Tinawag na ni Arlet Pagan si Harvey York sa titulong ito…Ngunit nang kukunin na siya ni Kairi Patel, magalang pa rin siyang binigyan ng butler ng Pagan family ng isang fifteen million dollar check.Higit sa lahat, ang Pagan family ay may antigong negosyo.Kung wala ang matalas na paningin ni Wes Pagan, kaagad na babagsak ang negosyo ng pamilya nila.Bago pa magkaroon ng kasunod na tunay na tagapagmana, kailangan pa nila si Wes.Nasagip ni Harvey ang buong pamilya sa pagtulong niya kay Wes sa problemang ito.Kailangang magpasalamat ng pamilya sa kanya anumang mangyari.Walang pake si Harvey sa pera, ngunit itinabi niya pa rin ito.Pagkatapos, umupo siya sa Ferrari ni Kairi bago umalis sa tahanan ng Pagan family.Nagtatakang napatingin si Harvey sa babaeng mala-Diyosa sa tabi niya habang nasa daan.“Oo nga pala, paano mo nalamang masasagip ko si Mr. Pagan?”Ngumiti si Kairi bago siya humarurot.“Alam kong maaaring sa iisang lugar nagmula ang salamin at bead.“Dahil naayos m
Ngumiti si Harvey.“Anong klaseng payo?”“Mula noong unang panahon, ang immortality ay kasabay na ng geomancy arts.“Kung gusto mong mapansin ka ng Evermore, kung gusto mo silang palabasin para makakuha ng ebidensya, mas mabuti kung magiging isa kang kilalang geomancy expert.“Payo ko na magtayo ka ng isang shop dito.“Sa isang banda, pwede kang mag-ingat habang nagnenegosyo.“Sa kabilang banda, baka kusa nang magpakita ang Evermore.“Higit pa rito, maraming kakaibang bagay ang nangyayari sa isang siyudad na may mayamang kasaysayan na tulad nito.“Ang isang kilalang geomancy expert ay makakakuha ng maraming koneksyon dito. Mabuti naman siguro ito para sa’yo diba?”Pinag-isipan ni Harvey ang sitwasyon bago tumango nang bahagya.“May punto ka. Iba talaga ang lady ng Patel family.“Ang pagiging geomancy expert ay isang nakakatuwang trabaho.“Gayunpaman, hindi ako magaling sa geomancy, at hindi rin ako lisensyado.”Ngumiti si Kairi Patel.“Kung interesado ka, bilang partner m
“Gaano ba kakapal ang mukha mo?!“Hindi ka ba naaalagaan nang maayos ng Zimmer family?!“Ang kapal naman ng mukha mong nakawin ang pera ni Mandy Zimmer?!“Anong balak mong gawin dito? Alagaan ang babae mo?”Puno ng pandidiri ang mga salita ni Alma John. Naniniwala siyang si Harvey ay katulad ng isang hamak na pulubi o isang magnanakaw.Lahat ng mga manggagawa at mamimili ay sabay-sabay na tumatango, iniisip na sumosobra na ang live-in son-in-law.“Tapos ka na ba?Mukhang kalmado si Harvey.“Tumabi ka kung tapos ka na! Huwag kang mangingialam sa ginagawa ko!”Kung hindi babae si Alma, sinampal na sana siya ni Harvey.“Babalaan kita, alagain ka!“Bibigyan kita ng tatlong araw!“Sa oras na iyon, mabuti pa at iwan mo na si Mandy!“Kung balak mo pa siyang pakasalan ulit…“Alok ko na sukuan mo na ‘yan ngayon na!“Wala kang karapatang dumihan ang isang babaeng tulad niya!Mukhang arogante si Alma habang minamandohan niya si Harvey.Seryoso niyang tinuturo ang kanyang ilong ka
Sa madaling salita, ang isang live-in son-in-law ay hindi makakahawak ng ganito kalaking pera.Lalo na ang isang Black Card.‘Kalokohan!’ Ang ilang magagandang staff ay nakangiti nang mapanghamak.‘Grabe na nga ‘yung inaalagaan ang ganitong palamunin, pero ninakaw niya pa ang pera ng asawa niya para gumawa ng Black Card!’‘Hindi lamang niya pinapahiya sarili niya, sobrang imoral din niya!’‘Dapat sa mga taong ganyan, nalulunod!’Kumunot ang noo ni Harvey York.“Pera ko ‘to.”“Pera mo?Natawa si Alma John.“Isa ka lang alagaing lalaking kumakapit kay Mandy kasi hindi mo kayang ipagtanggol ang sarili mo! Hindi mo kailanman makukuha ang ganito kalaking pera!“Siguradong ninakaw mo ang pera ng Zimmer family!“Ilegal ‘yan! Hindi ka mapapatawad!Pagkatapos ay tinawagan ni Alma si Mandy Zimmer.“Halika dito dali, Mandy! Hindi ito maganda!”Malinaw na gusto niyang gamitin ang pagkakataong ito para alisin si Harvey sa buhay ni Mandy.Sa ganitong paraan, makukuha na ito ng kany
