"Oo." Tumango si Harvey. “Isang tahimik, komportable at ligtas na bahay. Higit sa lahat, dapat perpekto ang mga pasilidad."Naintindihan ni Tara Lewis na gusto ni Harvey York bumili ng isang villa. Kung hindi, pwede lamang siyang bumili ng ibang bahay sa Gardens Residence. Pagkatapos ng lahat, iyon ang pinakamagandang community sa Buckwood."Bweno, may uri ng villa ang kumpanya namin na gusto mo." Mabilis na sinabi ni Tara. "Ipapakita ko ito sa iyo."Humarap siya pagkatapos at sinabi, “Uncle, aunt. Humihingi ako ng tawad sa nangyari ngayon. Kailangan ko munang asikasuhin ang kaklase ko. Magkita ulit tayo sa susunod."Kalaunan ay labag siya sa kasal na ito dahil pakiramdam niya ay masyado pang maaga. Dumating si Harvey sa tamang oras, para bigyan siya ng dahilan para umalis.Kung iisipin, lubos siyang nagpapasalamat kay Harvey.Tumayo rin ang mga magulang ni Tara at sinabi, "Gawin natin ito. Dahil halos tapos na ang lahat ay na kumain, tingnan natin kung saan ka nagtatrabaho. Ano
Napatigil ang lahat sa gulat.Kita sa nila kina Harvey York at si Tara Lewis na hindi sila makapaniwala."Bibili... bibili ng villa...?" Nanginginig ang boses ni Frank.“Oo! Bibili ng villa." Deretsahang sinabi ni Tara. "Kung gusto mo ng isang ordinaryong bahay o malaking apartment, meron nito ang Gardens Residence."Medyo nataranta si Frank. Hindi sapat ang kanyang mga asset para bumili ng bahay sa Gardens Residence, kahit ang pinakamaliit na meron sila.Lalo na ang isang villa sa Gardens Residence!Wala sa mga villa na naka-sale ang bababa sa sixteen million dollars.Biglang tumawa ang ama ni Frank. "Binata, ang galing mong makipag-negosyo! Mukhang marami kang natanggap na mga commission at rebate sa pagbili ng isang villa para sa isang tao, tama ba ako?"Si Harvey ay isa lamang intermediary sa mga mata ni Old Man Zummo."Hehehe, mukhang minaliit ka namin. Hindi nakakagulat na nagmamadali kang hanapin si Tara. Mukhang magkaroon ka ng sampu-sampung libong commission pa sa gan
Hindi na tinanong pa ni Harvey ang presyo.Si Shawn Bell at ang kanyang asawa ay magulang ng kanyang best friend. Dapat niyang bigyan sila ng pinakamahusay sa lahat, at walang mas mababa doon.Isa lamang itong villa. Wala lang ito sa kanya.Para kay Harvey, bahagi lamang ito ng kanyang pang-araw-araw na buhay.Gayunpaman, sobrang nagulat si Frank Zummo at ang kanyang ama sa eksenang kanilang nasaksihan.Akala nilang swerte si Harvey at basta-basta lang siyang trinato nang ganoon, at nagpapanggap lang na mayaman si Harvey.Gayunpaman, nakita na nila ngayon na talagang mayaman si Harvey.Hindi niya kailangang tanungin ang presyo nang bumili siya ng villa. Tratuhin niya ito na para bang isa lamang itong repolyong binebenta sa sa tabi ng kalsada!Hanang inisip nila ang kanilang pangungutya kay Harvey kaninai, namula sila sa hiya.Marahil sa mga mata ni Harvey, mukha silang mga payaso."Mr. York, dito po. " Masigasig na sinabi ni Wilson Carter. "Gusto mo bang tingnan muna ang mga
Habang nakatayo sa gilid, nanatiling panatag si Tara Lewis.Bahagya lang siyang natulala.Ang order lamang ni Harvey ay magbibigay sa kanya ng commission na hindi bababa sa 1.5 million dollars.Wala man siyang ibang kailangang gawin, at tahimik lang niyang pinanood ang mga pangyayari.Nang makitang kumita si Tara ng isang milyong dolyar sa isang iglap, biglang naramdaman ng kanyang mga magulang na napaka-ordinaryo ni Frank.Kayang kumita ng kanilang anak ng isang milyon sa isang araw lamang. Para sa isang lalaking mayroong mga pag-aari na ilang milyon lang ang halaga, talagang hindi niya siya abot-kamay.Isa sa sentro ng lungsod, isa sa labas ng lungsod, at isa sa tabing dagat… Paano maikumpara itong lahat sa isang villa na kaswal na binili?"Old Man Zummo, sa palagay ko ay dapat muna nating isantabi ang usapin sa mga anak natin. Saka na natin ito pag-usapan."Tumayo ang ama ni Tara at walang awang sinabi iyon.“Ha? Teka, anong kinalaman nito sa kahit ano?”Nang makita ni Fra
