba kung paano mo ako ipapakilala mamaya?” tanong ni Yi Jinli.Medyo napaisip si Ling Yiran pero sumagot siya agad,”Oo naman, ipapakilala kita sa kanila bilang aking nobyo.”Ngumiti si Yi Jinli. “Okay, tara na.”Pagkatapos lumabas ng kotse, pumunta si Ling Yiran sa pinto at kumatok. Maya maya ay may sumagot na sa kanila. Iyon ay ang kanyang pangatlong tita.Ng makita ng pangatlo niyang tita si Ling Yiran e naging para itong sarcastic ang mukha. “Ikaw pala yan, Yiran. May dala ka pang lalake ngayon!”Tumingin ang kanyang tita sa may pintuan at napansin niya ang ordinaryong sasakyan na nakaparada sa harap ng bahay. Tumingin siya ng parang may panunuya kay Ling Yiran.Akala nila na yung pamangkin nila ay nakikipagkita sa isang mayaman na lalaki. After all, niligtas siya ng lalaking iyon sa bahay ng mga hangal noong araw na iyon.Ngunit, habang nakatingin siya sa sasakyan sa labas, parang hindi na
“Tapos ka ng makipagkita sayong lola?” tanong ni Yi Jinli.“Natutulog pa din si lola. Ayoko siyang gising kaya nauna na akong lumabas,” sagot ni Ling Yiran.“Habang nagsasalita si Ling Yiran, ang pinsan niyang si Hua Lifang ay lumabas na may dalang dalawang tasa ng tsaa at inilagay ito sa harapan niya at ni Yi Jinli. “Tara at magtsaa kayo, Yiran.”May pakabigla sa mga mata ni Ling Yiran. Kahit kailan ay hindi naman naghain ng tsaa ang kanyang pinsan nung bumalik siya doon.“Hey, Yiran. Di mo ba ipapakilala sakin yang lalaking kasama mo? Tanong ng kanyang tita, yung tono niya e para bang nagseselos.“Siya po ang aking nobyo, Si Jin,” sagot ni Ling Yuran. Hindi niya sinabi ang buong pangalan nito para hindi sila magkagulo pag nalaman nilang si Jin ay si Yi Jinli.Ang gusto lang naman ni Ling Yiran ay makasama ang lola niya ng tahimik sa mga natitirang taon nito.“Nobyo? Imposible!” gulat na sinabi ni Hus Lifang.Para bang ang dating ay nagbiro si Ling Yiran ng matindi.Kinusot n
Para bang hindi nito papalampasin ang kahit sino na magsasalita ng masama tungkol kay Ling Yiran.ang puso ni Hua Lifang ay walang magawa kundi magkaroon na lang ng inggit. Naiiggit siya kay Ling Yiran dahil nakahanap ito ng gwapong nobyo na walang pakialam na nakulong siya. Siya naman ay nakapagpakasal sa blacksmith nung bata pa siya.Naisip niya na ang blacksmith na kanyang pinakasalan ay walang talento. Dagdag pa niya, nagbayad ito ng substantial bride price. Pero, sa buong nagdaan na mga taon, naramdaman ni Hua Lifang na lalong nagiging miserable ang buhay niya.Ang mga kaibigan niya na madalas niyang laging kasama ay nakatira na ngayon sa magagandang syudad, nagpakasal sa mga white collar workers, civil servants, direktor at halos kaparehas non. Ang dating nila ay para bang mga high class kaya nahiya itong sabihin na ang asawa niya ay blacksmith.Naisip niya na sa mga dumating na taon na kung hindi siya nagpakasal ng maaga, nakapagpakasal kaya siya sa siyudad nila ngayon? O k
Hindi maipinta ang mukha ni Hua Lifang sa sobrang hiya. Malaking sampal sa kanyang mukha ang sinabi niya!Ang pangatlong tita ay mistulang iritable. Dumaing ito kay Ling Yiran, “ Hoy Yiran. Maganda ang intensyon ni Lifang. Bakit sobrang arogante ng iyong kasintahan. Siya ay ating bisita. Gusto niya ba ay sambahin namin siya na parang panginoon?”Simpleng sagot ni Ling Yiran, “Mahiyain ang aking boyfriend. Malayo ang loob niya sa mga taong hindi pa niya kilala ng lubusan.”Mistulang napalunok sa sariling laway ang pangatlong tita.Mahiyain?!Hindi mukhang mahiyain ang lalaki.Gayunpaman, noong tiningnan sila ng lalaki, hindi nila mapigilan ang mabilis na pagtibok ng kanilang mga puso. Tila ba sila ay natatakot sa kanyang mga tingin.Tinikom ng pangatlong tita ang kanyang bibig at hindi na nagsalita pa. Sa kabilang banda, walang paliguy-ligoy na tinanong ni Hua Lifang si Li Yiran at Yi Jinli tungkol sa kung kailan sila nagkakilala, paano naging sila, kung ano ang totoong pagkatao
