Sa araw na iyon, kumalat ang balita tungkol sa paghalal ng pamilya Zimmer ng bagong CEO sa buong Buckwood.Kasabay nito, napagpasyahan na din ang pangalan ng bagong kumpanya.Silver Nimbus Enterprise!Dahil ang main business ng bagong kumpanya ay ang Silver Nimbus Mountain Resort, pinangalan ito sa proyekto.Gayunpaman, sa Buckwood, ang salitang "Silver Nimbus" ay hindi pwedeng gamitin nang basta-basta. Ang Silver Nimbus Outer Courtyard at Silver Nimbus Mountain Report ay parehong kumakatawan sa mga pag-aari ng mga York.Gayunpaman, pinayagan ito ng Sky Corporation.Sinabing naisip ni Prince York na maganda ang pangalang Silver Nimbus Enterprise.Agad itong gumawa ng maraming tsismis.Maraming nag-espekulang ang taong mahal ni Prince York ay ang nakababatang kapatid na babae ni Mandy Zimmer, na nag-aaral pa sa high school.Kung kaya inalagaan niya nang mabuti ang kanyang magiging sister-in-law.Habang maraming pinag-usapan ito nang lihim, wala sa kanila ang naglakas-loob na i
Ang lalaking ipinanganak na may kutsarang pilak sa kanyang bibig ay si Eddie King, isang senior sa high school na ka-edad din ni Xynthia Zimmer.Isa siyang tipikal na delinquent. Sobrang yaman ng kanyang pamilya at nagmamaneho na siya ng Porsche 718 sa kabila ng kanyang edad.Siya ang nag-organisa ng pagtitipon mamayang gabi. Kung hindi dahil sa kanya, hindi maglalaan ng oras ang ibang mag-aaral dito.Aabot ng libo-libong dolyar ang isang gabi lamang sa isang lugar na tulad ng Dorsett Empire KTV.Simple ang layunin ni Eddie sa gabing iyon, at iyon ay ang lasingin si Xynthia at pagkatapos ay kumuha ng ilang nakakaaliw na litrato niya. Takot ang mga babae sa paaralan dito.Kapag na-blackmail sila gamit ang mga litrato, magiging masunurin sila sa kanya!Suot ni Xynthia ang mga damit na ibinigay ng kanyang matalik na kaibigan, na may isang maliit na sling bag at napakaikling palda. Pinakita ng get-up na iyon ang kanyang snowy white skin sa kanyang mga binti. Naglalaway si Eddie haban
Habang nakatingin kay Xynthia Zimmer na tila insecure sa sandaling iyon, napagtanto agad ni Harvey York ang intensyon ng sinasabing pagtitipon.Hindi na nagsayang ng oras ang mga delinquents at nag-plano ng karumal-dumal na mga bagay kay Xynthia.Tanging si Xynthia lang ang nagpapakatanga, sa pag-aakalang nakipagkita lamang niya sa isang admirer.Dati, hinabol siya ng mga tao sa Niumhi ngunit medyo mataas ang reputasyon ng mga Zimmer, kung kaya walang sinuman ang naglakas-loob na kalabanin sila.Ngunit anong klaseng lugar ang Buckwood? Magkasama ang mga loko at santo dito, kahit ang mga bilyonaryo ay hindi kaya ang kanilang sarili sa isang lugar na tulad nito. Ang isang lokal na tulad ni Eddie King ay may dalawang suite na nagkakahalaga ng milyun-milyon, bakit siya may pake sa background ng isang batang babae mula sa isang bilyonaryong pamilya?“Umalis ka, Harvey! Ayokong umuwi, hindi ikaw ang boss ko!" Sigaw sa kanya ni Xynthia habang wala siyang balak na umalis.Sumimangot si H
