"Patayin ka?"Ngumiti si Harvey."Nagbibiro ka yata.""Isa akong mabuting mamamayan. Sa ngayon, marami na akong awards mula sa maraming siyudad!""Hindi ako gagawa ng kahit anong ilegal.""Hindi ko magagawang patayin ka sa harapan ng lahat!""Isa itong makatarungang lipunan. Hindi ko hahayaang makagawa ako ng ganitong bagay," sinabi ni Harvey."Nandito lang ako para ipagtanggol ang asawa ko.""Hindi ka basta makakatakas sa mga krimen mo.""May inutusan ka para drogahin siya, kaya matagal siyang naospital.""Hindi naman siguro mali kung babaliin ko ang mga braso ko para dito?"Nang marinig ang sinabi ni Harvey, napuno ng takot at galit ang mukha ni Ronnie.Patuloy niyang inilayo ang kanyang kamay mula sa paa ni Harvey, ngunit hindi niya ito magawa kahit subukan niya."Tama na, Harvey!"Hindi na kayang manood pa ni Harley.Pinagtaksilan niya ang sarili niyang kapatid pars kumapit kay Ronnie.Hindi niya kayang panoorin ang taong inaasahan niya na mabali ang mga braso sa ha
Mukhang mayabang si Harley habang nakahalukipkip ang mga braso."Huwag kang magkakamali, Harvey!"Mukhang bumalik na ang kanyang tapang."Tama! Pera at kapangyarihan ang pinakamahalaga sa panahon ngayon!""Kahit gaano ka kagaling lumaban, isa ka pa ring payaso!""Itinakda kang madurog!"Nanumbalik na ang lakas nng loob ng isang mayamang babae, mukhang mapagmataas.Tumaas rin ang tingin ng mga tao sa paligid nang marinig ang sinabi ni Harley.Ang kanilang yaman, pinagmulan, awtoridad, at suporta ay higit pa sa kaya ni Harvey.Bakit sila matatakot sa kanya?Hindi basta mapapatay ni Harvey ang bawat isa sa kanila!Mabibilanggo siya!Madadamay ang pamilya niya bago siya mamatay sa masalimuot na paraan!"Ano ngayon kung isa kang King of Arms?""Hanggat hindi ka isang God of War, hindi mo matatalo ang mga baril!""Sadyang imposible!"Nahimasmasan ang lahat.Nabulag sila sandali sa lakas ni Harvey.Sa katotohanan, ang kapangyarihan ang pinakamahalaga sa panahong ito!Sadyan
Kaagad na umalis ang mga natakot na tao sa restawran.Nanigas ang mga tao, hindi man lang makahinga.Natural na nakikilala nila ang lalaking ito.Ang taong nangunguna sa grupo ay walang iba kundi si Raylan Lee, ang chairman ng Blazer Estate.Sa sandaling magpakita siya, si Kellan na umiinom ng tsaa sa sahig ay kaagad na nagpadala ng mensahe.Bam!Narinig ang malakas na kalabog at kaagad na sinugod ng mga tao ni Raylan ang ikalawang palapag.Napakabagsik nilang tingnan.Humalukipkip si Raylan habang seryoso ang titig niya sa likod ng kanyang ginintuang salamin.Pagpasok niya sa silid, mayroon siyang aura na parang hawak niya ang buhay ng lahat.Kumbinsido si Raylan na mas mataas siya sa sa kahit kanino.Nang makita ni Ronnie si Raylan, napuno ng galak ang kanyang mukha. Nakahiga siya sa sahig, kawawa, bali na ang kanyang mga kamay."Papa…"Ang buhay ay parang isang paligsahan ng pinagmulan.Sapat nang hindi humahagulgol si Ronnie para sa tulong ng kanyang ama.Nang makita
"Alam mo ba ang ginagawa mo dito?""May ideya ka ba kung anong kahihinatnan mo dahil dito?""Mapapahamak ka nang sobra kapag nagpatuloy ka pa!"Hindi na nag-abala si Raylan na magtanong tungkol sa personal na hidwaan ni Harvey at Ronnie.Alam niya kung gaano kasama ang ugali ng sarili niyang anak.Kapag pinabunot niya ng baril ang mga tauhan niya habang nakaapak siya kay Ronnie, matatamaan si Ronnie dito.Kung hindi, namatay na siguro si Harvey."Ganun ba?""Mapapahamak, sabi mo?"Ngumiti nang bahagya si Harvey."Paano kaya ako mapapahamak?""Bukod pa diyan, hindi mo ba gustong malaman kung anong pinasok na gulo ng anak mo?"Tumalim lalo ang titig ni Raylan nang hamunin siya ni Harvey.Minata niya nang matagal si Harvey, tapos muli siyang nagsalita."Sinaktan mo ang anak ko sa harapan ng lahat, lumabag ka sa batas. Isa kang masamang impluwensya!""Makukulong ka dahil dito!""Mabibitay ka!"Natural, hindi siya makagamit ng dahas dahil hawak nito ang buhay ng anak niya.
