Dahil kina Mandy Zimmer at Xynthia Zimmer, kailangang manatili nina Lilian Yates at Simon Zimmer sa The Gardens Residence para alagaan sila. Ngunit pagkatapos nilang mamimili nang maaga, nagtanong si Lilian habang naguguluhan, "Tignan mo. Napakaraming pambihirang tao sa paligid!" Tumingin si Simon sa direksyon kung saan nakatingin si Lilian at nakita niya ang ilang dosenang taong naglalakad papunta sa pintuan ng The Gardens Residence. Kailangan nilang lumuhod nang parehong beses bawat tatlong hakbang nila. Sabay-sabay ang kanilang mga kilos. Nakatawag-pansin sila ng ilang mga tao. Ang ilan pa ay nakilala kung sino ang mga taong iyon. "Mayroon bang maharlika rito sa The Gardens Residence? Kahit ang mga Surrey ay kailangang bumisita nang ganito!" "Oo nga pala, naaalala mo ba? Hindi ba nakasara ang Buckwood Airport kailan lang? Naalala ko na isandaang Rolls Royce ang dumating doon. Ang laking pangyayari nun!" "Baka para yun sa makapangyarihang taong kararating lang ng Hong K
"Maaari ko bang matanong kung sino…" Nakita ni Mandy Zimmer si Luke Surrey sa stretcher. Mukhang masama ang kanyang ekspresyo. Hindi kumilos si Simon Zimmer at Lilian Yates pagkatapos nila itong makita. Hindi nila maintindihan ang nakita nila. May kaunti silang kaalaman para malaman ang tungkol sa patriarch ng mga Surrey, si James Surrey. Pero bakit siya lumuluhod ngayon? Bago sila mahimasmasan, lahat ng iba pang miyembro ng Surrey family ay ibinagsak ang kanilang mga tuhod sa lapag at nagsimulang lumuhod. Sa likod, isang mukhang mapagmataas na lalaki ang naglakad sa harapan at lumuhod din. "Mrs. Zimmer, ako, si James Surrey, ay pinamumunuan ang lahat ng narito ngayon para humingi ng tawad! "Nasaktan kayo at ang buong pamilya ninyo ng mga ginawa ni Luke Surrey. Kasalanan namin itong lahat!" Sabi ni James. Tahimik ring nagsabi si Ryan Gotti, "Ako, si Ryan Gotti, ay narito rin para humingi ng tawad para sa nangyari kahapon. Si Cech Gotti, ang taong dumukot sa dalaga, ay
Hinulaan na lang ni Mandy Zimmer kung anong tunay na nangyari, ngunit hindi siya nagsalita ng kahit na ano. Pagkatapos ay kalmadong nagsabi si Harvey York, "Wala akong pinagawa sa kanila. Sinabi nila na gusto nilang pumunta rito para lumuhod at humingi ng tawad." Hindi naman talaga siya nagsisinungaling. Sina James Surrey at Ryan Gotti ang nagpupumilit na humingi ng tawad nitong nakaraang araw. Sobra silang naantig na para bang biniyayaan sila ng mga Diyos nang pinapasok sila rito ni Harvey. Bumuntong-hininga si Mandy sa sandaling ito. "Harvey, kailangan mong pasalamatan nang maayos si Prince York kung magkaroon ka ng pagkakataon na makita siya. Kung hindi, baka hindi ka na nakabalik dito nang buhay kahapon. "At kailangan mong isipin ang mga kahihinatnan ng mga bagay na ginagawa mo. Wag ka nang gumawa ng gulo. "Maswerte ka ngayon na tinulungan ka ni Prince York sa sitwasyong to, pero baka hindi na to mangyari ulit sa susunod." Walang masabi si Harvey pagkatapos ng mga
Hindi alam ni Mandy Zimmer kung bakit nagtanong si Lilian Yates tungkol dito, pero tumango pa rin siya at sumagot, "Opo! Nagbalik na siya. Ngayon, siya na ang general manager para sa isang kumpanya sa San Francisco!" "Napakatalentado ni Halsey!" Nagpakita si Lilian ng isang ekspresyon na puno ng paghanga. "Tawagan mo siya at sabihan na pumunta rito sa Buckwood. Papakainin ko siya pagdating niya rito!" Pagkatapos ng sinabi niya, umalis siya nang kuntento. Alam niya na hindi na niya makukumbinsi si Mandy, pero baka naiiba si Halsey Lowe. Kung makukumbinsi niya si Mandy, hindi na siya mamomroblema na magsaya sa karangyaan at kadakilaan sa hinaharap! Nang hindi nagdadalawang-isip, mas lalong kinamuhian ni Lilian si Harvey York kumpara noon. Tinitigan niya nang masama si Harvey nang hindi man lang siya binabati nang umalis siya. Nang nakaalis na sina Lilian at Simon, humingi ng tawad si Mandy, "Harvey, wag mo sanang damdamin to. Ganito talaga si Mama." Ngumiti si Harvey
