Share

Kabanata 4381

“Aaagh!”

Sa dalawang sampal ni Harvey, kaagad na tumalsik ang sigarilyo sa bibig ni Ronnie.

Dalawang pulang bakat ng palad ang makikita sa mukha ni Ronnie.

Hindi tumigil dito si Harvey; kaagad niya itong sinundan ng mga sampal.

Pak!

"Walang karapatang hamunin ka?"

Pak!

"Sino ka ba sa tingin mo? First-in-command ng siyudad? Isang henyo ng isang sacred martial arts training ground?"

Pak!

"Sa ngayon, para ka lang aso!"

Pak!

"Ang Blazer Estate? Kaya kong palugiin 'yan sa isang tawag lang!"

Pak!

"Dudurugin kita dito mismo kapag dumada ka pa!"

Pagkatapos ay sinipa ni Harvey si Ronnie papunta sa lamesa sa likuran niya.

Malakas ang kalabog, at maraming plato ang bumagsak sa sahig. Nakakadiri at magulo itong tingnan.

Umingit si Ronnie habang gumugulong siya sa sahig at ang gulo na ng mukha niya.

Tumahimik ang lugar sa ginawa ni Harvey.

Masyado siyang dominante; hindi makapalag dito ang mga tao sa paligid niya.

Higit sa lahat, si Ronnie Lee ang kinakalaban ni Harvey!

Komplika
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status