Tiningnan ni Captian Santiago si Harvey—ngayon, may takot na sa mga mata niya. Tumawag ang director's office at isa lang ang sinabi—matalik na kaibigan ni Harvey si Soren.'Ang kaibigan ng first-in-command?'Hindi magtatapang si Captain Santiago na banggain ang isang taong tulad nito, kahit na nasa kanya pa ang lahat ng tapang sa mundo.Sumama ang mukha ni Raylan nang marinig ang sinabi ni Captain Santiago."Anong sinabi mo?""Hindi mo magagawa?""Ikaw ang tagapangalaga ng batas! Anong sinasabing mong hindi mo na magagawa?""Kapag hindi mo napatumba ang isang kriminal na tulad niya, kaming mabubuting mamamayan ay hindi na mag-aabalang tumulong sa siyudad!"Subalit, umiling si Captain Santiago bago umalis kaagad kasama ang mga tauhan niya.Nanggigil sa galit si Raylan dito.Nang magsasalita na si Raylan, kaagad na sumingit si Harvey."Sinong nagsabing makakaalis ka?" sinabi ni Harvey kay Captain Santiago.Kumirot nang husto ang mga mata ni Captain Santiago. Pagkatapos, tin
Lumapit ang nga kakaitim, hawak ang kanilang sandsfa, saatake na.Ngunit sa sandaling iyon, bigyang tumunog ang phone ni Raylan.Ayaw niya itong damputin noong una, ngunit wala siyang magawa pagkatapos makita ang pangalan niya sa screen.Kumirot nang husto ang mga mata niya, makikita ang takot sa kanyang mukha.Nang matapos ang tawag, huminga siya nang malalim at tinitigan nang masama si Harvey."Isa itong pagkakamali.""Nagkamali lang!"Napatalon ang puso nila Harley, Henley, at ng iba; masama ang kutob nila dito.Ganito rin ang mukha ni Captain Santiago kanina.Mukhang hindi makapaniwala si Ronnie."Papa, ano…?"Nagkiskisan ang ngipin ng ilang mga lalaki."Sabihin mo lang, at itutumba namin siya!" sinabi nila kay Raylan."Kailangan lang naming umalis pagkatapos nito!"Natural, alam nilang hindi karaniwang tao si Harvey.Kung hindi, hindi magkakaganito ang mukha ni Raylan.Gayunpaman, handa ang mga lalaking ibuwis ang buhay nila para sa kanilang amo.Tinikom ni Raylan
'Ang hayop na 'yun!''Sadyang ang yabang niya!'Hindi mapigilan ng mga guwardiya ni Raylan ang galit nila. Kaagad na tinutok ng isa ang baril nito kay Harvey at sumigaw, "Papatayin kita!""Isasama ka namin pababa!" sigaw ng isa pa.Bago pa nila makalabit ang gatilyo, hinampas ni Harvey ang kamay niya sa lamesa; tumalbog ang mga kubyertos at tumalsik sa kanila, nahiwa ang kanilang mga pulso.“Aaagh!”Narinig ang mga sigaw nila, at nabiitawan ng mga ito ang baril nila.Kumalat ang dugo sa buong lugar at nanginig sila Harley, Henley, at ang iba pa sa takot.Higit sa inaasahan nila ang kalupitan ni Harvey.Nagtinginan ang natitirang mga guwardiya; nagkiskisan ang mga ngipin nila, ngunit hindi sila nagtapang na kumilos nang biglaan.Natutukoy nilang ilusyonado na sila kung talagang mapapalagan nila si Harvey sa kakayahan nila."Ano, hindi ka pa aalis?" kalmadong tanong ni Harvey."Binigyan ko na kayo ng pagkakataon, pero hindi ibig-sabihin nito hindi ko kayo papatayin."Sapat n
Ngumiti nang malagim si Raylan nang marinig ang sinabi ng anak niya.Kumbinsido siyang tama si Ronnie.Ang pagkatao at katayuan nito ang naglinaw sa lahat.Kahit gaano pa kagaling si Harvey, wala pa rin siyang karapatang hamunin si Ronnie. Ginagamit lang naman niya ang kapangyarihan ng ibang tao para manakot ng iba!Kapag nakaipon ng lakas si Raylan para kalabanin si Soren at Watson, wala nang makakapagtanggol kay Hadvey!'Ang mga talunan ay mananatiling talunan!''Hindi siya magkakaroon ng pagkakataong bumawi!'Nagtinginan si Harley at Henley at ngumisi.Nahimasmasan na sila; kahit gaano pa kalupit si Harvey, puro salita pa rin siya at walang gawa!Sa huli, isa pa rin siyang maamong live-in son-in-law!Pakiramdam nila niloloko nila ang sarili nila, ngunit ito ang tanging paraan para gumaan ang pakiramdam nila.Gayunpaman, tumigil si Harvey sa paglalakad nang marinig niya ang sinabi ni Ronnie."Kulang pa ang leksyon na 'yun para sa'yo?" sinabi niya habang nakatingin kay Ron