Sa Black Tea Diner. Ang pinakamagandang kainan ng Olden Trade, sinasabing ang isang putahe doon ay nagkakahalagang nasa sampung libong dolyar. Ang mga karaniwang taon ay walang karapatang dumaan sa kainang ito, lalo na ang kumain sa lugar na ito. Si Yvonne Xavier at ang gwapong lalaki ay pumasok ng Black Tea Diner sa sandaling ito. Sumunod sa kanila si Harvey York nang nagmamadali habang nakasimangot. Nakita ni Harvey si Yvonne sa gitna ng malaking bulwagan pagpasok niya. Malinaw na ang buong kainan ay inarkila. Ang bulwagan ay pinalamutian na para bang isa itong palasyo. Malapit kay Yvonne, mayroong isang matandang babaeng may puting buhok. Mayroong ilang matandang lalaki kasama ang ilang mas batang babae. Ang gwapong lalaking kasama ni Yvonne ay yumuko sa harapan ng isang matandang babae at tumayo sa gilid. Dumapo ang titig ng madla kay Yvonne Xavier. Ang ilan ay kasinlamig ng yelo. Ang iba ay nakatingin sa kanya nang may pagkamuhi. Kumunot ang noo ni Harvey. Kung t
Tumingala si Yvonne Xavier pagkatapos ang sandaling katahimikan para tumingin kay Jesse Xavier. “Cousin Jesse, hindi ako magpapakasal kahit kanino.” Tumawa si Jesse habang hindi nagsasalita. Tapos sumigaw si Ivan Xavier, “Yvonne, wala kang karapatang magsalita sa harapan ng ating great grandmother!” “Isa ka lamang malayong kamag-anak. Maswerte ka na ngang hindi nandidiri sa’yo ang prinsipe ng Leo family. Anong karapatan mong balewalain siya?” Pinagalitan ni Rita Lawson si Yvonne habang mukhang galit na galit. Tinignan ni Yvonne nang masama pabalik ang kanyang tita. “Aunty, ako ang magdedesisyon kung anong mangyayari sa sarili ko. Hindi mahalaga ang opinyon niyo.” Pak! Lumapit sa kanya si Rita Lawson at sinampal siya sa mukha, tapos galit na sumigaw, “Napakakapal ng mukha! Hindi ako makapaniwalang ganito ka kasuwail! Hindi ka man lang ba makikinig sa sasabihin ng great grandmother mo?” Pagkatapos masampal si Yvonne, hindi na matiis ni Harvey York na nakatayo sa tapat n
”Mom, wala siyang kinalaman dito. Pakawalan niyo na lang siya.” Kusang tumayo si Yvonne Xavier sa harap ni Harvey York, ayaw na masaktan ito. Ang matandang babaeng tinatawag ni Yvonne na nanay niya ay walang iba kundi si iona Sherman, ang madrasta niya. Pagkatapos yumao ng ama niya, si Iona Sherman ang pinakamalapit na kamag-anak sa publiko. Galit niyang nilait si Yvonne, “Ikaw bugok ka. Tinatawag mo pa rin akong nanay mo? “Ano? Nalungkot ka noong sinampal ko ang kasintahan mo? “Huwag kang maging walang hiya tulad ng tatay mo, hindi man lang marunong gumalang at mahiya, nasa labas at araw-araw naghahanap ng babae!” Tapos inilipat ni Iona ang titig niya pabalik kay Harvey pagkatapos niyang magsalita at galit na sinabi, “Isang tinatawag na prinsipeng tulad mo ay walang magawa kundi magtago sa likod ng isang babae? Wala ka ngang kwenta tulad ng sinasabi ng alamat!” Tinignan ni Harvey nang maigi ang mga mata ni Iona, tapos inilagay niya si Yvonne sa likod niya at tahimik na
Hindi umupo si Harvey York. Hindi ito pinansin ni Jesse Xavier kundi ininom lang niya ang kanyang tsaa nang walang pakialam sa paligid. “Noon pang ganito si Grandma Xavier. Hindi niya papansinin ang kahit sinong hindi siya interesado. “At para naman kay Yvonne, isa siyang apong gustong-gusto talaga ni Grandma Xavier noon. Pero dahil sa’yo, naging katatawanan siya sa buong upper social circle ng Wolsing. Sabihin mo sa akin, paano mong pagbabayaran ito?” Kumunot ang noo ni Harvey. “Wala akong kinalaman sa kanya, kami…” Bago pa matapos si Harvey York sa pagsasalita, huminga si Jesse. “Harvey, lalaki tayong lahat dito. Dapat ba prangkahin kita dito?” “Secretary ito, secretary ‘yan. Kapag may nangyari, ang secretary ang gagawa nito. Kung wala, galawin ang secretary. Hindi ako ang gumawa nito.” Walang masabi si Harvey pagkatapos niyang marinig ang sinabi nito. Siguradong siya ang masisisi dito kahit anong mangyari. Bumuka ang bibig ni Yvonne Xavier, ngunit hindi siya ma