Pagkatapos magdalawang-isip magdamag, sa wakas ay nagpasya si Ellen na hindi na magpigil dahil hindi naman pinahalagahan ni Harvey ang mga pabor na binigay niya.Maaga kinabukasan, dinala niya si Eden at isang malaking grupo ng tao sa ni-renovate na store para tignan kung wala na ba sila Harvey doon.Maliban sa mga produkto at materyales, naroon pa rin ang lahat ng iba pang bagay. Medyo nainis si Ellen nang nakita niya iyon. Pagkatapos nito, napansin nila ang isang maliit na tindahan sa tabi ng office building. "Huh? Tignan mo roon! Mukhang nagtayo ng bagong store si Harvey York.""Nagbebenta siguro siya ng pekeng produkto!""Napakaliit ng pwestong yan, at tatlompung taon na nang huling ni-renovate yan. Itim din ang mga pader nito!""Kahit ang store na ni-renovate ni Ellen ay mas mababa kumpara sa store ng Cobb family, paano pa kaya to?!""Hindi kaya nabaliw siya pagkatapos ng lahat ng pagdurusang iyon? Bakit siya magbubukas ng ganitong store?""Sigurado ka bang ginagamit mo
Dahan-dahang naglakad si Noemi papunta kay Harvey at tumingin sa kanya nang may masungit na ekspresyon. Natural na alam niya ang lahat ng nangyari kahapon; kabilang na ang pagbabalikan nina Ellen at Eden.Para sa anak niya, ito ang pinakamagandang lugar na nababagay sa kanya. Hindi lang nandito si Noemi para bastusin si Harvey, nandito rin siya para ipagtanggol sina Ellen at Eden. "Kumusta, Harvey?""Ngayon, pinagsisisihan mo na bang hindi ka nakinig sa mga babala ko?""Kung wala ka sanang motibo sa umpisa pa lang—kung di mo sana sinubukang pagsamantalahan ang anak ko para umakyat, baka maging tauhan ka na niya ngayon.""Hindi mo kakailanganing umalis sa store at makukuha mo siguro ang lahat ng suporta ng Moreno family.""Sayang lang at naunahan ka ng kasakiman mo. Lahat lang ng iniisip mo ay umakyat ang katayuan mo!" Lumapit ang eleganteng mukha ni Noemi kay Harvey habang bumulong siya, "Huli na para magsisi ka ngayon.""Wala ka nang kinalaman ngayon sa high-end office b
"Mangmang?"Habang nakatingin sa nakakaakit na babae sa harapan niya, ngumiti si Harvey nang bahagya. "CEO Moreno, laging hindi napapansin ng mga tao ang mga bagay na lingid sa kaalaman nila." "Ang lakas mo magsalita ngayon, pero hindi ka ba natatakot na baka mapahiya ka na naman tulad nitong nakaraan?" "Hindi mo ba naiintindihan ma ang bisa ng mga gamot ang dahilan kung bakit ito mabenta?" "Ang mga ginagawa ng Cobb family ngayon ay wala sa kalingkingan ng halos lahat ng medisina sa market ngayon." "Tingin mo ba mahirap para sa akin ang durugin ang ganyang negosyo?" "Siguro ang oras ng pagbukas ko ng negosyo na ang oras kung kailan magiging isang alamat ang negosyo ko!""Heh, heh, heh! Hanga ako sa kamangmangan mo, Harvey." Mukhang nanghahamak si Noemi at humalukipkip, naiipit ang kanyang magandang dibdib. "Medyo bihasa ka—may ilang pakulo ka pa pero hindi ibig-sabihin niyan na may alam ka sa negosyo." "Talagang dapat bumili ka na ng kahit kaunting flower basket. Na
Hindi pinansin ni Harvey sila Noemi, at basta lang siya umalis pagkatapos bigyan ng panuto ang mga trabahador. Ang kaganapang ito ay tungkol kay Katy, kaya napagpasyahan niyang pumunta sa pansamantalang tinutuluyan nito. Si Julian ang naghanda ng villa na matatagpuan sa labas ng siyudad. Hindi lamang si Katy; si Dean, na lubusang mahina pa rin, ay nagpapahinga rin dito. Maraming security guard ang nakabantay sa lugar na iyon. Kaya napanatag si Harvey dito. Pagkatapos tumungo sa bulwagan, nakita ni Harvey si Katy na masayang humuhuni habang naghihiwa ng gulay sa kusina. Naningkit ang mata ni Harvey sa nakita niya; hindi niya inakalang makikita niya ang mabagsik na pinuno ng South Sea Gang ay aasal na parang isang babae. Habang lumulubog ang araw, ang kanyang elegante at magandang katawan ay makikita; kahit sinong lalaki ay hindi magdadalawang-isip na yakapin ito. Suminghal si Harvey para pigilan ang kabog ng kanyang dibdib, at kumatok sa marmol na pader. "Nandito ka na
