“Tumawag ka na nagsasabi na ito ay kakila kilabot at maraming tao ang nagtatangkang patayin ka!”“Anong nangyari?!“Dahil ba sa walang utang na loob na g*go na ‘to?!"Sasampalin ko siya hanggang mamatay kapag naglakas loob siyang gawin iyon!"Pinandilatan ni Lilian Yates si Harvey York, na para bang handa itong durugin.Si Gabriel Lee at Avery Foster ay awkward na nakatingin sa kanya.Wala silang karapatang kamuhian siya, kung tutuusin.Pero kung pagbigyan nila siya, hindi rin igalang si Lilian.Ang mahinang ngiti ni Harvey ay nagparamdam sa kanila ng hindi masabi na kakila kilabot. Gusto nilang ihampas ang kanilang mga ulo sa mga butas sa lupa sa sandaling ito.“Hindi mo alam ito, Lilian!”“Patay na sana ako kung hindi dahil kay Harvey!”Mabilis na pinigilan ni Simon si Lilian sa paghampas bago niya ipaliwanag ang sitwasyon.“Nagawa ni Harvey na maialis ako sa sitwasyon! Kung hindi, wala akong magagawa!”"Kahit anong kaso, dapat kong pasalamatan si Harvey."“Hmph! Maswer
Tuluyan nang hindi pinansin ni Harvey York ang pagpapakitang gilas ni Lilian Yates ng umalis siya sa ospital patungo sa Fortune Hall.Nire renovate pa ang lugar, pero at least may magandang structure.Si Prince Gibson ang namamahala sa pagtawag ng mga customer.Nakatuon si Castiel Foster sa pagtulong sa kanila.Si Shay Gibson ay magdadala ng tsaa.Sisipain ni Luca Robbins ang mga taong masuwayin na sumuway sa mga alituntunin palabas sa lugar.Maging si Kade Bolton ay paminsan-minsan ay nagdadala ng mga midnight snack dito.Hindi maisip ng maraming tao na ang Fortune Hall ay magiging isang pagtitipon ng mayayaman at makapangyarihan.Dahil dito, lahat ng uri ng pwersa ay nagbantay sa lugar.Sumilip si Harvey sa ilang direksyon ngunit hindi tinawag ang mga espiya na nakatambay.Pagkatapos ng lahat, ginagawa niya ang lahat ng ito upang maakit ang Evermore.Ngunit sa mismong pagpasok ni Harvey sa loob, isang pigura ang lumabas mula sa mga anino. Si Julian York iyon.Isang matami
"Ang Heaven's Gate ay malinaw na walang kinakampihan.""Ngunit kung minsan, ang kakulangan ng kumpirmasyon ay kumpirmasyon mismo."Napabuntong hininga si Dariel Jackson."Kung wala si Mr. Gibson, ang buong sangay ng Golden Sands ay mababa ang moral.""Wala kaming pagpipilian kundi ang kumuha ng ilang mga eksperto upang magbigay ng tulong.""Hindi masama ang mga manlalaban. Ang ilan sa kanila ay mga Kings of Arms, ngunit nagawa ni Faceless na makuha ang ilan sa pinakamahuhusay na mandirigma ng nakababatang henerasyon ng Island Nations sa kanyang panig.""Ang taong nakikipaglaban ngayon ay ang ika-sampung pinakamahusay, si Matsuda Taiha, ngunit siya ay isang King of Arms. Ang lakas niya ay nakakatakot.""Ang aming mga eksperto ay walang laban sa kanya."Parang walang magawa si Dariel.Si Matsuda ang kahalili ng Abito Way. Isa siyang tunay na dalubhasa.Ang mga ordinaryong tao ay hindi magkakaroon ng pagkakataon laban sa kanya."Ang anim na Hermit Families at ang pamilyang Pate
Sa pangunguna ni Dariel Jackson, nakarating anng dalawa sa isang lugar na parang isang gladiator arena.Ang lugar na ito ay nasa tatlong libo at dalawandaang talampakan ang lapad na may nakalubog na arena sa gitna.Mga sofa na gawa sa yellow flower pear wood ang nasa paligid, kasama ng malalaking lamesa sa harapan na puno ng lahat ng klase ng masasarap na pagkain at alak.Isang kaakit-akit na hostess ang nakatalaga sa bawat sofa. Ang mahahaba nilang binti ay kapansin-pansin sa mata ng lahat.Malinaw na lahat ng nandito ay nabibilang sa upper social circle ng siyudad.Kalmadong tumingin sa paligid si Harvey York bago niya makita si Kairi Patel.Si Kairi ay nakasuot ng isang puting bestida na may stockings at mamahaling takong na nakabalot sa kanyang mahabang binti, elegante at maganda siyang tingnan dito.Nakaupo siya sa isang sofa nang magkapatong ang kanyang binti. Ang kanyang Hermes na bag ay nakapatong sa kanyang binti, kumikinang sa ilalim ng mga ilaw.Si Azrael Bolton, Dar
