Si Simon Zimmer ay kahanga hangang tumingin kay Silas John.“Maraming salamat, Silas!”“Hindi ko akalain na tutulungan mo pa kami pagkatapos ng nangyari!”"Malaking pabor ang utang namin sa iyo para dito!"“Masyado kang mabait, Uncle! Kami ay pamilya, pagkatapos ng lahat!”“Sino pa ba ang tutulungan ko kung hindi pamilya?”Nakangiting ipinakita ni Silas na para bang kakampi niya."Wag kang mag alala Aunty!"Ipapagawa ko ang kapatid ko dito sa lalong madaling panahon! Kahit si Azrael ay magbibigay galang sa kanya, sigurado ako!"Hinampas ni Gabriel Lee ang mesa."Tama iyan! Tama iyan!”“Ang panganay na kapatid ni Young Master John ay walang iba kundi si Blaine John!”"Siya ay medyo maingat, ngunit ang kanyang impluwensya sa Golden Sands ay napakalaki!”“Talagang makikipagtulungan sa kanya ang pamilyang Bolton!”Pagkatapos, bumaling si Gabriel kay Silas."Ang salita ng pamilya John ay mas mahusay kaysa sa amin!”"Nakaligtas kami!"Tumalon si Simon bago mahigpit na hinawa
Mukhang nagmamataas si Simon Zimmer.Isa itong mahalagang sitwasyon sa paningin niya.Mabibilanggo si Lilian Yates habang buhay kapag hindi naasikaso nang maayos ang sitwasyon.Malala na nga na hindi tumutulong si Harvey York, ngunit nagtapang pa itong banggain ang isang taong tulad ni Silas John.‘Gusto niya atang mamatay!’“Humingi ng tawad?”Kalmadong tiningnan ni Harvey si Silas.“Pwede ba niyang tanggapin ang paumanhin ko?”“Anong ibig-sabihin niyan?Humalukipkip si Avery Foster habang sinisinghalan si Harvey.“Gumagawa ka pa rin ng gulo hanggang ngayon?”Nagdalawang-isip sandali si Mandy.“Siguro dapat hanapin mo si K…”Natawa si Gabriel bago pa matapos si Mandy sa pagsasalita.“Hindi mo ako tunay na kapatid Mandy, pero kahit paano dapat kong ayusin ang sitwasyong ito para sa’yo!“Hindi mo dapat laging tulungan si Harvey nang ganito!“Sinabi na sa akin ni Mama at Papa!“Maayos ang kalagayan ni Harvey sa Golden Sands dahil inaalagaan siya ni Kairi Patel!“Gagawin
”Mainitin ang ulo ng nanay mo, pero hindi naman siya masamang tao!“Hindi natin siya pwedeng hayaan sa kulungan!“Hindi niya ito kakayanin!“Kailangan natin siyang iligtas kahit magkano pa ang ibayad natin!”“Huwag kang mag-alala, Papa. Sisiguruhin kong makakaisip tayo ng ibang paraan!” sinabi ni Mandy Zimmer.Nagkaskasan ang ngipin ni Gabriel Lee.“Tingnan natin ang magagawa ni Young Master John, Papa!“Kapag hindi niya kayang ilabas si Mama, iisip tayo ng ibang paraan!“Kapag hindi pa ito tumalab, pupunta tayo sa korte!“Basta hindi ito responsibilidad ni Mama, may pagkakataon pa!”Gayunpaman, natatakot na si Gabriel nang sabihin niya iyon.Higit sa lahat, ang mga biktima ay mula sa Bolton family!Kung talagang sinaktan ni Lilian Yates ang nanay ni Azrael Bolton sa pagbebenta ng pekeng produkto, hahabulin niya si Lilian hanggang sa dulo ng mundo.Hindi siya titigil hanggat hindi pa ito nakalibing.“Bibisita na lang ako sa Bolton family.”Balak hingiin ni Harvey ang tul
Tinapik ni Harvey York ang noo niya. Nakalimutan niya ang buong bagay na ito.Sa sandaling matapos ang hagdan, ang titulo ng Ostrane Bay na pagkakaroon ng pinakamagagndang plorera ay kaagad na mapapalitan.“Oh! Muntik ko nang malimutan bakit ako tumawag!Ngumiti si Saul Robbins.“Sir York! Tinawagan kita ngayon kasi ang kaibigan ko ay nammroblema!“Sir York! Tinawagan kita ngayon kasi may malaking problema ang kaibigan ko!"Nabiktima ng food poisoning ang nanay niya! Masama ang kalagayan nito ngayon!“Sinubukan na ng lahat ng kilalang doktor na tumulong, pero walang nangyari!“Gusto kong subukan mo, dahil nasagip mo naman si Chana Jackson,...”Biglang natulala si Harvey York.“Grandma Bolton?”“Ang galing, Harvey!” sigaw ni Saul.“Tama! Si Azrael Bolton ay naghahanap ng doktor sa buong siyudad! Ginagamit niya rin ang koneksyon niya para mahanap si Senior Armstrong!“Pero dahil nasa Wolsing siya, mahihirapan si Azrael na mahanp ito!“Kaya gusto kong tumulong ka.Medyo nabi