Gabi na.Isang pangkat ng mga taong mula sa pamilya Silva na pinamunuan ni Brent Silva ang dumating para puntahan ang mga Zimmer. Sa pagkakataong ito, hindi niya binigyan ng anumang respeto si Zack Zimmer. Natakot si Senior Zimmer at ang natitirang mga Zimmer sa kanyang presensya.“Young Master Silva, anong hangin ang nagdala sa iyo dito? Hating-gabi na..."Tiningnan ni Senior Zimmer ang mga taong naka-black suit na kasama ni Brent, nanginginig. Halos hindi siya makapagsalita.Malamig ang mukha ni Brent, walang bakas ng kahinahunan sa kanyang ekspresyon."Anong hangin? Syempre, ang nakamamatay na hangin!" Malamig na sinabi ni Brent."Napakagaling ng iyong live-in son-in-law! Ang kapal ng mukha niyang makisawdaw sa mga aktibidad ng pamilya Silva?!""Sa palagay mo ba ay kapag mayroon kang suporta sa Sky Corporation, walang magagawa ang pamilya ng Silva sa iyo?""Binabalaan kita! Magbigay ka ng malinaw na paliwanag tungkol sa bagay na ito! Ang pamilya Silva ang siyang nagpahintulo
"Ano?""Palagi kang ganito! Wala kang pakialam sa nararamdaman ko!”"Ngayon ay talagang na-offend mo ang pamilya Silva, at binubuntong nila ito sa mga Zimmer!""Siguradong hindi mabubuhay ang Zimmersa Buckwood kung galit ang mga Silva sa atin!""Baka na nasa panganib ang mga buhay natin. Sinusubukan mo bang patayin tayong lahat?"Napaluha na si Mandy.Hindi makapagpaliwanag si Harvey. Sa pangyayaring ito, wala siyang masabi."Ano ang dapat nating gawin ngayon?"Sumakit ang ulo ni Senior Zimmer.May naisip si Zack Zimmer. "Isa lang ang solusyon ngayon...""Ang hiwalayan ni Mandy si Harvey!""Saka lang mawawalan ng kahit anong kinalaman ang pamilya Zimmer sa kanya!""Iyon lang ang paraan para masagip natin ang ating sarili!"Sinigaw agad ni Quinn Zimmer at ng iba ang kanilang pag-apruba. “Oo! Hiwalayan mo siya agad! Hiwalayan mo siya ngayon din!""Saka lamang malulutas ang lahat."Bagaman parehong tinakwil sina Simon Zimmer at Lilian Yates sa pamilya, kumampi pa rin sila s
"Nakapag-desisyon na ako.""Para maiwasang maipit sa gulo ang pamilya Zimmer, Ako ay...""Ako ay aalis sa mga Zimmer kasama si Harvey!""Mula ngayon, wala na kaming kinalaman sa pamilya Zimmer...""Pinili kong harapin ang mga paghihirap na ito kasama ang asawa ko!"Humakbang si Mandy, hinawakan nang mahigpit ang palad ni Harvey, at tumabi sa kanya.Hindi makapag-react si Harvey sa sandaling ito. Pagkalipas ng maikling sandali, isang ngiti ang lumitaw sa kanyang mukha.Si Mandy talaga ang asawa niya!Napatigil ang bawat isa sa pamilya Zimmer sa kanyang desisyon.Nagpalitan sina Simon at Lilian natatarantang mga titig. Sigaw ni Simon, “Hangal kong anak! Anong ginagawa mo?!"“Hiwalayan! Dapat mo siyang hiwalayan!""As wakas ay dumating na ang pagkakataon!""Sa wakas ay sumang-ayon na ang lolo mo na makipag-hiwalat ka!""Kung hindi mo siya iiwanan ngayon, plano mo bang mabuhay kasama ang pabigat na iyan habambuhay?""Lumaki ka sa isang komportableng kapaligiran. Makakayanan m
Galit na galit ang buong pamilya Zimmer nang makitang mayabang pa rin si Harvey."Mr. Live-in son-in-law, sino sa palagay mo ang maniniwala sa iyo? Bakit napaka-walang hiya mo?""Kahit si Mandy ay dismayado sa iyo, pati na ang ibang mga tao!"“Sa palagay mo ba may mataas ang patingin sa iyo si Mandy? Hindi! Naaawa lang siya sa iyo!”Lalong nanlamig ang mukha ni Senior Zimmer sa sinabi ni Harvey.Tumingin siya kina Harvey at Mandy, at sa wakas ay maingat niyang sinabi, “Nag-aalangan pa ako! Pero ikaw, isang hamak na live-in son-in-law, ay nanatili pa ring mayabang kahit sa puntong ito!""Sa tingin mo ba talaga ay may halaga ka sa aming pamilya?!""Nakapag-desisyon na ako. Itatakiwl ko si Mandy sa pamilya! Mula ngayon, wala na siyang kinalaman sa mga Zimmer!”"Bababa din siya sa posisyon niya bilang CEO ng Silver Nimbus Enterprise sa ngayon. Tuluyan siyang aalisin pagkatapos kong kumunsulta sa Sky Corporation!”"Personal kong bibigyan ng paliwanag ang mga Silva at mag-aayos ng i