"Binigyan mo siya ng pagkakataon, pero hindi niya to pinahalagahan!"Hindi niya ko tinawagan! Hindi man lang niya ako binigyan ng kahit isang regalo! "Basura siya! Babaero lang siya!"Hinding-hindi ko bibigyan ng isa pang pagkakataon ang lalaking ito! "Sino ba siya sa tingin niya?! Ang alam niya lang gawin ay saktan ako!"Kinagat ni Ellen Moreno ang labi niya. Sa sandaling ito, punong-puno siya ng pagkamuhi. Nanginginig sa takot ang lahat ng security guards nang nakita nilang gumiwang si Ellen na para bang malalaglag siya anomang sandali ngayon. Lalo na't masyadong maraming taong kailangang maging responsable para sa sitwasyon. "Wag!" sabay-sabay na sigaw ng security guards. "Hindi mo pwedeng gawin yan, Ellen. Ano na lang ang gagawin ko pag wala ka?" mabilis na sabi ni Harvey York pagkatapos sumugod paharap. "Hindi mo naman nakalimutan, di ba? Hindi lang ako boyfriend mo, fiance mo rin ako!"Hindi ka pwedeng tumalon para sa ibang lalaki sa harapan ko!""Ano?!"May k
“Aaah!”"Hindi!"Sumigaw sa takot ang security guards. Nakikita na nila ang imahe ng isang magandang dalaga na maging giniling. Swoosh!Kaagad na kumilos ang katawan ni Harvey York! Mabilis siyang pumadyak sa lapag bago niya pinasugod ang sarili niya paharap na parang isang palasyo! Halos makita ang isang anino niya. Mukha itong special effect na makikita lang sa pelikula! Nang ipipikit na ni Ellen Moreno ang mga mata niya at tatanggapin na niya ang kapalaran niya, kaagad siyang pinahinto ng isang mahigpit na hawak at nanatili siya sa kinatatayuan niya. Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Kaagad na napanganga ang security guards. Hindi sila makapagsalita kahit kaunti dahil sa gulat na kailangan nilang lunukin. Kaagad na nanginig si Ellen pagkatapos malagay sa bingit ng kamatayan. Gising na gising na siya sa puntong iyon. Tumingin siya sa likuran niya nang may takot na takot na ekspresyon, bago tumingin pabalik kay Harvey. "Salamat, Harvey!"Hindi siya tanga. Al
Sa isip ni Harvey, gusto niya itong bilhin para maiwasan na magkaroon pa ng problema. Ngunit laging pinipilit ni Ellen Moreno na pagmamay-ari na ni Harvey ang mga gamit niya at gusto niyang bumawi dito sa pagsagip ng kanyang buhay. Kasabay ng katotohanang kaibigan siya ni Katy Cobb at kinakalaban nila ang Cobb family, natural lamang na kumikos siya. Dito natuklasan ni Harvey na si Eden Cobb ay ang dating kasintahan ni Ellen. Habang nagugulat si Harvey sa liit ng mundong kinatatayuan niya, umupo siya habang nangyayari ang mga bagay. Ang pundasyon ng tindahan ay mabilis na nabuo. Hanggat magpapatuloy ang paggawa ng medisina, patuloy nang tatakbo ang negosyo. Ang negosyo ng Cobb family ay nasa kabila ng kanto. Kung titingnan ito, mukhang gugunitain na nito ang anibersaryo nito. Kung mabilis ang pagpapaayos ng tindahan ni Ellen, makakahabol na dito ang negosyo ni Katy. Kumalat ang balita sa sandaling ilagay ang paskil ng tindahan. Nagulat nang sobra sila Grandma Cobb. "An
"Balita ko nakatakas rin si Harvey York sa police station dahil sa kanya."Siguro ginagawa niya ang lahat ng ito para maghiganti sa akin."Pagkatapos ay pinakita ni Eden Cobb ang ilang larawan ng mga kaibigan niya sa kanyang phone. Tinuro niya ang larawang kinuha ni Ellen Moreno para patunayang tama siya. "Kaya pala. Bahagyang gumaan ang pakiramdam ni Grandma Cobb. "Hindi naman sa gusto kitang bulabugin dito, Eden… "Anak sa labas lang ang batang 'yun, pero mula pa rin siya sa Moreno family!"Kapag kumampi siya kay Harvey, mahihirapan tayo kapag tinulungan nila ang walang utang na loob na apo ko laban sa atin! "Hindi tayo pwedeng magpabaya!"Kung kakampi nila si Ellen, madadagdagan na naman ang problema natin kapag sumikay ang tindahan nila! "Ang pinakamadaling paraan ay ang patumbahin na sila bago pa sila lumakas!" Naging seryoso ang mukha ni Grandma Cobb. Pinag-isipan ni Eden ang sitwasyon. "Sinasabi mo bang…" Naningkit ang mata ni Grandma Cobb kay Eden. "A
