Bumukas ang pinto ng Audi A6. Isang pigura na naka-Mandarin suit ang nakaupo sa likurang upuan at kaswal na nakatingin kay Dawson Surrey.Ang taong ito ay si Reign Jackson, ang second-in-command ng Buckwood!Si Reign ang in-charge sa education system at health system sa Buckwood.Sa madaling salita, siya ang immediate superior ni Tim Zepeda.Sa sandaling ito, inanyayahan siya ni Dawson para durugin si Tim hanggang sa mamatay ito.Bagama't kilala si Dawson bilang si Sir Surrey, hindi siya kailanman kikilos nang mayabang at mapagmataas sa presensya ni Reign Jackson.Yumuko siya sa sandaling ito at sinabing, “Sir Jackson, sorry for inviting you here out of the blue. Ito ay higit sa lahat dahil mayroong isang maliit na insidente sa Buckwood High School!"May mga taong umaasa sa suporta ni Tim Zepeda, na mula sa Buckwood education system at walang ingat na kumilos doon habang nagsasalita tayo!”"Ang pinaka-dahilan kaya inimbitahan kita sa araw na ito ay para sa isang palabas!”“Act
Ngumiti lang si Reign Jackson at sinabi pagkatapos makitang dumating ang lahat, “Wala na tayong oras. Tara na. Kailangan ko pang bumalik at umattend ng meeting pagkatapos ng isyung ito. Kailangan ko pang pag-usapan kung sino ang papalit bilang first at second-in-command ng Buckwood education system!”Bagaman hindi pa niya nakakaharap sina Tim Zepeda at ang iba pa, napagpasyahan na niya na tanggalin ang mga ito."Opo, Sir Jackson!"Malaki ang ngiti sa mukha ni Dawson Surrey. ‘Di nagtagal, nagmaneho na siya palabas, at sumunod ang grupo ng mga tao papuntang Buckwood High School.***Sa school gate, maraming tao ang nagulat nang makita niya ang isang linya ng paparating na Audi A6.Anong nangyayari?“Narinig ko na ang second-in-command ng Buckwood, si Reign Jackson, at ang chief inspector ng Buckwood Police Station ay nandito!”“Nandito rin si Sir Surrey!”“Hay naku! Sa katunayan, pwede mong pukawin ang sinuman sa Buckwood High School, huwag lang ang ating prinsesa, si Yelena Sur
Sa sandaling ito, nagpalitan ng tingin sina Tim Zepeda at Yaron Quick at nakita nila ang takot sa kanilang mga mata.Bagaman alam nila na may napakalaking kapangyarihan ng isang first-class family tulad ng pamilya Surrey, hindi nila sukat akalain na mag-iimbita ang pamilya Surrey ng napakaraming big shot para sa isang maliit na bagay.Talagang hindi ito mailarawan.Tumawa sina Stevie Surrey at Yelena Surrey nang makita nila ang mga hitsura nila Tim at ng iba pa.Ang principal at ang mga board of director ng paaralan na nag-resign ngayon lang ay tumawa.Totoo nga!Sina Tim at Yaron, na may marahas na ugali ngayon lang, ay tila nabahag ang buntot habang kaharap sila Reign Jackson at ang iba pa sa sandaling ito.Para itong isang dagang hinaharap ang isang pusa.Dahil si Reign ay ang immediate superior nila Tim at Yaron.Wala silang kwenta sa harap ni Reign, gaano pa man sila kahusay sa harap ng ibang tao!However, mukhang walang pakialam si Harvey nang makita niya sina Reign at
