Hindi maintindihan ni Dariel kung bakit ang isang taong mukhang isang ganap na talunan ay may karapatang makuha ang card ni Kairi sa unang lugar.Hindi siya sumuko, gayunpaman; inakala niyang kinuha ni Harvey ang card sa lupa para magpakitang gilas.Kinagat niya ang kanyang mga ngipin, at pagkatapos ay tumawag. Nanginig agad ang katawan niya pagkatapos.Isa lang ang sinabi ni Kairi...Na, matalik niyang kaibigan si Harvey.Ang mga simpleng salitang iyon ay sapat na para paikutin ang ulo ni Dariel. Ang natitira sa kanyang pag asa ay agad na nadurog.Ibinaba niya ang tawag, saka walang pagdadalawang isip na ibinagsak ang kanyang mga tuhod sa lupa.Nataranta ang karamihan.Ang lahat ay napuno ng kawalang-paniwala sa nakita; wala silang ideya kung ano ang nangyari.‘Paano nakaluhod ang isang talunan na katulad niya?’"I'm sorry, Sir York! Sorry talaga!"“Ako ay ignorante! Pakawalan mo na ako!”“Pakiusap!”“Kasalanan ko ang lahat ng ito!”Ilang beses na sinampal ni Dariel ang
Pagkatapos makitang lumuhod si Dariel sa lapag, pinagsasampal ang sarili sa mukha, at magmakaawa…Biglang natulala ang madla sa gulat at nahirapan silang huminga. Tumingin ang lahat kay Harvey nang may nagtataka at naiilang na ekspresyon. Noong una, inakala nilang isa lang siyang walang kwentang basurang madudurog sa isang kurap. Inisip nilang mawawala ang buhay niya kasama ng babaeng mahal niya…Pero walang nakaisip na magagawa niyang bastusin ang lahat nang ganito kadali. Nasa lapag na si Dariel, halos sa puntong tatahol na siya na parang aso. Isa itong kakaibang eksena!Sobrang natakot ang magandang waitress na napakayabang kanina at hindi siya nagtangkang magwala. Hindi siya makapaniwalang matatakot nang ganito si Dariel sa isang probinsyano. ‘Anong nangyari?’‘Anong ibig sabihin ng card na yun?’‘May karapatan talaga siyang paluhurin si Daniel?’Namula ang mukha ni Mandy at tumingin siya sa mga tao sa paligid niya. “Ayos lang yun, Harvey. Humingi naman na siy
Tumingin si Harvey kay Dariel, pagkatapos ay tumawa. “Yun lang yun?”Nanigas si Dariel habang nagngitngit ang ngipin niya. “Heto ang isang Porsche, sir. Nakuha ko to kahapon,” tahimik niyang dagdag habang nilagay ang susi ng kotse sa gift box. “Wala siguro kayong kotse ngayong kararating niyo lang rito…”“Kunin niyo to. Hindi niyo kailangang mahiya.”“At saka heto ang phone number ko! Tawagan niyo lang ako kung kailangan niyo ko. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para makatulong, kahit na sabihin mong maglinis ako ng banyo o magwalis ako ng kalsada!”Nagmadaling nilagay ni Dariel ang mga regalo sa mga kamay ni Harvey bago tumakbo paalis sa lugar sa pinakamabilis na magagawa niya. Ngumiti si Harvey habang tinignan niya ang mga regalo at tahimik itong tinanggap…Pero sa sandaling binuksan niya ang kahon, kuminang kaagad ang mga mata niya. Hindi na niya kailangang bumili ng regalo; maganda ito!Pagkatapos ay minaneho niya ang bago niyang Porsche papunta sa isang Western
Si Westin ay kaklase ni Xynthia sa university. Gayunpaman, maingat siya noon at hindi masyadong lumapit sa kanya. Nang nakarating siya sa Golden Sands, nagkataong dito ginaganap ang birthday banquet ni Xynthia. Pagkatapos matanggap ang imbitasyon, alam ni Westin na dumating na ang pagkakataon niya. Kung kaya't plinano niyang makuha ang babaeng pinapangarap niya. Pagkatapos nito, kasaysayan na ang lahat. Kampante siyang napangiti sa mga sigaw at hiyawan sa paligid. Sigurado si Westin na walang babaeng kayang makatiis sa ganitong romantikong eksena, lalo na pagkatapos ipagyabang ang matindi niyang kayamanan. Kahit si Xynthia na mukhang nagmula sa isa sa top ten families ay hindi makakatanggi sa ganitong engrandeng proposal. “May gusto akong sabihin sa'yo simula pa noong magkaklase tayo sa university, Xynthia…”Hawak ni Westin ang isang bouquet ng roses sa harapan ni Xynthia nang may determinadong ekspresyon sa mukha niya. “May ibang plano ang tadhana. Nang may sasabih
