Habang nakatingin kay Xynthia Zimmer na tila insecure sa sandaling iyon, napagtanto agad ni Harvey York ang intensyon ng sinasabing pagtitipon.Hindi na nagsayang ng oras ang mga delinquents at nag-plano ng karumal-dumal na mga bagay kay Xynthia.Tanging si Xynthia lang ang nagpapakatanga, sa pag-aakalang nakipagkita lamang niya sa isang admirer.Dati, hinabol siya ng mga tao sa Niumhi ngunit medyo mataas ang reputasyon ng mga Zimmer, kung kaya walang sinuman ang naglakas-loob na kalabanin sila.Ngunit anong klaseng lugar ang Buckwood? Magkasama ang mga loko at santo dito, kahit ang mga bilyonaryo ay hindi kaya ang kanilang sarili sa isang lugar na tulad nito. Ang isang lokal na tulad ni Eddie King ay may dalawang suite na nagkakahalaga ng milyun-milyon, bakit siya may pake sa background ng isang batang babae mula sa isang bilyonaryong pamilya?“Umalis ka, Harvey! Ayokong umuwi, hindi ikaw ang boss ko!" Sigaw sa kanya ni Xynthia habang wala siyang balak na umalis.Sumimangot si H
Clap clap clap…Dinala ng gangster sa harap ang kanyang kamay papunta sa mukha ni Eddie King at marahang tinapik ito habang bahagyang nakangiti."Kid, hindi ba ang yabang mo? Sa tingin mo ay mabangis ka, no? Anong pakiramdam mo ngayon? Gusto mo pa rin bang lumuhod ang mga tao ko?"“Boss, kasalanan ko ito! Nagkamali ako. Ignorante ako!"Alam ni Eddie ang kanyang hangganan, agad siyang sumuko. Rinig ang tunog ng pagtama ng kanyang mga tuhod sa sahig sa buong box.Mahalaga para sa kanya na magpakitang-gilas, ngunit pinakamahalaga ang maprotektahan niya ang kanyang buhay!Pak!Sinampal siya ng gangster sa harap, pagkatapos ay kumuha ang isang bote ng serbesa sa isang mesa at hinampas ito sa kanyang ulo. Nabasag ang kanyang ulo sa tunog ng bote ng serbesa na humampas sa kanyang ulo.Napaungol si Eddie sa desperasyon, ngunit nakaluhod lamang siya sa lupa, hindi man lang kayang tumayo.Kasing tahimik ng sementeryo ang box. Ang mga walang ingat na binata kanina ay nanginginig sa takot
“Halika, Brother Chad! Dito po!"May sinamahan lamang na ibang lalaki si Boss Hart sa araw na iyon.Sa oras na magkasama na ang lahat, nakita nila ang isang lalaking nakasuot ng black suit at sunglasses na papasok sa kahon."Covey... Covey Chad..."Halos maihii si Eddie King sa pantalon niya pagkakita sa lalaki.Bagong saltang leader lang si Boss Hart ng mga gangster.Ngunit iba si Covey!Usap-usapang isa siyang lalaking may pambihirang kakayahan. Walang nakakaalam kung saan siya nagmula, meron siyang ‘di mabilang na mga taong naglilingkod sa ilalim niya.Kahit si Boss Hart ay isa lang niyang mapagpakumbabang galamay.“Brother Chad, Boss Hart, mga batang babae pa silang lahat! Ang gaganda at cute nila! Hehehe…”Ang gangster sa harap ay mapagmasid sa mga batang babae.Nagpakita ng malaswang ekspresyon si Boss Hart sa kanyang mukha at patuloy na tiningnan ang ilan sa mga babae.Si Covey sa kabilang banda ay may natitirang kagandahang-asal na nagpakita ng isang boss, hindi man