Hindi rin nagmamadali si Harvey York. Sinalubong niya si Kairi Patel bago maningkit ang kanyang mata nang nakahalukipkip.Nagtataka ring napatingin si Julian York. Walang nakakaalam kung anong nasa isipan niya.“Ano? Gusto mo bang labanan ang mga Islander?” tanong ni Harvey pagkatapos sulyapan si Julian.“Hindi ako interesado. Hindi nila kakayanin ang isang atake mula sa akin,” sagot ni Julian.Natawa si Harvey.May duda si Dariel Jackson nang suriin niya si Julian, ngunit hindi niya ito binanggit para sa kapakanan ni Harvey.Isang babaeng nakasuot ng bunny suit ang naglakad sa gitna ng ring sa sandaling iyon.“Ang sixth round ay magsisimula na!” malambing niyang sinabi.“Sa panig ng Golden Sands, Dragon Nine!”Tumapat ang ilaw sa bukasan ng ring.Hindi nagtagal, isang lalaking nakasuot ng vest ang lumabas.Nasa limang talampakan at siyam na pulgada ang kanyang taas na may tattoo na siyam na mabangis na dragon sa buong katawan niya.Dito siguro niya nakuha ang kanyang palay
Swoosh!Alam ni Dragon Nine kung gaano kagaling si Matsuda Taiha.Sa sandaling marinig niya ang hostess, kaagad siyang umabante bago sumuntok nang malakas.Malinaw na balak niyang mauna bago pa ang iba.Pagkatapos makita ang isang malakas na simula mula kay Dragon, tingin ng lahat magiging isa itong matinding laban.Si Matsuda lang ang nanatiling kalmado. Wala siyang pake sa bubwit sa harapan niya. Kung gusto talaga niya, kaya niyang sampalin si Dragon hanggang kamatayan.Bahagyang tumango si Harvey York. Hindi niya gusto si Matsuda, pero siguradong bukod-tangi ang kanyang lakas.“Mukhang mahusay si Dragon. Siguro dapat magtiwala ka pa sa kanya, Sir York.Mukhang napanatag si Dariel Jackson nang makita ang mabagsik na mukha ni Dragon.“‘Yan ang alas namin!”Ngumiti si Harvey habang tahimik na nakatingin sa gitna ng ring.Nang makitang walang interes si Harvey kay Dragon, ibinaling ni Dariel ang kanyang titig kayu Nameless.“Si Nameless ay isang makapangyarihang tao, Sir Yor
Ngumiti nang bahagya si Harvey York bago ilayo ang kanyang tingin.Maganda ang babaeng iyon, pero sadyang hindi ito ang tipo niya.“Oo nga pala, Sir York, Tingnan mo ang elder na nakaupo sa referee’s branch.”Hindi ginulo ni Dariel Jackson si Harvey sa paglasap sa tanawin. Nang matapos si Harvey, nagsalita na siya.“Siya ang inner elder ng Heaven’s Gate, si Brodie Vaus. Isa siyang expert na may pambihirang galing sa pakikipaglaban…“At siya rin ang pinsan ni Jakai Vaus.“Nagpunta siya para gumawa ng gulo sa branch ng Heaven’s Gate sa Golden Sands…“Sa kabilang banda, siguro nandito siya para sa’yo.”Tapos, tiningnan ni Harvey si Brodie pagkatapos marinig ang sinabi ni Dariel.Parang nasa animnapung taong gulang na ito, pero bata pa itong tingnan at masigla.Gayunpaman, makikita ang mga kulubot sa kanyang mukha. Kasama ng matulis nitong mata, parang mahirap itong pakisamahan.Nakatingin sa kanya nang may paghanga ang mga tao sa paligid. Malinaw na ginagalang siya ng mga ito.