Kumunot ang noo ni Harvey York.“Ganito ito kalubha?”Nabiktima lang naman ng food poisoning si Grandma Bolton, kaya hindi inakala ni Harvey na magiging ganito kalala ang sitwasyon.Kumunot ang noo ni Saul Robbins.“Parang ganito nga sa unang tingin, pero hindi ito pareho.“Maraming expert na ang sumubok na tingnan ang kanyang kondisyon pero wala silang nakita.‘Oo nga. Kinausap na ng pulis at ng Food and Drug Administration ang suspect, pero sabi nito nakuha niya ang mga benta niya nang mura mula sa isang distributor. Ang tunay na may-ari ay hindi pa rin nahahanap.“Kapag lumabas na ang reports, patay na si Grandma Bolton!”Nagbago nang bahagya ang mukha ni Harvey nang marinig ang mga salitang iyon. Hindi niya mawari kung paanong nagdusa si Lilian sa pagkastigo sa kanya.Hindi niya kailanman nagustuhan si Lilian ngunit ayaw niyang may mangyaring masama dito para sa kapakanan ni Mandy Zimmer.“Sabihan niyo si Soren Braff na tratuhin nang maayos ang suspect.“Huwag nila itong
Gayunpaman, kahit ang pinakamalakas na tao sa buong Golden Sands ay mukhang malungkot. Parang mawawala na siya sa sarili niya sa sandaling iyon.“Basura!“Kayong lahat!Sinigawan ni Azrael Bolton ang doktor habang tinuturo ito.“Kumain lang naman siya ng pekeng produkto! Sabi niyo sa akin makakatulong ang paglinis sa sikmura niya!“Tapos sasabihin niyo sa akin kailangan niya ng antivenom!“Tapos ngayon sasabihin niyo na mayroong nakakalason sa produkto?!“Sinuri niyo pa ang kanyang stomach tissue pero wala pa rin kayong mahanap!“Lumalala na ang kondisyon ng nanay ko! Kailan niyo balak sabihin sa akin na malubha ang kalagayan niya?!“Sabihin niyo!“May mali ba sa kakayahan niyo, o sadyang wala talaga kayong kwenta?!“Kung umasta kayo parang ang lakas niyo, para bang wala kayong hindi masasagip sa mundong ito!“Ang bawat isa sa inyo ay mas masahol pa sa ganito kahalagang sandali!“Bibigyan ko kayo ng isang oras!“Gusto kong makakita ng resulta at treatment plan!“Kapag ma
”Gayunpaman…”Bago pa makapagsalita si Saul Robbins, kinumpas ni Harvey York ang kanyang kamay.“Alam ko.“Tumabi na muna tayo.”“Hindi ito ang oras para mag-usap tayong lahat,” sinabi ni Lochlan Anderson.“Una, hayaan niyo akong suriin si Grandma Bolton.”Kaagad na tumango si Azrael Bolton.“Tama! Dito ang daan!”Hindi nagsayang ng oras si Lochlan sa pagdala ng isang grupo ng assistant sa kwarto.Ang bawat pasilyo ay napuno ng tao.Nahirapan si Harvey at Saul na makarating sa harap.Nasuri na ni Lochlan ang pulso ni Grandma Bolton.Tingin niya may pag-asa pa siyang masagip ito, ngunit mukhang masama ang mukha niya habang nakakunot ang noo.“Tatapatin kita. Kaya kong subukang iligtas siya…“Pero mababa pa sa dalawampung porsyento ang pag-asang makaligtas siya.”‘Wala pa sa dalawampung porsyento?Tumahimik ang buong kwarto.Kumunot ang noo ni Harvey bago siya sumilip sa loob ng silid.Isang babaeng nasa siyamnapung taong gulang ang nakahimlay sa kama.Nakasuot ito ng
”Tama. Hindi ordinaryo ang sitwasyon ni Grandma Bolton,” seryosong sinabi ni Lochlan Anderson.“Wala akong oras para matukoy ang lason. Wala akong magagawa kundi bunutin ito nang pwersahan.“Maliit ang pag-asa niyang makaligtas kapag ginawa ko ‘yan.“Pero kung hindi, tatlong oras na lang ang itatagal niya!“Wala tayong mahahanap sa ganito kaiksing oras.”Nanigas si Azrael Bolton nang marinig ang sinabi ni Lochlan.“Imposible!” sigaw niya habang umiiling at nanginginig ang kanyang katawan.“Tatlong oras na lang ang itatagal ng nanay ko?!”Kaagad na bumigat ang pakiramdam ng paligid. Nanginginig nang sobra ang mga medical expert habang tumatagaktak ang malamig na pawis sa kanilang noo.Kahit anong mangyari, ang tagapagligtas nila ang nagbitaw ng mga salitang iyon.Gusto rin nilang hingiin ang tulong ni Oskar Armstrong…Ngunit aabutin ng oras para makapunta dito mula sa Wolsing.Huli na ang lahat sa oras na iyon.Kahit nandoon na si Oskar, wala pa ring pag-asa para kay Grandm