Kung hahayaang magtrabaho siya dito, baka hindi na niya maiwasan ang ‘special treatment’ at kakainisan ng iba sa hinaharap.“Ayoko. Gusto ko baguhin ang working environment ko,” sabi ni Ling Yiran.“Okay.” Iniisip ng director na baka bibigyan is Ling Yiran ng disenteng trabaho ng bigating backer nito kaya pumayag siya sa resignation nito. Maliban pa rito, hindi niya binawasan ang kanyang leave money at binigyan niya pa ito ng isang buwang sweldo. Kaagad niya itong pinasettle sa finance department.Pagkalabas niya sa Sanitation Service Center, huminga ng malalim si Ling Yiran. Ang extra na isang buwang sweldo ay kusang loob na binigay ng director at paniguradong may kinalaman ito kay Yi Jinli.Kung may dignidad siya, hindi niya ito tatanggapin.Pero, wala siya nito.Nasa ospital pa rin ang lola niya at ang hiniram niya na pera last time kay Lianyi ay hindi na tatagal dahil mga mga bayarin kaya naman hindi pa niya bayad ang luma niyang utang, may bago na naman.Naglakad si Ling Y
“Ayos lang. Ako ang maghahanap ng trabaho ko.” Tanggi nito.Nandilim ang mga mata ni Yi Jinli at medyo humigpit ang mga hawak nito, “Ayaw mong tulungan kita maghanap ng trabaho, Ate?”HIndi mapigilan ng katawan niyang maging stiff. Para kasing may pressure sa paligid niya.“Gusto kong ako ang maghanap ng trabaho ko.” Huminga siya ng malalim at nagtagpo sila ng mga tingin.Mas madali para sa kanya na hanapan nito siya ng trabaho dahil panigurado, ang ibibigay nito sa kanya ay as madali at malaki ang sweldo.Pero, gaano... ito katagal aabot?Kapag napagod na ito makipaglaro sa kanya at pinalayas na siya nito, mawawala ang lahat sa kanya.O kaya naman, mawawala na ang natitira niyang respeto sa sarili.Oo. Hanggang ngayon, patuloy pa rin ang buhay sa pagpapababa ng pride niya.Dati, mahirap para sa kanya ang lumuhod sa mga tao, pero sa kulungan, ilang beses siyang lumuhod, kinain ang natapong pagkain sa sahig, at ilang beses na rin inapak-apakan ang ulo niya ng ibang tao…Baki
Hindi napigilan ni Ling Yiran ang mamula at subconsciously siyang napaiwas.Pero mga ilang sandali, ang mga daliri nito ay nasa baba na niya. “Mukhang pinapanuod ako ni ate ngayon-ngayon lang. Bakit? Sa tingin mo ba ay gwapo ako?”Parang may naipit sa lalamunan niya. Kailangan ba niya sagutin ito? Kailangan niya bang sabihin na gwapo ito? O kaya naman sabihin niyang hindi ito gwapo?Mukhang hindi magandang sagot ang kahit isa rito! Pakiramdam ni Ling Yiran ay pulang-pula na ang mukha niya kaya iniiwasan niya ang tingin nito pero hindi niya ito nagawa.Ang kasambahay sa gilid ay kaagad yumuko at kinikilig siya sa mga naririnig niya,Iba ang trato ni Young Master Yi kay Miss Ling. totoo ba na si Miss Ling na ang magiging mistress ng Yi family?...Pero, hindi ba’t nagtrabaho si Miss Ling bilang sanitation service worker?Posible bang pakasalan ni Yi Jinli ang ganitong babae?…Kinagabihan, nakahiga na si Ling Yiran sa kama niya, Gising pa rin siya at nakatitig sa mga kamay niya.