Kaagad na bumagsak sa sahig si Dragon Nine. Ang buong kanang braso niya ay putol, at nagkalat ang dugo sa buong paligid.Hawak ng isa niyang kamay ang sugat niya habang nagkikiskisan ang ngipin niya sa sakit.Itinaas niya ang kanyang tingin para tingnan si Matsuda Taiha, sinusubukang magsalita nang mapigilan siya ng matinding sakit.Narinig ang mga singhap sa buong lugar.Sa isang banda, nagulat sila sa kung gaano talaga kalakas si Matsuda. Sa kabilang banda, naaawa sila kay Dragon.Hindi lamang nawala ang tiwala ng siyudad kay Dragon dahil sa pagkatalo niya, kailangan na niyang mabuhaynang lumpo buong buhay niya, takot na mapatay ng kanyang mga kalaban.“Alis.”Hindi binigyan ng respeto ni Matsuda sila Kairi Patel nang lumapit ito kay Dragon bago ito sipain nang mabilis.Tumalsik ang kanyang katawan bago bumangga sa marmol na lamesa sa harapan nila Kairi.Nabasag ang lamesa at nagkalat ang bubog nito. Nahihirapan nang huminga si Dragon pagkatapos sumuka ng dugo.Natahimik an
Sa tapang ni Kairi Patel, hindi makapaniwala ang mga tao na hahayaan niyang maupo ang kanyang boyfriend sa halip na siya.Napakahalaga talaga siguro ng lalaking ito para sa kanya.Agad na nagdilim ang mukha ni Abe Masato.Muling umupo si Greta Lee sa kanyang upuan bago siya nagsalita."Kayong lahat, isinama ni Kairi ang kanyang boyfriend para makilala natin siya ngayon."Siguraduhin ninyong bibigyan niyo sila ng mga kamangha-manghang regalo kapag nagpakasal sila!"Nabalitaan ko na binibigyan ni Kairi ng maraming pera ang boyfriend niya! Dapat din natin siyang tulungan!"Kung hindi, hindi tatanggapin ng dalawang ‘yun ang mga regalo natin!"Natigilan ang lahat bago sila natauhan. Ang kanilang mga tingin kay Harvey York ay unti-unting naging mapanghusga.Syempre, akala nila isa lang siyang alalay.Bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Aldo John nang makita niya si Harvey. Nakilala niya siya noong sandaling iyon.Tumayo siya, magsasalita sana siya, ngunit umiling si Harvey, na par
Ang lalaki ay nakasandal sa sopa na nakapatong ang mga paa, na natural na naging sentro ng atensyon ng mga tao.Si Harvey York ay kumunot ang noo sa lalaki. Ang kanyang kagandahan at kabaitan ay may kasamang di-masukat na lungkot at kasamaan.Sa wakas, ang pinakabata at pinaka-kahanga-hangang onmyoji ng pamilya Tsuchimikado ay hindi magiging isang ordinaryong tao.Habang naglalakad sa paligid ng kahon, inilipat ni Kairi Patel ang kanyang tingin sa isang tao bago nagpakita ng kakaibang ekspresyon."Bakit nandito rin si Aldo John?""Hindi ba lumpo na siya?"Tumingin si Harvey sa isang batang lalaki na nakasuot ng suit.Hindi siya mukhang matanda. Mukhang banayad siya nang umupo siya sa tabi ni Abe Masato, na para bang siya rin ay nasa mataas na posisyon.Naramdaman ni Harvey na pamilyar ang tao hanggang sa sa wakas ay naalala niya.Ito ang parehong tao na humingi ng tulong para hindi magwala noon sa Flutwell.Si Aldo John mismo.Ang liit ng mundo. Hindi niya inaasahan na makik
