Hindi alam ni Harvey ang mararamdaman niya nang marinig ang mga salitang iyon.Nagpunta siya rito para bumili ng tindahan…Hindi para kumuha ng mga estudyante.Madaling sabihin na medyo tuso ang matandang ito!…Pagkatapos nito, medyo maraming ginagawa si Harvey.Inilipat ni Reece ang pangalan ng bahay kay Harvey at tumanggi siyang tanggpin ang pera.Patuloy niyang tinawag si Harvey na guro niya, habang tinatanggihan ang bayad.Walang magawa si Harvey. Suminghal siya bago tanggapin si Reece bilang estudyante niya at itinuro dito ang lahat ng nalalaman niya tungkol sa Book of Changes.Pakiramdam ni Reece nanalo siya sa lotto. Napagpasyahan niyang huwag muna manggamot ng ibang tao hanggang sa makabisa niya ang mga tinuro ni Harvey.Sinamantala ni Rodney ang pagkakataong manatili sa Fortune Hall. Pagkatapos makahingi ng ilang payo kay Harvey, masaya niyang ikinulong muli ang kanyang sarili.Nang ganito na lang, naglaho na ang dalawang geomancy master sa isang gabi. Maraming mga
”Pahintulot mo?”Natawa si Harvey.“Nagbebenta ka lang naman ng building supplies, pero kung umasta ka parang mula ka sa gobyerno! Lagpas na ito sa kapangyarihan mo diba?”“Ang kapal ng mukha mo?!” sigaw ni Mari.“Hindi mo ba alam ang patakaran dito?”“Ang lahat ng renovation at transportation business dito ay pagmamay-ari ng Robbins Supplies!”“Kailangang ibalita ito sa amin ng lahat bago gumawa ng kahit ano!”“Paparusahan namin ang kahit sinong bumibili ng materyales at nag-rerenovate nang mag-isa!”“Naiintindihan mo ba ako?!”Hinampas ni Mari ang lamesa nang mukhang mapagmataas.“Syempre hindi. Anong kinalaman mo sa renovation ko dito?” sagot ni Harvey.Natawa si Mari.“Hindi mo ba talaga naiintindihan? O nagpapanggap ka lang?”“Ang linaw na ng pagkakasabi ko!”“Kung nag-rerenovate kayo sa teritoryo namin…”“Bibili ka ng mga materyales at hihingi ka ng pahintulot sa amin bago kayo magsimula…”“O magbabayad kayo ng 150,000 dollars na multa!”“Pumili ka!”Inutusan ni
Ngumiti si Harvey.“Ayos lang. Hindi naman ako masyadong bihasa…”“Gusto kong makita kung sinong sisira sa lugar ko mamaya.”“Ipapakita ko sa’yo!”Natawa si Mari; wala siyang balak na pilitin si Harvey na pumili.Hindi nagtagal ay narinig ang mga tunog ng makina sa labas.Isang aroganteng boses ang kumalat sa paligid.“Sino sa inyong mga hayop ang nananamantala sa pinsan ko?”“Marami talagang gustong mamatay sa panahon ngayon, ano?”May sumipa pabukas ng pinto ng kotse.“Magsalita ka! Sino ka?”“Hindi ako lumalaban sa mga taong walang mapapatunayan!”Isang binatang nakasuot ng salamin ang naglakad palabas, habang may walong taong nakasunod sa kanya.“Kilala mo ba kung sino ako?” tanong ng lalaki habang tumatawa.“Mula ako sa Newgate Chamber of Commerce!”“Kuya ko si Kellan Ruiz!”“Magiging masaklap ang kamatayan mo kapag kinalaban mo siya!”“Sana matakot ka sa pangalan niya. Kung hindi, humanda ka nang mamatay!”Nang marinig ang mga salitang iyon, tinitigan nang masam
Tumakbo nang mabilis ang mga fighter ng Newgate Chamber of Commerce patungo sa banyo.Nabigla sila Mari.Hindi nila matanggap na walang-laban ang mga fighter kay Harvey.“Hindi na rin masama. Nagdala ka ng ilang mga trabahador dito.”Natawa si Harvey.“May iba ka pa bang gustong tawagin?”“Kailangan ko ng maraming tao dito!”Hindi tanga sila Mari. Kung titingnan ang sitwasyon, alam nilang may pambihirang pagkatao si Harvey.Nagkikiskisan ang ngipin nila, nagpapanggap na hindi naririnig ang sinabi ni Harvey.Pagkatapos titigan sa mata si Harvey, nagkiskisan ang ngipin ni Mari at ikinumpas niya ang kanyang kamay.“Aalis na tayo!”Tumalikod ang iba, naghahanda nang umalis.“Ano ‘to?”“Ano ba sa tingin niyo ang lugar na ito?”“Pupunta kayo dito para pagbantaan ako at abalahin ang paggawa ko, tapos aalis kayo nang ganyan na lang?”“Tingin niyo ba pwede niyong basta na lang gawin ang gusto niyo dito?”Kalmadong ngumiti si Harvey.“Ano bang gusto mo?”Tinikom ni Mari ang kan