Hindi inakala ni Alma John na ang card ni Harvey York ay matagal nang nagawa.‘Baka talagang ang live-in son-in-law na ito ay isang misteryosong malaking tao…Hindi mapigilan ni Alma na mangatog nang maisip niya ito, ngunit kaagad siyang nahimasmassan.‘Anong klaseng malaking tao ang magiging isang live-in son-in-law?‘Kalokohan!Tinitigan nang masama ni Alma si Harvey, para bang naiintindihan na niya ang sitwasyon.“Alam ko na! Siguro ninakaw niya ito sa iba matagal na!“Hindi na niya hinawakan ang pera pagkatapos nito!“At ngayon, balak niyang gamitin ang lahat ng ito pagkatapos humupa ng lahat!“Napakasama!Mukhang mapanghamak si Alma.“Kahit na ganon, paanong ganito ka katanga?“Hindi mo ba alam na siguradong titingnan ng mga bangko ang pinagmulan ng pera kapag nag-withdraw ka ng malaking pera mula sa isang Black Card?“Lagot ka na kapag nalaman naming mula sa isang kaduda-dudang source ang pera!“Pwede kang makulong habang buhay sa ganito kalaki!”Sinulyapan ni Mand
“Ano?!Nanigas si Alma John bago sumama ang kanyang mukha.“Nagkakamali ka ata, Mr. Osborne!“Pinasa sa kanya ng Sky Corporation ang pera?!“Imposible ‘yan!”“Anong ibig-sabihin mo niyan?” sigaw ni Mr. Osborne habang nakatitig nang masama.“Malinaw na si Sir York ay mukhang isang talentado at magaling na binata! Siya siguro ang taong tinitingala ni Prince York!“Natural lang sa kanya na makuha ang mga funds!”“Imposible!Natataranta na si Alma.“Isa lang siyang live-in son-in-law, isang palamunin! Bakit siya magkakaroon ng koneksyon sa isang taong tulad ni Prince York?!“Mali ito! Sigurado ako!Hindi matanggap ni Alma ang katotohanang tunay nga ang Black Card ni Harvey at may ganito kalaking pera ang account.“Tumawag ka ulit, Mr. Osborne! Siguradong may mali!”Kakaiba ang mukha ni Mandy Zimmer nang tingnan niya si Harvey. Alam niyang maraming pagkatao si Harvey, ngunit hindi niya inakalang may tinatago pa rin ito.Naintindihan din niya ang pakay nito nang malaman niyang
Ng makitang nagngangalit si Mr. Osborne, alam na alam ni Alma na hindi siya makakaligtas kung hindi siya humingi ng tawad."I'm sorry," Mahinang sabi niya sa pamamagitan ng pagngangalit ng mga ngipin.“Talaga ba?”Bahagyang napangiti si Harvey sa reaksyon niya."Pinagtatawanan at sinisiraan mo ako, pagkatapos ay dinala mo ang aking asawa dito upang labanan ako."“Hindi ka man lang mukhang tapat kapag humihingi ka ng tawad. Langya, para kang may utang na milyon milyon o kung ano pa man.""Sa tingin mo ba ay malulutas ng simpleng paghingi ng tawad ang anumang bagay?"Kumunot ang noo ni Alma, at agad na nagpakita ng malamig na tingin si Harvey."Sa pagtatapos ng araw, ikaw ang nanghiram ng pera!""Kailangan mo pa ring ibalik ito sa madaling panahon!""Sa tingin mo kilalang tao ka o ano?!""Tama na, Harvey!" Nagpatuloy si Alma, nakanguso. "Huwag mong subukang lumampas sa linya!"Nag alinlangan si Mandy."Kalimutan na natin 'yon, Harvey. Isang hindi pagkakaunawaan lang."“Baha
Ng makitang tumatalon talon si Alma sa pagmamalaki, napangiti na lamang si Harvey."Sigurado ka bang hindi mo kakainin ang mga salita mo pagkatapos nito?"Bumilis ang tibok ng puso ni Mandy nang marinig iyon, at mabilis niyang hinila ang braso ni Harvey.“Kalimutan mo na, Harvey. Itigil mo ito para sa akin. Kaibigan ko si Alma."Pagkatapos ay ipinakita niya ang isang taos pusong ekspresyon kay Alma.“Pakinggan mo ako, Alma. Dapat kang humingi ng tawad kay Harvey at kalimutan mo na rin ito, okay?"Natural, alam niya na sa mga pamamaraan ni Harvey, magiging napakadali para sa kanya na tanggalin si Alma.Isang kahihiyan na itinuring ni Alma ang kabaitan ni Mandy bilang proteksyon ni Harvey."Gusto mo humingi ako ng tawad sa kalokohang ito? Niloloko mo ba ako?!" Malamig na sinabi ni Alma na may matinding titig."Gusto mo humingi ako ng tawad?""Hihingi ako ng paumanhin kapag siya ay nakalibing na!"Kasunod ng kanyang tandang, ang mga magagandang manggagawa sa paligid ay nanunuya