"Salamat dito, Ellen.Inabutan ni Harvey York ng sigarilyo ang mga manggagawa bago ngitian si Ellen Moreno, na nagagalak na nangunguna bilang temporary supervisor, suot ang isang maliit na vest. "Hindi kaagad na maitatayo ang store kung wala ka, Ellen," sinabi ni Harvey habang inaabot ang isang bote ng soda. "Butu alam mo 'yan. Kung ganoon dapat pakainin mo ako? Itinaas ni Ellen ang tingin niya bago tumingin sa flagship store. "Kapag napasaya mo ako, kukuha ako ng ilang billboard para sa'yo! Siguradong lalaki ang store!" Natawa si Harvey. "Syempre, kailangan kitang pakainin. "Gayunpaman, kaya ko nang asikasuhin ang advertising nang mag-isi!"Nauunawaan ni Harvey ang hinanakit ni Ellen kay Eden. Natural para sa isang young master ng Cobb family at isang lady ng Moreno family na magsama. Walang masabi si Harvey sa ugali ni Eden, ngunit malaya si Ellen na pumili ng lalaki. Brrr brrr brrr!Biglang tumunog ang phone ni Ellen. Pagkatapos damputin ang phone sandali, k
Pagkatapos itong tingnan nang maigi, nakita ni Harvey York si Noemi Moreno na nakatayo sa gitna ng mga taong ito. Suot niya ang isang magarbong damit na nagpapakita ng kanyang maputla at manipis na binti. Nakakaakit itong tingnan. Kasabay ng mga kakaiba at makukulay na mga taong nagtitipon na parang mga hinog na prutas… Hindi mapigilang mapatingin ang mga tao dito. Sayang lang at walang nagtatapang na lumapit. Higit sa lahat, ang second lady ng Moreno family ay isang kilalang tao. Hindi siya mahahawakan ng mga karaniwang tao. Kahit ang ilang mga prinsipe at young master ay nabigla dito. Ang babaeng iyon ay parang isang rosas… Mukhang napakaganda niya, ngunit lumalabas ang mga tinik niya kapag may lumalapit. Nang walang matinding tiwala sa sarili, sino pang magtatapang na gawin 'yan? "Ma!"Tumalon si Ellen Moreno palapit sa kanya. "Hello, everyone," magalang niyang bati. "Nandito ka na." Tinuro ni Noemi ang isang upuan nang hindi man lang tumitingin kay Ellen.
Medyo nabahala si Ellen Moreno. Alam niyang kinamumuhian ng nanay niya ang mga taong tulad ni Harvey York…Ngunit siya ang nagdala sa kanya dito sa simula pa lang. Napakabastos na iwan ni Noemi Moreno si Harvey nang ganito. Gayunpaman, walang paraan si Ellen na magsalita sa ganitong okasyon. Makalipas ang sampung minuto, natapos na ang usapan. Ngumiti nang bahagya si Noemi nang tingnan niya si Harvey. Pagkatapos tingnan ang Cartier Balloon Blue na relo sa kanyang braso, naningkit ang mata niya kay Harvey nang mukhang nang-aasar. Tiningnan rin siya ng iba nang mapanghamak. "Nagawa kong matukoy ang problema sa katawan ko dahil sa'yo. "Pinapasalamatan kita para dito," kalmadong nagpasalamat si Noemi. Umaasta siya na parang hindi naman malaking bagay ang naging problema niya sa baga. Natural lamang ito. Sa katayuan ng pamilya niya, madali lang sa kanyang magpagamoy basta hindi niya pahirapan ang kanyang sarili. Tingin niya maswerte lang si Harvey. Naniniwala rin siyang
Pagkatapos makita ang ngiti ni Noemi Moreno, ang card na may halimuyak, at ang mga taong mukhang nang-aasar… Tumawa lamang si Harvey York. Dinala lamang siya dito para ihiwalay kay Ellen. Gayunpaman, wala naman siyang balak na maging kasintahan nito. Nagkataon lamang na naging magkaibigan sila. Pumunta lamang siya dito para magpasalamat kay Ellen sa lahat ng ginawa niya nitong nakaraang mga araw. Balak ni Harvey na magpasalamat kay Noemi nang personal. Sasabihan na rin sana niya si Ray Hart na itrato siya nang maayos… Ngunit matapos makita ang ganito kasamang ugali, hindi niya mapigilang kumunot ang noo. Sa katotohanan, ayos lang kay Harvey ang mga sinabi ni Noemi. Higit sa lahat, hindi naman sila magkasintahan ni Ellen sa simula pa lang. Ang kailangan lang niyang gawin ay ipaliwanag ang buong sitwasyon. Gayunpaman, sumama ang loob niya nang makita niya ang mukha ni Noemi, na para bang sinusubukan nitong itaboy ang isang lalaking palamunin. Paglingon niya, kaagad na