Tinitigan ng blond na gangster sa harapan si Harvey York bago bumuga ng usok. “Sino ka? Bakit ka nandito?” malamig niyang tanong. “Nandito ka ba para magbayad ng protection fees?”“Harvey York ang pangalan ko. Nagmula ako sa Zimmer Enterprise,” magalang na sagot ni Harvey. “Nandito ako para magtanong tungkol sa utang na nagkakahalagang tatlompung milyong dolyar.”“Harvey York? Ang Zimmer Enterprise?“Ikaw ang live-in son-in-law?”Malinaw na inanunsyo na ni Lilian Yates ang lahat tungkol kay Harvey. Kung hindi, hindi malalaman ng mga gangster ang tungkol sa pagkatao niya bilang isang live-in son-in-law. Pumalakpak ang blond na gangster. Hindi nagtagal, dumagsa ang maraming tao sa kalye nang may hawak na mga batuta at tubo. Isang mukhang malumanay na lalaking naglalaro ng isang tali ng beads ang naglakad. Nakasuot siya ng mahabang balabal. Mukha siyang isang iskolar na may matinding intensyong pumatay mula sa mga mata niya. Ito ang CEO ng Newgate Chamber of Commerce
Bahagyang ngumiti si Kellan Ruiz bago niya iniunat ang kamay niya para sampalin si Harvey York sa mukha. Tap!Kaagad na sinalo ni Harvey ang kamay ni Kellan nang nakangiti. “Sinusubukan mo ba akong pagsamantalahan, CEO Ruiz?”“Pagsamantalahan?”Inalis ni Kellan ang kamay ni Harvey bago nagtatakang tumingin sa kanya. Hindi niya inasahang manlalaban si Harvey. “Sa panahong ito, ang malakas ang makakaligtas!“Kapangyarihan lang ang mananalo!“Mahina ka! Kaya dapat kang pagsamantalahan!“Mali ba ako?!”“Wag mong sayangin ang oras mo sa lalaking to, CEO Ruiz!”Malamig na tumawa si Westin Miller mula sa pangalawang palapag. “Baliin mo na lang ang binti niya! Gusto kong makita kung dadaldal pa siya pagkatapos!”Malinaw na galit na galit si Westin pagkatapos mapahiya siya ng regalo at kotse ni Harvey. Siya ang anak ng chairman ng Deepsky Corporation. Ang ama niya ay may bilyon-bilyong dolyar na assets…Pero bilang isang mayamang tagapagmana na may malaking reputasyon, napah
Kung sasabihing ang pagsampal ni Harvey York kay Kellan Ruiz ay dahil sa hindi siya handa…Kung ganun, sapat na ang isang dosenang lalaki na tumilapon para patunayan ang kakayahan ni Harvey. Sobrang nagulat ang aroganteng sina Westin at Harley Miller nang hindi makapaniwala ang mga mukha nila. “Ganun siya kagaling sa pakikipaglaban?!”“Paanong nangyari to?!”“Kaya pala di siya takot na pumunta rito nang mag-isa! Magaling kasi siya!”Nagkatinginan ang mayayamang tagapagmana pagkatapos nilang mapagtanto ang lakas ni Harvey. Namula ang mukha nilang lahat sa sandaling iyon. Lalo na't hindi lang pangkaraniwang tao ang mga lalaking pinagsasampal kanina. Lahat sila ay mga tao ng Newgate Chamber of Commerce!Pagkatapos nilang sanayin mismo ni Kellan, kayang lumaban ng mga taong ito sa sampung tao nang mag-isa!‘Paano silang naging ganito kahina?!’Hindi makapaniwala si Kellan sa nasaksihan ng dalawang mata niya. Bumangon siya mula sa lapag bago nagpakita ng matinding galit nang
’Tumawag ako ng kahit na sinong gusto ko?’Halos masuka ng dugo si Kellan Ruiz pagkatapos marinig ang mga saligang iyon. Siya ang madalas na magsasabi ng ganito bago niya tapak-tapakan ang suporta ng iba. Talagang sariwa ang pakiramdam na ito…Hindi niya inasahang babaliktad ang sitwasyon nang ganito. Napuno ng matinding poot si Kellan. Siya ang lalaking may hawak sa Newgate Chamber of Commerce, pero sa wakas ay nakahanap na siya ng katapat. Sobra siyang napoot. Pahiyang-pahiya siya. Gusto niyang magsalita para mabawi ang dangal niya…Pero alam niyang mapapahiya lang siya lalo kapag nagpasya siyang gawin iyon. Mabubugbog lang siya lalo. “Maghintay ka lang, bata! Hindi ko kailangan ang Heaven's Gate para tapusin ka!” malamig na sigaw ni Kellan. “Ang organisasyon ay may daan-daang brothers at isang dosenang eksperto!“Madali ka nilang mapapatumba!”Nagsimulang tumawag si Kellan sa sandaling ito. Natural na handa siyang tawagin ang buong organisasyon. Nahimasmas
