Noong una, normal ang ekspresyon ni Harvey. Nang kausapin siya ni Yuna sa ganoong paraan, hindi niya maiwasang malamig na sumagot. "Gusto ko lang gamitin ang elevator para umakyat at kumain. Sinabi mong naka-block naka-block ang lugar at hindi mo ako hahayaang umakyat.""Sige, hindi na ako kakain.""Ngayong gusto kong lumabas, at hinaharangan mo pa rin ang daanan ko. Anong gusto mong gawin ko? Gusto mo bang lumipad ako palabas dito?"Sa mga salita ni Harvey, malamig na sinabi ni Yuna, "Wala akong pakialam kung paano, pero mas mabuti kung lalabas ka na agad ngayon!""Lalabas, ganoon ba?" Tumango si Harvey. "Tingnan natin kung sinong gagawa niyon!"Nang marinig nila ang pagyayabang ni Harvey, tumawa si Yuna at ang iba pa.Papalayasin sila ng lalaking ito? Nasa tamang pag-iisip pa ba siya?Nang hahayaan na lang ng mga managers ang security na itaboy si Harvey, dumating ang ilang artistang nakatayo sa ‘di kalayuan. Nagsimulang maghiyawan ang mga fans.Nagmamadaling lumakad si Yuna
Sa sandaling ito…Natulala si Carter Coen.Natulala si Yvette Yanes.Kahit si Yuna Shaw ay medyo nagulat.Lalo na ang mga security guard. Sa mismong segundong iyon, tahimik silang lahat.Ang middle-age na lalaking sobrang galang kay Harvey ay hindi lamang basta-bastang tao, ngunit sa katunayan ay siya ang general manager ng Buckwood Tower. Ang kanyang posisyon ay katumbas ng may-ari ng Buckwood Tower, gayon pa man ay magalang siya sa harap ng taong ito.Higit sa lahat, kita ng mga nakatayo sa likuran niya ang kanyang damit na basa sa malamig na pawis.Hindi nila ito maisip!Kinausap ni Harvey ang taong in charge sa Buckwood Tower na bumaba sa loob ng tatlong minuto. Sa huli, talagang bumaba ang lalaki sa loob ng tatlong minuto.Dati, naglakas-loob si Yuna na maging mayabang sa harap ni Harvey. Ngayon, hindi na siya nangahas.Alam niya at ng iba pang mga manager ng mga celebrities kung paano gumagana ang mga bagay sa circle na ito. Naintindihan nilang mabuti ang lakas ng pera.
Gulat!Nagulat ang lahat!Hindi sukat akalain ng lahat na biglang magwawala si Carter Coen.Kung iisipin, inasahan na ito. Bilang isang sikat na artista, palaging mataas ang tingin ng mga tao sa kanya saan man siya magpunta.Kahit na ang ilang mga CEO ay kinausap siya na maging mukha para sa kanilang mga produkto at tinatrato siya nang maayos.Matapos ang kanyang magulat kalaunan, napagpasyahan ni Carter na si Harvey, ang CEO ay hindi magaling.Ngumiti si Harvey."Sa palagay mo ba walang pupunta dito kung wala ka?""Sa isang salita lang, sisirain ng mga fans mo ang lugar na ito?""Pinagbabantaan mo ba ako?""Pinagbabantaan ba kita?" Nagmura si Carter. "T*nga, hindi mo ba makita?""Interesting." Ngumiti si Harvey. Tumingin siya sa general manager at kaswal na sinabi, “Tinatanong kita. Sino ang umarkila ng lugar para gamitin nila…?”Pinunasan ng general manager ang kanyang malamig na pawis at nauutal, habang nanginginig, "CEO, hindi kami nag-arkila... hiniram namin sa kanila
Wala pang ilang sandali, nagdala si Ethan Hunt ng isang dosenang mga sinanay na sergeants sa harap ng entablado.Sa ilalim ng nakakakilabot na mga tingin ng grupo ng mga artista, lumapit sila kay Harvey.Kilala ni Ethan Hunt ang ugali ni Harvey. Hindi siya nagsalita kahit matapos na yumuko si Ethan. Sa halip, nabaling ang kanyang malamig na titig kina Carter at sa mga celebrities.Tila, agad patutumbahin ang mga taong ito sa oras na ibigay ni Harvey ang utos.Sundalo?Talaga bang mga sundalo sila?Si Carter, na kampante kanina, ngayon ay puno ng pagkalito.Hindi niya sukat akalaing ang lalaking nasa harap niya ay hindi lamang basta-basta isang CEO.Sa isang tawag lang, dumating ang militar at sinecure ang buong lugar. Ngayon, isa-isang pinalabas ang kanyang mga fans...Sa sandaling ito, kahit na gusto niyang tumakas, magiging mahirap ito.Lalo na ang pagtawag sa kanyang mga fans para sirain ang mall!Ibang iba ang mga tao sa hukbo kumpara sa mga police inspectors.Posible p
