Ginugol ni Harvey ang ilang segundo sa paglalaro ng kanyang relo bago tuluyang lumingon kay Queenie. "Lantaran kang nagpapakita sa akin. Hindi ka ba natatakot na malaman ito ni Quinton at patayin ka?""May puso ba siya para patayin ng cute na kapatid niyang babae?" Matamis na ngumiti si Queenie."Cute?" Ngumisi si Harvey. Pwede ilarawan ng maraming bagay ang babaeng nasa harapan niya. Manipulative, isang femme fatale, may malamig na kagandahan, mapanganib na malandi... Ang pagiging cute ay hindi isa sa mga iyon. Hindi talaga bagay sa kanya maging cute.Syempre, hindi maitanggi ni Harvey ang kanyang kagandahan. Gayunpaman, alam niyang isa lamang itong sandata pumatay.Isang napakalakas na sandata, kaya nitong sirain ang bansa at ang mga tao."Kung hindi mo inisip na cute ako, bakit mo ako dinala sa mga York noon?" Kalmadong tanong ni Queenie, inaalala ang kanilang nakaraan.“Walong taong gulang pa lang ako nang inuwi kita. Paano ko malalamang ang tatlong taong gulang na batang bab
Napatingin si Queenie York sa direksyon kung saan umalis ni Harvey. Pagkaraan ng ilang sandali, napangiti siya. "Second Brother, mang-hula tayo. Sa palagay mo ba ay nakadirekta sa akin ang mga salita niya, o sa iyo?"Isang lalaking naka-tunic ang naglakad palabas. Pinaglalaruan niya ang isang piraso ng chess na gawa sa jade na nakakapit sa kanyang kamay. Walang pakialam niyang sinabi, "Para sa akin iyon, at para din sa iyo...""Hindi ka ba natatakot?" Tanong ni Queenie."Bakit ako matatakot? Hindi ka dapat matakot kung gusto mong amuhin ang isang galit na kabayo. Ganyan ang mga York, pati na rin ikaw." Kita ang pag-aalab ng damdamin sa mga mata ni Quinton, ngunit mabilis niyang huminahon.Hindi siya sigurado kung naintindihan siya ni Queenie. Kaswal na sagot ni Queenie, "Dahil pumunta si Big Brother para magdeklara ng giyera, titigil na ako sa paglalaro sa sister-in-law ko.""Bahala ka." Lumabas si Quinton ng suite."Pero payo ko lang sa iyo, huwag kang labis-labis. Kahit na ako
Labis na pasasayahin ng pangyayaring ito ang mga kababaihan ng pamilya Zimmer na hindi pa kasal. Tuwang tuwa sila, hindi sila makatulog nang maayos.Naramdaman nilang isa pa itong regalo ni Prince York sa kasal para sa kanyang magiging asawa.Kung sino man ang mapiling bagong CEO ay makukuha ang fifty-one percent ng shares mula sa Sky Corporation.Para kay Senior Zimmer, mapapalitan na siya.Sa araw na ito, dumating sa Buckwood ang buong angkan ng pamilya Zimmer at nagpulong sa bagong company building ng Zimmer Enterprise.Nakaupo si Senior Zimmer sa upuan ng CEO at tiningnan ang mga Zimmer na nasa harapan siya. Kita ang ambisyon sa kanilang mga mata, anuman ang kanilang kasarian.Ang CEO ng isang bagong kumpanya, na sinusuportahan ng makapangyarihang si Prince York! Nakatakda ang ganitong klaseng sitwasyon para gawin silang isang first-class na pamilya sa Buckwood!Tila hihimatayin ang mga Zimmer sa sobrang pagkasabik dahil sa nasabing hindi kapani-paniwalang posisyong ito.Mu
Nagpalitan ng tahimik na tingin ang mga Zimmer habang nakikinig sa masigasig na bulalas ni Zack.Bagaman may kanya-kanya silang kasakiman at ambisyon...Si Senior Zimmer ang in charge sa mga Zimmer sa loob ng maraming, maraming taon.Kahit hanggang ngayon, gusto pa rin niyang manatili sa kapangyarihan. Sino ang naglakas-loob na suwayin siya mismo?"Father, iniisip din namin na ikaw ay pinaka-akma na maging CEO!"Si Sean Zimmer ang unang tumayo at suportahan si Zack.“Oo! Hangga't ikaw pa rin ang magiging CEO, anuman ang tawag sa bagong kumpanya, ito pa rin ang Zimmer Enterprise!""Lolo, malayo na ang narating nating mga Zimmer. Sa ilalim ng iyong pamumuno, abot-kamay na natin ang pagiging isang first-class na pamilya sa Buckwood!"Alam ni Senior Zimmer na hindi bukal ang kanilang loob, ngunit nasiyahan siya ng kanilang mga salita. "Kayong lahat…""Matanda na ako. Gusto kong mag-retiro at mag-enjoy ng magandang kapalaran.""Pero kapag tiningnan ko kayong mga kabataan, bukod ka
