Nanigas kaagad si Aunt Anderson; hindi niya naisip na nakapasok talaga ang anak niya sa kumpanya sa tulong ni Harvey. Kung wala ang tulong niya, hindi makukuha ni Nova ang karapatan na iyon sa umpisa pa lang. Masasabing si Aunt Anderson ay napahiya sa kabila ng kayabangan niya kanina. Para naman kay Nova, hindi niya hiniling kay Harvey na ipasok siya sa kumpanya. Paano pala siya magyayabang sa mga Zimmer kung ganun?Lalo na't nagmamakataas siya kahapon lang!Hindi niya pwedeng bitawan ang dangal niya sa ganito kaikling panahon!Kahit na anong mangyari, hindi niya gustong sumuko!“CEO Pagan! Tumawag sa'kin ang manager ng personnel department mo!” sabi ni Nova. “Hindi ba dahil yun sa kagandahan, pag-uugali, at talento ko?”“Imposibleng nakapasok ako sa kumpanyang ito dahil sa walang kwentang son-in-law na'to!”Mapagmataas ang ekspresyon ni Nova na para bang isa siyang tunay na elite. Pagkatapos siyang tignan, naiilang na nagkatinginan ang babae sa front desk at ang mga
Humarap si Harvey bago tinitigan si Arlet. Para bang mas tumanda ang pagkilos niya kumpara noong nasa bahay siya. Isa pa rin siyang babaeng dalisay at inosenteng tignan, pero mayroon rin siyang sopistikadong ere na pumipigil kay Harvey na gawin ang kahit na anong gusto niya sa kanya. Pagkatapos silipin nang ilang beses si Arlet, umiling siya. “Ayos lang. Titignan na kita.”“Kailangan kong maghanap ng isang tindahan pagkatapos nito.”Muntik nang mabasag ang ngipin ni Arlet pagkatapos marinig ang walang pakialam na mga salita ni Harvey. ‘Ginagawa ko ang lahat para ipakita ang pagiging malumanay ko! Bakit di mo man lang ako tignan kahit kaunti?!’‘Bulag siya! Sigurado yun!’Gayunpaman, mabilis niyang pinigilan ang galit niya, pagkatapos ay dahan-dahan niyang hinubad ang jacket niya. Binuksan niya rin ang ilang butones ng damit niya. “Sumasakit ang banda rito ko habang nagsasanay ako kaninang umaga. Muntik na akong mamatay dahil dito,” sabi niya habang nakaturo sa malalim n
Sumama ang ekspresyon ni Harvey. “Bakit mo ginagawa yan? Anong sinusubukan mong sabihin rito?” tanong niya. “Mukha ba kong klase ng taong gustong mangyari sa'yo ang ganun”“Hindi ba dapat papagalingin mo ako?” Sumagot si Arlet. Lumitaw sa mukha niya ang isang mahinhing ekspresyon. “Handa akong mapalo mo kahit kailan mo gusto!”“Pwede mong gawin ang kahit na anong gusto mo basta gumaling ako!” “Gusto ko kapag pinalo mo ko nang mas malakas!”“Ikaw…” Nabigla si Harvey. “Hindi ka naman masokista, di ba?”Tinitigan siya ni Harvey nang may natatawang ekspresyon. Pagkatapos, inihampas niya ang palad niya paharap. “Sinong nagsabi sa’yong papagalingin kita sa ganyang paraan?”“Yung nakaraan, tinatanggal ko lang ang bara sa ugat mo para mawala ang sakit ng ulo mo!”“Ngayon, kailangan kong ayusin ang problema mo gamit ng martial arts na sinasanay mo.”“Kailangan mong sabihin sa'kin kung anong istilo ang sinasanay mo para makita ko kung nasaan ang problema.”Pagkatapos marini
“Binabati ka namin, Arlet!”“Mukhang di ka pala talaga nagsisinungaling!”“Dali! Sabihin mo sa'ming kung nasaan ang taong yun!”“Gusto rin namin siyang makita!”Napuno ng kaba si Mr. Robbins. “Marami kaming nahanap na mga kilalang doktor mula sa buong mundo. Nagpatingin na rin kami noon kahit kay Oskar Armstrong!”“Sinabi niya sa’min na hindi ito sakit, isa tong sumpa!”“Isang geomancy expert lang ang kayang umayos nito!”“Kahit na ganun, hindi namin ito maayos kahit pagkatapos naming makahanap ng marami sa kanila…”“Kahit na ganun, gagawin namin ang kahit na ano basta't masasabihan mo ang eksperto na tulungan kami!”Bumuntong-hininga si Mrs. Robbins. “Ikaw na ang bahala sa lahat, Arlet.”“Pagkatapos ko sa lahat ng ito, sisiguraduhin kong hahanapan kita ng asawang kayang magpabugbog sa lahat ng top-rated families!”Kaagad na dumilim ang mukha ni Harvey. ‘Isang asawang kayang magpabugbog? Anong ibig sabihin nun?’ Sobrang nailang si Arlet nang nakita niya ang ekspresyo