Clap clap clap…Dinala ng gangster sa harap ang kanyang kamay papunta sa mukha ni Eddie King at marahang tinapik ito habang bahagyang nakangiti."Kid, hindi ba ang yabang mo? Sa tingin mo ay mabangis ka, no? Anong pakiramdam mo ngayon? Gusto mo pa rin bang lumuhod ang mga tao ko?"“Boss, kasalanan ko ito! Nagkamali ako. Ignorante ako!"Alam ni Eddie ang kanyang hangganan, agad siyang sumuko. Rinig ang tunog ng pagtama ng kanyang mga tuhod sa sahig sa buong box.Mahalaga para sa kanya na magpakitang-gilas, ngunit pinakamahalaga ang maprotektahan niya ang kanyang buhay!Pak!Sinampal siya ng gangster sa harap, pagkatapos ay kumuha ang isang bote ng serbesa sa isang mesa at hinampas ito sa kanyang ulo. Nabasag ang kanyang ulo sa tunog ng bote ng serbesa na humampas sa kanyang ulo.Napaungol si Eddie sa desperasyon, ngunit nakaluhod lamang siya sa lupa, hindi man lang kayang tumayo.Kasing tahimik ng sementeryo ang box. Ang mga walang ingat na binata kanina ay nanginginig sa takot
“Halika, Brother Chad! Dito po!"May sinamahan lamang na ibang lalaki si Boss Hart sa araw na iyon.Sa oras na magkasama na ang lahat, nakita nila ang isang lalaking nakasuot ng black suit at sunglasses na papasok sa kahon."Covey... Covey Chad..."Halos maihii si Eddie King sa pantalon niya pagkakita sa lalaki.Bagong saltang leader lang si Boss Hart ng mga gangster.Ngunit iba si Covey!Usap-usapang isa siyang lalaking may pambihirang kakayahan. Walang nakakaalam kung saan siya nagmula, meron siyang ‘di mabilang na mga taong naglilingkod sa ilalim niya.Kahit si Boss Hart ay isa lang niyang mapagpakumbabang galamay.“Brother Chad, Boss Hart, mga batang babae pa silang lahat! Ang gaganda at cute nila! Hehehe…”Ang gangster sa harap ay mapagmasid sa mga batang babae.Nagpakita ng malaswang ekspresyon si Boss Hart sa kanyang mukha at patuloy na tiningnan ang ilan sa mga babae.Si Covey sa kabilang banda ay may natitirang kagandahang-asal na nagpakita ng isang boss, hindi man
Matapos maramdaman ang tingin ng mga estudyante sa kanya, lalo na si Xynthia Zimmer, pakiramdam ni Eddie King ay lumaki ang kumpyansa niya.Hindi niya namalayang tumayo, yumuko at tumango.“Brother Chad, Boss Hart, pinag-uusapan kayo lagi ng ama ko. Sinabi niyang literal kayong mga bayani sa mga lansangan!""Pareho kayong napakahusay sa inyong trabaho. Hindi niyo pahihirapan ang mga musmos na bata ngayon, ‘di ba?”"Brother Chad, huwag mo sana akong pagmukhang masama ngayon. Kalimutan natin lahat ng ito, okay lang ba sa iyo?”"Kasalanan ito ng kaklase ko ngayon at labis akong humihingi ng tawad. Hihilingin ko sa ama ko na maghanda masarap na pagkain para sa inyo at tratuhin kayong mga boss nang maayos. Ano sa palagay niyo?"Nagpakita si Eddie ng mukha na puno ng kayabangan matapos niyang magsalita.Kahit nasa seafood business ang kanyang ama, milyonaryo na siya, ilang bilang ng mga gangster ang nangangailangan ng suporta niya para magbigay ng mga pagkakataon at ng pagkain sa kani
Napatigil ang mga gangsters sa sandaling iyon dahil sa ugali ng lalaking iyon.Galit na galit si Boss Hart pagkatapos ng ilang sandali at sinabi, "Bilis! Kaladkarin ang lalaking iyon dito!”“Nagyayabang sa harap ni Brother Chad. Sino siya palagay sa niya?!"Sa utos ni Boss Hart, lumakad ang gangster na hahaplusin na sana ang mga hita ni Xynthia Zimmer papunta kay Harvey York at sinubukang hawakan ang ulo ni Harvey na may intensyong hilahin siya.Si Harvey, na may malamig na tingin, ay naabot ang kanyang kamay bilang sagot, kaswal na hinawakan ang kamay ng gangster.Crack!Sa isang bahagyang pag-ikot, kaagad na dinislocate ni Harvey ang kamay ng gangster.“Aaaaahhh....”Isang nakakakilabot na sigaw ang umalingawngaw sa buong box.Nagulat sa lahat ng naroroon sa kanilang nakita.Lalo na nang makita nila ang palad ng gangster na kakaiba ang pagka-baluktot. Tumutulo ang malamig na pawis sa mukha ng lahat.'Gaano ba talaga kalakas ang lalaking ito?'Natulala din si Xynthia sa ka
