“Ano?!” Gulat na gulat si Arlet Pagan tungkol sa kondisyon ng lolo niya, pero mas nagulat siya na tama ang sinabi ni Harvey York. Kapareha ng kanya ang mga salita ni Rodney Foster. May kakaibang ekspresyon si Wes Pagan nang tumingin siya kay Harvey. Hindi niya inasahan mahusay pala si Harvey. May malalim na ekspresyon si Kairi Patel. Matagal na siyang naniniwala sa kakayahan ni Harvey. Iyon ang dahilan kung bakit niya siya dinala dito sa umpisa pa lang. Kagaya ng inaasahan, tama ngang naniwala siya sa kanya. Tumingin si Wes kay Harvey bago nilipat ang tingin niya kay Rodney. “Maraming taon na tayong magkakilala, Rodney.“Gawin mo lang ang gusto mo. Tignan mo kung mapapagaling mo ako.”“Magiging tapat ako sa'yo, Wes. Nasa loob ng katawan mo ang pinagmumulan ng masamang enerhiya. Ang tanging paraan para iligtas ka ay tanggalin ang pinagmulang ito,” seryosong sagot ni Rodney. “Kahit na ganun, may kailangan akong sabihin sa'yo.“Magiging mapanganib ang operasyong ito.
”Ganun ba?”Suminghal si Rodney Foster pagkatapos marinig ang mga salita ni Harvey York. “Hindi sa binabastos kita, bata!“Saan mo nakuha ang lakas ng loob para sabihin yan?“Halika! Sabihin mo sa'kin kung saan ka natuto para masukat ko ang kakayahan mo!“Ang totoo, kahit na dalhin mo si Master Ziegler dito, pareho pa rin ang magiging tyansa niya!”Tumingin si Harvey sa ulo ni Wes Pagan. Para bang mabubuo na ang masamang enerhiya niya. Napakahirap siguro para sa kanya ang pagdurusang nararamdaman niya araw-araw. Maliit na alalahanin na lang siguro ang kawalan ng tulog sa gabi para sa kanya. Kapag nagawa niyang makatulog, gigisingin din naman siya ng mga bangungot. Sa puntong ito, ilang linggo na lang ang itatagal niya. Nang walang pagdadalawang-isip, naawa si Harvey. Nilipat ni Harvey ang tingin niya papunta kay Rodney. “Hindi ako isang geomancy expert. Hindi ko to natutunan mula sa isang tinatawag na master.”Napahinto si Rodney bago siya malamig na tumawa. “Pero
Kakaiba ang ekspresyon ni Harvey York nang tinignan niya si Mandy Zimmer. Hindi niya makilala kung sino ang babaeng nasa phone. Simula nang nagpunta siya sa Golden Sands, marami siyang nakilalang mga tao. Mula sa isang pananaw, senyales ito ng paglaki niya. “Mandy! Hindi ba yan ang maalamat na live-in ex-husband?”May namumuhing ekspresyon ang babae sa screen nang nakita niya si Harvey sa likuran ni Mandy. “Bakit mo pinapasok sa kwarto mo ang basurang yan?”Tinitigan siya nang masama ni Mandy. “Sinabi ko na sa'yo, Alma. Papakasalan ko siya ulit.”“Nagbibiro ka ba?”Nagulat si Alma John. “Basura lang siya! Alam ng lahat dito na muntik ka nang di nakaalis sa kasal na yan! Bakit maghuhukay ka ulit ng hukay para sa sarili mo?“Nakalimutan mo na ba?“Pinakilala kita sa kapatid ko! Ikaw dapat ang sister-in-law ko!“Ang kapatid ko ay isang prominenteng tao sa John family!“Magiging isang malakas na mag-asawa kayong dalawa!”Nagpakita ng determinadong ekspresyon si Alma sa
“Ang kapal ng mukha mo, Harvey York?!” Nagbago ang ekspresyon ni Arlet Pagan. “Ano? Tinatawag mo kong con man, pero natatakot kang makipagpustahan?” sagot ni Harvey. “Kahit na ganun, isa tong magandang sitwasyon para sa'yo, tama?“Pwede mo kong pagtawanan at patunayang tama ka kapag nanalo ka. “Ang kailangan mo lang gawin ay maging katulong ko sa loob ng tatlong taon kapalit ng buhay ng lolo mo.”Natural na handa si Harvey na pababain ang kayabangan ni Arlet. Lalo na't medyo nainis siyang palagi siyang tinatawag na con man. Nagngitngit ang ngipin ni Arlet pagkatapos makita ang seryosong ekspresyon ni Harvey sa mukha niya. “Sige! Pumapayag ako!“Tumetestigo rito sina Lolo Foster at si Kairi Patel!“Kapag natalo ako, magiging katulong mo ako!”“Magaling!”Hindi nagsayang ng oras si Harvey pagkatapos kumpirmahin ang pustahan. Humakbang siya paharap. Sa ilalim ng gulat na titig ng lahat, tinanggal niya ang bead mula sa dibdib ni Wes Pagan. Pagkatapos, bahagya siyang