Sa sandaling ito, lumapit si Reign Jackson at malamig na sinabi, “Tim Zepeda, Yaron Quick, nakalimutan niyo na ba ang karaniwan kong itinuro sa inyo?”“Ilang beses ko bang sinabi na hindi kayo dapat kumilos nang padalod-dalos sa labas gamit ang inyong pagkakakilanlan?!”"Ngayon, bibigyan ko kayo ng pagkakataon. Hindi ko kayo papanagutin basta't aminin niyo ang inyong pagkakamali at umalis kayo dito!”“Kung hindi, ano ang kahihinatnan? Dapat mas alam niyo ito kaysa sa akin!"Walang malasakit ang boses ni Reign, ngunit katumbas ito ng kidlat na tumatama sa lupa, na yumanig sa buong auditorium.“Old Zepeda, pareho tayong magkakilala. Mga estudyante lang tayo sa harap ni Sir Jackson.”“Dapat alam mo na kung ano ang pipiliin mo sa panahong ito. Hindi naman kita kailangang turuan, ‘di ba?"Nakangiting sinabi ni Marvin.Sa kanilang opinyon, tiyak na magagawa nilang pag-sabungin sina Tim at Yaron sa isa’t isa isang pangungusap lamang.Opisyal ng gobyerno ang lahat. Tiyak na alam nila
"Hay, minasama ninyo ang kabutihang loob ng isang tao."Parehong napabuntong-hininga sina Tim Zepeda at Yaron Quick na para bang pinalampas ni Reign Jackson ang isang pagkakataon.Tumigil ang sa pagtawa sina Marvin Brown at ang iba pa. Naguluhan silang lahat.‘Naging t*nga na ba sina Tim Zepeda at Yaron Quick? O meron silang parang trump card nila?’“Prince Jackson, kailangan niyong yumuko sa pagkakakilanlan ni Mr. York!” Seryosong sinabi ni Tim Zepeda.Pero nagpatuloy ang tawanan maya-maya.Agad na sinabi ni Yelena Surrey, “Huwag kang magpalinlang, Grandfather Jackson. Isa lamang hamak na live-in son-in-law ang lalaking iyan!”Hindi naka-imik ang lahat nang marinig ang sinabi ni Yelena Surrey.‘Kailan pa kailangang yumuko ng lahat sa isang live-in son-in-law?’Sa kabilang banda, sinuri nang maigi ng kalmadong si Dawson Surrey si Harvey York.‘Mukhang sobrang walang pakialam ang lalaking ito. Siguradong nakatagpo siya ng isang uri ng noble…’‘Eh ano naman?’‘Kaya lang ng is
Hindi man lang pinansin ni Harvey York si Stevie Surrey. Sa kanyang paningin, magsasayang lang siya ng oras kung kakausapin niya ang isang collateral relative ng mga Surrey..Pagkatapos ay binaling niya ang kanyang tingin kay Dawson Surrey at kalmadong sinabi, “Sir Surrey, palaging sinasabi ng lahat ng ikaw ang pinakamagaling sa second generation ng mga Surrey at baka may tsansa kang makuha ang trono bilang si Prince Surrey.”“Pero naisip mo ba kung anong mangyayari sa trono mo kung tatapusin na kita ngayon?’Bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Dawson matapos marinig ang mga sinabi niya.Hindi maaaring malaman ng sinumang ordinaryong tao ang mga panloob na impormasyon tungkol sa mga Surrey.Pero pinag-usapan ito ng live-in son-in-law na nasa harap niya na parang mga sikreto ito ng kanyang pamilya.Parang may mali!Mayroon talagang mali!At malinaw na hindi hangal ang lalaki kung malaya niyang sinasabi ang tungkol sa bagay na ito malaya sa sandaling ito.Kung ganoon, alam niya
Ngumiti si Harvey York.“So, ibig mo bang sabihin ay wala kang intensyong humingi ng tawad?”"Syempre hindi! Manigas ka diyan! Huwag mo nang isipin iyon!"Kalmadong tinitigan ni Harvey si Dawson Surrey at sinabi, “Kasalanan ng ama kung hindi naturuan nang maayos ang anak. Sa palagay ko pwede namang ikaw ang lumuhod at humingi ng tawad."Ang kalauna’y kalmado at tahimik na si Dawson ay kumukulo sa galit matapos marinig ang mga salitang iyon.Siya ay tinaguriang si Sir Surrey; napakataas ng kanyang katayuan sa pamilya, kailangang maging magalang ng mga tagalabas sa kanya saan man siya pumunta.Kahit na may konting katayuan ang live-in son-in-law, bakit siya luluhod sa harap niya?Sumagot siya nang may tonong kasing lamig ng yelo, “Anong karapatan ng isang live-in son-in-law na paluhurin ako?”“At humingi ng tawad sa maliit na b*stardang iyon?!”“Tama tama tama! Hindi kami kailanman hihingi ng tawad sa kanya!”“Iyang b*stardang iyang ang dapat sisihin sa lahat ng nangyari sa kan
