“Binabati ka namin, Arlet!”“Mukhang di ka pala talaga nagsisinungaling!”“Dali! Sabihin mo sa'ming kung nasaan ang taong yun!”“Gusto rin namin siyang makita!”Napuno ng kaba si Mr. Robbins. “Marami kaming nahanap na mga kilalang doktor mula sa buong mundo. Nagpatingin na rin kami noon kahit kay Oskar Armstrong!”“Sinabi niya sa’min na hindi ito sakit, isa tong sumpa!”“Isang geomancy expert lang ang kayang umayos nito!”“Kahit na ganun, hindi namin ito maayos kahit pagkatapos naming makahanap ng marami sa kanila…”“Kahit na ganun, gagawin namin ang kahit na ano basta't masasabihan mo ang eksperto na tulungan kami!”Bumuntong-hininga si Mrs. Robbins. “Ikaw na ang bahala sa lahat, Arlet.”“Pagkatapos ko sa lahat ng ito, sisiguraduhin kong hahanapan kita ng asawang kayang magpabugbog sa lahat ng top-rated families!”Kaagad na dumilim ang mukha ni Harvey. ‘Isang asawang kayang magpabugbog? Anong ibig sabihin nun?’ Sobrang nailang si Arlet nang nakita niya ang ekspresyo
Kumulo ang dugo ni Saul pagkatapos marinig ang mga sinabi ni Harvey. Inisip niya kaagad na naloko siguro si Arlet ng lalaking nasa harapan niya. ‘Wala man lang siyang certificate, tapos tatawagin niyang eksperto ang sarili niya?’‘Kalokohan!’Manggagantso ba siya o tanga lang?’“Nagtapos ka ba sa Springfield University ng royal family?”“Hindi,” sabi ni Harvey. “Natutunan kong paano magmaneho ng excavator nang maayos noong nasa university ako. May certificate din ako para roon.”“Kung ganun, nagsisinungaling ka lang, ano?”Pagkatapos marinig ang mga sinabi ni Harvey, naging kasing lamig ng yelo ang ekspresyon ni Saul. ‘“Ibang-iba ang propesyon mo!”“Bakit mo kami kinakausap tungkol sa geomancy ngayong nagmammaneho ka lang ng excavator?!”“Kalokohan!”“Hindi mo ba naiintindihan ang kahalagahan ng geomancy arts sa kabuuan ng Country H?”“Bubugbugin ka namin kapag sinubukan mo kaming lokohin nang ganito!”Nagbago ang ekspresyon ni Arlet pagkatapos marinig ang mga sinabi n
“Ah…”“Pakiusap! Bumalik ka!”Natauhan si Saul at tumakbo palabas habang sumisigaw para kay Harvey. Mukhang kakagising lang ni Lola sa isang panaginip, pagkatapos nagmadali niyang sinundan si Saul.Sayang lang at di sila pinansin ni Harvey; pumasok siya sa elevator bago naglaho sa mga tao sa loob nito. Nataranta ang mag-asawa; mabilis na kinuha ni Saul ang phone niya para tawagan ang mga tauhan niya at utusan silang habulin si Harvey.Sinampal ng nakasunod na si Arlet ang phone sa lapag.“Anong problema mo, Saul?!” singhal niya sa inis.“Halatang nagalit si Harvey! Ano pang punto kung mahanap mo siya?”“Sa umpisa pa lang, hindi ka niya tutulungan kung hindi niya gusto!”Pinagpawisan nang malamig ang ulo ni Saul.“Nagkamali kami, Arlet! Naging ignorante kami!”“Hindi namin alam na isa pala siyang talentadong lalaki!”“Pakiusap! Para sa matagal na naming hindi pagkakaroon ng anak, tulungan mo kaming makausap siya!”“Hindi problema ang pera!”“Bibigyan ko siya kahit gaano
