Gabi na.Isang pangkat ng mga taong mula sa pamilya Silva na pinamunuan ni Brent Silva ang dumating para puntahan ang mga Zimmer. Sa pagkakataong ito, hindi niya binigyan ng anumang respeto si Zack Zimmer. Natakot si Senior Zimmer at ang natitirang mga Zimmer sa kanyang presensya.“Young Master Silva, anong hangin ang nagdala sa iyo dito? Hating-gabi na..."Tiningnan ni Senior Zimmer ang mga taong naka-black suit na kasama ni Brent, nanginginig. Halos hindi siya makapagsalita.Malamig ang mukha ni Brent, walang bakas ng kahinahunan sa kanyang ekspresyon."Anong hangin? Syempre, ang nakamamatay na hangin!" Malamig na sinabi ni Brent."Napakagaling ng iyong live-in son-in-law! Ang kapal ng mukha niyang makisawdaw sa mga aktibidad ng pamilya Silva?!""Sa palagay mo ba ay kapag mayroon kang suporta sa Sky Corporation, walang magagawa ang pamilya ng Silva sa iyo?""Binabalaan kita! Magbigay ka ng malinaw na paliwanag tungkol sa bagay na ito! Ang pamilya Silva ang siyang nagpahintulo
"Ano?""Palagi kang ganito! Wala kang pakialam sa nararamdaman ko!”"Ngayon ay talagang na-offend mo ang pamilya Silva, at binubuntong nila ito sa mga Zimmer!""Siguradong hindi mabubuhay ang Zimmersa Buckwood kung galit ang mga Silva sa atin!""Baka na nasa panganib ang mga buhay natin. Sinusubukan mo bang patayin tayong lahat?"Napaluha na si Mandy.Hindi makapagpaliwanag si Harvey. Sa pangyayaring ito, wala siyang masabi."Ano ang dapat nating gawin ngayon?"Sumakit ang ulo ni Senior Zimmer.May naisip si Zack Zimmer. "Isa lang ang solusyon ngayon...""Ang hiwalayan ni Mandy si Harvey!""Saka lang mawawalan ng kahit anong kinalaman ang pamilya Zimmer sa kanya!""Iyon lang ang paraan para masagip natin ang ating sarili!"Sinigaw agad ni Quinn Zimmer at ng iba ang kanilang pag-apruba. “Oo! Hiwalayan mo siya agad! Hiwalayan mo siya ngayon din!""Saka lamang malulutas ang lahat."Bagaman parehong tinakwil sina Simon Zimmer at Lilian Yates sa pamilya, kumampi pa rin sila s
"Nakapag-desisyon na ako.""Para maiwasang maipit sa gulo ang pamilya Zimmer, Ako ay...""Ako ay aalis sa mga Zimmer kasama si Harvey!""Mula ngayon, wala na kaming kinalaman sa pamilya Zimmer...""Pinili kong harapin ang mga paghihirap na ito kasama ang asawa ko!"Humakbang si Mandy, hinawakan nang mahigpit ang palad ni Harvey, at tumabi sa kanya.Hindi makapag-react si Harvey sa sandaling ito. Pagkalipas ng maikling sandali, isang ngiti ang lumitaw sa kanyang mukha.Si Mandy talaga ang asawa niya!Napatigil ang bawat isa sa pamilya Zimmer sa kanyang desisyon.Nagpalitan sina Simon at Lilian natatarantang mga titig. Sigaw ni Simon, “Hangal kong anak! Anong ginagawa mo?!"“Hiwalayan! Dapat mo siyang hiwalayan!""As wakas ay dumating na ang pagkakataon!""Sa wakas ay sumang-ayon na ang lolo mo na makipag-hiwalat ka!""Kung hindi mo siya iiwanan ngayon, plano mo bang mabuhay kasama ang pabigat na iyan habambuhay?""Lumaki ka sa isang komportableng kapaligiran. Makakayanan m
Galit na galit ang buong pamilya Zimmer nang makitang mayabang pa rin si Harvey."Mr. Live-in son-in-law, sino sa palagay mo ang maniniwala sa iyo? Bakit napaka-walang hiya mo?""Kahit si Mandy ay dismayado sa iyo, pati na ang ibang mga tao!"“Sa palagay mo ba may mataas ang patingin sa iyo si Mandy? Hindi! Naaawa lang siya sa iyo!”Lalong nanlamig ang mukha ni Senior Zimmer sa sinabi ni Harvey.Tumingin siya kina Harvey at Mandy, at sa wakas ay maingat niyang sinabi, “Nag-aalangan pa ako! Pero ikaw, isang hamak na live-in son-in-law, ay nanatili pa ring mayabang kahit sa puntong ito!""Sa tingin mo ba talaga ay may halaga ka sa aming pamilya?!""Nakapag-desisyon na ako. Itatakiwl ko si Mandy sa pamilya! Mula ngayon, wala na siyang kinalaman sa mga Zimmer!”"Bababa din siya sa posisyon niya bilang CEO ng Silver Nimbus Enterprise sa ngayon. Tuluyan siyang aalisin pagkatapos kong kumunsulta sa Sky Corporation!”"Personal kong bibigyan ng paliwanag ang mga Silva at mag-aayos ng i