Medyo na-excite si Dawson Surrey matapos marinig ang mga sinabi ni Reign Jackson.Ang patriarch ng mga Surrey, si James Surrey, ay may mas malawak na mga koneksyon. Baka nagpadala siya ng mga mas prominenteng mga tao para sa ganito kaliit na bagay sa pagkakataong ito?Tuwang-tuwa rin sina Stevie Surrey at Yelena Surrey.Kung mas prominente ang tao, mas mayabang sila.Kung madaling madudurog ng taong iyon ang dignidad nina Harvey York at Xynthia Zimmer, mas magiging masaya sila.Maya-maya, isang grupo ng mga tao ang pumasok.Pawang mga opisyal ng gobyerno sila; nakasuot ng puting damit.Isang middle-age na lalaki na may parisukat na mukha ang nanguna sa grupo, ngunit parang hindi normal ang kanyang aura. Hindi magkakaroon ng lakas ng loob ang mga ordinaryong tao na tingnan siya.Sobrang taas ng kanyang espiritu!Ang first-in-command sa Buckwood, si Yoel Graham!Bahagyang nagbago ang mga ekspresyon nila Reign at ng iba pa matapos nilang makikilala ang lalaki!Naglakad si Yoel
Nang umalis si Blaine John kasama ang badge, nagpatuloy si Harvey York sa kanyang trabaho bilang isang dalubhasa sa geomancy sa Fortune Hall.Si Castiel Foster ay nag-papanik na dahil siya lang ang nag-aasikaso sa mga customer.Sa pagbabalik ni Harvey, agad na tumaas muli ang morale ng buong lugar.Pagkatapos ng tatlong araw ng kapayapaan at katahimikan, nagpakita si Kade Bolton ng isang nakakatakot na ekspresyon nang dumating siya sa Fortune Hall mula sa punong-tanggapan ng Heaven’s Gate."Masama ito, Sir York," sabi niya, mabilis na naglakad patungo kay Harvey."Normal lang na may mangyari sa lungsod ngayon, di ba?"Nagsalita si Harvey habang gumuguhit ng isang talisman para sa isang customer.“May naghamon ba sa pamilya mo?"Umiling si Kade."Wala, pero may naghanap ng gulo sa pamilya Pagan."Nagtigilan si Harvey. Mabilis niyang pinunasan ang kanyang kamay gamit ang wet wipes bago dalhin si Kade sa likuran."Magsalita ka lang."Agad dumiretso sa punto si Harvey."Mayroo
”Mananatili ka dito.”Tumawa ng malamig si Master Morgraine.“Isa akong tagalabas, pero mula pa rin sa mundo ang pamilya ko.“Hindi ako umalis mula noong sumali ako sa sacred martial arts training grounds dahil hindi ko kayang iwan ang pamilya ko.“Kayo ang mga hadlang sa’kin!“Natural lang na may gawin ako para sayo sa pagkakataong ito.“Ipapakita ko kay Representative York kung gaano kakomplikado ang mga bagay sa Golden Sands!“Maging ang sacred martial arts training grounds ay walang magagawa kundi magpakumbaba!“Anong silbi ng buhay ng lalaking ‘yun kung ang tanging kaya niyang gawin ay gamitin ang pangalan ng Martial Arts Alliance para magmalaki?“Sisiguraduhin kong magkakaroon siya ng magandang leksyon!”Nagpakita ng masamang ekspresyon si Blaine John.“Hindi pwede ‘yun…“Maraming taon kang hindi lumaban.“Nagawang patayin ni Harvey York si Layton Surrey!“Sinasabi sa mga alamat na kasing lakas siya ng isang God of War…“Ito ay…”Suminghal si Master Morgraine.“S