“Hindi nakatanggap ng kahit na anong bayad ang branch ko sa nagdaang dalawang buwan dahil dito.”“Nagiging emosyonal na ang mga empleyado at nakahinto rin ang produksyon.”“Malulugi ang kumpanya kapag wala kang ginawa tungkol dito.”Maingat na nagpasa si Mandy ng sigarilyo. Mukha siyang tapat sa ginagawa niya. “Hindi ito ang unang beses mong makatrabaho ang ninth branch, Manager Lee.”“Alam mo dapat ang lakas ng branch ko. Lalo na't sinusuportahan kami ng Jean family, isa sa top ten samples ng Country H.”“Kung gugustuhin mong tumulong, sisiguraduhin kong bayaran ang pabor na ito.”Ngumiti si Sonny sa sandaling tumingin siya kay Mandy. “Sinabi ko ba sa'yo, CEO Zimmer.”“Walang pera ang ninth branch sa ledger ngayon. Imposibleng pumasa ka sa risk assessment namin!”“Hindi namin pwedeng isugal ang negosyo namin at lumaban sa patakaran namin para tulungan ka.”“Wala kang makukuhang kahit isang barya sa bangko!”“Kahit na ganun, may pagkakataon ka pa rin…”Ibinato ni Sonny a
Sumama ang mukha ni Mandy."Inuulit ko sa'yo, Manager Lee!""Kahit ano pang sabihin mo, hindi ko ito tatanggapin!"Suminghal si Sonny."Bakit ba hindi mo maintindihan, Mandy?""Samahan mo lang muna siya sandali. Masyadong malaki ang makukuha mo dito!""Maraming nangangarap na makuha ang ganitong oportunidad, pero hindi sila nagkakaroon ng pagkakataon!""Bakit ba ang tigas ng ulo mo?""Atsaka, hiwalay ka naman na sa asawa mo. Ano ngayon kung matulog ka muna kasama siya?""Higit pa rito, mas madami pang oportunidad ang maghihintay sa'yo.""Pagkatapos nito, ikaw na ang magiging babae ni Young Master Lowe. Magagawa mo na ang kahit na anong gusto mo sa Golden Sands!""Pero kapag hindi mo tinanggap ang alok… bahala na ang pera, mahihirapan ka nang mabuhay dito!""Bakit ka tatanggi sa pera?"Malinaw na bihasa na si Sonny sa mga ganito kasamang alok.Puro may ibang kahulugan ang mga salita niya, papalit-palit ng tono.Ang mga karaniwang babae ay kaagad na mauuto sa mga sinasabi
Habang tumitili si Mandy sa takot, bumangon si Sonny at nagkiskisan ang ngipin. Pinunasan niya ang dugo sa kanyang bibig at galit na tinuro si Harvey."Sino ka bang hayop ka?!""Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?""Ang kapal ng mukha mong sampalin ako!"Subalit, lumapit si Harvey at muling binugbog si Sonny."Tinatanong mo sa akin 'yan pagkatapos ng ginawa mo sa asawa ko?""Tumingin ka nga sa salamin!""Asawa mo?"Nanigas si Sonny bago sumigaw, "Ikaw 'yung walang kwentang live-in son-in-law?""Ang kapal ng mukha mo?!""Papatayin kita!"Sa kabila ng mga sigaw ni Sonny, muling hinawi ni Harvey paharap ang kanyang palad.Pak!"Insultuhin niyo ako kung gusto niyo, pero kapag ginalaw niyo ang asawa ko…""Papatayin kita!"Tinakpan ni Sonny ang mukha niya at napaupo siya sa sahig. Nanginginig ang kanyang katawan sa sakit, at magang-maga ang kanyang mukha. "Huwag mo na siyang saktan, Harvey!"Kaagad na hinila ni Mandy si Harvey, nababahala."Mamamatay talaga siya!"Naantig
Natural, sobrang walang hiya si Sonny sa puntong wala na siyang respeto sa kanyang sarili.Kaagad niyang ipinaliwanag ang sitwasyon nang pabor sa kanya…Umaasang itutumba ni Chloe si Harvey para sa kanya."Hindi totoo 'yan, Vice President…" kaagad na sinabi ni Mandy.Ngunit malinaw na sinusuportahan ni Chloe si Sonny. Wala siyang balak na makinig sa paliwanag ni Mandy "Sinasaktan mo ang mga tao namin sa sarili naming teritoryo?" galit niyang sinabi."Gaano kayo katapang?""Blacklisted na kayo dito magmuka ngayon!""Dali! Palabasin niyo ang mga taong ito!"Ang tono niya ay puno ng mapagmataas at matapang na aura. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Chloe, kaagad na namutla ang mukha ni Mandy.Hindi niya inakalang aabot sa ganito ang mga bagay.Nasa malaking gulo na ang ninth branch…Ngunit katapusan na nila dahil dito!'Hindi pa ako naatasang humawak ng ninth branch nang ganoon katagal…' miserable niyang naisip.'Paano ko naisipang balaking maging person in charge ng Jean