“Anong sinasabi mo, inay? Dinala ni Iyan ang kanyang boyfriend rito. Bakit naman namin siya pagkakaisahan? Mister pa ng ang tawag namin sa boyfriend niya,” sabi ng kanyang pangatlong tita nang nagtiyempo itong makapagsalita.Nagulat ang lola. “boyfriend? May boyfriend ka na Yiran? Dalian mo, ipakilala mo siya sa akin!” “Dadalhin ko siya rito,” sabi ni Ling Yiran habang patayo at umaalis ng kwarto.Ang pangatlong tita ay nagsalita ng tila hindi masaya, “Bakit ka masaya, inay? Mukhang toy boy ang boyfriend ni Ling Yiran. Maaring nagpapanggap lang ito!”Samakatuwid, ayaw niyang makahanap ng maayos na boyfriend ang kanyang pamangkin at maungusan ang kanyang sariling anak. “Tama na. Maingat na bata si Yiran. Hindi siya tulad ng iba na nahuhumaling sa mga salita lamang. Ako ang makakahusga kung talagang siya ay nagpapanggap lamang!” sabi ng lola ni Ling Yiran.Tinikom ng pangatlong tita ang kanyang bibig, Tiningnan ng lola si Yi Jinli habang sinusundan nito si Ling Yiran papunta ng k
Yumuko ng kaunti si Yi Jinli at ibinulong sa tenga ni Ling Yiran, “Hindi?”"..." nahihiya si Ling Yiran. Paano naman niya sasagutin ang ganong tanong?Nagbuntong-hininga ang kanyang lola, kinuha ang kanyang kamay at sinabing, “Kailangan mo nang dalian at baka hindi na ako makapunta sa inyong wedding reception.”Nagulat si Ling Yiran nang hawakan ng kanyang lola ang kanyang kamay at nalaman na tila mas manipis na ito kaysa noon. Nararamdan niya ang mga buti sa kamay ng kanyang lola sa pamamamagitan ng pagpulupot nito sa kanyang kamay.Manipis na balat lamang ang takip ng kanyang mga buto, at ang kanyang kamay at walang laman.Ang kanyang lola… ay mas matanda na kaysa sa kanyang inaakala.Nakaramdam ng puot sa puso si Ling Yiran, at nakita sa kanyang mukha ang kanyang lungkot.“Bakit ka malungkot ulit?” Patapik na sabi ng lola ni Ling Yiran sa likod ng kanyang kamay, “Magaan ang aking loob at nakikita ko na mabuti ang iyong ginagawa at may nag-aalaga sa iyo. Sa wakas, mapayapa ako
Nangako si Ye Wenming sa buong Zhuo family na hinding hindi niya sasaktan si Zhuo Qianyun, pero sobrang nainsulto siya sa mga sinabi nito! "Malalaman natin yan sa DNA test." Pinilit ni Ye Wenming na pigilan ang galit niya na para bang wala siyang kahit anong nararamdaman. "Hindi, Hindi mo siya anak!" Walang pag-aalinlangang sagot ni Zhuo Qianyun. "Hindi ikaw ang makakapagsabi kung anak ko siya o hindi. Kung mapapatunayan kong anak ko siya, dapat lang na malaman niya kung sino ang tunay niyang ama at bumalik siya sa Ye Family!" Walang emosyong sgaot ni ye Wenming. Biglang namutla si Zhuo Qianyun, "Hindi!" Pasigaw niya itong nasabi kaya medyo nagulat si Ye Wenming. "Diba siya yung anak na hindi mo matanggap? Bakit gusto mo siyang kunin? Wala ni isa sa pamilya mo ang may gusto sakanya!" Galit na galit na sabi ni Zhuo Qianyun. Hindi siya papayag na kunin sakanya si Lil Yan dahil ito nalang ang tanging mayroon siya. "Dumadaloy ang dugo ko sakanya at hindi ko hahayaang maging p
May naramdaman siya sakanyang tyan na hindi niya alam kung paano niya ipapaliwanag! Pagkatapos noon, tumigil ang kotse sa harap ng hotel. Lumabas si Ye Wenming at sinundan siya ni Zhuo Qianyun habang hawak niya ang kamay ni Lil Yan. Ang lugar kung saan nananatili si Ye Wenming ay ang presidential suite. Unang beses palang ni Lil Yan makapasok sa isang presidential suite. Ang lahat sa loob nito ay bago sakanyang paningin. Kahit na tingnan niya lang ang 70 inch na LCD TV Screen, ang mga mata niya ay punong puno ng curiosity. Gayunpaman, matapos niyang maramdaman ang pagiging mayaman, ang maliit na bata ay bigla nalang inantok. Dapat ay iidlip siya pagkatapos nang tanghalian pero naexcite siya kanina noong sumakay sila sa tren at hindi na siya nakatulog. Ngayon naman na nasa loob na sila ng hotel ay agad siyang nakatulog na parang mantika. Tiningnan ni Zhuo Qianyun ang kanyang anak na natutulog sakanyang mga braso at sinabi kay Ye Wenming, “Pwede bang dito nalang siya matulog