"Sana magamit mo ang iyong katayuan para makausap si Representative York. Makakahingi ako ng tawad nang personal pagkatapos noon."Seryoso ako, Tita! Kaya kong tiisin ang anumang parusa!"Sana lang na tumigil na si Representative York sa pagpapahirap sa mga John... Hindi ko pwedeng hilahin pababa ang pamilya dahil sa aking pagkakamali..."Mukhang handa nang magbago si Blaine.Dahan-dahang umupo si Master Mograine bago ininom ang kanyang tsaa."Si Representative York? Ang lalaking tumalo sa lahat ng mga nangungunang talento ng India sa Flutwell? Nasa Golden Sands siya?"Bumuntong-hininga si Blaine.“May mga bagay na hindi mo alam, dahil nag-iisa ka."Hindi lang siya nandito, kundi nagdudulot din siya ng gulo sa buong siyudad."Ang Heaven's Gate ay nagkaroon ng ganap na pagbabago ng kapangyarihan dahil sa kanya."Pinatay pa niya si Layton dahil dito."Ipinaliwanag ni Blaine ang lahat ng ginawa ni Harvey sa ilang pangungusap lamang. Hindi siya nagbigay ng anumang pahiwatig, at h
Si Blaine ay huminga ng malalim na para bang upang kalmahin ang hindi pangkaraniwang pag-uga ng kanyang katawan, bago magalang na humakbang pasulong."Nandito ako para makita ka ulit, Tita.""Sabi ko na sa'yo ng maraming beses, Blaine. Monghe na ako ngayon. Maaari mo akong tawaging Master Mograine.”Lumingon ang monghe bago sumulyap kay Blaine na may inis na ekspresyon.Tinititigan niya nang masama, pero ang kanyang mga mata ay nananatiling kaakit-akit.Ngumiti si Blaine."Tiyahin pa rin kita. Wala akong pakialam kung monghe ka o hindi. Ang lugar na ito ay para sa iyo hangga't gusto mo.”Tumawa si Master Morgraine, pagkatapos ay hinaplos ang ulo ni Blaine.“Matagal na mula nang huli kang pumunta dito. Mayroon bang bumabagabag sa iyo?""Hindi ka lang isa sa apat na matatanda ng Immortal Pavilion, kundi isa ka ring himalang doktor na kahit ang hindi mabilang na mayayamang pamilya ay hindi makuha," sabi ni Blaine."Hindi ito labis na pagpapahayag kung sasabihin kong mataas ang iyon
Lumapit si Kairi kay Harvey at tiningnan siya bago bumuntong-hininga.Salamat sa lahat sa mga nakaraang araw."Sa wakas kumilos na si Blaine, pero nakuha mo siyang pabagsakin ng dalawang beses.Mahirap na kayong magkasundo sa puntong ito."Ang laban namin ni Blaine ay magiging ganap na pampubliko na rin ngayon.""Kasama niya si Westley. Isa lang siyang utusan ni Emery, pero isa pa rin siyang kilalang tao na maaaring gawin ang kahit anong gusto niya sa Wolsing."Dalawang sampal para sa dalawang tao. May bagyo nang paparating sa Golden Sands sa lalong madaling panahon…”Inilapag ni Harvey ang kanyang tasa."Di ba ito mismo ang inaasahan mo?"Ang sitwasyon ng lungsod ay kasing linaw ng araw."Ang mga mayayamang pamilya ng Golden Sands ay kailangan nang pumili ng panig ngayon.O mananatili sa kontrol ang mga Johns, o ang mga Patels ay pagsasamahin ang buong lungsod."Maganda ito para sa'yo, di ba? Mas mabuti talagang maging tiyak."Ang mga bagay ay maaari lamang ayusin sa ganung para
Huminga ng malalim si Blaine.“May kasabihan… Kung ano ang itinanim, siya ring aanihin."Hindi kailanman huli ang lahat para maghiganti. Hindi ko ito basta-basta palalampasin. Titiyakin kong makakakuha si Harvey ng leksyong nararapat sa kanya.”Inirapan ni Alani si Blaine matapos niyang marinig na binalewala ni Blaine ang tungkol dito."Bakit hindi mo na lang siya harapin, Young Master John? Kung palihim mo siyang aatakihin, hindi niya alam kung anong tumama sa kanya!"Syempre, kung ayaw mo siyang patayin, dapat yung mga tao na lang sa paligid niya ang puntiryahin mo! Hindi lang siya magdurusa, kundi may posibilidad pang bumagsak siya!"Sa ganitong paraan, mananalo tayo nang hindi lumalaban! Sisiguraduhin kong malalaman ng mga nakatataas ang mga achievement natin! Siguradong…”Pak!Sinampal ni Blaine ang mukha ni Alani.Sumigaw siya sa sakit, at bumangga sa sulok ng kotse. Ang kanyang katawan ay nanginginig nang labis. Isang hindi maipaliwanag na puwersa ang nakatago sa tila si