"Sige! Dahil masyado kang pasikat, tanggalin mo na pala ako!"Humalukipkip si Chloe habang ang maganda niyang mukha ay puno ng paghamak. "Dali! Gawin mo na!" hamon niya habang nakatitig nang masama kay Harvey.Bam!Sa sandaling ito, sinipa pabukas ang pinto patungo sa bulwagan.Isang dosenang taong nakasuot ng mamahaling damit ang dumating.Ang tao sa harap ay isang lalaking mukhang mayaman na nakasuot ng malinis na damit na gawa sa balat.Siya ay walang-iba kundi si Saul Robbins, ang presidente ng Golden Sands Bank at prinsipe ng Robbins family.Kaagad na lumingon sila Chloe at nagmadaling lumapit kay Saul.“Young Master Robbins!”"Bakit ka naparito?"Ang laki ng ngiti ni Chloe at Sonny; nasa bingit na sila ng pagluhod at pagyakap sa binti ni Saul.Si Saul, na mukhang palakaibigan, ay mukhang hindi man lang sila nakita.Naglakad ito patungo kay Harvey…At hinawakan ang kamay ni Harvey bago ito kamayan nang sobrang lakas."Pasensya na talaga sa lahat ng ito, Sir York…"
Hindi man lang niya mapapanatili ang kanyang posisyon kung lalala ang mga pangyayari.Isang nakakakilabot na ekspresyon ang ipinakita ni Soren Braff bago huminga ng malalim.“Representative Abe, tama ba?"Alam ko na ito ang teritoryo ng Island Nations. Alam ko rin na ikaw ang kinatawan ng Island Nations Embassy!"Ngunit kailangan mong bigyan ako ng isang patas na pahayag para sa pinsala sa aking mga tao nang ganoon!""Sa tingin mo ba may karapatan kang hilingin iyon?!"Ngumisi si Sakamoto bago itinapat ang likod ng palad sa mukha ni Soren.Pak!Isang malakas na sampal ang narinig.Napaatras ng ilang hakbang si Soren na hindi makapaniwala. Ni wala siyang panahon para ihanda ang sarili.Hindi niya inaasahan na magiging walang ingat ang mga taga-isla para labanan siya ng ganito!Isang matingkad na pulang palm print ang makikita sa kanyang mukha nang siya ay lubos na nagalit."Mukhang pinaplano mong palakihin ang sitwasyon kahit anong mangyari, Young Master Abe!Malamig na nap
”Hayy.”Napabuntong-hininga si Kairi Patel bago inilabas ang kanyang telepono."Baka may nakalimutan ka, Young Master Abe.“Galing ako sa pamilya Patel!“Ang pamilya ay kabilang sa isa sa limang nakatagong pamilya."Sa tingin mo ba makakaalis ka pa rito ng buhay kung magpasya akong pigilan ka anuman ang kahihinatnan?"“So ano?“Kaya mo bang labanan ang pamilya Tsuchimikado?"Kami ang tunay na maharlikang pamilya na may libu-libong taon ng angkan!"Ang Bansa H ay hindi pa naitayo sa loob ng isang daang taon! Paano ka makakaasa na lumaban sa Island Nations?!“Sige lang! Subukan mo ako!"Gusto kong makita kung gaano kahanga-hanga ang pamilya Patel!"Bam!Bumukas ang pinto bago pumasok ang isang grupo ng mga lalaking naka-uniporme.Ang nasa harap ay si Soren Braff mismo."Anong karapatan mong saktan ang pamangkin ko sa ilalim ng hurisdiksyon ng Golden Sands Police Station?" malamig na bulalas ni Soren habang humahakbang."Natanong mo na ba muna ang opinyon ko?"Mabilis na