"Sabi ng mga tao sa labas isa raw akong pasensyosong babae, pero mukhang mas angat ka sa akin ngayon," sinabi ni Katy. Ngumiti si Harvey ngunit hindi siya nagsalita. Hindi niya masabing sanay na siya sa buhay niya kasama ang Zimmer family sa loob ng tatlong taon. "Sige, huwag na muna nating pag-usapan si Ellen ngayon." Mukhang natuwa si Harvey pagkatapos kumain ng curry. "Sa totoo, nagkakilala lang naman kami dahil sa'yo.""Tingin ng lahat gusto ko lang umangat kaya ginagamit ko siya, pero alam kong ikaw ang pinakanakakaalam ng katotohanan.""Akala ko magkakaroon ako ng kaibigan dito, pero mukhang kabaligtaran pala." Ngumiti nang malungkot si Harvey; medyo nadismaya siya. Parang naging ibang tao si Ellen pagkatapos ng lahat ng nangyari; hindi niya inasahang mangyayari ang ganito. Naging abo ang pagkakaibigan nila sa loob lamang ng ilang araw: hindi malabong sabihing magkalaban na sila ngayon. Planaso ni Eden at Noemi ang lahat ng ito, pero sa huli, sadyang hindi nag
Bam!Habang tulala pa si Katy, bumukas ang bintana ng bulwagan. Hindi nagtagal ay tumalon papasok ang isang anino. Nagpaputok ng baril ang anino sa direksyon ni Harvey at Katy.Bang, bang, bang!Sabay-sabay na tumalbog ang anim na bala, pinipigilan ang dalawa na umalis. Kaagad na tinulak ni Harvey si Katy at tinakpan ito. Kasabay nito, gumulong siya sa sahig at dinampot ang isang kutsilyo at binato ito nang diretso. Narinig ang tunog ng bakal, at hinawi ng anino ang baril nito paharap para salagin ang kutsilyo. Tumusok ang kutsilyo sa kusina. Nanigas sandali ang mamamatay-tao habang nanginginig ang kamay. Makikita na nang malinaw ang itsura ng taong ito. Isa itong maliit na taong nakasuot ng uniporme at face mask; kahit gaano siya tingnan ng kahit sino, mukha itong isang karaniwang estudyante. Gayunpaman, maliksi ang mga kilos nito at nakamamatay ang mga atake. Ang kalmadong ekspresyon ni Harvey ay sapat na para mapahinto ang mamamatay-tao. Pinili niya ang pi
Hinubad ni Harvey ang maskara ng mamamatay-tao at tinanggal ang sako ng lason sa bibig nito. Pagkatapos ay kaagad niyang sinipa palayo ang baril nito nang walang alinlangan.Isang mukhang inosente ang makikita.Mukhang nasa dalawampung taon mahigit na ang mamamatay-tao; maganda ang mukha nito, ngunit makikita ang pagmamatigas sa mga mata nito.Tinitigan nito nang masama si Harvey.Pagkatapos mapagtantong wala na siyang pagkakataon kahit patayin ang kanyang sarili, tinitigan na lang niya nang masama si Harvey.“Magsalita ka. Sino ka? Sinong nagpadala sa’yo?” tanong ni Harvey habang nakatitig nang nanghuhusga.Hindi nagsalita ang babae; tumingin lang ito palayo na parang wala itong pake sa ginawa ni Harvey sa kanya.Lumapit si Katy habang nakangiting nakatitig nang masama sa babae.“Kung tama ang hula ko, siguro mula ka sa kilalang killer-organization ng South Sea—ang Royal Palace.”“Nagpunta ka rito para patayin ako, hindi si Harvey.”Kusang napatingin kay Katy ang babae bago
Natawa si Katy nang mahalata siya ni Harvey nang tuluyan.“Bakit hindi mo hulaan kung bakit ko naisip na ipadala siya sa police station sa halip na patayin siya?”“Pinadala mo siya sa ospital kasama ang mga pulis sa dalawang dahilan…” sagot ni Harvey.“Una, gusto mong malaman ng Cobb family na nabigo ang plano nila. Gusto mong mataranta sila.” “Pangalawa, gusto mong kalabanin sila ng Royal Palace.” “Kahit gaano kalaki ang bayad sa kanila, malinaw naman siguro kung anong kalalabasan kapag nalaman nilang pinagtaksilan sila.” “Napakagaling mo para maisip bigla ang planong ‘yan. Two birds in one stone, tulad ng sabi nila.” “Gayunpaman, medyo delikado rin ito. Sasabihan ko si Julian na magpadala ng mas maraming expert para panatilihin kang ligtas.”Tumango si Katy.Binaligtad niya ang sitwasyon laban sa Cobb family, ngunit walang nakakaalam kung anong pakulo ang gagawin ng mga ito pagkatapos nito.…Kasabay nito, sa bakuran ng Cobb family.Sa loob ng tahimik na meeting room,