Matapos maramdaman ang tingin ng mga estudyante sa kanya, lalo na si Xynthia Zimmer, pakiramdam ni Eddie King ay lumaki ang kumpyansa niya.Hindi niya namalayang tumayo, yumuko at tumango.“Brother Chad, Boss Hart, pinag-uusapan kayo lagi ng ama ko. Sinabi niyang literal kayong mga bayani sa mga lansangan!""Pareho kayong napakahusay sa inyong trabaho. Hindi niyo pahihirapan ang mga musmos na bata ngayon, ‘di ba?”"Brother Chad, huwag mo sana akong pagmukhang masama ngayon. Kalimutan natin lahat ng ito, okay lang ba sa iyo?”"Kasalanan ito ng kaklase ko ngayon at labis akong humihingi ng tawad. Hihilingin ko sa ama ko na maghanda masarap na pagkain para sa inyo at tratuhin kayong mga boss nang maayos. Ano sa palagay niyo?"Nagpakita si Eddie ng mukha na puno ng kayabangan matapos niyang magsalita.Kahit nasa seafood business ang kanyang ama, milyonaryo na siya, ilang bilang ng mga gangster ang nangangailangan ng suporta niya para magbigay ng mga pagkakataon at ng pagkain sa kani
Napatigil ang mga gangsters sa sandaling iyon dahil sa ugali ng lalaking iyon.Galit na galit si Boss Hart pagkatapos ng ilang sandali at sinabi, "Bilis! Kaladkarin ang lalaking iyon dito!”“Nagyayabang sa harap ni Brother Chad. Sino siya palagay sa niya?!"Sa utos ni Boss Hart, lumakad ang gangster na hahaplusin na sana ang mga hita ni Xynthia Zimmer papunta kay Harvey York at sinubukang hawakan ang ulo ni Harvey na may intensyong hilahin siya.Si Harvey, na may malamig na tingin, ay naabot ang kanyang kamay bilang sagot, kaswal na hinawakan ang kamay ng gangster.Crack!Sa isang bahagyang pag-ikot, kaagad na dinislocate ni Harvey ang kamay ng gangster.“Aaaaahhh....”Isang nakakakilabot na sigaw ang umalingawngaw sa buong box.Nagulat sa lahat ng naroroon sa kanilang nakita.Lalo na nang makita nila ang palad ng gangster na kakaiba ang pagka-baluktot. Tumutulo ang malamig na pawis sa mukha ng lahat.'Gaano ba talaga kalakas ang lalaking ito?'Natulala din si Xynthia sa ka
Thud thud thud!Hindi alam ng mga gangster kung anong nangyari, ngunit hindi sila naglakas-loob na sumuway dahil hiniling ito ni Covey Chad.Sa sandaling iyon, ang eksena ng ilang dosenang taong nakaluhod ay parang isang aktwal na eksena sa pelikula, na talagang nakakagulat.Mahigpit na nakahawak si Boss Hart sa kanyang ulo; kahit hindi niya maunawaan ang sitwasyon, lumuhod din siya sa harap ni Harvey York. Hindi siya naglakas-loob na gumalaw.Ang mga gangsters sa sandaling iyon ay sinusubukang hulaan ang totoong pagkakakilanlan ng lalaking nakaupo sa sofa.'Talagang nakaluhod ang upstart ng Buckwood?''Hindi ba kilalang-kilala ang lalaking ito sa pagiging malupit at walang awa?'Gulat na gulat si Eddie King!Alam na alam niya kung sino ang kinakatawan nina Covey at Boss Hart! Ang mga milyonaryong tulad ng kanyang ama ay wala ng kanilang galang, ngunit nagawa ng brother-in-law ni Xynthia Zimmer paluhurin silang pareho sa sahig.'Talaga bang nakakakilabot ang maalamat na live-
Sa labas ng Dorsett Empire KTV, walang takot na naglakad si Eddie King papunta kay Xynthia Zimmer at sinabi, "Xynthia, ayos ka lang ba? Lalaban na dapat ako para sa buhay natin!"Habang iniisip na halos maihi si Eddie sa pantalon nito, wala man lang pakialam si Xynthia sa kanya.'Kumpara sa brother-in-law ko, wala kang saysay sa akin!'"Hindi ka mahalaga!"Kitang naubos na ang pasensya ni Xynthia.Mga bata pa silang lahat, kahit konting emosyon ay makikita sa kanilang mga mukha. Walang paraan para maitago ito.Bahagyang pumangit ang mga ekspresyon ni Eddie, ngunit mabilis siyang naglabas ng isang mukhang magandang key fob pagkatapos.“Tama, hayaan mo akong ihatid ka pauwi. Nagmamaneho ako ng Porsche 718 ngayon."Habang nagsasalita siya, pinindot ni Eddie ang isang button sa remote key fob na hawak niya.Nag-blink ng pula ang mga headlight ng isang pulang Porsche 718 na malapit.Namangha ang iba pang mga estudyante nang makita ito.Estudyante lang siya!Talagang nakakabilib