”Ano?“Galit ka ba sa’kin?“Papatayin mo ako gamit ng lason mo?”Napuno ng panghahamak ang magandang mukha ni Abe Masato.“Kung ganun, gawin mo na.“Tingnan natin kung kaya mo!“Tingnan natin kung ano ang mangyayari sa pamilya mo pagkatapos mo akong patayin!“O sasampalin mo muna ako para gumaan ang pakiramdam mo?”Inilapit ni Abe ang mukha niya kay Kairi Patel.Tumalim ang mga mata ni Harvey York. Masasabi na masyadong nagyayabang si Abe.Gayunpaman, hindi rin nagmadaling kumilos si Harvey. Dahil ganito kayabang si Abe, malamang may iba siyang pinaplano.Naisip ni Harvey na maghintay siya ng kaunti para sa kapakanan ni Kairi.Bukod dito, naniniwala siyang kaya niyang harapin ang Islander nang mag-isa.Hindi niya sana isinama si Harvey kung hindi iyon ang nangyari.Gusto ni Kairi na ihampas si Abe sa lupa ngunit hindi niya ginawa.Si Abe at ang iba pa ay nasa ilalim ng pangalan ng Island Nations’ Embassy.Ang pakikipaglaban sa kanya pabalik ay magiging isang malaking pr
"Hindi ka dapat maging ganito ka-bastos kay Ms. Kairi Patel. Anuman ang dahilan, kaklase ko pa rin siya.”Itinaas ni Abe Masato ang kanyang kopita bago uminom."Dapat alam mo na magkaklase lang tayo, Abe," sabi ni Kairi habang nakatingin siya ng masama kay Abe.“Anong karapatan ng tauhan mo na utusan ang boyfriend ko?"Naisip mo ba ang magiging kapalit nito?"Isang malungkot na tingin ang ipinakita ni Abe bago tumalim ang kanyang mga mata."Palagi kong iniisip na isa kang matalinong babae, Kairi…"Hindi gumagawa ng katangahan ang mga matalinong babae.“Dahil magkaklase tayo, bibigyan kita ng isa pang pagkakataon.“Sino ang lalaking ‘to para sayo?!”Hindi man lang nag-alinlangan si Kairi.“Siya ang boyfriend ko!” malamig niyang sinabi.Bam!Hinagis ni Abe ang kanyang kopita sa lupa ng may malagim na ekspresyon.Tumayo siya bago siya naglakad palapit kay Kairi ng magkakrus ang mga braso.“Ano ulit ang sinabi mo?” tanong niya habang nakatingin ng masama kay Kairi.“Boyfrie
Sa tapang ni Kairi Patel, hindi makapaniwala ang mga tao na hahayaan niyang maupo ang kanyang boyfriend sa halip na siya.Napakahalaga talaga siguro ng lalaking ito para sa kanya.Agad na nagdilim ang mukha ni Abe Masato.Muling umupo si Greta Lee sa kanyang upuan bago siya nagsalita."Kayong lahat, isinama ni Kairi ang kanyang boyfriend para makilala natin siya ngayon."Siguraduhin ninyong bibigyan niyo sila ng mga kamangha-manghang regalo kapag nagpakasal sila!"Nabalitaan ko na binibigyan ni Kairi ng maraming pera ang boyfriend niya! Dapat din natin siyang tulungan!"Kung hindi, hindi tatanggapin ng dalawang ‘yun ang mga regalo natin!"Natigilan ang lahat bago sila natauhan. Ang kanilang mga tingin kay Harvey York ay unti-unting naging mapanghusga.Syempre, akala nila isa lang siyang alalay.Bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Aldo John nang makita niya si Harvey. Nakilala niya siya noong sandaling iyon.Tumayo siya, magsasalita sana siya, ngunit umiling si Harvey, na par
Ang lalaki ay nakasandal sa sopa na nakapatong ang mga paa, na natural na naging sentro ng atensyon ng mga tao.Si Harvey York ay kumunot ang noo sa lalaki. Ang kanyang kagandahan at kabaitan ay may kasamang di-masukat na lungkot at kasamaan.Sa wakas, ang pinakabata at pinaka-kahanga-hangang onmyoji ng pamilya Tsuchimikado ay hindi magiging isang ordinaryong tao.Habang naglalakad sa paligid ng kahon, inilipat ni Kairi Patel ang kanyang tingin sa isang tao bago nagpakita ng kakaibang ekspresyon."Bakit nandito rin si Aldo John?""Hindi ba lumpo na siya?"Tumingin si Harvey sa isang batang lalaki na nakasuot ng suit.Hindi siya mukhang matanda. Mukhang banayad siya nang umupo siya sa tabi ni Abe Masato, na para bang siya rin ay nasa mataas na posisyon.Naramdaman ni Harvey na pamilyar ang tao hanggang sa sa wakas ay naalala niya.Ito ang parehong tao na humingi ng tulong para hindi magwala noon sa Flutwell.Si Aldo John mismo.Ang liit ng mundo. Hindi niya inaasahan na makik