Huminga ng malalim si Zhuo Qianyun bago siya sumakay sa sasakyan kasama si Ye Wenming. Hindi pa man din nagtatagal, biglang nag ring ang phome ni Zhuo Qianyun at nang tignan niya kung sino ito, nakita niya ang pangalan ng nanay niya. Kaya agad-agad niya itong sinagot at sinalubong siya ng may sobrang pag-aalalang boses, "Yun, nasaan na kayo? Mawawala na yung check-in natin. "Hindi po muna kami makakapunta ni Lil Yan. Bakit po kaya hindi muna kayo humanap ng maliit na hotel na matutuluyan niyo?" "Anong nangyari?" Tinignan ni Zhuo Qianyun at nagsalubong sila ng tingin ni Ye Wenming. Halatang gusto nitong marinig ang sagot niya. Walang emosyon ang itsura nito, Maging si Lil Yan na nakaupo sa pagitan nila ay tumingin din sakanya. Hindi maikakaila na magkaparehong-magkapareho talaga ang mga mata ng mag-ama, pero ngayon na magkatabi ito, lalo niyang nakikita ang pagiging magkamukha ng mga ito. "Kasama namin ni Lil Yan si Ye Wenming," Kalmadong sagot ni Zhuo Qi
Kahit na may mga pinadala na siyang tauhan, gusto pa ring makita ng dalawang mata ni Ye Wenming ang bata at tanuningin ng diretsahan si Zhuo Yan kung anong totoo! Pero nang sandaling makita niya ang bata, sobrang nagulat siya. Hindi siya makapaniwala na minsan niya ng nakita ang batang 'yun. At noong unang beses palang ay may lukso na siya ng dugo sa bata kaya nga gusto niya itong sponsoran. 'Hindi ko naisip.... na anak niya pala ang batang yan!' Lumuhod si Ye Wenming at tinignan ng diretso sa mga mata ang bata at habang pinagmamasdan niya ito ay lalo niyang nakikita ang pagkakahawig nito sakanyang mga mata. "A...anong pangalan mo?" Pautal-utal niyang tanong. "Lil Yan, pero palayaw ko lang po yun. Ang buo ko pong pangalan ay Zhuo Yan." Nakangiting sagot ng bata. Nang makita ni Ye Wenming ang ngiti ng bata, lalong lumakas ang lukso ng dugong nararamdaman niya. Ito ay dahil.... parehong pareho ng ngiti nito ang ngiti ni Zhuo Qianyun! 'Zhuo Yan?' "Na..nasaan ang t
Si Mrs Zhuo ay nakaramdam ng pait nang minsang pag-usapan niya ito.Kung ikukumpara kay Kong Ziyin, masyadong malungkot ang nangyari sa kanyang anak na babae."Ma, tigilan mo na!" Mabilis na sinabi ni Zhuo Qianyun. Pagkatapos ng lahat, ang kanyang anak na lalaki ay nasa tabi mismo nila at hindi niya nais na marinig niya ang tungkol sa mga sama ng loob ng mga matatanda.Si Mrs Zhuo ay tila bumalik sakanyang sarili at itinikom ang kanyang bibig.Sa kabutihang palad, nakatuon si Lil Yan sa kanyang paligid.Sa bawat araw na lumilipas, naramdaman ni Zhuo Qianyun ang kanyang pagkabalisa na lumalakas at lumalakas. Hindi na niya hinintay na makapasok silang tatlo sa high-speed train.Sa wakas, isang anunsyo na kailangan nilang mag-check-in ay nagsimulang tumunog sa pamamagitan ng broadcast.Gayunpaman, nais ni Lil Yan na pumunta sa banyo, kaya't lumingon si Zhuo Qianyun kay Mrs. Zhuo at sinabi, "Inay, pakitingnan ang aming gamit. Dadalhin ko si Lil Yan sa banyo.""Kailangan mong magmad