“Manahimik ka! Hindi lang ito basta isang van!"Sa sandaling iyon, tumulo ang malamig na pawis sa likod ni Eddie King.Pinayuhan siya ng kanyang ama na huwag i-offend ang mga taong nagmamaneho ng isa sa dalawang uri ng kotse.Isa sa mga ito ay ang Toyota Alphard; ang isa naman ay Tesla.Ito ay dahil masyadong maraming perang pwedeng gastusin ang mga taong nagmamaneho ng mga ganoong klaseng sasakyan.Tila lalong naging misteryoso ang brother-in-law ni Xynthia Zimmer sa mga mata ni Eddie sa sandaling iyon."Tingnan mo nang mabuti kung anong sasakyan ito. Kailangan mong akuin ang responsibilidad para sa mga kalokohang sinasabi mo, alam mo…” sabi ni Harvey York matapos sumakay sa kanyang kotse.Alam ni Xynthia na oras na iyon para sumakay din siya. Naglabas siya ng malaking ngiti at lumapit kay Eddie habang nakakaakit na nirolyo ang mga mata at saka umupo sa front passenger seat.Tahimik na umalis sa eksena ang Toyota Alphard, si Eddie lang ang naiwan sa carpark na hindi maintindih
”Kalokohan!”Galit na galit si Kensley Quinlan."Kailan ko iminungkahi sa'yo ang ganitong bagay?!"Huminga ng malalim si Cristan Gibson bago tumingin kay Kensley na may mukha na kasing puti ng papel."Tuwing tinatanong mo ako, lagi mong sinasabi na maliligtas ako kung aaminin kong sina Sir York at ang iba pa ang mga nakatataas ko!""Di ba iyon ay itinuturing na mungkahi?""Ayon sa mga patakaran, may video footage ng bawat Golden Cell interrogation!""Ang lahat ng sinasabi ko ay mapapatunayan sa sandaling makita natin ang mga iyon!"Nagbago ang ekspresyon ni Kensley habang siya ay magbibigay ng isang kilos."Ms. Kensley, mas mabuti pang huwag mong utusan ang mga tauhan mo na sirain ang footage," sabi ni Harvey habang pinupunasan ang kanyang mga daliri."Bukod sa pagpapakita na may kasalanan ka talaga, wala kang makakamit na kabutihan!"Muntik nang mabali ang ngipin ni Kensley dahil sa pagngangalit. Na-control ni Harvey ang buong sitwasyon gamit ang kanyang mga salita muli, ha
Tumango si Harvey York kay Peyton Horan bago hampasin si Cristan Gibson sa kanyang noo.Sa susunod na sandali, dahan-dahan niyang itinaas ang kanyang kamay bago ipakita ang asul na karayom na hinugot mula sa ulo ni Cristan.Hindi masyadong inisip ni Kensley Quinlan ito, naniniwala na hindi kayang alisin ni Harvey ang restriksyon ni Cristan…Ngunit agad na namutla ang kanyang mukha nang makita ang karayom.Ang lalaking iyon ang nagtakda ng limitasyon, ngunit napakadali nitong naalis…Pfft!Hinila ni Harvey ang mas maraming karayom mula sa puso at tiyan ni Cristan.Nang hinila ang huling karayom, tila agad na-relieve si Cristan. Ang kanyang masakit na ekspresyon ay hindi na makita.Clink!Binalibag ni Harvey ang karayom sa lupa nang walang pakialam. Si Kensley at ang iba pa ay agad na umatras matapos naamoy ang masangsang na amoy mula sa mga karayom.Tuluyang pinabayaan ni Harvey ang mga tao nang punasan niya ang kanyang mga daliri gamit ang tissue."Ayan. Ayos na si Cristan n