Thud thud thud!Hindi alam ng mga gangster kung anong nangyari, ngunit hindi sila naglakas-loob na sumuway dahil hiniling ito ni Covey Chad.Sa sandaling iyon, ang eksena ng ilang dosenang taong nakaluhod ay parang isang aktwal na eksena sa pelikula, na talagang nakakagulat.Mahigpit na nakahawak si Boss Hart sa kanyang ulo; kahit hindi niya maunawaan ang sitwasyon, lumuhod din siya sa harap ni Harvey York. Hindi siya naglakas-loob na gumalaw.Ang mga gangsters sa sandaling iyon ay sinusubukang hulaan ang totoong pagkakakilanlan ng lalaking nakaupo sa sofa.'Talagang nakaluhod ang upstart ng Buckwood?''Hindi ba kilalang-kilala ang lalaking ito sa pagiging malupit at walang awa?'Gulat na gulat si Eddie King!Alam na alam niya kung sino ang kinakatawan nina Covey at Boss Hart! Ang mga milyonaryong tulad ng kanyang ama ay wala ng kanilang galang, ngunit nagawa ng brother-in-law ni Xynthia Zimmer paluhurin silang pareho sa sahig.'Talaga bang nakakakilabot ang maalamat na live-
Nang umalis si Blaine John kasama ang badge, nagpatuloy si Harvey York sa kanyang trabaho bilang isang dalubhasa sa geomancy sa Fortune Hall.Si Castiel Foster ay nag-papanik na dahil siya lang ang nag-aasikaso sa mga customer.Sa pagbabalik ni Harvey, agad na tumaas muli ang morale ng buong lugar.Pagkatapos ng tatlong araw ng kapayapaan at katahimikan, nagpakita si Kade Bolton ng isang nakakatakot na ekspresyon nang dumating siya sa Fortune Hall mula sa punong-tanggapan ng Heaven’s Gate."Masama ito, Sir York," sabi niya, mabilis na naglakad patungo kay Harvey."Normal lang na may mangyari sa lungsod ngayon, di ba?"Nagsalita si Harvey habang gumuguhit ng isang talisman para sa isang customer.“May naghamon ba sa pamilya mo?"Umiling si Kade."Wala, pero may naghanap ng gulo sa pamilya Pagan."Nagtigilan si Harvey. Mabilis niyang pinunasan ang kanyang kamay gamit ang wet wipes bago dalhin si Kade sa likuran."Magsalita ka lang."Agad dumiretso sa punto si Harvey."Mayroo
”Mananatili ka dito.”Tumawa ng malamig si Master Morgraine.“Isa akong tagalabas, pero mula pa rin sa mundo ang pamilya ko.“Hindi ako umalis mula noong sumali ako sa sacred martial arts training grounds dahil hindi ko kayang iwan ang pamilya ko.“Kayo ang mga hadlang sa’kin!“Natural lang na may gawin ako para sayo sa pagkakataong ito.“Ipapakita ko kay Representative York kung gaano kakomplikado ang mga bagay sa Golden Sands!“Maging ang sacred martial arts training grounds ay walang magagawa kundi magpakumbaba!“Anong silbi ng buhay ng lalaking ‘yun kung ang tanging kaya niyang gawin ay gamitin ang pangalan ng Martial Arts Alliance para magmalaki?“Sisiguraduhin kong magkakaroon siya ng magandang leksyon!”Nagpakita ng masamang ekspresyon si Blaine John.“Hindi pwede ‘yun…“Maraming taon kang hindi lumaban.“Nagawang patayin ni Harvey York si Layton Surrey!“Sinasabi sa mga alamat na kasing lakas siya ng isang God of War…“Ito ay…”Suminghal si Master Morgraine.“S