Napatigil si Yi Jinli habang hinahawakan nito ang mga daliri niya. “Bakit mo kailangan bumalik kaagad?”“Magaling naman na ako kaya wala na akong rason para manatili pa rito.” Napakagat labi siya.“Gusto mo na makalis dito?” Naging cold si Yi Jinli.“Oo.” Tumango siya.“Desperado ka bang lumayo sa akin?” Naging cold na rin ang boses nito.“Sanay naman akong mag-isa,” sabi niya.Bigla siyang umismid. “Sanay na mag-isa? Kung ganun, bakit mo hinayaan na dalhin kita rito? Ikaw ang nagsabi na sobrang lungkot mo kaya gusto mo na may kasama ka. Ikaw ang nagsabi na gusto mo akong makasama at magtulungan tayo. Nakalimutan mo na ba ang lahat ng ito?”Medyo naginig ang mga pilikmata niya. Paano niya nakalimutan ang mga yun? Pero, joke nalang ang lahat ng ito ngayon.Tumahimik lang siya habang nakatingin sa kanya si Yi Jinli. Nakakasuffocate ulit ang pressure sa paligid,Nang biglang, dumagundong ulit ang boses nito sa tenga niya. “Ang sabi mo gusto mong umalis dahil pagaling na ang mga
Ang malaking kwarto ay kasing lamig ng tubig sa gabi. Sa sobrang lamig nito ay pwede ka magkasipon!…Pagkauwi ni Ling Luoyin, narinig niya na napatalsik ang nanay niya sa trabaho at ang tatay niya nademote mula sa pagiging supervisor at naging regular employee nalang ngayon!“Paano nangyari ito?” Gulat na sabi ni Ling Luoyin. Parehas na nagtatrabaho ang magulang niya sa public sector, at dito, hangga’t walang ginagawang pagkakamali ang isang tao, hindi sila madedemote o mapapatanggal.Maliban pa rito, girlfriend pa rin siya ni Gu Lichen! Kahit na gustong patalsikin ng head ang magulang niya, dapat ay kinonsidera muna nila ito!“Hindi niyo ba sinabi sa mga superiors niyo na ako na ang girlfriend ni Gu Lichen?” sabi ni Ling Luotin.“Syempre sinabi namin.” Pagkasabi nito, biglang nagalit si Fang Cuie. Sinabi niya sa boss niya na ang anak niya ang girlfriend ng prince ng entertainment industry at sa hinaharap ay ikakasal ito sa isa isang mayaman at makapangyarihang pamilya.Pero, h
Namutla si Ling Guozhi at galit na sinabi, “Ang anak kong to na walang utang na loob sa pamilya ay nakulong at sinira ang pamilya natin. Ngayon, gusto niya ba ulit sirain ito?”Ang dami niya kasing ginamit na koneksyon at ginastos para lang makuha ang posisyon niyang supervisor!Paano niya matatanggap ang katotohanan na isa nalang siyang regular employee ngayon?Galit din si Fang Cuie. Mukhang lalabas ito at hahanapin si Ling Yiran para pagpira-pirasuhin.“Mom at Dad, huwag kayong magpapadala sa damdamin. May Yi Jinli ngayon si ate. Kailangan muna natin pag-isipan kung ano ang gagawin natin sa kanya. Advise ni Ling Luoyin dahil ang dami niya ring pinagdaanan nung inaway niya si Ling Yiran dati!Pinag-isipan ito nila lIng Guozhi at Fang Cuie at sumang-ayon. Pagkatapos, sinabi nila, “Ano ang dapat nating gawin? Magdusa?”“Pag-iisipan ko pa ito,” sabi ni Ling Luoyin. Kailangan niya pag-isipan maigi kung paano niya haharapin si Ling Yiran at para hindi na rin ito mas lalong isipin ni
Dahil ba sa pinaranas ng buhay sa kanya kaya ngayon ay mas pinapahalagahan na niya ang pera?Pagkatapos makita ang expression niya, bigla siyang niyakap ni Qin Lianyo. “Yiran, ilang taon kong pinagsisisihan na hindi kita tinulungan dati. Alam ko na napagbintangan ka lang pero wala akong makitang kahit na anong pabor na ebidensya sayo nun kaya di kita matulungan,” sabi niya. Ang mga salitang ito ay matagal ng nasa puso niya.“Kahit noong nasa kulungan ka, wala akong magawa kung hindi pagaanin lang ang loob mo ng kaunti. Ayoko ng ganitong feeling at ngayong may nakuha na akong clues, gagawin ko ang lahat para mareverse ang kasong ito. Huwag mo na isipin ang ibang mga bagay at huwag mong isipin na may utang na loob ka sakin.”Ang bawat sinabi ni Qin Lianyi ay dinig na dinig ni Ling Yiran.“Lianyi, baka hindi ako makasurvive sa kulungan kung hindi ka bumibisita. Huwag mong isipin na ang mga salita mo ay walang halaga. Binigyan ako ng nito ng lakas na mabuhay,” sabi ni Ling Yiran haban
Ang tanging naalala niya lang ay ang unang tatlo at huling digits ng license plate number.Kaagad namang nakaramdam si Ling Yiran ng panlalamig. Anong nangyari? SIno ang mga taong yun? Bakit nila kinuha si Lianyi?!Ngayon si Lianyi…Makokonsidera ba itong kidnapping? O… kaagad nilabas ni Ling Yiran ang phone niya para tawagan ang best friend niya pero hindi niya alam kung anong sitwasyon nito ngayon. Baka kapag tumawag siya ngayon, mas maging malala ang kondisyon niya.Nagsimulang manginig ang mga kamay niya hanggang sa hindi na niya kayang hawakan ang phone niya.Hirap niyang dinial ang 110 sa para tumawag sa mga pulis.Pagkatapos mareport ang insidente, kaagad siyang pumunta sa management office ng parking lot. May mga cctv kasi dito kaya baka may footage nung pagkidnap kay Lianyi.Walang dapat mangyari kay Linayi, wala!Yun lang ang tanging nasa isip ni Ling Yiran nung mga oras na yun!...Pagkatanggap ni Yi Jinli ng tawag mula kay Ling Yiran, ang tanging naririnig niya