Kumulo ang dugo ni Saul pagkatapos marinig ang mga sinabi ni Harvey. Inisip niya kaagad na naloko siguro si Arlet ng lalaking nasa harapan niya. ‘Wala man lang siyang certificate, tapos tatawagin niyang eksperto ang sarili niya?’‘Kalokohan!’Manggagantso ba siya o tanga lang?’“Nagtapos ka ba sa Springfield University ng royal family?”“Hindi,” sabi ni Harvey. “Natutunan kong paano magmaneho ng excavator nang maayos noong nasa university ako. May certificate din ako para roon.”“Kung ganun, nagsisinungaling ka lang, ano?”Pagkatapos marinig ang mga sinabi ni Harvey, naging kasing lamig ng yelo ang ekspresyon ni Saul. ‘“Ibang-iba ang propesyon mo!”“Bakit mo kami kinakausap tungkol sa geomancy ngayong nagmammaneho ka lang ng excavator?!”“Kalokohan!”“Hindi mo ba naiintindihan ang kahalagahan ng geomancy arts sa kabuuan ng Country H?”“Bubugbugin ka namin kapag sinubukan mo kaming lokohin nang ganito!”Nagbago ang ekspresyon ni Arlet pagkatapos marinig ang mga sinabi n
“Ah…”“Pakiusap! Bumalik ka!”Natauhan si Saul at tumakbo palabas habang sumisigaw para kay Harvey. Mukhang kakagising lang ni Lola sa isang panaginip, pagkatapos nagmadali niyang sinundan si Saul.Sayang lang at di sila pinansin ni Harvey; pumasok siya sa elevator bago naglaho sa mga tao sa loob nito. Nataranta ang mag-asawa; mabilis na kinuha ni Saul ang phone niya para tawagan ang mga tauhan niya at utusan silang habulin si Harvey.Sinampal ng nakasunod na si Arlet ang phone sa lapag.“Anong problema mo, Saul?!” singhal niya sa inis.“Halatang nagalit si Harvey! Ano pang punto kung mahanap mo siya?”“Sa umpisa pa lang, hindi ka niya tutulungan kung hindi niya gusto!”Pinagpawisan nang malamig ang ulo ni Saul.“Nagkamali kami, Arlet! Naging ignorante kami!”“Hindi namin alam na isa pala siyang talentadong lalaki!”“Pakiusap! Para sa matagal na naming hindi pagkakaroon ng anak, tulungan mo kaming makausap siya!”“Hindi problema ang pera!”“Bibigyan ko siya kahit gaano
“Hindi nakatanggap ng kahit na anong bayad ang branch ko sa nagdaang dalawang buwan dahil dito.”“Nagiging emosyonal na ang mga empleyado at nakahinto rin ang produksyon.”“Malulugi ang kumpanya kapag wala kang ginawa tungkol dito.”Maingat na nagpasa si Mandy ng sigarilyo. Mukha siyang tapat sa ginagawa niya. “Hindi ito ang unang beses mong makatrabaho ang ninth branch, Manager Lee.”“Alam mo dapat ang lakas ng branch ko. Lalo na't sinusuportahan kami ng Jean family, isa sa top ten samples ng Country H.”“Kung gugustuhin mong tumulong, sisiguraduhin kong bayaran ang pabor na ito.”Ngumiti si Sonny sa sandaling tumingin siya kay Mandy. “Sinabi ko ba sa'yo, CEO Zimmer.”“Walang pera ang ninth branch sa ledger ngayon. Imposibleng pumasa ka sa risk assessment namin!”“Hindi namin pwedeng isugal ang negosyo namin at lumaban sa patakaran namin para tulungan ka.”“Wala kang makukuhang kahit isang barya sa bangko!”“Kahit na ganun, may pagkakataon ka pa rin…”Ibinato ni Sonny a
Sumama ang mukha ni Mandy."Inuulit ko sa'yo, Manager Lee!""Kahit ano pang sabihin mo, hindi ko ito tatanggapin!"Suminghal si Sonny."Bakit ba hindi mo maintindihan, Mandy?""Samahan mo lang muna siya sandali. Masyadong malaki ang makukuha mo dito!""Maraming nangangarap na makuha ang ganitong oportunidad, pero hindi sila nagkakaroon ng pagkakataon!""Bakit ba ang tigas ng ulo mo?""Atsaka, hiwalay ka naman na sa asawa mo. Ano ngayon kung matulog ka muna kasama siya?""Higit pa rito, mas madami pang oportunidad ang maghihintay sa'yo.""Pagkatapos nito, ikaw na ang magiging babae ni Young Master Lowe. Magagawa mo na ang kahit na anong gusto mo sa Golden Sands!""Pero kapag hindi mo tinanggap ang alok… bahala na ang pera, mahihirapan ka nang mabuhay dito!""Bakit ka tatanggi sa pera?"Malinaw na bihasa na si Sonny sa mga ganito kasamang alok.Puro may ibang kahulugan ang mga salita niya, papalit-palit ng tono.Ang mga karaniwang babae ay kaagad na mauuto sa mga sinasabi