"Walang kahulugan sa akin ang mga salitang iyon, Kairi. Dapat mong sabihin ‘yan kay Young Master Abe mamaya,” malamig na sinabi ni Greta Lee.Pagkatapos, tiningnan niya si Harvey York bago tumawa ng malamig."Hindi ko alam kung sino ka, bata!"Pero binabalaan kita! May mga taong hindi mo dapat banggain!"Alam kong mas mahalaga sayo ang pera kaysa sa sarili mong buhay!"Kung alam mo ang makabubuti para sa'yo, kunin mo ito at umalis ka na!"Kung hindi, hindi mo magugustuhan ang kahihinatnan nito!"Kinuha ni Greta ang isang bunton ng pera mula sa kanyang handbag bago ito ihinagis sa lupa.Dumilim ang mukha ni Kairi Patel, ngunit bahagya lamang siyang ngumiti nang tumingin siya kay Harvey.Habang binabastos ni Greta si Kairi, tinatapak-tapakan din niya si Harvey.“Honey…"Sinusubukan niya akong palayasin gamit ang pera.""Hindi niya nga alam kung gaano kalaki ang ibinibigay mong baon sa akin araw-araw."Nagsalita si Harvey habang nakangiti kay Kairi."Gusto niyang malaman kun
Tumingin si Harvey York sa ibang direksyon matapos makita ang nakakaakit na ngiti ni Kairi Patel.Suminghal si Kairi, nagmamaktol siya dahil sa walang pusong lalaki sa harap niya bago niya ipinarada ang kotse. Pagkatapos ay pumasok na ang dalawa sa clubhouse.Ito ang lugar na paboritong bisitahin ng mga turista sa Golden Sands. Hindi lamang mga mamahaling sasakyan ang nakaparada sa paligid, kundi marami ring mga kakaibang tao ang makikita na kasama ang kanilang mga kasintahan habang masayang nagkukwentuhan.Hindi hilig ni Harvey ang mga ganitong atmospera pero wala siyang sinabi tungkol dito dahil may layunin siya sa isip niya.Pagkatapos tumawag ni Kairi, dinala niya si Harvey sa pinakamalalim na box ng lugar.Isang babae na nakasuot ng isang dress at may eleganteng makeup ang matagal nang naghihintay.Mabilis siyang lumapit nang makita niyang dumating si Kairi."Sa wakas nandito ka na!"Hinihintay ka ng lahat!"Ayaw ni Young Master Abe Masato na umorder ng kahit anong pagkai
Napahinto si Harvey York bago siya natawa, nagtataka siya kung nakatakda ba siyang magpanggap bilang boyfriend ng iba kamakailan.Pinuntahan siya ni Penny Jackson noon. Pinuntahan siya ni Cedric Lopez para gumawa ng gulo pagkatapos nun.Dahil humingi ng tulong si Kairi Patel, malamang na isa itong malaking bagay."Ano? Tumatanggi ka kahit na tinulungan mo si Penny?"Natural na alam ni Kairi ang tungkol dito. Lumapit siya sa tabi ni Harvey bago bumulong sa kanyang tainga."Nagmamakaawa siya na magpanggap kang boyfriend niya..."“Pero iba ako.”"Kung kilala mo ang taong ayaw ko...""Ikaw ang magmamakaawa sa’kin."Pinatunog ni Harvey ang kanyang dila."Hindi ko alam ang tungkol diyan. Hindi ako yung tipo na magmamakaawa.”"Ang taong iyon ay kabilang sa Tsuchimikado family. Isa siyang exchange student mula sa Kyoto University."Ang pangalan niya ay Abe Masato.""Bukod sa siya ang pinaka maningning na bituin sa larangan ng pulitika ng Island Nations, at ang pinakabatang advisor