”Salamat sa lahat ng ginawa mo, Westin.”Gayunpaman, kasing lamig ng yelo ang mukha ni Xynthia. Sobra niyang kinaaayawan ang mga taong tumatrato sa kanya nang ganito, at iyan ang pinakaayaw niya sa lahat. Pakiramdam niya ay pinipilit nila siya. At ito pa nga ang mismong birthday banquet niya. Wala siyang oras na bigyan ng kahit kaunting respeto si Westin. “Dapat binibigay mo ang lahat ng to sa taong mahal mo.”Maingat na nagsalita si Xynthia; sinusubukan niyang hindi bigyan si Westin ng pagkakataong sumagot. “Mayroon nang nilalaman ang puso ko.”“Hindi tayo pwedeng magsama.”Isa nga talagang disenteng lalaki si Westin. Matangkad at gwapo rin siya…Gayunpaman, mayroon nang ibang mahal si Xynthia; wala na siyang espasyo para sa kahit na sino. Nagbago kaagad ang ekspresyon ng kapatid ni Westin. “Xynthia! Hindi mo pwedeng sabihin yan dahil lang nahihiya ka.”“Nakapila ang mga babaeng may gusto sa kapatid ko hanggang Mordu!”“Kapag pinalampas mo to, hindi ka na makakakuha
Kumunot ang noo ni Harvey na nanonood at humakbang paharap. Tinanggihan ni Xynthia ang pag-ibig ni Westin, pero pinipilit pa rin siyang tanggapin ito. Bilang brother-in-law niya, hindi ito pwedeng hayaan na lang na nangyari ni Harvey. Sa sandaling humakbang siya paharap, lumapit sa kanya ang mga lalaking nakasuit na humarang kanina kay Xynthia. Tinitigan ng six-feet-two na lalaki si Harvey bago malamig na nagsabing, “Hindi mo ba nakikitang dinedeklara ni Mr. Miller ang pag-ibig niya?”“Hindi pwedeng pumasok ang mga estranghero rito!”Tinulak ng lalaki si Harvey at pinalayas siya. “Kapatid ko si Xynthia. Anong karapatan mong hindi ako papasukin?” suminghal si Harvey .“Kapatid?”Tumawa ang lalaki. “Wala akong pakialam kung sino ka, pero hindi ka pa rin pwedeng pumasok!”“Hangga't sa hindi nakukuha ni Mr. Miller ang gusto niya, si walang pwedeng manggulo sa palabas niya…”Naningkit ang mga mata ni Harvey. “Tabi,” malamig niyang utos. “Oh? Galit ka?”“Mukhang hindi
”Hindi ako tatayo hangga't di ka umooo!”Nakalapat nang maigi ang tuhod ni Westin sa lapag. Mayroon siyang tapat at malambing na ekspresyon sa mukha niya, na para bang gagawin niya ang kahit na ano para sa pag-ibig. Para bang iuuntog niya ang ulo niya sa lapag kapag hindi tinanggap ni Xynthia ang proposal niya. “Tanggapin mo na ang proposal niya, Xynthia! Ano pa bang hinihintay mo?”“Oo nga! Kanina pa nakaluhod si Mr. Miller! Paano kung mabasag ang tuhod niya?”“Wala ka bang kahihiyan? Bakit nagpapatagal ka pa?”“Ikaw ba ang aako ng responsibilidad kapag nasaktan si Mr. Miller nang dahil sa'yo?!”“Isipin mo ang sitwasyon! Tama na yan!”Pinapagalitan at sinisigawan ng lahat ng mga babae si Xynthia. Iniisip nilang isa lang siyang ignoranteng bata. ‘Isang malaking karangalan na mag-propose si Mr. Miller sa kanya!’‘Ang lakas ng loob niyang tanggihan siya?!’Kung silang mga babae ang nagustuhan niya, baka inihanda na nila ang mga katawan nila!Pagkatapos ng lahat ng sigawa
”Oh? Hindi naman siguro ito ang taong mahal mo, ano?”“Napakasimple niyang tignan!”“Probinsyano lang siya! Sigurado ako diyan!”“Maganda ka, Xynthia. Dapat maghanap ka ng taong nababagay sa'yo!”“Bakit mo ibababa ang sarili mo para makasama ang isang walang kwentang probinsyanong kagaya niya?”“Magdurusa ka habangbuhay kasama ng basurang to! Hindi ka magiging masaya!”“Oo nga! Isang gwapo at mayamang lalaki si Mr. Miller! Mahal na mahal ka rin niya! Dapat matuwa ka!”Nagtsitsismisan ang madla; natural na ginagawa nila ang lahat para ipagtanggol si Westin. Lalo na't ang pagmamahal sa kayabangan ay likas na sa mundo sa panahong ito. Tinitigan nang masama ng magagandang babae si Harvey. ‘Ang lakas ng loob ng lalaking tong labanan si Westin para sa isang babae?!’‘Alam ba niya ang limitasyon niya?’Pagkatapos makita ang isang kung sinong estranghero na nakikipaglambingan kay Xynthia, namuhi ang titig ni Westin. Kaagad siyang bumunot ng isang tseke at nagsulat ng ilang num