— Hindi yun ang unang beses na narinig ni Ling Yoran ang pangalang Gu Lichen. Dahil sino ba namang hindi nakakakilala sa Gu Family na pagdating sa entertainment industry, na kilalang mga namamayagpag. Marami ng balita noon na kapag daw may gustong pasikatin si Gu Lichen ay kayang kaya nitong gawin sa isang iglap lang, at hindi lang basta bastang sikat dahil sobrang sikat, pero kapag may gusto rin itong pabagsakin, talagang bumabagsak ang mga ito hanggang sa puntong halos wala ng pag asang makabangon pa. Kaya kilala niya si Gu Lichen. Tandang tanda pa niya na noong sila pa ni Xiao Zigi, madalas nilang mapagusapan si Gu Lichen pero kahit na mayaman ang mga Xiao, walang wala ang mga ito kung ikukumpara sa mga Gu. Kaya nga hindi naging magkaibigan si Xiao Zigi at Gu Lichen. Marami na rin siyang narinig na chismis sa mga katrabaho niya sa Sanitation Worker na hindi raw ganun kadaling pakisamahan si Gu Lichen at ganun-ganun nalang ito kung magpalit ng mga girlfriend. Wala pa a
Siguro sa loob ng ilang araw, mawawala na rin ng tuluyan tong peklat na 'to... Kagaya ng mga naging ala-ala namin Jin.... Darating araw, makakalimutan ko na sila na para bang hindi sila nangyari. Nakakuyumos ang mga kamay ni Ling Yiran habang naglalakad palabas ng Sanitation Service Center. Pero bago pa man din siya tuluyang makalayo, biglang may humintong kulay silver-gray na Porsche sa harapan niya, na sinundan pa ng pagbaba ng isang napakagwapong lalaki, at ang lalaking ito ay walang iba kundi ang pinaguusapan kanina ng mga kasamahan niya sa trabaho - si Gu Lichen. "Anong meron?" Tanong ni Ling Yiran. "Gusto lang sana kitang yayaing kumain bilang pasasalamat ko sayo." Sagot ni Gu Lichen at binuksan niya ang passenger seat bilang senyas kay Ling Yiran na sumakay. Sinabi ko naman na sayo diba? Hindi nga ako nakahanap ng bracelet mo kaya hindi mo na kailangang magpasalamat sa akin." Pagtanggi ni Ling Yiran, na lumihis ng hakbang para maglakad papalayo. Pero dedidido talaga
Habang kumakain, pinipilit isipin ni Ling Yiran kung ano ba talagang pakay sakanya ni Gu Lichen. 'Tagala bang gusto niya lang magoasalamat sa akin kaya niya ako niyayang kumain?' "Miss Ling, diba ikaw ang ex-girlfriend ni Xiao Zigi?" Biglang tanong ni Gu Lichen. Kaya biglang natigilan si Ling Yiran at napahawak ng mahigpit sa hawak niyang chopsticks. Yumuko siya at walang emosyong sumagot, "Oo."'Hindi na ako magtataka kung bakit alam niya yun dahil para sa mga taong kagaya ni Gu Lichen, sisiw lang ang magpaimbestiga ng kahit sino nilang paimbestigahan.' "At ang dahilan ng break up niyo ay yung nangyaring aksidente, tama?" Walang prenong tanong ni Gu Lichen. "Ano naman sayo kung too man yun?" Tinignan ni Ling Yiran si Gu Lichen at nagtanong pabalik, "Mr. Gu, alam kong alam niyo naman po siguro na ang binibintang na napatay ko ay ang fiance ni Yi Jinli, at dito sa buong Shen City, sino sa tingin mo ang gustong panigan ako?" "Ako." Walang pagdadalawang isip na sagot ni Gu Lich
"Pah!" Isang malakas na sampal ang umalingawngaw. At sa sobrang bilis ng pangyayari, hindi na nakailag si Ling Yiran at narealize nalang ang nangyari nang maramdaman niya ang hapdi sa kanyang pisngi. "So ikaw nga yung salot!" Galit na galit na sabi ng babaeng sumampal. Napaka kapal din talaga ng mukha mo no?! Wag mong sabihin na ikaw ang nagyaya kay Lichen dito! Tandaan mo, pipitsuging artista ka lang. Sa tingin mo ba seseryosohin ka niya? Ha! Ako na mismo magsasabi sayo, iiwanan ka rin niya!" Tinignan ni Ling Yiran ang babae at laking gulat niya nang makita kung sino ito. Si Zhong Rongrong! Noon, kilala niya 'to na pa extra extra lang pero mula noong nagkaroon ito ng relasyon kay Gu Lichen, bigla itong naging superstar. Sa totoo lang, marami ang nag-akala na baka si Zhong Rongrong na ang makatuluyan ni Gu Lichen, dahil sa lahat, ito ang pinaka matagal nitong naging girlfriend. Pero kagaya ng tadhana ng iba pang mga babaeng nagmahal kay Gu Lichen, bandang huli ay hiniwala