Mas marami nang oras si Harvey ngayong si Castiel ang nag-aasikaso sa harapan. Dahil dito, nagsimula siyang magplano kung paano palalabasin ang Evermore.Habang umiinom siya ng tsaa, lumapit sa kanya si Thomas kasama ang dalawang tao.Nang tingnan niya ito nang maigi, ang dalawang ito ay si Saul at Lola—ang dalawang nagbabalak na magkaroon ng anak sa bahay.Inalok ni Harvey ang tatlo na maupo sa paboritong gazebo ni Leona.Pagkatapos magsalin ng isang tasa ng tsaa para sa kanila, nginitian niya ang mga ito.“Bakit nakasimangot kayo? May nangyari ba?”Kaagad na lumuhod si Saul sa sahig.“Patawad, Sir York,” sinimulan niya habang nanginginig ang kanyang boses.Kaagad siyang inangat ni Harvey nang nakakunot ang noo.“Anong nangyayari? Bakit nandito kayong tatlo?”Nagtaka si Harvey na makita ang grupong ito na magkasama.“Hindi ito tungkol kay Thomas. Nagkamali ako ng nakuhang tao…”Ang mahinhin na si Lola ay natawa nang nanlulumo.“Pagkatapos tanggalin ng Golden Estate ang ex
Kumunot ang noo ni Harvey at inayos ang lahat ng impormasyong natanggap niya."Sa madaling salita, pinili ng geomancy expert ang mga lupang bibilhin natin, at sobrang confidential ng impormasyong iyon.""At pagkatapos ikalat ni Sydney ang lahat ng ito, ang mga karibal tulad ng Blazar Estate ay pinapataas ang presyo ng mga lugar na iyon para pahirapan tayo.""Sa ganitong sitwasyon, hihinto na ang paglawak ng kompanya natin. 'Yan ba ang sinasabi mo?""Oo!"Tumango si Saul habang seryoso ang mga mata. "Inayos ko na ang buong proseso bago magpunta dito.""Nagkabanggaan na kami ni Ronnie noon, pero sobrang walang hiya ang ganito.""Babalatan niya tayo nang buhay kapag nagkamali tayo."Tumango si Harvey.“Ronnie Lee…”Tiningnan ni Lola si Harvey nang nanghihinayang."Nakarinig ako ng mga usap-usapan na ang mga karibal ng Golden Estate ay nagtutulungan sa ilalim ng pamumuno ni Ronnie.""Balak nilang agawin ang mga lupang binibili natin habang pinepwersa tayong ibenta ang mga lup
"Kalat na kalat na pala ang lahat sa puntong ito. Dahil pinataas ni Ronnie ang presyo ng mga lupang bibilhin sana natin, hindi ito basta bababaan ng gobyerno kung kailan nila gusto."Nagsalin si Harvey ng isanf baso ng tsaa at tingnan mo."Kailangan kong malaman ang isang bagay: paano natin maaayos ang sitwasyon nang mabibigo nang tuluyan sila Ronnie?"Ibinigay na kay Harvey ang Golden Sands, pero ito pa rin ang una niyang negosyo sa siyudad.Napagpasyahan niyang mas galingan pa nang kaunti. Ang lungkot naman kung T tapos kunwari maslang bahgi daw."Parating na ang pag-atake nila sa Golden Estate. Kapag binalewala ng pamahalaan ang tumataas na presyo, ang lahat ay babalik na sa simula."Hinawakan ni Lola ang kanyang tasa, ng init hindi fin 'yun makakain."Imposible 'yan. Ang mga taong tulad ni Ronnie ay hindi basta susuko pagkatapos makakita ng ganito kagandang pagkakataon. Imposible 'yan. Ang mga taong tulad ni Ronnie ay hindi hasta titikop kahit pagkatapos nakahanap ng hmm."
Saglit na nag-isip si Harvey bago itinuro ang junkyard."Dito.""Hangga't mayroon kami ng lupang iyon, ang aming negosyo sa real estate ay lalago, Magiging tycoon kami ng Golden Sands sa isang iglap!"Walang magawang tumawa si Saul.Alam niya na si Harvey ay bihasa sa geomancy, ngunit hindi niya naisip na si Harvey ay napakahusay sa pagtatasa ng lupa.Maraming mga eksperto sa geomancy ang nakapunta na sa lupain. Nasira ang lahat dahil sa lahat ng basurang nakapalibot sa lugar.Si Harvey ay magiging biro ng lungsod kung pinili niya ang lugar na iyon nang pabigla-bigla.Sabi nga, hindi maglalakas loob na sabihin ni Saul ang kanyang isip dahil malaki ang utang na loob niya kay Harvey. Masyadong walang galang kung may sasabihin siya."Anong ibig mong sabihin?" tanong niya matapos magmuni-muni saglit."Sa madaling salita, pagkatapos nito, tayo na lang ang makakapagbenta ng mga bahay," sagot ni Harvey.'Ano ang sinabi niya?'Nang marinig ni Saul ang mga salitang iyon, napangiti si