"Sana magamit mo ang iyong katayuan para makausap si Representative York. Makakahingi ako ng tawad nang personal pagkatapos noon."Seryoso ako, Tita! Kaya kong tiisin ang anumang parusa!"Sana lang na tumigil na si Representative York sa pagpapahirap sa mga John... Hindi ko pwedeng hilahin pababa ang pamilya dahil sa aking pagkakamali..."Mukhang handa nang magbago si Blaine.Dahan-dahang umupo si Master Mograine bago ininom ang kanyang tsaa."Si Representative York? Ang lalaking tumalo sa lahat ng mga nangungunang talento ng India sa Flutwell? Nasa Golden Sands siya?"Bumuntong-hininga si Blaine.“May mga bagay na hindi mo alam, dahil nag-iisa ka."Hindi lang siya nandito, kundi nagdudulot din siya ng gulo sa buong siyudad."Ang Heaven's Gate ay nagkaroon ng ganap na pagbabago ng kapangyarihan dahil sa kanya."Pinatay pa niya si Layton dahil dito."Ipinaliwanag ni Blaine ang lahat ng ginawa ni Harvey sa ilang pangungusap lamang. Hindi siya nagbigay ng anumang pahiwatig, at h
Si Blaine ay huminga ng malalim na para bang upang kalmahin ang hindi pangkaraniwang pag-uga ng kanyang katawan, bago magalang na humakbang pasulong."Nandito ako para makita ka ulit, Tita.""Sabi ko na sa'yo ng maraming beses, Blaine. Monghe na ako ngayon. Maaari mo akong tawaging Master Mograine.”Lumingon ang monghe bago sumulyap kay Blaine na may inis na ekspresyon.Tinititigan niya nang masama, pero ang kanyang mga mata ay nananatiling kaakit-akit.Ngumiti si Blaine."Tiyahin pa rin kita. Wala akong pakialam kung monghe ka o hindi. Ang lugar na ito ay para sa iyo hangga't gusto mo.”Tumawa si Master Morgraine, pagkatapos ay hinaplos ang ulo ni Blaine.“Matagal na mula nang huli kang pumunta dito. Mayroon bang bumabagabag sa iyo?""Hindi ka lang isa sa apat na matatanda ng Immortal Pavilion, kundi isa ka ring himalang doktor na kahit ang hindi mabilang na mayayamang pamilya ay hindi makuha," sabi ni Blaine."Hindi ito labis na pagpapahayag kung sasabihin kong mataas ang iyon
Lumapit si Kairi kay Harvey at tiningnan siya bago bumuntong-hininga.Salamat sa lahat sa mga nakaraang araw."Sa wakas kumilos na si Blaine, pero nakuha mo siyang pabagsakin ng dalawang beses.Mahirap na kayong magkasundo sa puntong ito."Ang laban namin ni Blaine ay magiging ganap na pampubliko na rin ngayon.""Kasama niya si Westley. Isa lang siyang utusan ni Emery, pero isa pa rin siyang kilalang tao na maaaring gawin ang kahit anong gusto niya sa Wolsing."Dalawang sampal para sa dalawang tao. May bagyo nang paparating sa Golden Sands sa lalong madaling panahon…”Inilapag ni Harvey ang kanyang tasa."Di ba ito mismo ang inaasahan mo?"Ang sitwasyon ng lungsod ay kasing linaw ng araw."Ang mga mayayamang pamilya ng Golden Sands ay kailangan nang pumili ng panig ngayon.O mananatili sa kontrol ang mga Johns, o ang mga Patels ay pagsasamahin ang buong lungsod."Maganda ito para sa'yo, di ba? Mas mabuti talagang maging tiyak."Ang mga bagay ay maaari lamang ayusin sa ganung para
Huminga ng malalim si Blaine.“May kasabihan… Kung ano ang itinanim, siya ring aanihin."Hindi kailanman huli ang lahat para maghiganti. Hindi ko ito basta-basta palalampasin. Titiyakin kong makakakuha si Harvey ng leksyong nararapat sa kanya.”Inirapan ni Alani si Blaine matapos niyang marinig na binalewala ni Blaine ang tungkol dito."Bakit hindi mo na lang siya harapin, Young Master John? Kung palihim mo siyang aatakihin, hindi niya alam kung anong tumama sa kanya!"Syempre, kung ayaw mo siyang patayin, dapat yung mga tao na lang sa paligid niya ang puntiryahin mo! Hindi lang siya magdurusa, kundi may posibilidad pang bumagsak siya!"Sa ganitong paraan, mananalo tayo nang hindi lumalaban! Sisiguraduhin kong malalaman ng mga nakatataas ang mga achievement natin! Siguradong…”Pak!Sinampal ni Blaine ang mukha ni Alani.Sumigaw siya sa sakit, at bumangga sa sulok ng kotse. Ang kanyang katawan ay nanginginig nang labis. Isang hindi maipaliwanag na puwersa ang nakatago sa tila si