Patawarin mo ako, Mr. Quill! Kasalanan ko ito!“Humihingi ako ng tawad! Sana ay mapatawad mo ako bago ka mamaalam!”Hindi gaya ng dati, ang kayabangan ni Blaine ay napalitan ng pagpapakumbaba. Hindi siya mukhang isang young master noong sandaling iyon.Ang lahat ay nagulat, pero kinailangan nilang aminin na talagang kahanga-hanga na siya ay napaka-flexible. Tanging isang tunay na elite tulad niya ang makakapagtiis ng ganitong kahihiyan.Pati si Harvey ay nagpakita ng mapaglarong ekspresyon nang tumingin siya kay Blaine.Ang isang mapagmataas at mayabang na lalaki ay madaling harapin, ngunit… Ang isang flexible na lalaki na handang tiisin ang anumang hirap ay tiyak na magiging mahirap kalabanin.Nang matapos na si Blaine sa paghingi ng tawad, tumayo na siya.“Aalis na tayo!”Umalis siya ng nakatingin nang masama sa grupo ng mga taong dumating para magdulot ng gulo sa simula pa lang."Sinabi ko bang maaari silang umalis?" sumigaw nang malamig si Harvey.“Ano pa bang gusto mo?!”
Kumibot ang mga mata ni Blaine sa pagiging dominante ni Harvey.Nagulat si Alani at ang iba pang mga babae.Syempre, hindi nila inisip na magiging mas mabangis si Harvey kaysa kay Blaine sa ganitong sitwasyon.Si Blaine ay isa sa mga batang panginoon ng sampung pinakamayamang pamilya!Isang kilalang tao na wala nang ibang magagawa kundi magpatirapa ang lahat sa Country H!At sa kabila ng lahat, siya ay lubos na pinigilan ni Harvey!Hindi ito kapani-paniwala!Ang mga guwardiya ni Blaine ay handang sumulong, ngunit agad silang pinigilan ng mga disipulo na itinutok ang kanilang mga armas sa kanilang mga ulo.Agad na naging tense ang hangin.Alam ng mga guwardiya na magagaling silang mga mandirigma, ngunit hindi sila makakaligtas kung lalabanan nila ang Heaven’s Gate."Malapit na ang oras. May tatlumpung segundo ka pa.”Tumingin si Harvey sa Rolex sa kanyang pulso."Sa totoo lang, mas gusto ko na huwag kang sumang-ayon sa mga kondisyon ko. Sa ganitong paraan, maari kitang durugin ng
Ang mga ordinaryong tao ay matatakot nang labis sa lahat ng mga paninirang iyon…Gayunpaman, ngumiti lamang si Harvey. Pinagkrus niya ang kanyang mga braso, at nilapitan si Blaine. Pagkatapos, bago makapag-react si Blaine, sinampal niya si Blaine.Pak!Si Blaine ay naitapon at bumagsak sa lupa.Kahit na siya ay lihim na isang eksperto sa martial arts, hindi siya nakapag-react nang mabilis upang maiwasan na tamaan siya ni Harvey. Akala niya na hindi siya nakaiwas dahil siya ay naging pabaya; hindi niya inasahan na gagawin ito ni Harvey sa kanya.Natahimik ang mga tao.Sino nga ulit si Blaine…?Siya ang young master ng John family! Kahit na gaano siya ka-low-key, isa pa rin siya sa mga pinakamahusay na young master sa bansa.Gayunpaman, naglakas-loob pa ring sapakin ni Harvey ang lalaki sa mukha sa ilalim ng ganitong mga pangyayari…Sino ang nagbigay sa kanya ng lakas ng loob?Nagulat sina Azrael at ang iba pa; hindi nila inasahan na ganito kalakas si Harvey.Hinawakan ni Blai