"Pagkatapos ng pagkamatay niya, na nangyari noong madaling-araw, binigyan mo si Cristan Gibson ng isang daan at limampung libong dolyar."Pinag-isipan ni Prince Gibson ang sitwasyon.“Tama ‘yun. Kamag-anak ng pamilya si Cristan. Matagal na siyang nagtatrabaho para sa’min.“Sinabi niya na papakasalan na niya ang kasintahan niya. Ibinigay ko sa kanya ang pera na ‘yun para mabili niya ang bahay na binabalak niyang bilhin.”“Malamang ibinigay mo sa kanya ang pera para sa ibang dahilan…?” malamig na tanong ni Kensley Quinlan.“Ang perang iyon ay para sa matagumpay niyang pagpatay kay Master Aung, tama ba?”Nagpakita ng pangit na ekspresyon si Prince. Napagtanto niya na pinapaikot lang siya ni Kensley.“Syempre, hindi ako magdududa kung kaya mong patunayan na totoo ang sinasabi mo.“Pero yung totoo, inimbestigahan na namin si Cristan.“Wala siyang kasintahan. Ibig sabihin nun nagsisinungaling ka!”Nanahimik si Prince sandali bago siya tumingin kay Cristan.“Siguradong kaya itong p
Alas dyis ng gabi.Opisyal nang nagsimula ang paglilitis.Napakalinis ng main hall ng Golden Cell.Ang mga kinatawan ng apat na haligi ay nakaupo sa matataas na upuan sa magkabilang gilid.Nakaupo si kensley Quinlan sa gitna ng nakasimangot.Sila Faceless at Flawless ay nakaupo sa isang pwesto na sinadya para sa pamilya ng biktima.Pagkatapos malapatan ng first aid ang kanyang mga sugat, sa wakas ay muling huminahon si Flawless noong nagpakita siya ng malamig na tingin.Yung totoo, maraming beses nang pinag-isipan ni Faceless na tumakas, ngunit pinakalma niya ang kanyang sarili noong sunud-sunod na dumating ang mga kinatawan ng apat na haligi.Maliban sa kanya, pati sila Shay Gibson at Prince Gibson ay sinabihan na manatili.Si Darwin Gibson at ang iba pa ay nakaupo sa hanay ng mga manonood.Ang upuan ng defendant ay inilaan para kay Harvey York.Pinagkrus ni Eliel Braff ang kanyang mga braso habang nakatingin siya ng maigi sa eksena sa di kalayuan.“Halina! Papasukin ang m
Bago matapos sa pag-uusap ang dalawa, isa pang tao ang dumating.Ang taong ito ay isang lalaking may mukha na kasing ganda ng sa isang babae, na nakangiti ng malumanay.Ang mga taong pamilyar kay Yvonne Xavier ay siguradong makikita ang pagkakapareho nila.Naglakad ang lalaki palapit kay Eliel Braff bago yumuko bilang paggalang.“Ang tagal nating hindi nagkita, Mr. Braff. Kamusta ka?" “Ayos naman," sagot ni Eliel bago siya tumingin kay Harvey York.“Hayaan mong ipakilala kita, Sir York. Ito si Jesse Xavier mula sa isa sa top ten families. Siya ang young master ng Xavier family at siya rin ang huling disipulo ng master ng Dragon Guards.“Hindi rin isang pagmamalabis na tawagin siyang susunod na tagapagmana ng master.”Tinitigang maigi ni Harvey si Jesse bago siya ngumiti ng bahagya.“Nagkita na tayo dati." Gulat na gulat si Eliel. Hindi niya inasahan na nagkita na pala noon ang dalawa.Ngumiti pabalik si Jesse matapos niyang makita ang ekspresyon ni Harvey.“Dapat ba kitan
Malaking problema ito!Umupo si Kensley Quinlan sa kanyang upuan ng may pangit na ekspresyon.Ni hindi nagsama ng ibang tao si Eliel Braff, ngunit walang sinuman ang nangangahas na kumilos dahil lang sa mismong presensya niya.Namumutla nang husto ang mga mukha ng mga tao ng Golden Cell. Natural, hindi nila alam kung ano ang susunod na mangyayari.Pagkaraan ng dalawang oras, sumulpot sa malayo ang mga armadong sasakyan, na hinarangan ang lahat ng mga daanan.Agad na lumala ang ekspresyon ni Kensley!Ito ang Dragon Cell!Nagpunta sila dito sa Golden Sands bago nila kinontrol ang mga depensa ng Golden Cell. Hindi maniniwala si Kensley kapag may nagsabi sa kanya na walang ideya ang mga nakakataas tungkol sa sitwasyon.Nagsimulang magdatingan ang mga mamahaling sasakyan.Dumating ang iba’t ibang mga prominenteng tao.Ang mga taong iyon ay hindi ang mga namumuno sa apat na haligi ng bansa, ngunit ang bawat isa sa kanila ay siguradong mas mataas kumpara sa libo-libong mga tao.Si