Patawarin mo ako, Mr. Quill! Kasalanan ko ito!“Humihingi ako ng tawad! Sana ay mapatawad mo ako bago ka mamaalam!”Hindi gaya ng dati, ang kayabangan ni Blaine ay napalitan ng pagpapakumbaba. Hindi siya mukhang isang young master noong sandaling iyon.Ang lahat ay nagulat, pero kinailangan nilang aminin na talagang kahanga-hanga na siya ay napaka-flexible. Tanging isang tunay na elite tulad niya ang makakapagtiis ng ganitong kahihiyan.Pati si Harvey ay nagpakita ng mapaglarong ekspresyon nang tumingin siya kay Blaine.Ang isang mapagmataas at mayabang na lalaki ay madaling harapin, ngunit… Ang isang flexible na lalaki na handang tiisin ang anumang hirap ay tiyak na magiging mahirap kalabanin.Nang matapos na si Blaine sa paghingi ng tawad, tumayo na siya.“Aalis na tayo!”Umalis siya ng nakatingin nang masama sa grupo ng mga taong dumating para magdulot ng gulo sa simula pa lang."Sinabi ko bang maaari silang umalis?" sumigaw nang malamig si Harvey.“Ano pa bang gusto mo?!”
Kumibot ang mga mata ni Blaine sa pagiging dominante ni Harvey.Nagulat si Alani at ang iba pang mga babae.Syempre, hindi nila inisip na magiging mas mabangis si Harvey kaysa kay Blaine sa ganitong sitwasyon.Si Blaine ay isa sa mga batang panginoon ng sampung pinakamayamang pamilya!Isang kilalang tao na wala nang ibang magagawa kundi magpatirapa ang lahat sa Country H!At sa kabila ng lahat, siya ay lubos na pinigilan ni Harvey!Hindi ito kapani-paniwala!Ang mga guwardiya ni Blaine ay handang sumulong, ngunit agad silang pinigilan ng mga disipulo na itinutok ang kanilang mga armas sa kanilang mga ulo.Agad na naging tense ang hangin.Alam ng mga guwardiya na magagaling silang mga mandirigma, ngunit hindi sila makakaligtas kung lalabanan nila ang Heaven’s Gate."Malapit na ang oras. May tatlumpung segundo ka pa.”Tumingin si Harvey sa Rolex sa kanyang pulso."Sa totoo lang, mas gusto ko na huwag kang sumang-ayon sa mga kondisyon ko. Sa ganitong paraan, maari kitang durugin ng
Ang mga ordinaryong tao ay matatakot nang labis sa lahat ng mga paninirang iyon…Gayunpaman, ngumiti lamang si Harvey. Pinagkrus niya ang kanyang mga braso, at nilapitan si Blaine. Pagkatapos, bago makapag-react si Blaine, sinampal niya si Blaine.Pak!Si Blaine ay naitapon at bumagsak sa lupa.Kahit na siya ay lihim na isang eksperto sa martial arts, hindi siya nakapag-react nang mabilis upang maiwasan na tamaan siya ni Harvey. Akala niya na hindi siya nakaiwas dahil siya ay naging pabaya; hindi niya inasahan na gagawin ito ni Harvey sa kanya.Natahimik ang mga tao.Sino nga ulit si Blaine…?Siya ang young master ng John family! Kahit na gaano siya ka-low-key, isa pa rin siya sa mga pinakamahusay na young master sa bansa.Gayunpaman, naglakas-loob pa ring sapakin ni Harvey ang lalaki sa mukha sa ilalim ng ganitong mga pangyayari…Sino ang nagbigay sa kanya ng lakas ng loob?Nagulat sina Azrael at ang iba pa; hindi nila inasahan na ganito kalakas si Harvey.Hinawakan ni Blai