"Oo ... Mukhang may ganoong tsismis.""Gusto ni Prince York ng bata para maging bagong CEO.""Nabanggit din ni Prince York na magdadala ng bagong perspektibo ang nakakabatang henerasyon. Nais niyang bigyan tayong mga Zimmer ng pagkakataon para patunayan ang ating sarili. Hindi tayo pwedeng magkamali."“Buo ang suporta namin sa iyo, lolo. Pero ayos lang bang suwayin nang ganito si Prince York?""Nagmamay-ari si Prince York ng fifty-one percent ng shares natin. Sa madaling salita, makokontrol niya ang kumpanya natin ngayon at sa hinaharap. May katuturan ba para pumili tayo ng bagong CEO ngayon?"Natahimik si Senior Zimmer.Nagpanggap ang mga Zimmers mukhang napahiya, na parang labag iyon sa kanilang konsensya.Sa totoo lang, halos ngumisi sila nang malawak.Paano sila makakakuha ng pagkakataong umangat kung hahayaan nila ang matandang ito na manatili sa kapangyarihan?Ngayong gumawa ng gulo ang live-in son-in-law na ito, sinakyan lamang nila ito.Sa ganitong paraan, magkakaroon
Kung hindi makahanap si Senior Zimmer pagbabalingan ng kanyang galit, ilalabas niya ang kanyang galit kay Zack.Kilalang kilala ni Zack ang kanyang lolo.Ang sinumang "angkop" sa sandaling ito ay sobrang malas.Sa sandaling ito, binaling niya ang kanyang tingin kay Mandy Zimmer.Palagi siyang kinamuhian ni Senior Zimmer. Magiging maganda kung hahayaan niya siyang ang maging pinaka "angkop" na tao."Lolo, sa palagay ko si Mandy ang pinaka-angkop!""Kung sabagay, siya ang nag-uwi ng framework agreement! Karapat-dapat siyang maging CEO ng bagong kumpanya!"Sumatsat si Zack, nagsasalita nang walang pakialam sa mundo.Dapat niyang purihin si Mandy! Habang lalo niyang pinupuri siya, mas masama ang mga bagay para sa kanya.Tila hindi nakita ng natitirang mga Zimmer ang intensyon ni Zack. Gayunpaman, ang ilan sa kanila ay pinag-isipan ang kanyang mga sinabi at pagkatapos ay sumasang-ayon sa kanya."Oo, pamilyar si Mandy sa mga tao ng Sky Corporation. Kaya, okay lang na siya ang magin
Kung talagang kailangang pumili ni Senior Zimmer sa mga batang Zimmer para maging CEO, siguradong kakailanganin niyang piliin si Mandy Zimmer.Pagkatapos niyan, nakagawa na siya ng huli niyang desisyon. "Inaasahan ni Prince York pipili ang mga Zimmer ng bata para maging bagong CEO.""At saka, malaki na ang naging kontribusyon ni Mandy sa pamilya Zimmer!""Kung kaya, sa palagay ko’y hahayaan ko si Mandy na maging CEO ng bagong kumpanya."Nanahimik ang madla. Makalipas ang ilang sandali, tila binulong ng ilan ang kanilang pagsang-ayon.Natulala si Mandy. Ngayon lamang niya naintindihan kung anong nais ni Senior Zimmer na gawin niya.Nais ba ni Senior Zimmer na siya ang maging CEO ng bagong kumpanya?Paano ito nangyari sa kanya?"Lolo, hindi niya kaya iyon! Wala siyang kakayahan. Sa palagay ko hindi siya angkop!"“Lolo, pumili ka na lang ng sino man sa amin. Mas magaling kami sa kanya! Anong karapatang meron niya?!"“Oo! Ang mga regalo sa kasal na mula kay Prince York ay para sa
Sa araw na iyon, kumalat ang balita tungkol sa paghalal ng pamilya Zimmer ng bagong CEO sa buong Buckwood.Kasabay nito, napagpasyahan na din ang pangalan ng bagong kumpanya.Silver Nimbus Enterprise!Dahil ang main business ng bagong kumpanya ay ang Silver Nimbus Mountain Resort, pinangalan ito sa proyekto.Gayunpaman, sa Buckwood, ang salitang "Silver Nimbus" ay hindi pwedeng gamitin nang basta-basta. Ang Silver Nimbus Outer Courtyard at Silver Nimbus Mountain Report ay parehong kumakatawan sa mga pag-aari ng mga York.Gayunpaman, pinayagan ito ng Sky Corporation.Sinabing naisip ni Prince York na maganda ang pangalang Silver Nimbus Enterprise.Agad itong gumawa ng maraming tsismis.Maraming nag-espekulang ang taong mahal ni Prince York ay ang nakababatang kapatid na babae ni Mandy Zimmer, na nag-aaral pa sa high school.Kung kaya inalagaan niya nang mabuti ang kanyang magiging sister-in-law.Habang maraming pinag-usapan ito nang lihim, wala sa kanila ang naglakas-loob na i