Nagpakita ng isang nagsusumamo na ekspresyon si James. Isa siyang bayani ng isang henerasyon, pero ayaw niya talagang mamatay. Dahil kapag namatay siya, wala nang matitira sa kanya. Tinignan ni Harvey York si James na puno ng interes, saka tinignan si Ryan Gotti na nakahiga sa lapag ng walang lakas ng loob na ibuka ang bibig at sinabi, “Ryan Gotti, handa si James na ibigay sa akin ang lahat ng ari-arian ng mga Surrey bilang kabayaran ng kanilang mga kasalanan. Ano naman ang inihanda mo para sa akin?” Pakiramdam tulo ng tikom na bibig na si Ryan ay nakaligtas na siya mula sa kamatayan sa mga sandaling iyon. Saka siya nagsalita habang nanginginig, “”Kung ayos lang sa inyo, handa akong ibigay ang lahat ng meron ako na nasa lansangan ng South Light kay Tyson Woods simula sa araw na ito. Siya na ang magiging bagong hari ng lansangan ng South Light.” Natural lang na alam ni Ryan na si Harvey ay walang pakialam sa awtoridad ng lansangan. Pero si Tyson ay tauhan ni Harvey. Kapag hi
Bumalik si Harvey York sa Empire Gardens. Sina Lilian Yates at Simon Zimmer, na nagtatanong ng presyo para sa sementeryo, ay nagulat pagkatapos siyang makita. Nahimasmasan si Lilian Yates pagkatapos nang ilang sandali at malamig na nagtanong, "Anong ginagawa mo at bumalik ka rito? Bakit hindi ka pa patay?"Sinasabi ko sa'yo, hindi ka tanggap sa pamamahay na to!"Ayos lang kung tumambay ka araw-araw! Pero palagi mong ginagalit ang ibang tao kahit saan ka magpunta! "Sino ba sa tingin mo ang patriarch ng mga Surrey? Sa tingin mo ba talaga kaya mo siyang banggain? "Dahil sa'yo, nakahiga pa rin sa kama si Xynthia, at umiiyak pa rin si Mandy ngayon!" Nanggagalaiti sa galit si Lilian habang nagsasalita siya. Pagkatapos ay tumayo siya at sinampal si Harvey sa mukha. Pak! Kasabay ng malakas na tunog, kailangang umatras ni Harvey nang dalawang hakbang pagkatapos niyang masampal. Hindi niya iniwasan ang sampal ngayon at hindi rin siya nagalit. Kahit na saan pa ito tignan ni Lili
Dahil kina Mandy Zimmer at Xynthia Zimmer, kailangang manatili nina Lilian Yates at Simon Zimmer sa The Gardens Residence para alagaan sila. Ngunit pagkatapos nilang mamimili nang maaga, nagtanong si Lilian habang naguguluhan, "Tignan mo. Napakaraming pambihirang tao sa paligid!" Tumingin si Simon sa direksyon kung saan nakatingin si Lilian at nakita niya ang ilang dosenang taong naglalakad papunta sa pintuan ng The Gardens Residence. Kailangan nilang lumuhod nang parehong beses bawat tatlong hakbang nila. Sabay-sabay ang kanilang mga kilos. Nakatawag-pansin sila ng ilang mga tao. Ang ilan pa ay nakilala kung sino ang mga taong iyon. "Mayroon bang maharlika rito sa The Gardens Residence? Kahit ang mga Surrey ay kailangang bumisita nang ganito!" "Oo nga pala, naaalala mo ba? Hindi ba nakasara ang Buckwood Airport kailan lang? Naalala ko na isandaang Rolls Royce ang dumating doon. Ang laking pangyayari nun!" "Baka para yun sa makapangyarihang taong kararating lang ng Hong K
"Maaari ko bang matanong kung sino…" Nakita ni Mandy Zimmer si Luke Surrey sa stretcher. Mukhang masama ang kanyang ekspresyo. Hindi kumilos si Simon Zimmer at Lilian Yates pagkatapos nila itong makita. Hindi nila maintindihan ang nakita nila. May kaunti silang kaalaman para malaman ang tungkol sa patriarch ng mga Surrey, si James Surrey. Pero bakit siya lumuluhod ngayon? Bago sila mahimasmasan, lahat ng iba pang miyembro ng Surrey family ay ibinagsak ang kanilang mga tuhod sa lapag at nagsimulang lumuhod. Sa likod, isang mukhang mapagmataas na lalaki ang naglakad sa harapan at lumuhod din. "Mrs. Zimmer, ako, si James Surrey, ay pinamumunuan ang lahat ng narito ngayon para humingi ng tawad! "Nasaktan kayo at ang buong pamilya ninyo ng mga ginawa ni Luke Surrey. Kasalanan namin itong lahat!" Sabi ni James. Tahimik ring nagsabi si Ryan Gotti, "Ako, si Ryan Gotti, ay narito rin para humingi ng tawad para sa nangyari kahapon. Si Cech Gotti, ang taong dumukot sa dalaga, ay