"Hindi ... hindi ko alam," alanganing sinabi ni Kong Ziyin. 'Sino sa mundong ito ang tumawag sa telepono na iyon? Sino ang nakapagpigil kay Wenming?'Sino ... ang tinutukoy niya?'"Ano ang gagawin natin? Ayaw ba ni… Wenming na pakasalan si Ziyin? Kaya ba umalis siya?" Nag-aalalang sinabi ni Mrs. Kong.Dahil, ang pamilya Kong ay orihinal na may-ari lamang ng isang third-rate na maliit na kumpanya, ngunit napunta ito sa mataas na lipunan dahil sa tulong ng pamilya Ye sa lahat ng mga taon na nakalipas.Sino ang hindi nakakaalam na ang pamilya Kong ay nakasalalay sa pamilyang Ye?Maraming mga tao ang palihim na inihambing ang pamilya Kong sa isang palamunin na nagpakain sa pamilyang Ye.Kung ang pamilya Ye at ang pamilya Kong ay nabigo na maiugnay ang kanilang sarili sa pamamagitan ng kasal na ito, kung gayon ang pamilyang Kong ay babalik sa dati."Paano nangyari iyon? Tanggap na ng pamilya Ye ang petsa ng kasal. Anong mangyayaring problema?" Tinapik ni Mrs. Kong ang kanyang asawa a
"Hiniling sa iyo ng aking ama na ipahayag ang petsa ng kasal. Sa ganitong paraan, makikita nito na taos-puso ka," sabi ni Kong Ziyin."O sige," sagot ni Ye Wenming.Gagawin niya ang anumang nais niyang ipagawa.“Tapos tayo ang mangunguna sa first dance kapag oras na nito,” dagdag ni Kong Ziyin."Okay," sagot ni Ye Wenming. Biglang tumunog ang kanyang telepono. Kinuha niya ang telepono, sumimangot sa caller ID, at sinabi kay Kong Ziyin, "Kunin ko ang tawag na ito. Babalik ako agad."Sa pamamagitan nito, lumakad siya sa isang liblib na sulok ng banquet hall at sinagot ang telepono.Ito ang contact number ng lalaking ipinadala niya sa Shen City upang mabantayan si Zhuo Qianyun.Marahil ay tumawag siya sa oras na ito dahil may nangyayari sa Zhuo Qianyun.Ngunit, sa sandaling nasagot niya ang telepono, biglang nagbago ang kanyang ekspresyon.Narinig lamang siya ni Ye Wenming na sinabing, "President Ye, si Zhuo Qianyun ay aalis sa Shen City. Bumili siya ng ticket ng tren ng 3.45 PM
Ang pulang marka sa pulso niya ay napakainit na tila masusunog anumang oras.Sa sandaling nakapikit siya, hindi niya maalis ang imahe ng paghalik niya sa mga pulang marka!…Pagkalipas ng tatlong araw, si Zhuo Qianyun ay bumango ng maagaat tiningnan ang kanyang anak na natutulog pa rin. Hindi mapigilan ng kanyang mga mata na maging banayad sa nakikita niya.'Mabuti na napapanood ko siyang lumaki sa aking tabi!'Natutuwa siya na hindi niya pinalaglag ang bata ngunit nagpursige at nanganak siya. Ito ang pinakamahirap at masakit na oras para sa kanya, ngunit… marapat lang ito!Nakita ni Mrs. Zhuo ang banayad na titig ng kanyang anak sa kanyang apo nang pumasok siya sa silid at bumulong, "Yun, naka-impake na tayo ng lahat. Sasaka tayo sa high-speed train ngayong hapon. Bakit hindi ka pa natutulog? ""Hindi ako makatulog." Umiling si Zhuo Qianyun. "Paparating na ang moving company para sa ating gamit. Kailangan kong maghanda."“Nagaalala ako tungkol sa pagbukas muli ng negosyo natin p
Ang kanyang mga labi ay nakapatong sakanyang mga kamay na onti onting umiinit habang siya ay nagsasalita. “Ayaw mo bang maging kapatid ko? Gusto mo kaya noong ikaw ay lasing. Kung gusto mo, pwede naman tayong bumalik gaya ng dati, o di kaya bumalik ka sa Yi Residence, pwede akong mamuhay na kasama ka dito sa rental house gaya ng dati.”Natigilan siya, agad na itinaas ni Ling Yiran ang kanyang ulo at nagulat siyang nitong tiningnan.Ang manipis at nakakaakit niyang labi ay nakalapat sakanyang mga palad habang ang kanyang magaan, at mainit na paghinga ay napupunta sakanyang kamayAng kanyang mukha ay guwapong tingnan sa kanyang mga banayad na katangian, atang kanyang mata ay napakaganda. Parang pinagsama niya ang dalawang magkasalungat —dalisay at pagmamahal — sa sobra na ito na hindi mo maalis ang iyong mga mata sa mukha niya.‘Gusto ko bang maging kapatid niya uli? Gusto ko bang bumalik tulad ng dati?’ tinanong ni Ling Yiran sakanyang sarili. ‘Marahil ... iyon ang pinakamainit at