Sa sandaling iyon, ayaw ni Harvey na maistorbo siya ni Angel. Tumawa siya, tumingin kay Kevin, at sinabing, “Sa una, nais kong makipagtulungan sa iyo. Ngunit sa kasamaang palad, nakaka-disappoint ang naging ugali at asal mo. Sa palagay ko kalimutan mo na ang pakikipagtulungan."Tumawa si Kevin. "Nakakatawa ka talaga." Pagkatapos ay tinuro niya si Harvey at sinabi, “Alam mo ba kung ano ang kooperasyon? Ilang nobela na ba ang nabasa mo? Sa palagay mo ba ang ibig sabihin ng kooperasyon ay isang nakakaawang kotse? Mukhang hindi mali si Mrs. Zimmer sa kanyang pananaw sa iyo. Isa ka talagang kaawa-awang taong may mataas na ego. Hindi ka mas mahusay kaysa ninuman kapag pinagyayabang mo ang iyong sarili.""Pa-prangkahin kita. Kung talagang lalaki ka, bilisan mo at lumayas ka. Huwag mong ipahiya si Mandy dito. Hindi ko na kayang makita ka nang ganito!"Si Kevin ay napuno ng paghamak. Si Angel, na nakatayo sa tabi nila, ay walang tigil na tumatawa ngayon. ‘Isang malaking kahihiyan ang live-in
Nag-isip sandali si Harvey York at sinabi, "Babalik ako mamaya...""May problema ba?" Na-curious si Mandy Zimmer. Ang kanyang asawa—ang live-in son-in-law ay hindi pa lumalabas sa nagdaang tatlong taon. Ano kayang lakad ang meron siya?Nag-isip sandali si Harvey at sinabi, “Nagtatrabaho ako. Ano pang gagawin ko bukod doon?”"Anong klaseng trabaho?" Medyo gumaan ang loob ni Mandy. Ang walang kwentang asawang ito sa wakas ay handang umasenso pagkatapos ng tatlong taon.Nagkibit balikat si Harvey at sinabi, "Nagtatrabaho ako bilang assistant sa kaklase kong nagpahiram sakin ng pera. Bumalik siya kamakailan sa Niumhi. Nagpunta ako para tulungan siyang bumili ng kotse ngayon lang.”Biglang napagtanto ni Mandy at nagtatakang nagtanong, "Ano ang ginagawa niya? Kung nagtatrabaho siya sa construction industry, baka pwede siyang makipag-collaborate sa ating pamilya."Medyo nag-aalala si Mandy habang sinasabi ito. Natatakot siyang sabihin ni Harvey na ang kanyang kamag-aral ay nagtatrabaho
"Electric ... electric bike?" Nagsalita si Kevin nang walang kamalay-malay. Kumibot ang gilid ng kanyang mga mata, at tila bumigat ang kanyang dibdib.“Oo, electric bike. Gusto ko sana siyang ihatid diyan, kaso tumanggi siya.” Sinabi ni Yvonne, “Kapag nagkita kayo ni Mr. York, tandaan mong magbigay ng respeto. Marami akong sinabing maganda tungkol sayo sa pagkakataong ito. Siya lang ang may kapangyarihang mag-desisyon tungkol sa pag-invest sa automotive city. Kung babastusin mo siya, hindi na kita matutulungan pa.”Ibinaba ni Yvonne ang telepono matapos itong sabihin. Abala pa rin siya sa pag-aayos ng mga dokumento.Pagtakapos ay may beeping sound na nagmula sa cellphone. Gayunpaman, tila may ingay na narinig si Kevin sa kanyang ulo.Mr. York, low-key, electric bike…Ay g*go! Hindi kaya siya iyon?Takot na takot si Kevin na halos maihi siya sa pantalon niya nang sumagi sa isip niya ito. Sa sumunod na sandali, mabilis siyang tumakbo at hinila ang little chief na kumausap kay Harve
"Yvonne, pakipasa ang mensahe. I-terminate ang proyekto ng automotive city na tinalakay kaninang umaga. " Sinabi ni Harvey York at hindi man lang siya tumingin kay Kevin Quinn."Opo!" si Yvonne Xavier ay simpleng tumugon.Matapos ilagay ang old-model na cellphone sa mesa, tiningnan ni Harvey si Kevin na halos nakaluhod na sa sahig sa sandaling ito, at nakangiting sinabi, “Mr. Quinn, bakit ka nakayuko sakin? Isa akong walang kwentang basura. Hindi ko kayang tingnan ito."Hindi naglakas-loob si Kevin na tumayo. Mahina siyang tumawa. "Mr. York, anong sinasabi mo? Hindi mo ba sinabi mo lang ngayon? Kung makikiusap akong bumalik ka, luluhod ako at tatawagin kang ama…”“Huwag na. Hindi ako ganun kamalas na magkaroon ng isang anak na tulad mo." Kinaway ni Harvey ang kamay niya.“Oo, oo. Hindi ako karapat-dapat. Hindi ako karapat-dapat. Napaka ignorante ko noon, pero alam ko nang si Mr. York ay isang mapagbigay na tao. Maawa ka sakin. " Nanigas ang mukha ni Kevin.Walang pakialam si Harv
