Bago ito namalayan ni Mandy, inagaw na ni Amelia ang gamit mula sa kanyang mga kamay habang may mala-demonyong tumawa. “Sister Mandy, hindi nakakahiyang magpakitang-gilas sa iba. Bakit ayaw mong buksan ito hanggang sa nakauwi ka na?""O natatakot ka bang napakamura ng regalo at nakakahiya?"“Amelia! Hindi mo ba naisip na sumosobra ka na ngayon?"Bahagyang nagyelo ang mukha ni Mandy. Regalo ito ni Harvey sa kanya. Paano kaya ito naagaw ni Amelia ng ganun-ganun lang?Hindi namalayan ni Amelia kung gaano siya kabastos. Bakas sa mukha niya ang paghamak nang sumagot siya, “Mandy, paano mo nasabi iyan? Ginagawa ko ito para sa ikabubuti mo!"“Nag-aalala lang ako kung pumili ang walang kwentang asawa mo ng walang kwentang bagay at lokohin ka! Paano kung lumang version ito mula sa ilang nagdaang taon na nagkakahalaga lang ng three hundred dollars pagkatapos ng fifty-percent discount? Kailangan mong hilingin sa kanya na pumili ng isa pang regalo para sa iyo!"Habang nagsasalita si Amelia,
“Bulag ba kayong lahat dito? Paanong walang sinuman sa inyo ang nakapansin na pinagpalit ang isang bag na kasingmahal nito?"Sa sandaling makapasok siya sa loob ng shop, mapagmataas na nagsalita si Amelia nang malakas.Nagtataka ang mga shopkeeper. Agad na lumapit sa kanya ang shop manager at nagtanong, "Miss, pasensya na pero hindi ko maintindihan ang ibig mong sabihin."“Anong ibig kong sabihin? Tingnan mo ito! Anong binili niya, pero ano talaga ang kinuha niya!” Sumigaw si Amelia, at dinuro si Harvey na nasa likod niya.Kakaiba ang tingin ng shop manager habang tiningnan niya si Amelia. Saka niya binaling ang kanyang tingin kay Harvey, at agad na bahagyang yumuko.“Anong meron? Binili ng customer na ito ang bag.”Tila hindi peke ang respeto nakaguhit sa mukha ng shop manager.Hindi pa nga siya tapos bilangin ang mga zero na naiwan sa card ni Harvey.“Paano ito nangyari? Buksan mo ang mga mata mo at tingnan ito nang mabuti! Paano niya mabibili ang bag na ito?!”Medyo nagsimu
“Basura ka! Anong plano mong gawin ulit?”Kwestyon ni Amelia Garza na may masamang tingin.“Huwag mong sabihin saking bibili ka ng isa pang regalo para kay Mandy ngayong nakabalik tayo dito?”“Sige, bilhin mo, kung ganoon! Kung may kakayahan ka, bilhin mo lahat ng mga bag sa shop na ito!”“Kung magagawa mo iyan, handa akong lumuhod sa harap habang nakababa sa sahig ang ulo ko!”Sobrang yabang ngayon ni Amelia. Para sa kanya, ayos lang kung makabili siHarvey ng isang bag na nagkakahalaga ng halos three hundred thousand dollars.Paano niya mabibili ang lahat ng mga bag sa shop?Aabutin ng halos ilang daang libong dolyar iyon, ‘di ba?“Sabi mo eh,” tumawa si Harvey at lumingon kay Mandy Zimmer. “Itaga mo iyang sinabi mo.”Kasabay nito, lumingon si Harvey sa shop manager. “Pakibalot lahat ng nandito sa shop para sa akin.”Natulala ang shop manager, na nanonood sa drama na nasa harapan niya. Gusto niya ba talaga ang lahat?"Sir... hindi ka ba nagbibiro?" Hindi makapaniwalang tano
Agad na bumalik ang diwa ni Lilian Yates at dinagdag, “Mandy, ilang beses ko bang sinabi sa iyo ito? Hindi ka pwedeng magsayang ng pera nang ganyan! Dapat alam mo rin kung saan nanggagaling ang pera!”“Kung hiniram iyan, dapat mong papirmahin si Harvey ng kasunduan na nagsasaad na siya lang ang magbabayad ng utang, at wala tayong kinalaman doon!”Sa mga salita ni Lilian, lumiwanag ang mukha ni Autumn Reyes at ng kanyang pamilya.‘Humiram ng pera para magpanggap na mayaman. Tingnan natin kung paano niyo iyan babayaran!’Kakaiba ang tingin ni Mandy kay Harvey.Hindi niya alam kung saan galing ang pera ni Harvey, pero hindi siya naniwalang hiniram niya iyon.Pagkatapos ng lahat, hindi nahuhulog sa langit ng pera! Imposible para sa isang tao na magpahiram ng pera ng halagang kasing laki ng isa’t kalahating milyon!Kahit na humiram ng pera si Harvey, kailangan niyang maghintay para doon. Pero wala siyang tinawagan na kahit sino.Dahan-dahang sumagot si Mandy, habang pinipigilan ang