Kaagad na nanumbalik ang tapang ni Kellan Ruiz pagkatapos makita ang suporta niya. Natural na mga talentadong personalidad ang mga taong iyon mula sa organisasyon na madalas lumalaban para palawakin ang teritoryo nila. Kumaway si Kellan hindi nagsasalita. Isa itong mabangis na eksena. “Sugod! Lumpuhin niyo ang h*yop na'to!” malamig niyang sigaw habang nakaturo kay Harvey York. “Ako ang aako ng responsibilidad kapag namatay siya!”Hindi nagsayang ng oras ang isandaang tao na kaladkarin ang mga bakal na tubo sa lapag habang sumugod sila kay Harvey. Bumuntong-hininga si Harvey. Tinawagan na niya sana sina Rachel Hardy o si Trey Bierstadt para tumulong kung alam niya lang na mangyayari ito.Lalo na't baduy para sa kanya na iligpit ang ilang mahihinang nilalang. Nagpakita ng pagkaawa si Harvey nang humakbang siya paharap bago inihampas ang likod ng kamay niya. Pak!Tumilapon si Kellan bago bumangga sa ilang dosenang tao sa likuran niya. Hindi nagtagal, sumigaw siya ulit sa
May naisip si Kellan Ruiz…‘Bilis lang ang paraan para magtagumpay!‘Masyado bang mabilis ang lalaking to na kaya niyang kalimutan ang bawat isang patakaran ng martial arts?!‘Imposible yun!‘Masyado pa siyang bata! Imposibleng may ganitong klase na siya ng kaalaman!‘Ang lahat ng mga taong nakagawa na nito ay mga God of War!‘At hindi rin ganito kabata ang mga God of War sa Country H!’Nag-isip sandali si Kellan bago naisip na baka isang King of Arms si Harvey York at mahihirapan niya siyang tapusin. Palihim niyang binunot ang phone niya para tumawag ng iba pang tao.‘Kung isa talaga siyang King of Arms, walang magagawa ang mga taong to!’Gulat na gulat sina Westin Miller at ang iba pa nang nakita nila ang eksena. Sa isipan nila, napalibutan at nabugbog na dapat si Harvey kahit na hindi siya mamatay. Hindi inasahan ng kahit na sino na ganito kagaling si Harvey. Natalo na niya halos kalahati sa mga tauhan rito nang wala mang masyadong hirap!Nakakatakot!“Paanong nan
Kalmadong humakbang si Harvey York paharap bago inihampas ang palad niya sa mga lalaking sumusugod sa kanya. Hindi kasing bangis ng mga sipa ang mga sampal, pero tumalsik pa rin ang mga tao sa kung saan-saan. Narinig ang mga nasasaktang sigaw sa buong lugar. Sa isang kurap, mabilis na napatumba ni Harvey ang mga natitirang tao. Nakahiga sa likuran niya ang mga tambak ng katawan. Nang sinampal ni Harvey ang huling tao, wala nang natirang nakatayo sa kanila. Sumenyas si Harvey gamit ng daliri niya sa harapan ni Kellan Ruiz nang mukha siyang nakakain ng ampalaya. “Halika pala. Pakitaan mo pa ako.”Sumuko kaagad si Kellan. “Wag… Wag kang lalapit!“Sugod! Kayong lahat!”Umatras si Kellan habang nanginginig nang matindi. Puno ng gulat, poot, at kawalan ng pag-asa ang ekspresyon niya. Sayang lang at hindi na siya kayang protektahan ng mga tauhan niya. Ang ilan sa kanila ay nawalan ng malay, pero mas marami sa kanila ang nawalan ng lakas ng loob na lumaban. Lalo na't
Hindi man lang alam ni Westin Miller kung anong mararamdaman niya sa sandaling ito. Binalak niyang gamitin ang lakas ni Kellan Ruiz para tapak-tapakan ang live-in son-in-law na nang-agaw sa babae niya…Hindi lang pumalpak ang planong iyon, sobra ring napahiya si Kellan. ‘Ako ang anak ng chairman ng Deepsky Corporation!‘Paanong nagkaganito ang lahat?! Pumasok ang poot sa isipan niya habang nagngitngit ang ngipin niya. “Ano naman kung kaya mong lumaban?!“Sa tingin mo kaya mong labanan ang isang billion-dollar corporation sa pamamagitan lang ng pakikipaglaban?!“Hindi mahalaga kung kaya mong lumaban! Hindi mo kayang manalo sa baril!”Pumihit ang sikmura ni Westin habang lalo niyang sinubukang pakalmahin ang sarili niya. Punong-puno ng paghanga at respeto ang mga babae nang tumingin sila kay Harvey York. Naramdaman ni Westin na kumirot ang puso niya at tuluyang siyang nadurog. “Hindi! Imposible to!” bulong niya sa sarili niya. Tinapakan ni Harvey ang mukha ni Kellan sa