Sa sumunod na segundo ay nagsimulang magsalita si Harvey, ngunit malamig ang kanyang tono."Nagmakaawa ka sa akin dahil mas mataas ang katayuan ko kaysa sa iyo, mas mataas ang posisyon ko kaysa sa iyo, at mas makapangyarihan ako sa iyo. Hindi ba tama iyan?"“Oo, oo, oo. Natural ito…” Mabilis na tumango si Yuna, na parang nagdidikdik ng bawang."Ngunit kung wala ang katayuan at posisyon kong ito, hindi mo ba ako ipapadala sa mga pulis ngayon?""Kung isa akong ordinaryong tao, edi wala akong karapatang maglakad palabas ng mall na ito?"“Mga celebrity lang kayo, pero ang yayabang niyong umasta. Hindi naman kayo ganoon kasikat, pero naisip niy nang mga upper-class elites kayo?! "“Grabe kayo maghari-harian! Paanong ang mga taong kagaya niyo ay tinawag na mga banal na tao? Diyosa?""At may lakas pa kayo ng loob para bigyan ako ng leksyon tungkol sa pribilehiyo? Mas maraming nang mga tao ang may pribilehiyo sa mga panahong ito. Kung ang lahat ay katulad ninyong mag-isip at isiping sil
Sa wakas, lumingon si Harvey York kay Carter Coen."Para maging isang lalaki, panindigan mo ang mga salita mo. Kung gusto mong sirain ang mall ko, edi gawin mo. Kung hindi mo kayang panindigan ang mga sinabi mo, isa kang sissy!"Namutla ang mukha ni Carter, at kumibot ang mga mata niya.Sa katunayan, isa siyang flower boy. Ang pinakamalaking taboo niya ay may tumatawag sa kanyang isang sissy.Gayunpaman, ang nagsabi nito ay ang lalaking ito. Hindi siya naglakas-loob na makipagtalo, at kaya lamang niyang tumango at yumuko.Sa huli, umalis si Harvey at pumunta sa Spinning Restaurant para kumain. Kung hindi siya pupunta, siguradong mamamatay siya sa gutom.Pinamunuan din ni Ethan Hunt ang kanyang team at umalis. Nag-disperse ang lahat.Mabilis na naibalik ang shopping mall sa orihinal na ayos nito.‘Di nagtagal, nakarating din si Xynthia Zimmer sa Spinning Restaurant at nakita si Harvey."Brother-in-law, hindi mo ito nakita ngayon lang! Mukhang may isang bigshot na pumunta dito.
"Siya mismo ang nagpadala sa amin ng mga invitation, hindi maganda kung hindi tayo dadalo!" Sinabi ni Lucian Trescott, dahil dapat gawin ang bagay na ito."Sige, magkakasama tayong lahat pupunta," sabi ni Ethan Hunt.Hindi nagtagal, nalaman ng mga York na dadalo si Ethan Hunt sa birthday banquet ni Grandma York.Gumaan ang loob ni Yonathan York nang matanggap ang balita."Mukhang may natitira pa akong gamit sa akin, kahit papaano...""Kahit na isa lang lieutenant colonel si Ethan Hunt, ang Sword Camp ang sentro ng militar sa South Light. Ang kaluluwa ng militar...""Dahil kusang sumali si Ethan Hunt sa mga York, ibig sabihin nito ay nasa kanila ang lakas ng militar sa buong South Light.""Pagkatapos ng birthday banquet niya, mas malakas na tayong mga Yorks kumpara noong tatlong taon na ang nakalipas!"Tumawa si Quinton York at sinabi, “Congratulations, sir! Papuri sa family head!""Kahit na umalis ang lalaking iyon, itinuturing pa rin ang mga York na top family sa buong South
Bahagyang nakasimangot si Yonathan York. Naunawaan nila ni Quinton York na ang bisitang ito ay walang iba kundi si Harvey York.Wala silang intensyong imbitahan si Harvey York, ngunit nakasama pa rin siya ito sa guest list."Hayaan mo siyang dumalo!"Sa sumunod na sandali, may pinahayag si Yonathan York."Dahil nakabalik na siya sa Buckwood, magkakaroon ng panahon kung kailan opisyal tayong makikipagkita sa kanya. Tamang tama ang banquet na ito...""Syempre, ipinaalam na niya sa atin ang lihim niyang mga plano para sa kanyang paghihiganti sa loob ng tatlong taong ito.""Akala ng lahat ng mga taga-labas na miserable ang buhay niya na mas masahol pa sa isang askal sa isang maliit na pamilyang tulad ng mga Zimmer... Sa puntong ito, malinaw na may ginagawa siyang mga paghahanda sa dilim.""Ang banquet na ito ang oras para makita natin siya muli pagkatapos ng tatlong taon. Pagdating ng tamang oras, haharapin natin siya pagkatapos ng banquet."Kalmado si Yonathan York, na parang natu