Base sa kung anong klaseng tao si Harvey, sisiguraduhin niyang tutupad si Amelia sa kanyang pangako.Pero ngayong sinabihan siya ni Mandy Zimmer na kalimutan na ang bagay na ito, kakalimutan niya ito. Sa huli, maliit na bagay lang ito.“Ayoko ko nang mag-shopping.Umuwi na tayo!”Nandilim ang mukha ni Amelia, kasing-tigas ng bakal ang kanyang ekspresyon. Ayaw niyang tingnan sina Harvey at Mandy, at tumalikod saka galit na umalis.Ngumisi si Autumn at sinabi, “Mandy, walang modo iyang asawa mo. Kung nais mo pa ring maging pinsan namin, mabuti pang iwanan mo na siya sa lalong madaling panahon!”Pagkatapos magsalita, umalis na rin siya.May gusto sanang sabihin pa si Felix Howard, pero nang makita niya kung paanong nanatiling kalmado si Harvey York, hindi siya makapagsalita.Pakiramdam ni Felix ay hindi isang ordinaryong tao si Harvey base sa lahat ng mga ginawa niya ngayon, ngunit hindi mahulaan ni Felix kung gaano ka-pambihira si Harvey.Hangga’t hindi sigurado si Felix sa katayu
“Ano ang dapat pala nating gawin?” Nakasimangot si Simon Zimmer."Anong tungkol dito?" Malamig ang mukha ni Autumn Reyes. "Syempre, ginagawa namin ito ayon sa plano!"“Felix, inimbitahan mo ba ang lalaking iyon dito?” sabi ni Amelia. “Sagot mo ang lahat ngayong gabi. Dapat mong ayusin ang trabaho mo!"Noong una, medyo takot si Felix kay Harvey.Gayunpaman, matapos malaman kung paano nakuha ni Harvey ang kanyang pera, napuno ng galit ang kanyang puso.Nakakahiya para sa isang big shot na tulad niya na matakot sa isang live-in-in-law!Malamig na sinabi ni Felix, "Ma, Amelia, huwag kang mag-alala.""Akong bahala!""Dahil mahilig magpanggap ang live-in son-in-law na iyon, dadalhin ko siya sa isang high-end na okasyon!"“Nakausap na ako sa lalaking iyon na pumunta. Inayos ko na ang lahat!""Masisiguro kong pagkatapos ng araw na ito, hindi na siya muling magpapakita sa atin!"Nagngangalit ang mga ngipin ni Amelia at idinagdag niya, "Hindi sapat iyon! Gusto ko siyang lumuhod at gum
Kalmado si Mandy. “Manager Robbins, tama?”“Salamat sa iyong kabaitan. Pero walang problemang pinansyal ang kumpanya namin sa ngayon. Siguradong pupunta kami sa iyo kung kailangan namin.”Kahit sinabi niya ito, hindi man lang siya tumingin kay Stanley Robbins.Hindi siya tanga. Kita niya ang kasakiman sa mga mata nito.Dinala talaga si Felix Howard at pinakilala ang ganoong tao sa kanya. Halatang sinusubukan niyang guluhin siya at si Harvey, at ikinagalit niya iyon.Subalit, hindi napansin ni Felix ang galit ni Mandy. Ngumiti siya at sinabi, “Sister Mandy, bata pa si Manager Robbins at may magandang kinabukasan. Sobrang talentado niya rin. Maraming mayayamang babae sa Buckwood ang gustong makipagkita sa kanya, pero wala silang kahit anong pagkakataon!”“Isang karangalan para sa iyo na makita si Manager Robbins ngayong gabi. Bakit hindi mo siya samahang uminom? Gawin mo itong pabor para sa akin!”Malamig ang mukha ni Mandy. “Naghahapunan ako kasama ang asawa mo ngayon. Wala akong
Napangisi si Felix sa sinabi ni Harvey. Ayaw niyang makipag-usap sa mga taong tulad ni Harvey.Tinitigan niya nang masama si Mandy at sinabi, “Sister Mandy, pakinggan mo lang ang tapat kong mga salita!”"Nakatadhana ang live-in mong asawa na walang mararating sa buhay!"“Kung ako sa iyo, papalayasin ko na siya! Tapos magsisimula kang muli!”"Sinasabi ko ito para sa ikabubuti mo. Pinagtatawanan ka ng iba!"Nagkunwaring nag-aalala si Felix, na para bang iniisip niya talaga si Mandy.Natawa naman si Stanley Robbins na nasa tabi niya. “Oo, Miss Zimmer. Napakahusay mo, at matagumpay na rin ang iyong career. Bata ka pa at maganda. Paano magiging karapat-dapat sa iyo ang ganoong lalaki?""Dapat mong isaalang-alang ang iba pang mahuhusay na lalaki. Bukod sa aalagaan ka nila, palalakasin din nila ang career mo!"Tinindig ni Stanley ang kanyang dibdib pagkatapos sabihin ito. Napaka-simple ng ibig niyang sabihin. Pinapahiwatig niyang siya ang matagumpay na lalaki.Pumunta ang dalawang it