“Hindi na. Hindi na.” Sabi ni Kevin. “Baka isiping may masamang nangyayari dito kung tatawagan mo ang mga pulis. Baka maapektuhan ang negosyo kung hindi natin maipaliwanag… Ako nang bahala sa kanya. Bigyan ko na lang siyang pera para paalisin siya. Ayoko nang magsayang pa ng oras sa taong tulad niya…”Naramdaman ni Kevin na mababasa na ng malamig na pawis ang kanyang shirt habang nagsasalita siya.‘Kasalanan mo lahat ito! Bilang best friend ni Mandy, hindi mo alam ang tungkol sa totoong pagkatao ng kanyang asawa at pinilit mo pa akong ligawan siya. Sabik na sabik ka na bang mamatay ako?’“Pinsan, bakit ka pinagpapawisan? Naiinitan ka ba?” Hindi alintana ni Angel ang lahat at nagtatakang nagtanong.“Medyo mainit ang panahon, medyo mainit…” Awkward na sagot ni Kevin.“Ay, ayos lang pala kung ganon. Oo nga pala, hindi mo siya kailangang bigyan ng malaki, pwede na ang thirty dollars… Sigurado ka na kay Ate Mandy. Nandito ako, siyempre tutulungan kita para makuha mo siya!” Gumawa si An
"Oo, oo!" Mabilis na tumango si Kevin. Hindi na siya naglakas-loob na isipin pa ang tungkol sa investment ngayon.Pagkaraan ng ilang sandali, pinalabas niya si Harvey mula sa showroom at nakita siyang nagmamaneho papalayo sakay ang Panamera. Doon lang namalayan ni Kevin na basang basa ang buong katawan niya sa pawis.“Mr. Quinn, hindi ko maintindihan kung bakit ka…” Mukhang tuliro ang little chief.Sampal!Sinampal siya ni Kevin. “Kailangan ko pa bang ipaliwanag sayo kapag may kung anuman akong ginagawa? Tandaan mo! Kung sinuman ang magpapakalat o magsasalita tungkol sa nangyari ngayon, papatayin ko siya!”***Pagkaalis sa automotive city, napansin ni Harvey ang oras na medyo late na. Kung kaya, hindi na siya bumalik pa sa kumpanya. Sa halip, pumunta siya sa mall para mamili pagkatapos mag-send ng mensahe kay Mandy, at inihanda ang binili niya pauwi ng bahay.Sa kabilang banda, medyo nahihiya si Mandy nang malamang uuwi na si Harvey. Gayunpaman, mabilis niyang tinapos ang kanyan
Makikilala ni Lilian ang taong ito kahit maging abo ito dahil siya ang walang kwentang live-in son-in-laws—si Harvey! Hindi dahil sa hindi pa siya nakakita ng Porsche, pero ang kanya ay isang entry-level model, na nagkakahalaga ng halos isang daang libong dolyar.Gayunpaman, ang minaneho ni Harvey ay special edition Panamera na ang presyo ay humigit-kumulang four hundred thousand dollars. Ang kotse ni Mandy ay maliit lamang ang halaga kumpara doon. Kahit na ang pamilya Zimmer ay nagpapatakbo ng malaking negosyo, second-class family pa rin sila. Mahirap para sa mga ordinaryong tao ang magbayad ng ganitong halaga upang makabili ng kotseng tulad nito.Ang kotseng ito ay pwedeng ituring na dream car ni Lilian. Kung kaya, hindi siya makapag-react kahit na lumabas ang kanyang walang kwentang son-in-law sa kotse.Walang pakialam dito si Harvey. Sa halip, lumakad siya at binati si Mandy habang may bitbit sa kanyang kamay. "Nakabalik na ako."Medyo nataranta din si Mandy. Tumingin siya kay
Samantala, nakapila si Harvey para mamili ng milk tea. Nag-ring ang kanyang cell phone. Rinig ang boses ni Yvonne sa kabilang linya. "CEO, may nag-upload ng video ni Zack na itinaboy sa internet. Kinukwestyon na tayo ng mga netizen, masyado daw tayong malupit. Kailangan ba nating magsagawa ng isang press conference para maipaliwanag ito?"Nag-isip sandali si Harvey at sinabi, “May kuha ba sa meeting room sa araw na iyon? Takpan na lang ang mukha ng babaeng nasa front desk at humanap ng magpo-post nito online.”"Opo!" Nanlaki ang mga mata ni Yvonne nang marinig niya iyon. ‘Si CEO talaga ang CEO. Ang bilis niyang nalutas ang isang malaking isyu sa dalawang pangungusap lang. Bakit hindi ko naisip iyon?'Binaba na ni Harvey ang cellphone at hindi na hinintay ang papuri ni Yvonne. Kinuha niya ang kanyang milk tea at handa nang umuwi.Bigla siyang nakarinig ng tili ng preno sa likuran niya sa paglalakad niya sa gilid ng kalsada. Isang Audi A4 ang biglang huminto sa likuran ni Harvey at h