Sa isang palasyo sa pinakamataas na bundok ng Country H.Naipon ang niyebe sa may entrance sa loob ng matagal na panahon. Matagal nang walang nagpupunta sa lugar na ito.Ngunit sa araw na ito, tatlong armored helicopter ang dahan-dahang lumapag dito, na tumangay sa niyebe palayo.Isang kalmadong boses ang umalingawngaw mula sa loob ng palasyo noong huminto ang mga rotary blade.“Ano ‘yun?”Dose-dosenang tao ang lumabas mula sa cockpit bago lumuhod ang taong nangunguna sa grupo.“M’lord! Hinihiling ng first-in-command na pumunta ang apat na haligi ng bansa para sa paglilitis sa Golden Sands!“Papunta na doon ang binibini nang marinig niya ang balita.”“Kung ganun, hayaan niyo siya. Gayunpaman, sabihin niyo sa kanya na hindi pagmamay-ari ng kahit na sino ang Dragon Palace,” sagot ng tao na nasa loob ng palasyo pagkatapos niyang bumuntong-hininga.“Dahil kinakatawan niya ang Dragon Palace, kailangan niyang sundin ang batas. Kung hindi, hindi ko siya maililigtas.”Ang fifth lady
"Kung ano ang itinanim, siya ring aanihin. Tama?""Gusto mong magtuos tayo sa susunod na pagkakataon?"Si Harvey York ay mukhang kalmado."Pasensya na, pero hindi ako interesado diyan!""Tutuldukan ko na ang sitwasyon ngayon!"Nagpakita si Kensley Quinlan ng malungkot na ekspresyon nang matagal."Anong gusto mong gawin?"Bahagyang ngumiti si Harvey."Syempre, gusto kong lumuhod ka at humingi ng tawad sa ngalan ng Dragon Cell upang aminin ang iyong mga pagkakamali.""Para ipaalam sa taong sumusuporta sa iyo...""Na may kapalit ang mga ginagawa niya."Tungkol sa lahat ng mga paratang na ibinato mo sa akin..."Kung may ebidensya ka, ipakita mo na ngayon."Naniniwala ako na habang nandito si Mr. Braff..."Magkakaroon ang lahat ng patas at makatarungang paglilitis na nararapat sa kanila!”Nagngitngit ang mga ngipin ni Kensley."Nasa panig na si Mr. Braff!“Tapos nagsasalita ka tungkol sa pagiging patas?!""Oh? Hindi ka ba naniniwala kay Mr. Braff?Ngumiti si Harvey."Kun
”Sobra na?”Tumawa si Eliel Braff."Sabi ko bibigyan kita ng pagkakataon, pero ayaw mo naman! Ano ang dapat kong gawin kung ganun?"Dahil hindi ka tatawag, malinaw na inosente si Harvey.""Tatapusin na natin ito dito.""Utusan mo ang mga tao mo na umalis!"Matapos makita si Eliel na kumikilos nang napaka-dominante, napuno ng takot at galit si Kensley Quinlan."Sige!" malamig niyang sinabi."Dahil patuloy mo pa rin siyang poprotektahan, bahala ka na!""Sa kabila ng lahat ng ito, palaging magkakaroon ng pagkakataon para magkita tayong muli!""Kung ano ang itinanim, siya ring aanihin!""Tatapusin na natin ito dito!"“Pero hindi magtatagal magtutuos tayo ulit!”Ikinumpas ni Kensley ang kanyang kamay na may pangit na ekspresyon. Si Maisie Xavier at ang iba pa ay nakaramdam ng sama ng loob, ngunit wala silang ibang pagpipilian kundi ang tumabi.Ang mga tao ng Golden Cell ay labis na nagalit!Matagal na silang nagtatrabaho para sa organisasyon, ngunit ito ang unang pagkakataon