Naningkit ang mata ni Harvey York sa bead na nasa lapag bago nagpakita ng ngiti sa mukha niya. “Kung tama ang hula ko, nakuha mo ang bead dahil hirap kang matulog, tama?”“Tama ka. Noon, hirap na hirap talaga akong matulog. Kadalasan, nakakatulog lang ako nang maayos isang beses sa tatlong araw. “Sinabi sa'kin ng isang eksperto na nangyari ito dahil naga-appraise ng mga antigo ang negosyo ng pamilya. “Pagkatapos makahawak ng lahat ng klase ng relics, nakakahigop ang katawan ko ng ilang masamang enerhiya at negatibong naapektuhan ang tulog ko. “Iyon ang dahilan kung bakit sinabihan ako ng eksperto na maghanap ng banal na bagay para panatilihin akong ligtas, pero hindi ko inaasahang…”May pambihirang ekspresyon si Wes Pagan sa mukha niya. Ang eksperto ay isang nilalang tao sa bansa, pero di niya inasahang muntik na siyang mamatay nang dahil sa kanya. “Tama ang eksperto. Ang parte ng masamang enerhiya sa loob mo ay dahil sa lahat ng antigong nahawakan mo noon. “Pero, ang b
Pagkatapos marinig ang mga salita ni Harvey York at makita siyang ayusin ang ganito kakumplikadong problema nang napakadali, hangang-hanga si Wes Pagan. Pinagsalikop niya ang mga kamay niya nang sinabi niyang, “Salamat sa lahat, Sir York!“Ikaw ang tagapagligtas ko!“Sabihin mo lang kung may kailangan ka!”Ngumiti si Harvey. “Hindi ko kailangan ng kahit na ano. Siguraduhin mo lang ba sumunod si Arlet sa pustahan.”Pagkatapos, sinenyasan ni Harvey si Arlet Pagan gamit ng daliri niya. “Dali! Tawagin mo na kong ‘Master’!”Namula ang mukha ni Arlet. Nanginig sandali ang mga mata niya. Wala siyang nagawa kundi tumakbo dahil hindi niya ito kayang sabihin. Ngumiti ang lahat habang nagkatinginan sila. Maituturing itong malaking karangalan para mapatakbo sa hiya ang mapagmataas na lady. Pagkatapos, inutusan ni Harvey na pagpahingahin si Wes. Naglakad naman si Harvey sa paligid ng manor sa ilalim ng gabay ng butler para tanggalin ang ilang antigo. Mas mabuti naman kung tutul
“Syempre, hindi mo kailangang pumayag kung ayaw mo.“Lalo na't masyado akong mapangahas sa hiling ko. Naiilang na ngumiti si Rodney. Sobra siyang mapagpaumanhin. “Masyado akong mapusok. Hindi ko naisip na baka iss itong secret art na pinasa sa'yo sa umpisa pa lang. Patawarin mo ako.”Ngumiti si Harvey York. “Hindi mo na kailangang maging masyadong magalang, Mr. Foster. “Kung talagang interesado ka, pwede kitang turuan nang libre.”“Nang libre?”Napahinto si Rodney. “Ituturo mo sa'kin?”Hindi siya makapaniwala sa narinig niya. Mukhang simple lang ang geomancy arts ni Harvey, pero malinaw na pinagmukha niya lang itong ganito dahilan napakagaling niya. Hindi sapat ang milyon-milyong dolyar para bilhin ang ganitong kakayahan! Kung gugustuhin ni Harvey, handa si Rodney na makipagpalitan sa kanya ng kahit na ano…Pero sa halip, nagpasya siyang ipamigay ang mahalagang kaalamang ito nang libre. Hindi pa rin makapaniwala si Rodney sa sandaling iyon. “Syempre, libre ito.
Pulang-pula ang mukha ni Arlet Pagan pagkatapos marinig ang mga salita ni Harvey York. Napaatras siya na para bang may ginawa si Harvey sa kanya. “Bibigyan kita ng labinlimang milyong dolyar, isang sports car, at isang villa!“Kapalit nito, gusto kong matapos ang pustahan! Ayos ba yun sa'yo?!”Ngumiti lang si Harvey nang di nagsasalita. “Ano? Tingin mo ba hindi pa sapat yun?”Suminghal si Arlet. Mukha siyang namumuhi. Iniisip niyang sakim lang si Harvey. “Sige! Dodoblehin ko ang pera!”“Ang totoo…“Hindi naman masyadong malaki ang tatlompung milyong dolyar para sa'kin. Kaya kong makuha ang ganitong halaga ng pera sa isang kurap. “Kahit ang halaga ng assets ng buong pamilya mo ay barya lang para sa'kin. “Interesado lang ako sa misteryosong lady ng Pagan family na bibigyan ako ng tsaa at lilinisin ang lapag ko! Ayun ang mas nakakakuntento!“Hindi kayang bilhin ng pera ang ganitong klase ng saya!”“Seventy million!”Mas lalong namula ang mukha ni Arlet. Nagngitngit a