At ganun ganun nalang, biglang nabaliktad ang sitwasyon... ang kaninang nanampal ay siya naman ngayong nasampal! Hindi makapaniwala si Zhong Rongrong at napahawak siya bigla sa pisngi niya. "Si...Sinampal mo ko?" "Bakit? Hindi ba pwede? Diba sinampal mo rin naman ako?" Bwelta ni Ling Yiran. Sa oras na yun, wala na siyang pakielam kahit pa ibash siya ng mga fan ni Zhong Rongrong dahil ang mahalaga sakanya ngayon ay naturuan niya ito ng leksyon! "Bakit? Sino ka ba sa tingin mo? Isa ka lang namang di hamak na pipitsuging artista. Nagmamataas ka? Anonmg karapatan mong sampalin ako?!!!!" Galit na galit na sabi ni Zhong Rongrong, Kahit na hindi Ling Yiran ang babaeng tinutukoy ni Zhong Rongrong, pinanidigan niiya nalang... "Bakit? Ano bang tingin mo sa sarili mo? Alam naman ng lahat na pipitsuging artista ka rin bago maging kayo ni Gu Lichen, at nakuha mo lang lahat ng mayroon ka ngayon dahil sakanya. Alam ko naman kung anong pinuputok ng butsi mo eh.... natatakot ka na mawala sa
Parang kailan lang.... Kitang kita ng mga tao sa paligid nila kung gaano kabaliw si Gu Lichen kay Zhong Rongrong.... Isang lambing niya lang na gusto niya lead role, wala pang isang araw nakuha niya na ang role... Kapag ayaw niya sa direktor, walang patumpik tumpik na papapalitan nito.... at noong huling birthday, nabanggit niya lang na gusto niyang mag celebrate sa isang mamahaling hotel, at nireserve talaga nito ang buong hotel... Kaya nga kahit siya, naniwala rin na siya na ang pakakasalan nito... Pero anong nangyari at nagbago ang lahat....? At ngayon... kahit pa umitim na ang tuhod niya kaluluhod, wala siyang maramdamang kahit konting bahid ng awa.... Hindi... Mali.... wala siyang maramdamang kahit anong emosyon sa mga mata nito, na para bang hinahatulan siya ng titig nito... Alam niya na mahirap talagang kunin ang loob ni Gu Lichen, at kung swertihan man, ramdam na ramdam pa rin ang distansya nito. Bandang huli, naramdaman ni Zhong Rongrong na wala namang nangyayari sa
"Kung siya siguro yan, hindi siya iiyak." Biglang sabi ni Gu Lichen na kinagulat ni Zhong Rongrong. Siguro dala na rin ng sobrang pagkadesperada ni Zhong Rongrong, hindi na nito napigilang maglabas ng sama ng loob, "Sino? Sino ba kasi yung babaeng yun?! Gu Lichen, alam ko naman na may iba kang mahal, diba? Pero hindi mo siya makuha-kuha, kaya nga ganun-ganun mo nalang paglaruan ang mga babae diba?!" Tinignan ng sobrang sama ni Gu Lichen si Zhong Rongrong, at pagkatapos ay naglakad na ito papalayo. Noong sandaling yun, parang nawalan ng lakas si Zhong Rongrong at nahimatay. Pakiramdam niya ay mamatay siya sa tingin ni Gu Lichen kanina... Alam na niya kung saan siya pupulutin, at wala na siyang iba pang matatakbuhan.... Dire-diretsong naglakad palabas ng restaurant si Ling Yiran at dahil sa lamig ng panahon, hindi niya na masyadong naramdaman ang mahapdi sa pisngi niya. 'Sobrang nakakaubos ng lakas ang mga nangyari ngayong gabi...' Pero sa kalagitnaan ng paglalakad, bi
Habang ang isa niya namang tita ay walang ibang ginawa kundi ang ipagtanggol ang asawa nito. Pero kahit ano pa mang sabihin ng mga ito, hindi apektado si Ling Yiran at para bang wala siyang ibang nakikita kundi ang lola niya na nakaratay sa harapan niya. Noong sandali ring 'yun, biglang bumuka ang bibig ng lola ni Lin Yiran na para bang may gusto itong sabihin. Kaya nagmamadaling inilapit ni Ling Yiran ang tenga niya sa bibig nito, pero nang sandaling marinig niya ang sinabi nito, bigla siyang natigilan. Isa-isa ng lola niya ang mga pangalan ng mga anak nito, at kasama doon ang mga tita at tito niyang nakakulong... Tumayo ng maayos si Ling Yiran at walang imik na naglakad palabas ng ward. Sinundan naman siya ng mga tita at tito niya para pagpangakuin na iuurong niya na ang kaso. "Bakit kailangan kong iurong ang kaso? Kahit kailan hindi ko naramdaman na pamilya ang tingin niyo sa akin kaya bakit ko naman kayo ituturing na pamilya ko?" Walang emosyong sabi ni Ling Yiran. "Wal