Hinulaan na lang ni Mandy Zimmer kung anong tunay na nangyari, ngunit hindi siya nagsalita ng kahit na ano. Pagkatapos ay kalmadong nagsabi si Harvey York, "Wala akong pinagawa sa kanila. Sinabi nila na gusto nilang pumunta rito para lumuhod at humingi ng tawad." Hindi naman talaga siya nagsisinungaling. Sina James Surrey at Ryan Gotti ang nagpupumilit na humingi ng tawad nitong nakaraang araw. Sobra silang naantig na para bang biniyayaan sila ng mga Diyos nang pinapasok sila rito ni Harvey. Bumuntong-hininga si Mandy sa sandaling ito. "Harvey, kailangan mong pasalamatan nang maayos si Prince York kung magkaroon ka ng pagkakataon na makita siya. Kung hindi, baka hindi ka na nakabalik dito nang buhay kahapon. "At kailangan mong isipin ang mga kahihinatnan ng mga bagay na ginagawa mo. Wag ka nang gumawa ng gulo. "Maswerte ka ngayon na tinulungan ka ni Prince York sa sitwasyong to, pero baka hindi na to mangyari ulit sa susunod." Walang masabi si Harvey pagkatapos ng mga
Hindi alam ni Mandy Zimmer kung bakit nagtanong si Lilian Yates tungkol dito, pero tumango pa rin siya at sumagot, "Opo! Nagbalik na siya. Ngayon, siya na ang general manager para sa isang kumpanya sa San Francisco!" "Napakatalentado ni Halsey!" Nagpakita si Lilian ng isang ekspresyon na puno ng paghanga. "Tawagan mo siya at sabihan na pumunta rito sa Buckwood. Papakainin ko siya pagdating niya rito!" Pagkatapos ng sinabi niya, umalis siya nang kuntento. Alam niya na hindi na niya makukumbinsi si Mandy, pero baka naiiba si Halsey Lowe. Kung makukumbinsi niya si Mandy, hindi na siya mamomroblema na magsaya sa karangyaan at kadakilaan sa hinaharap! Nang hindi nagdadalawang-isip, mas lalong kinamuhian ni Lilian si Harvey York kumpara noon. Tinitigan niya nang masama si Harvey nang hindi man lang siya binabati nang umalis siya. Nang nakaalis na sina Lilian at Simon, humingi ng tawad si Mandy, "Harvey, wag mo sanang damdamin to. Ganito talaga si Mama." Ngumiti si Harvey
Sa Black Tea Diner. Ang pinakamagandang kainan ng Olden Trade, sinasabing ang isang putahe doon ay nagkakahalagang nasa sampung libong dolyar. Ang mga karaniwang taon ay walang karapatang dumaan sa kainang ito, lalo na ang kumain sa lugar na ito. Si Yvonne Xavier at ang gwapong lalaki ay pumasok ng Black Tea Diner sa sandaling ito. Sumunod sa kanila si Harvey York nang nagmamadali habang nakasimangot. Nakita ni Harvey si Yvonne sa gitna ng malaking bulwagan pagpasok niya. Malinaw na ang buong kainan ay inarkila. Ang bulwagan ay pinalamutian na para bang isa itong palasyo. Malapit kay Yvonne, mayroong isang matandang babaeng may puting buhok. Mayroong ilang matandang lalaki kasama ang ilang mas batang babae. Ang gwapong lalaking kasama ni Yvonne ay yumuko sa harapan ng isang matandang babae at tumayo sa gilid. Dumapo ang titig ng madla kay Yvonne Xavier. Ang ilan ay kasinlamig ng yelo. Ang iba ay nakatingin sa kanya nang may pagkamuhi. Kumunot ang noo ni Harvey. Kung t
Tumingala si Yvonne Xavier pagkatapos ang sandaling katahimikan para tumingin kay Jesse Xavier. “Cousin Jesse, hindi ako magpapakasal kahit kanino.” Tumawa si Jesse habang hindi nagsasalita. Tapos sumigaw si Ivan Xavier, “Yvonne, wala kang karapatang magsalita sa harapan ng ating great grandmother!” “Isa ka lamang malayong kamag-anak. Maswerte ka na ngang hindi nandidiri sa’yo ang prinsipe ng Leo family. Anong karapatan mong balewalain siya?” Pinagalitan ni Rita Lawson si Yvonne habang mukhang galit na galit. Tinignan ni Yvonne nang masama pabalik ang kanyang tita. “Aunty, ako ang magdedesisyon kung anong mangyayari sa sarili ko. Hindi mahalaga ang opinyon niyo.” Pak! Lumapit sa kanya si Rita Lawson at sinampal siya sa mukha, tapos galit na sumigaw, “Napakakapal ng mukha! Hindi ako makapaniwalang ganito ka kasuwail! Hindi ka man lang ba makikinig sa sasabihin ng great grandmother mo?” Pagkatapos masampal si Yvonne, hindi na matiis ni Harvey York na nakatayo sa tapat n