Doon sa Gardens Residence, ngumiti si Harvey York habang nakatingin sa river view mula sa bintana. "Mandy, maswerte akong naniwala ka sa akin.""Hindi ako naniniwala sa iyo. Sa tingin ko rin ay wala kang kakayahang lutasin ang problemang ito.""Ngunit... Susundan ko ang asawa ko saan man siya magpunta. Asawa kita, kaya't kailangan ko lang itong tanggapin.""Wala man akong happy ending, pero tatanggapin ko lang ito."Seryosong sagot ni Mandy.Ngumiti si Harvey.Umaasa siya sa mga darating na araw.Pagkatapos ng lahat, maraming kailangang ipaliwanag ang pamilya Silva.Gabing gabi na, nag-text si Yvonne Xavier kay Harvey at sinabing nalaman na niya ang katotohanan sa likod ng pagpatay kay William Bell.Isang privater detective ang lihim na sumunod sa ilang mga tao, hindi niya sinasadyang kuhanan ng video kung anong nangyari. Maaaring ipakita ng video na ito kung paano namatay si William.Maingat na pinatay ni Harvey ang ilaw sa kwarto nang matanggap niya ang text. Sumakay siya n
Hindi lamang ito basta ebidensya.Nais malaman ni Harvey kung paano pinuwersa si William Bell hanggang sa mamatay siya.Sino pa ang naging bahagi dito?!Ano pa ang sangkot?!Ang lahat ng ito ay dapat maimbestigahan nang lubusan.Hindi nagtagal, nakarating sila sa isang luxurious private manor.Kung hindi sinabi ni Yvonne kay Harvey nang maaga, hindi siya naniniwalang isang private detective agency ang lugar na ito.Nang papalapit na sila sa pasukan, isang security guard ang lumabas. Pagkatapos ay sinabihan silang lumabas ng kotse para sa inspeksyon. Ito ang panuntunan.Bulong ni Yvonne, "Sir, hindi ko pa binanggit ang iyong pagkatao.""Sige." Tumango si Harvey, binuksan ang pinto ng kotse, at lumabas.Ilang mga security guard ang lumitaw, lahat sila ay mga dating sundalo na tila may aura na uhaw sila sa dugo.Nang makita nila si Harvey kasama si Yvonne, isang babaeng security guard ang lumabas.Seryoso at maingat na sinimulan ng mga guard ang kanilang pag-galugad.Matapos
"Seventy-seven million?" Ngumiti si Harvey. "Medyo mahal iyan. Paano ko malalaman kung sulit ba ang video sa presyo nito?"“Sus! Kapatid, alam mo ba kung gaano kapanganib para sa akin na kunin ang video na ito?”"At saka, ibibigay ko din sa iyo ng iba pang ebidensya at materyales.""Napakaraming taong sangkot, medyo kumplikado ang lahat. Hindi lang isa o dalawang pamilya, alam mo. Kung isasa-publiko ang video na ito, natatakot akong hahabulin ako ng maraming malalaking pamilya.""Kung isasaalang-alang mo ang lahat ng iyon, maliit lang na halaga ang seventy-seven million."Problemado si George.Ipinapahiwatig niyang hindi lamang ang pamilya Silva ang sangkot, kundi pati na rin ang ibang mahahalagang tao.Mayroon din siyang ibang impormasyog hawak.Bahagyang nanlamig ang mga mata ni Harvey sa sinabi ni George.Tinitigan niya si George at malamig na sinabi, "Marami kang alam, at may mga materyales ka ding pang-suporta. Maliwanag na hindi mo kinuha ang video nang aksidente. Tama b
Galit na sinampal ni George Zabel ang mesa at tumayo. Pagkatapos ay sumigaw siya kay Harvey York sa sobrang galit, "Ang lakas ng loob mo?! Pinaglalaruan mo ba ako?! Hindi ka makakalabas sa pintong ito ngayon!"Schwing!Sa isang iglap, sabay na naglabas ang dalawang guard sa likuran ni George ng kanilang mga kutsilyo mula sa kanilang baywang.Kasabay nito, bumukas ang pintuan ng basement at maya-maya pa ay dumating ang isang grupo mga tao mula sa labas, agad na pumapalibot kina Harvey at Yvonne Xavier.Mga mercenary silang lahat at kamangha-mangha ang mga kasanayan nila sa pakikipaglaban. May karanasan ang mga taong ito sa pakikipagdigma at tila handa silang pumatay anumang oras.Malamig na tumingin si George kay Harvey at sinabi, “Mr. York, hindi mo rin ba tatanungin ang tungkol sa kahit sinong mangahas na kalabanin ako?!""Ayos lang kung pupunta dito ang taong sumusuporta sa iyo, ngunit agent ka lang at ang lakas pas rin ng loob mong magyabang sa harapan ko?! Gusto mo bang mamat