"Walang kahulugan sa akin ang mga salitang iyon, Kairi. Dapat mong sabihin ‘yan kay Young Master Abe mamaya,” malamig na sinabi ni Greta Lee.Pagkatapos, tiningnan niya si Harvey York bago tumawa ng malamig."Hindi ko alam kung sino ka, bata!"Pero binabalaan kita! May mga taong hindi mo dapat banggain!"Alam kong mas mahalaga sayo ang pera kaysa sa sarili mong buhay!"Kung alam mo ang makabubuti para sa'yo, kunin mo ito at umalis ka na!"Kung hindi, hindi mo magugustuhan ang kahihinatnan nito!"Kinuha ni Greta ang isang bunton ng pera mula sa kanyang handbag bago ito ihinagis sa lupa.Dumilim ang mukha ni Kairi Patel, ngunit bahagya lamang siyang ngumiti nang tumingin siya kay Harvey.Habang binabastos ni Greta si Kairi, tinatapak-tapakan din niya si Harvey.“Honey…"Sinusubukan niya akong palayasin gamit ang pera.""Hindi niya nga alam kung gaano kalaki ang ibinibigay mong baon sa akin araw-araw."Nagsalita si Harvey habang nakangiti kay Kairi."Gusto niyang malaman kun
Tumingin si Harvey York sa ibang direksyon matapos makita ang nakakaakit na ngiti ni Kairi Patel.Suminghal si Kairi, nagmamaktol siya dahil sa walang pusong lalaki sa harap niya bago niya ipinarada ang kotse. Pagkatapos ay pumasok na ang dalawa sa clubhouse.Ito ang lugar na paboritong bisitahin ng mga turista sa Golden Sands. Hindi lamang mga mamahaling sasakyan ang nakaparada sa paligid, kundi marami ring mga kakaibang tao ang makikita na kasama ang kanilang mga kasintahan habang masayang nagkukwentuhan.Hindi hilig ni Harvey ang mga ganitong atmospera pero wala siyang sinabi tungkol dito dahil may layunin siya sa isip niya.Pagkatapos tumawag ni Kairi, dinala niya si Harvey sa pinakamalalim na box ng lugar.Isang babae na nakasuot ng isang dress at may eleganteng makeup ang matagal nang naghihintay.Mabilis siyang lumapit nang makita niyang dumating si Kairi."Sa wakas nandito ka na!"Hinihintay ka ng lahat!"Ayaw ni Young Master Abe Masato na umorder ng kahit anong pagkai
Napahinto si Harvey York bago siya natawa, nagtataka siya kung nakatakda ba siyang magpanggap bilang boyfriend ng iba kamakailan.Pinuntahan siya ni Penny Jackson noon. Pinuntahan siya ni Cedric Lopez para gumawa ng gulo pagkatapos nun.Dahil humingi ng tulong si Kairi Patel, malamang na isa itong malaking bagay."Ano? Tumatanggi ka kahit na tinulungan mo si Penny?"Natural na alam ni Kairi ang tungkol dito. Lumapit siya sa tabi ni Harvey bago bumulong sa kanyang tainga."Nagmamakaawa siya na magpanggap kang boyfriend niya..."“Pero iba ako.”"Kung kilala mo ang taong ayaw ko...""Ikaw ang magmamakaawa sa’kin."Pinatunog ni Harvey ang kanyang dila."Hindi ko alam ang tungkol diyan. Hindi ako yung tipo na magmamakaawa.”"Ang taong iyon ay kabilang sa Tsuchimikado family. Isa siyang exchange student mula sa Kyoto University."Ang pangalan niya ay Abe Masato.""Bukod sa siya ang pinaka maningning na bituin sa larangan ng pulitika ng Island Nations, at ang pinakabatang advisor
”Wala nang kwenta ang Foster family ngayon?" “Pabalik na sa Shaddol si Amora Foster?" Hindi makapaniwala si Blaine John.“Natalo si Cedric Lopez, at ngayon hinihiling din niya na magpaliwanag ang John family?" Tinakpan ni Kensley Quinlan ang namumulang bakat ng kamay sa maganda niyang mukha gamit ng kanyang mga kamay at huminga siya ng malalim.“Tama ‘yun.“At kung hindi ako nagkakamali, malaki rin ang kinalaman ni Harvey York sa pag-angat ni Amora sa kapangyarihan.“Malamang nakikipagtulungan siya ngayon sa kanya.“Mahihirapan tayong galawin siya pagkatapos nito…“Young Master John, ikinalulungkot ko na kailangan nating ipagpaliban ang mga plano natin sa kanya pansamantala…“Dapat ba natin itong ipaalam sa mga nakakataas at humingi ng backup?”Nagpakita ng malungkot na ekspresyon si Blaine.“Ipaalam? Paano natin ipapaalam sa kanila ang tungkol dito?“Sasabihin natin sa kanila na dinala natin ang buong pwersa natin dito para lang bugbugin ng live-in son-in-law na ‘yun?
Dumilim ang mukha ni Amora Foster.“At paano kung hindi?”"Hindi siya mamamatay," sagot ni Harvey York.“Pero muling papasok ang sumpa sa kanyang katawan.”“Magiging gulay siya sa buong buhay niya kung ganun ang mangyayari.”"Huwag kang mag-alala. Papalagayin kong bumisita si Castiel Foster tuwing taon.”"Libre ang serbisyo, siyempre. Baka pakainin mo si Castiel para may dahilan kayong magkasama.”"Medyo mapagbigay naman ako."Nagpakita si Amora ng naguguluhang ekspresyon.“Salamat, Master York,” sabi niya nang tahimik.Siya ay isang matalinong tao. Alam niya kung bakit ginagawa lahat ito ni Harvey.Wala nang pagkakataon ang pamilya Foster na labanan si Harvey.Sa huli, si Brayan Foster ay maaari lamang umasa sa kanya kung nais niyang mamuhay ng magandang buhay.Sinasabi nga, hindi naman pinabayaan ni Amora ito.Ang kanyang pag-angat ay masyadong biglaan. Ang natitirang bahagi ng pamilya ay hindi magdadalawang-isip na labanan siya.Ang simpleng galaw ni Harvey ay sapat n
"Maraming pera at mga yaman ito. Ang ganitong kayamanan ay maaaring gawing katapat ng isang ordinaryong tao ang isang bansa…"Pero mukha ba akong tao na kailangan pa ng ganoon?"Si Amora Foster ay natigilan na may kakaibang ekspresyon."Walang pakialam kung sinusubukan mo akong lokohin.""Basta't gawin mo nang maayos ang trabaho ko, makakatulong pa ako sa pamilya sa mga pagsubok bilang pangunahing shareholder.""Kung lalabanan mo ako, madali kong makokontrol ang pamilya tulad ng ginawa ko sa iyong ama.""Kung gusto ko, maaari ko ring alisin ang pamilya mula sa nangungunang sampung pamilya.""Naiintindihan mo ba ako?"Sa ugali ni Amora, magliliparan siya sa paligid habang sumisigaw kay Harvey York dahil sa mga salitang iyon...Pero sa hindi malamang dahilan, naniwala siya na ang sinabi ni Harvey ay totoo!Naniniwala siya na kung gugustuhin niya, kayang-kaya niyang sirain ang pamilya sa loob lamang ng ilang minuto!“Naiintindihan ko!" sigaw niya, habang kumikibot ang kanyang m
Sa wakas itinikom na ni Amora Foster ang kanyang bibig.Isang pakiramdam ng katapatan ang agad na pumalit sa paghihiganti laban kay Harvey York. Nagpasya siyang sumama sa kanya hanggang sa pinakamasakit na dulo.“Salamat sa pagtitiwala sa akin, Master York!" sigaw niya nang masigla."Pero sa tingin ko, wala akong sapat na kapangyarihan para kumbinsihin ang buong pamilya...""Tulad ng sinabi mo, natatakot akong hindi susuportahan ng pamilya ang hindi tamang pag-angat ko."Hinaplos ni Harvey ang mukha ni Amora na may ngiti."Huwag kalimutan, ako ang pinakamahusay na eksperto sa geomancy sa lungsod.""Destinado kang mapunta sa mataas na posisyon."Maging tiwala sa sarili mo."Bumalik ka at kausapin mo ang iyong ama."Sabihin mo sa kanya na makinig sa iyo kung gusto niyang ipamuhay ang natitirang bahagi ng kanyang buhay sa karangalan at kayamanan."Makikinabang tayong tatlo dito."Malakas na inalog ni Amora ang kanyang kamay, na hindi pinapansin ang kanyang mga sugat."Huwag m